Beranda / Romance / Ex-wife Return: Love Me Again / Look like a real family

Share

Look like a real family

Penulis: Shea.anne
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-12 01:23:38

Nang bumalik siya sa kwarto, pasado alas-nuwebe na ng gabi.

Pagkatapos maglaro ng taguan, tumakbo nang tumakbo sina Dale at Dane kaya pawis na pawis ang dalawa.

Pagkarating nila, agad na pinapasok ni Avigail ang dalawa sa banyo para maligo.

Paminsan-minsan, naririnig ang tawanan at kulitan nila mula sa loob ng banyo.

Si Skylei naman ay nakaupo sa kama, nakatitig sa pinto ng banyo na puno ng pagkainggit ang kanyang mga mata.

Noong nakatira pa siya sa bahay ng magandang tita niya, ang tita niya ang madalas magpaligo sa kanya. Pero nang bumalik siya sa bahay ng kanyang ama, si Lola Susan na ang gumagawa nito.

Naalala pa niya kung gaano kabait ang kanyang tita kapag pinapaliguan siya, at kung gaano kabango ang ginagamit nitong sabon.

Tiningnan ni Dominic ang mukha ng bata na puno ng pag-asa, at nakaramdam siya ng halo-halong emosyon.

Hindi maikakaila, sobrang malapit ni Skylei kay Avigail.

O baka naman talaga ganoon kalakas ang koneksyon sa pagitan ng mag-ina?

Makalipas ang ila
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ex-wife Return: Love Me Again   How come

    Kinabahan din si Dale nang marinig ang boses ng kanyang kuya. Paano kung malaman ni Mommy na matagal na naming alam kung sino ang daddy namin, pero itinago lang namin sa kanya? Magagalit kaya siya?Sa totoo lang, hindi man lang pumasok sa isip ni Avigail ang posibilidad na 'yon. Kahit kanina lang ay iniisip pa niya kung dapat na ba niyang sabihin sa mga bata ang totoo tungkol sa pinagmulan nila, agad siyang natauhan nang marinig ang boses ni Dane.Hindi pa siya handa. Sa isip na ‘yon, kinurot ni Avigail ang sarili para bumalik sa ulirat at mahinahong tumingin kay Dominic. “Pwede mo nang ibigay si Dane sa akin. Baka natakot siya.”Lumapit si Avigail kay Dominic at inabot sa kanya si Skylie. “Siguro miss na miss na rin ni Skylie ang daddy niya.”Napakunot-noo si Dominic habang pinagmamasdan si Avigail. Parang ang iba ng kilos niya ngayon.Pero hindi na niya masyadong inisip pa iyon at iniabot kay Avigail si Dane. Napansin ni Skylie na nawala siya sa yakap ni Avigail kaya agad siyang nag

  • Ex-wife Return: Love Me Again   DADDY

    Bumalong ang selos sa dibdib ni Jake. Ang akala niya, tumawag si Avigail dahil may napansin itong kakaiba tungkol sa sunog. Hindi niya inasahang ganito pala ang dahilan.Ang dami ko nang ginawa, pero ni hindi pa rin ako kayang tingnan ni Avigail! Kung ganun, ayos lang—matuto siya sa leksyon!Dahil sa isipang ‘yon, sinadya ni Jake na bagalan ang kilos at gumawa ng kaunting mga pagkakamali.Alam niyang sabik si Avigail na matulungan ang mga pasyenteng may impeksiyon, kaya sinadya niyang patagalin ang proseso. Gusto niyang iparamdam kay Avigail ang kahalagahan ng pagtitiwala sa tunay na mga propesyonal sa ganitong mga sitwasyon.Halimbawa na lang, mas bihasa siya sa mga halamang gamot kaysa kay Dominic!“Hindi pa ba tapos?” tanong ni Dominic habang sinusulyapan ang orasan, ang noo niya’y bahagyang nakakunot.Tiningala siya ni Jake na walang emosyon sa mukha. “Kailangan kasing eksakto ang dami ng halamang gamot. Kailangan ingat na ingat sa pag-sukat.”Napilitang pigilan ni Dominic ang pag

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Bacterial infection

    Halos mapaniwala na si Avigail sa suhestiyon nito, pero may kaunting pag-aalinlangan pa rin sa kanya.Hindi naman kasi kabilang si Dominic sa larangan ng medisina. Marami siyang halamang gamot na hindi kilala, at bukod pa ro’n, kailangan din niya ng eksaktong dosage.Hindi niya kayang isugal ang magiging epekto kung sakaling mali ang sukatan.Nakapasok na si Dominic sa loob ng sasakyan at pinaandar na ito. “Pupunta na ako sa research institute. Tatawagan kita pagdating ko ro’n, kaya isipin mo na kung anong mga halamang gamot ang kailangan mo.”Hindi na siya naghintay ng sagot at binaba na ang tawag, sabay dial kay Henry. “Mr. Villafuerte, nasaan po kayo? Naghihintay na po ang meeting...”Napapikit na lang si Henry sa inaasahang sakit ng ulo nang umalis si Dominic na hindi man lang lumingon, habang naiwan ang mga executives sa loob ng conference room.Utos ni Dominic, “May mas importanteng nangyari. Kanselado ang meeting. Pwede na silang umalis.”Agad na sumang-ayon si Henry at pumasok

  • Ex-wife Return: Love Me Again   I'll Be there

    Wala nang panahon para magpaliwanag. Ayaw din niyang makaabala pa lalo sa mga kaibigan niya.Ngayon na wala siyang matatakbuhan, unti-unting kumakalat ang kaba sa dibdib niya.Samantala, tahimik na pinagmamasdan ni Dane ang gilid ng mukha ng ina. Naalala niya ang dalawang tawag nito kanina. Kahit wala siyang narinig, parang nahulaan na niya ang sitwasyon nila ngayon.Siguradong humingi si Mommy ng tulong, pero walang sumagot o walang makakatulong.Dahil sa naiisip, biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Dane. “Daddy...” tawag ni Skylie, halos wala na sa wisyo sa sakit, instinct na lang ang nagtulak sa kanya para maghanap ng comfort.Narinig ni Dane ang tinig ng kapatid, at may biglang pumasok na ideya sa isip niya. Palihim siyang tumingin kay Avigail na nasa labas pa rin ng kotse. Kita niya ang lalim ng kunot sa noo nito.Ilang saglit pa, inalis niya ang tingin at tinawagan si Dominic gamit ang kanyang smartwatch.Sa Villafuerte Group, kasalukuyang nasa conference room si Dominic, w

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Accident

    Sa isang iglap, para bang nawalan ng lakas si Skylie at isinubsob ang sarili sa dibdib ni Avigail, mahigpit na yumakap, parang kuting na naghahanap ng init.Napapikit si Avigail, ramdam ang sakit na pilit ikinukubli ng bata. Nang dumilat siya, agad niyang tiningnan si Dale.Nag-angat ng tingin si Dale at pilit na ngumiti. “Okay lang po ako, Mommy.”Hinaplos niya ang ulo nito habang sinasabi, “Kahit ikaw. Hindi mo kailangan magpakatatag palagi para sa akin.”Pagkatapos noon, niyakap din niya si Dale gamit ang isang braso.“Babalik na tayo ng siyudad ngayon. Medyo matagal ang biyahe. Sabihin niyo agad kung may nararamdaman kayo. Huwag niyong kimkimin.”Tumango ang mga bata na parang maliliit na sundalong sumusunod sa utos.Paglabas nila ng tent, wala nang oras para mag-empake pa.Ang tanging bilin lang ni Avigail kay Dane ay kunin ang mga halamang gamot na nakuha niya kanina, at agad na silang sumakay sa sasakyan pauwi sa siyudad.Ngunit pag-andar pa lang niya, agad nang sumagi ang pags

  • Ex-wife Return: Love Me Again   For the Meantime

    Noong una, akala ni Avigail ay hindi nila kakailanganin ang mga gamit na iyon. Sino’ng mag-aakala na ’yon pala mismo ang makakapagligtas sa buhay ng mga bata?Pagkakita niya sa maliit na palayok na inihanda ni Dominic para kay Skylie, lumabas na agad si Avigail mula sa tent.Hindi na siya nag-aksaya ng oras—naglagay siya ng tubig sa palayok at inilagay ang mga halamang gamot at dalawang dahon bago sinimulang pakuluan ang timpla.Habang hinihintay na maluto ang gamot, bumalik si Avigail sa loob ng tent at binuhat sina Dale at Skylie papasok. Sa sobrang sakit, wala nang buhay ang mga mata ng mga bata at basang-basa na ng pawis ang kanilang noo.Tinakpan ni Avigail ng ilang pirasong damit ang dalawa bago marahang hinaplos ang ulo nila at bulong, “Konting tiis na lang, giginhawa na rin kayo.”Bahagya lang tumango sina Dale at Skylie, pero hindi na nila kayang magsalita.Pagkatapos maayos ang dalawa, tumayo si Avigail at muling lumabas ng tent.Paglabas niya, agad niyang naramdaman ang pag

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status