Share

Chapter 59

Penulis: Anoushka
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-30 19:40:29

Pagkalabas pa lang ni Shayne sa gate ng paaralan, agad niyang nakita si Andeline na naghihintay na roon.

"Bakit ka nandito?" Nagulat siyang lumapit sa kapatid at agad na ipinatong ang kamay sa balikat nito.

Napangiwi si Andeline. "Binisita lang kita. Mukhang natatanga ka na kasi," sabay tapik ng daliri sa noo ni Shayne.

Agad niya itong inalis at kunwaring sineryoso ang mukha. "Lumalakas na loob mo ah?"

"Well." Umiling si Andeline at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sasakyan. "Napansin ko kasi na puro eskwela at bahay ka lang nitong mga nakaraang araw. Ni hindi mo man lang naisipang umuwi para bumisita?"

Doon lang naalala ni Shayne na matagal na nga pala siyang hindi nakakapunta sa bahay ng pamilya Morsel.

"Kung hindi mo sinabi, baka tuluyan ko nang makalimutan. Sige, ngayong weekend, babalik ako para bumisita," sagot niya habang nakatingin kay Andeline.

Tumango naman ito. "Ayos! Sabihin ko na rin kina Mama’ Papa at Lolo mamaya pag-uwi ko, ha?"

Medyo nag-alinlangan si Shayne. "Pero
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   238

    Pagkagising ni Shayne, tatlong araw na pala ang lumipas. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lahat ng nangyari. Pagdilat pa lang ng kanyang mga mata, ramdam na agad ang kaba at takot.Doon niya tuluyang naalala ang lahat—na wala palang problema si Jerome sa katawan, at ang aksidente noon ay isa lamang palabas. Lahat pala’y planado—mula sa direktor hanggang sa doktor na nagsabing may diperensya si Jerome. Simula noon, para na siyang ikinulong sa kasinungalingan, at hindi niya naalintaang ginagamit na pala siya.Lalo siyang nadurog sa sarili nang maalala si Michael. Dahil sa kalituhan niya noon, si Michael ang naging kapalit, at hanggang ngayon ay nakaratay pa rin sa ospital. Lalong lumalim ang galit ni Shayne sa sarili.Ayaw na niyang maalala pa si Jerome. Para sa kanya, wala nang anumang koneksyon sa pagitan nila—kundi ang galit at kasalanan kay Michael.Nang bumangon siya sa kama, ramdam niya ang pananakit ng katawan. Pagtingin niya sa sarili, may mga pasa pa rin sa braso at bin

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   237

    Masaya at magarbo ang kasal, pero hindi bumaba si Shayne sa hotel. Pinili niyang magpahinga sa kwarto habang si Jerome ang humarap sa mga bisita. Kahit na magpiyesta ang paligid, ang bigat pa rin ng loob ni Shayne lalo na kapag naaalala niya ang lungkot sa mga mata ni Eldreed.Pagsapit ng gabi at halos wala nang tao, pumasok si Jerome sa kwarto, medyo lasing na at halatang pagod sa dami ng nainom. Wala na siyang balak umuwi—magpapahinga na lang siya sa hotel.“Shayne!” tawag niya habang binubuksan ang pinto. Nakita niya si Shayne na nakahiga sa kama. Pagkakita niya rito, ngumiti siya nang may kasamang halong pag-aari sa kanyang mga mata. “You’re finally mine.”Habang nakatingin kay Shayne, agad na pumasok sa isip ni Jerome ang plano: kailangan na niyang ipalabas na magaling na siya mula sa aksidente para masabing kaya na niyang makipagniig. Kailangan niyang ayusin ang medikal na record para tuluyan nang mapasakanya si Shayne.Pero malamig ang tingin ni Shayne sa kanya. Tumango lang si

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   236

    Hinawakan ni Jerome ang kamay ni Shayne habang sabay silang naglakad patungo sa gitna ng bulwagan, sa harap ng mga bisitang nakatingin sa kanila. Suot ang puting wedding gown at may hawak na bouquet, kapansin-pansin si Shayne sa gitna ng lahat. Para kay Jerome, ito ang perpektong kasal—isang engrandeng eksena kung saan maipapakita niyang si Shayne ay kanya na. Ngunit para kay Shayne, ito'y isang palabas na ayaw niyang gampanan.Bahagyang nakakunot ang kanyang noo. Hindi man niya gustuhin, wala siyang magawa kundi sumunod sa plano. Nang maramdaman niyang nawawalan na siya ng pasensiya, biglang kinuha ni Jerome ang mikropono mula sa isa sa mga staff."Everyone, thank you for coming to our wedding!" masiglang bati ni Jerome habang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Shayne.Sa panlabas, para silang masaya. Ngunit sa loob ni Shayne, may matinding pagkailang. Wala siyang totoong damdamin para kay Jerome—at ang pakiramdam ng hawak nito ang kanyang kamay sa harap ng maraming tao ay parang

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   235

    Nagising si Shayne isang gabi at napansin niyang nawala na ang dating pakiramdam ng seguridad kapag katabi niya si Jerome.Kahit hindi nasagot ni Jerome ang mga tanong niya kagabi, hindi pa rin nawala ang pagdududa niya rito. At habang lumilipas ang oras, lalo lang siyang nababahala.Kinabukasan, pumasok na si Will kasama ang ilang assistant. Isinuot nila kay Shayne ang wedding gown, inayusan siya, sinuklay ang buhok, at isinuot ang mga alahas. Pero habang tinitingnan ni Shayne ang sarili sa salamin, wala siyang maramdamang saya. Walang ningning ang mga mata niya—ni hindi siya mukhang bride.Maya-maya pa, kumatok si Jerome sa pinto. Pagbukas niya, eksaktong nakita niya si Shayne na nakatayo na at nakasuot ng wedding gown. Sandali siyang natigilan.Maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi. Maaliwalas ang mukha ni Shayne, may bahagyang makeup, at sa kabila ng lungkot sa kanyang mga mata, hindi pa rin maikakailang kaakit-akit siya. Ito ang babaeng matagal na niyang pinapangarap.“Shay

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   234

    Nagulat si Shayne sa sinabi ni Eldreed—ipapadala raw nito si Divina sa abroad. Hindi niya inaasahan na magagawa nito ‘yon. May gusto ba itong patunayan sa kanya?Sandaling may init na sumilay sa puso ni Shayne, pero mabilis ding nawala. Talaga bang handa si Eldreed na talikuran si Divina para sa kanya? Hindi niya alam ang sagot. At sa totoo lang, hindi rin niya alam kung paano haharapin ang desisyong iyon.Sumagi sa isipan niya ang mga alaala ng pagiging malapit nina Divina at Eldreed noon. Masakit. Para bang muli na namang pinunit ang puso niya na matagal nang sugatan. Hindi na niya kakayanin ang panibagong sakit.At higit sa lahat, hindi ito ang tamang oras para sa pag-ibig. Kailangang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Michael. Kailangang matagpuan ang totoong may kasalanan.

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   233

    Inaalagaan pa rin ni Shayne si Michael sa ospital, pero gaya ng dati, wala pa ring pagbabago sa kalagayan nito. Kahit manipis ang pag-asa, nanatili siya sa tabi nito—magdamag, walang pahinga. Wala rin siyang ibang mapuntahan.Tungkol naman kay Jerome, kahit wala pang konkretong ebidensya, ramdam na ni Shayne sa sarili niya—kapag ang lahat ng hinala ay patungkol sa iisang tao, hindi na kailangan ng paliwanag.May bakas ng mapait na ngiti sa mga mata ni Shayne habang nakaupo sa tabi ni Michael. Gusto niyang may makausap, pero nakapikit pa rin si Michael. Hindi niya alam kung naririnig siya nito.“Shayne.”Napalingon siya nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likuran. Si Jerome.Sandaling nataranta si Shayne. Hindi niya akalaing susundan siya nito sa ospital. Hindi niya alam kung paano haharapin ang lalaki, pero alam niyang kailangan niyang magpakatatag.Kailangan ko pa ring magpanggap. Hindi pa ako sigurado sa totoo. Hindi pa ito ang tamang oras.“Ah, dumating ka na pala,” wika ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status