Share

Chapter 7

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-01-20 20:37:56

Hindi gumalaw ang mga tao sa loob ng kotse.

"Hoy, Eldreed, ako ang fiancée mo! Papasukin mo na ako, nakakahiya 'to!" sigaw ni Shayne habang pilit na lumalapit sa Rolls-Royce.

Habang papalapit na ang mga reporter sa kanya, biglang bumukas ang pinto sa likod ng kotse. Isang maputing kamay ang lumabas mula sa loob. Saglit na natigilan si Shayne bago agad na hinawakan ang kamay at sumakay sa kotse.

Pero hindi nagpahuli ang mga reporter. Habang bukas pa ang pinto, mabilis nilang nakuhanan ng larawan ang tagiliran ni Eldreed. Isang babaeng reporter mula sa Capital TV ang biglang humawak sa kabilang braso ni Shayne para pigilan siya.

Nagpumiglas si Shayne pero malakas ang kapit ng reporter. Sa gigil ng babae, napunit ang dalawang butones ng puting blusa ni Shayne, kaya’t lumitaw ang makinis niyang leeg at balikat. Kitang-kita rin ang mapulang marka sa kanyang balat.

“Kiss marks?!” sigaw ng reporter. "May mga marka si Miss Shayne sa leeg niya! Galing kaya ‘to kay Mr. Eldreed o sa lalaking kasama niya kanina?!” tuloy-tuloy ang camera flashes.

Lalong uminit ang dugo ni Shayne. Napakabastos ng mga tanong ng reporter—lahat ay haka-haka lang para lang may scoop. Wala nang respeto sa nararamdaman ng tao.

Hindi siya nagdalawang-isip—malakas niyang pinalo ang kamay ng reporter, dahilan para mapakawalan siya. Agad siyang sumakay sa loob ng sasakyan. Biglang inakbayan siya ni Eldreed at isinara ang pinto.

Pagkasara ng pinto, agad pinaandar ng driver ang sasakyan. Naiwang naghahabol ang mga reporter pero huli na, at si Michael naman ay naipasok na nina Erick at Andeline sa billiard hall.

Kahit hindi nila nahabol ang lahat ng sangkot, sapat na raw ang nakuha nila: Fiancée ni Eldreed, may kiss mark; may lalaking lumuhod sa harap niya; at si Eldreed mismo ang sumundo. Mainit na balita ito.

Sa loob ng sasakyan, tahimik si Shayne habang ibinabalik ang mga butones ng kanyang damit. Nakasandal siya at hawak ang noo sa inis. Samantala, si Eldreed ay kalmado lang, tahimik na nagbabasa ng documents sa kanyang laptop.

What now? What should I do? Naiinis si Shayne sa sitwasyon. Alam niyang anumang oras, lalabas na ang balita sa news at entertainment channel. Paano kung makita iyon ng ama’t lolo niya? Baka paluin siya nang walang tanong-tanong.

Lalo na’t kakatanggap lang niya ng alok na kasal mula sa pamilyang Sandronal, tapos biglang luluhod sa harap niya si Michael para mag-propose. Kahit inosente siya, sino ang maniniwala?

“Mr. Sandronal,” sabay tingin kay Eldreed, “I believe with your influence, you can make all of this disappear, right?” Malamig ang tono niya—hindi nakiusap, diretso lang.

“Not difficult,” sagot ni Eldreed habang isinasara ang laptop. “But to be honest, this actually helps me. I was looking for the right time to make our engagement public. You and Michael just gave me the perfect excuse.”

Napakuyom ng palad si Shayne. "At naisip mo rin ba na habang pinapublic mo 'to, napapahiya naman ang pamilya ko, ang Conrad, pati na rin ang Sandronal?"

“I don’t care,” mahinang sagot ni Eldreed, may ngiting mapanukso sa labi. “Aren’t you supposed to be the obedient Miss Morsel? But now, you’re caught in two love scandals—one night, two men. What will people think when your true colors are exposed?”

Humigpit ang paghinga ni Shayne. Ang bawat salita nito ay parang kutsilyong tumatama sa dibdib niya.

Huminga siya nang malalim. “Eldreed, it's just one night. I slept with you by accident—do you really have to go this far? Ginamit mo lang ako sa media para pagtakpan ang sarili mo. At ngayon, ginagawa mo pa akong dahilan para ipakita ang power mo?”

Hindi rin niya maintindihan kung bakit, sa dami ng tao, siya pa ang babaeng nagising sa tabi ni Eldreed nang gabing iyon. Lahat ay tila aksidente. Pero para kay Eldreed—wala yatang aksidente. Lahat, kalkulado.

“Sabihin mo sa’kin—bakit mo ako niloko? At kung makukumbinsi mo ako, tutulong akong makuha mo ang gusto mo.”

Bulong ni Eldreed sa tenga ni Shayne, malambing at parang hangin na dumarampi sa balat. May ngiti sa labi, at ang mga mata niyang tila inosente ay naglalaman ng kakaibang alindog.

Sa sandaling iyon, muntik nang mapilitang magsalita si Shayne. Gusto niyang sabihin ang lahat.

Pero hindi siya nagpadaig.

“Eldreed, wala ka na bang hiya? Hindi ka na nga tumupad sa usapan, pinipilit mo pa ako ngayon?”

Ang tinutukoy ni Shayne ay ang pananakot ni Eldreed pagkatapos niyang makuha ang kasunduan sa loob ng kahon.

Ngumiti si Eldreed, tila ba naaaliw.

“Shayne, may nagsabi na ba sa’yo na napakatigas ng ulo mo?”

Alam niyang may tinatago ang babae—may dahilan kung bakit ayaw nitong magsalita. Pero kahit anong pilit niya, hindi siya pinapansin ni Shayne.

Ramdam ni Shayne ang pangungutya at bahagyang pagkadismaya sa boses ni Eldreed. Napakagat siya ng labi habang pinipigilan ang luha. Namumula ang mata niya, at ang maputlang mukha ay nagmistulang walang lakas.

Kung siya lang ang masusunod, kailanman ay hindi siya papayag na masangkot kay Eldreed. Lahat ay nangyari nang hindi inaasahan, at napilitan lang siya.

Noong gabing iyon—ang gabi ng hindi niya makalimutang alaala—takot na takot siya. Nagpupumiglas siya noon habang si Eldreed ay tila wala sa sarili, mapula ang mga mata at hinuhubad ang damit niya habang umiiyak siyang nagmamakaawa, paulit-ulit na sinasabing wala siyang kasalanan.

Ang alaala ng gabing iyon, mahigit kalahating buwan na ang nakaraan, ay bumalik sa isipan ni Shayne, at tuluyang bumagsak ang kanyang emosyon. Hindi na niya napigilang umiyak—sunod-sunod na pumatak ang kanyang luha.

Nakita iyon ni Eldreed.

Habang pinagmamasdan ang luha sa mukha ni Shayne, may biglang pumasok na imahe sa kanyang isipan—isang babae na umiiyak at nagmamakaawa sa kanya. Dahan-dahan, ang imaheng iyon ay nagkahugis, at ang mukha ng babaeng iyon… si Shayne.

Napakapit si Eldreed sa sentido niya. Masakit.

Hindi ito gaya ng inakala niya.

Bigla niyang hinawakan si Shayne sa batok, pinaharap ito sa kanya. Tinitigan niya ang maliit at maputlang mukha nito—tapos, sa hindi inaasahang galaw, ibinaon niya ang mukha sa leeg ni Shayne.

Hinugot niya ang mabangong amoy mula sa katawan nito. Habang ginagawa iyon, nagsasalimbayan ang pira-pirasong alaala sa utak niya—pero hindi niya pa rin makuha ang buong larawan.

“Ano ba ‘yan! Eldreed, bitawan mo ako!”

Pilit siyang tinutulak ni Shayne pero hindi niya magawang makatakas.

“You don’t smell like you did that night…”

mahinang sabi ni Eldreed habang nananatiling nakayakap sa kanya. Halos nakadikit ang buong katawan niya sa babae.

Pagkarinig nito, biglang nanigas ang katawan ni Shayne. Nanginginig ang mga kamay niya, at saglit siyang napatingin sa mga matang tila ba tumatagos sa kaluluwa niya.

Napakagat siya ng labi.

Dapat ba niyang sabihin ang totoo?

Ang katotohanang kahit siya—hindi pa rin niya lubusang matanggap?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   199

    Habang tahimik lang na nakaupo si Shayne at si Jerome ay wala nang masabi, biglang tumunog ang telepono ni Shayne—parang isang saklolo na dumating sa tamang oras.“Shayne!” sigaw ni Andeline sa kabilang linya. “Pinapauwi ka ni Mama. Si Papa, parang may sakit!”Napakunot-noo si Shayne. Kahit may tampo pa siya sa pamilya, hindi pa rin maiwasang kabahan. Pero… dapat ba siyang bumalik? Papayagan ba siyang bumalik?Naalala niya ang sinabi noon ni Samuel—na kung hindi siya kay Eldreed, wala siyang lugar sa bahay na ‘yon. Sa totoo lang, hindi siya kailanman naging prioridad ng ama. Ang mahalaga lang dito ay negosyo.“Ano'ng nangyari?” tanong ni Shayne, kahit may halong pagdududa, hindi pa rin mawala ang pag-aalala niya.“May project na umatras ang investor. Pagkarinig ni Dad, bigla siyang hinimatay,” sagot ni Andeline. Para sa kanya, normal lang ‘yon—parte ng negosyo ang ganitong aberya.Napabuntong-hininga si Shayne. Kung investor pa lang ang dahilan ng pagkahilo ni Samuel, siguradong malak

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   198

    Tahimik na nakatingin si Eldreed sa papalayong likod ni Shayne, at kahit pilit niyang itinatanggi sa sarili, ramdam niyang unti-unti na niyang nawawala si Shayne.Alam niyang kahit anong paliwanag ang sabihin niya ngayon ay tila wala nang saysay kay Shayne. At sa totoo lang, hindi niya rin masisisi ito.Biglang tumunog ang cellphone ni Eldreed. Agad niyang kinuha iyon at sinagot, medyo inalis ang lungkot sa mukha. Nasa kabilang linya ang vice president ng kumpanya—si Mr. Lopez. Karaniwang ayaw ni Eldreed na tinatawagan siya kapag personal niyang oras, kaya’t nagtaka siya sa tawag.“Speak,” malamig niyang sagot.“Sir, kailangan n’yong bumalik agad. May nangyaring leak sa confidential files ng kumpanya. At ‘yung kumpanya ng B&B na may malaking utang sa atin, naagaw na ng kalaban. Hindi lang sila, pati ilang matagal na nating kliyente, lumipat na rin,” mabilis na paliwanag ni Mr. Lopez, halatang kabado.Napakunot ang noo ni Eldreed. Bagamat nabigla, agad din siyang kumalma. Sanay na siya

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   197

    Nagpalit si Shayne ng damit—isang limited edition na paldang dilaw na may floral print mula sa French designer na si Allen. Maikli ito, elegante, at may simpleng ganda. Habang bumababa siya ng hagdanan, sandaling natigilan si Jerome sa pagkakatitig sa kanya.Bago pa siya makapagsalita, nag-unat si Shayne na parang walang pakialam, dahilan para mapatawa si Jerome at takpan ang bibig.“Hmm? Hindi ba maganda?” tanong ni Shayne habang tumingin sa sarili, iniisip na natawa si Jerome sa suot niya.“No, no! It looks really good!” mabilis na sagot ni Jerome habang umiling.Nagpatuloy sa paglalakad si Shayne, naka-high heels, at kumaway. “Let’s go!”“Alright!” sagot ni Jerome, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Halatang may lambing ang bawat kilos niya.Paglabas nila, papasakay na sana sila ng sasakyan nang mapansin ni Jerome ang isang pamilyar na Bentley na naka-park sa tapat. Bumaba agad si Michael at lumapit.“Shayne, bakit hindi mo sinabi na lilipat ka ng tirahan?” may bahid ng hinanakit a

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   196

    Naupo si Jerome sa sofa habang umiinom ng malamig na whiskey. Nakapatong lang sa gilid ang sigarilyo niya at bahagyang nakakunot ang kanyang noo habang pinapanood ang balita sa TV. Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi.Ipinapakita sa balita ang kaguluhang ginawa ni Eldreed sa Hotel. Binugbog niya si David sa harap ng maraming tao. Bagama’t wala itong lakas ng loob na gumanti dahil sa impluwensiya ni Eldreed, pinili nitong paimbestigahan ang insidente at imbitahin ang media. Kumalat agad ang isyu sa buong siyudad at hindi pa ito humuhupa.Sa kabila nito, nanatiling tahimik si Eldreed. Habang lumalalim ang katahimikan niya, mas lalo namang nadagdagan ang galit ng publiko.“Mr. Conrad,” wika ng isang lalaking nakasuot ng itim na suit habang iniaabot ang isang folder. “Nandito na po ang hinihingi ninyo.”Mabilis lang sinulyapan ni Jerome ang mga dokumento—mga sensitibong detalye na puwedeng sumira sa kompanya ni Eldreed. Kinuha niya mula sa bulsa ang isang gold card mula sa S

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   195

    Matapos maihatid ni Eldreed si Divina pabalik sa kanyang kwarto, kinausap niya ito ng maayos upang pakalmahin ang damdamin. Nang makita ni Divina na nakuha na niya ang simpatya ni Eldreed, hindi na siya masyadong nagpumilit. Alam niyang kung masyado siyang makulit, baka lalo lang siyang mainis dito.Biglang pumasok si Wanren na halatang taranta. Nang mapansin niyang naroon si Divina, agad siyang natigilan at hindi na natuloy ang sasabihin.Napansin ni Eldreed ang pagkabalisa ni Wanren kaya agad niya itong nilapitan. “May nangyari ba?” tanong niya. Hindi na siya nag-aksaya ng salita kay Divina, sa halip ay sinabing may kailangang asikasuhin sa kumpanya at agad na hinila palabas si Wanren.Pagkalabas nila ng kwarto, hindi na nakatiis si Eldreed. “Ano'ng nangyari? Nasan na si Shayne?” Hindi siya mapalagay mula kagabi pa. Kung hindi lang dahil sa nangyari kay Divina, matagal na sana niyang hinanap si Shayne.Hindi na nagpatumpik-tumpik si Wanren. “Sir, may nakuhang impormasyon. Kagabi raw

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   194

    Pagkarating ni Jerome sa ospital, agad siyang sinalubong ng nurse.“Sir, do you need help?” tanong nito habang tinutulungan siyang buhatin si Shayne na hindi pa rin nagkakamalay.“Naglalagnat siya. Tawagin mo agad ang pinakamagaling na doktor dito!” utos ni Jerome, hawak pa rin si Shayne.Matapos ang mabilisang pagsusuri, lumabas na umabot sa 39°C ang lagnat ni Shayne. Agad siyang isinailalim sa dextrose at sinimulan ang gamutan. Dahil basang-basa na ang kanyang suot, inutusan ni Jerome ang tauhan niya na kumuha ng mga damit ni Shayne sa bahay para mapalitan siya.Hindi umalis si Jerome sa tabi ng kama ni Shayne. Ngunit habang natutulog ito, mahigpit na nakahawak sa kamay niya at paulit-ulit binabanggit ang pangalan ni Eldreed."Eldreed..." mahina ngunit malinaw na sabi ni Shayne habang natutulog.Halos mabaliw si Jerome sa narinig. Galit, inis, at selos ang namuo sa dibdib niya, pero hindi rin niya maiwasang maawa kay Shayne sa hirap na dinaranas nito.Nang pupunta na sana siya sa la

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   193

    Mag-isang naglalakad si Shayne sa kalsada, dis-oras na ng gabi. Tahimik ang paligid, walang katao-tao—parang siya na lang ang natitirang tao sa mundo.Pagkalabas niya ng villa, nagsisimula nang umambon. Hindi niya inaasahan ang ganitong sitwasyon—basang-basa, walang matutuluyan. Kailangan muna niyang makahanap ng hotel at saka na lang magpaplano bukas.Wala siyang ibang gamit kundi ang suot niyang damit at isang platinum card na nadampot niya bago siya kinuha ni Eldreed mula sa kwarto. Napansin niyang may malapit na Sheraton Hotel, kaya naglakad siya papunta roon.“Miss, are you looking for a room?” bati ng receptionist, magalang at may ngiting propesyonal.“Luxury room, please,” sagot ni Shayne at iniabot ang card.Ipinadaan ito sa POS machine pero hindi gumana.Naguluhan si Shayne. Ang card na iyon ay kasama sa mga naibigay na dote ng pamilya Gu noong ikasal sila ni Eldreed. Kahit hindi iyon kalakihan, alam niyang may sapat na laman iyon.“Ma’am, your card is frozen,” maingat na pah

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   192

    Bumuhos ang mainit na tubig sa katawan ni Shayne, dumaan sa pagod niyang balat, at unti-unting naglinaw sa kanyang isip. Habang nasa shower, pilit niyang binabalikan ang nangyari—bitbit nga ba talaga siya ni Eldreed papasok kanina? Parang panaginip. Does he still love me? Pero hindi na siya umaasa. Ayaw na niyang umasa.Matapos magbanlaw, kinuha niya ang isang bathrobe, ngunit agad siyang natigilan nang makita ang pangalan ni Divina na burda sa laylayan nito. Parang napaso siya—agad niya iyong itinapon sa sulok na parang maruming basahan.So close pala talaga sila...Dali-dali niyang sinuot ang sariling damit. Bigla rin siyang nakaramdam ng inis sa batya na kanyang pinagliguan—parang nadungisan. Pagbukas niya ng salaming pinto, nadatnan niyang nakatayo sa labas si Eldreed.“Shayne!” Agad siyang sinalubong ng lalaki, pero nang makita ang itsura nitong bagong ligo—basang buhok, mapungay na mata—napatitig siya. She’s... beautiful. Pero agad din siyang natauhan.“Excuse me, Mr. Sandronal

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   191

    "Aalis muna ako sandali." Tumayo si Shayne at lumabas ng walang lingon-lingon, hindi pinansin si Divina na nagpapakaawa pa rin ang itsura. Tahimik ang lahat matapos ang tensyon ng laro.Hindi na niya kinaya ang bigat ng eksena. Mabilis ang lakad niya palabas, halatang gusto niyang makatakas sa kahihiyang bumalot sa paligid. Hindi na rin niya narinig ang mga salitang binitiwan ni Eldreed para kay Divina.Sa totoo lang, akala ni Shayne kaya niyang palampasin ang anumang namamagitan kina Eldreed at Divina. Pero habang pinagmamasdan niya ang mga ito kanina, hindi niya na kayang lokohin ang sarili—nasasaktan siya.Hindi rin niya alam kung kailan nagsimulang lumayo ang mundo nila ni Eldreed. Naging parang estranghero na lang sila sa isa’t isa. Si Jerome ang laging nasa tabi niya ngayon, samantalang si Eldreed, si Divina na ang kasama.Uminom siya ng isang baso ng malamig na vodka. Tumama agad sa ulo ang init ng alak. Nagkunwari siyang lasing para makaiwas, kaya nagpaalam siyang magpapahinga

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status