Mag-isang umuwi si Cathlyn ng araw na iyon at biglan sinundo si Maxine ni Jefferson. Ang pinsan ni Ezekiel at ng dalawa pa nitong mga kapatid.
"Ikaw naman ang naiwan Cathlyn, ang suwerte mo talaga." Kausap nito sa sarili ng biglang tumunog ang cellphone nito at biglang rehistro ang number ng boss nitong si Ezekiel. Bago buksan ni Cathlyn ang laman ng text na galing kay Ezekiel ay hinawakan muna nito ang kaliwang parte ng dibdib nito at dinama ang lakas ng kabang nararamdaman nito pagkakita pa lang sa pangalan ng amo nito na bigla-biglang nagtetext. Ibinigay nito ang personal number kay Cathlyn ng minsan nitong kinausap ng personal ang dalaga.
Nang buksan ni Cathlyn ang text ay nagulat pa ito sa nabasang laman nito.
Boss Ezekeil
Hintayin mo ako, sabay tayong umuwi.Bakit bigla na ganoon ang text nito sa kanya? Parang may mali. At hinintay nga ni Cathlyn ang boss nito na lumabas mula sa office. Madadaanan naman ang cubicle niya kapag lumabas ang amo ito ng oposina nito kaya hindi niya ito maaring hindi makita kapag papalabas na ito.
Nang makita niyang papalabas na ang kanyang boss ay bigla naman ang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Kakaiba talaga ang nararamdaman niya makita pa lang niya ang anino nito. Nakakaba!
Ilang segundo pa ay nasa harapan na niya ito. With his fitted khaki pants and partner with light blue long sleeve...mapapatingin ka talaga dito plus the hunk appeal na taglay nito.
Hawak nito sa isang kamay ang susi ng kotse nito habang ang isa namang kamay nito ay nakapamulsa sa pantalon nito. Para lang itong modelo na naglalakad papalapit sa kanya.
"Hey..," untag sa kanya ni Ezekiel.
"S-sir..."
"Pasensiya ka na if you waited a little longer, tinapos ko lang ang mga kailangan kong pirmahan."
"Ah, okay lang po Sir." Agap niyang sagot dito at saka niya kinapa ang bag niya na nasa ibabaw ng kanyang table.
"May kailangan po ba kayo sa akin Sir?"
"Yes, can we talk in some other place?" saglit na nag-isip si Cathlyn kung 'oo' ba siya o hindi sa paanyaya ng kanyang boss. Pero isa lang ang siguro, hindi siya puwedeng tumanggi dito lalo na at may pabor siyang hiningi dito.
"O-opo Sir. Saan po tayo mag-uusap? Susunod na lang po ako sir, may dala naman po akong kotse."
"Sa akin ka na sumabay, ipapahatid ko na lang ang kotse mo sa bahay nyo." Muli siyang nagulat sa sinabi ni Ezekiel at napatitig dito.
"S-sige po." Bantulot niyang sagot dito.
"Where's your key?" Hiningi nito ang susi ng kotse niya para maipauwi daw sa bahay nila. Ni hindi na nga nito hiningi pa ang address niya na ipinagtaka naman niya ng lubos.
"Let's go?" tanong nito sa kanya ng sa wakas ay maibilin na nito sa guwarya ng building na kapag dumating ang personal driver nito ay ihatid na lang kotse niya sa kanilang bahay.
Ipinag bukas pa siya ni Ezekiel ng pinto ng kotse nito at wala na siyang nagawa kung hindi ang tuluyang sumunod sa utos nito.
Tahimik lang sila habang nasa biyahe at hindi pa naman sila lumalayo sa ka Maynilaan base sa daang kanilang tinatahak.
Minsan-minsan ay nililingon niya ito habang nagmamaneho pero tutok lang mga mata nito sa daan. Ni wala itong pinahiwatig sa kung saan ang kanilang pag-uusapan until...
"Cath---" tawag sana nito sa pangalan ko kasabay ng pag ring ng cellphone ko. Napatingin muna ako sa gawi niya saka ko tiningnan kung sino ang tumatawag sa cellphone ko.Si Anthony!
Nag-alangan siya kung sasagutin ba niya ang tawag nito samantalang may sasabihin ata ang amo niya sa kanya. Kaya muli siyang napatingin dito.
"Go ahead. Sagutin mo muna ang tumatawag sayo," bigay permiso nito sa kanya.
Nahihiya niyang pinindot ang accept button ng cp niya at ilang segundo nga ay narinig na niyang nagsasalita si Anthony.
"Baby, where are you?" tanong nito sa kanya agad.
"A-h, pauwi na." Pagsisinungaling niya dito. Sa totoo lang ay palagi niyang iniiwasan kung maari si Anthony dahil alam niyang hindi ito naiiba sa kariniwang lalake na gusto ay may kasamang sex sa isang relasyon, na hindi naman niya ginawa kahit kailan.
Madalas pa siyang pinagbibintangan ng mga magulang niya na baka wala na raw ang puri niyang iniingatan dahil sa pakiki boyfriend niya na wala namang katotohanan. Kung alam lang ng mga ito na kaya niya nagagawa ang bagay na iyon ay dahil gusto niyang galitin lang ang mga ito dahil sa mga pangingielam na ginagawa ng mga ito sa kanyang buhay. Saglit kong nilingon si Sir Ezekeil sa driver's seat. Doon ko nakita ang pagkunot ng noo nito hababg nakahawak sa manubela ang isa nitong kamay at ang isa ay nakatungkod sa edge ng binata. Parang galit at naiinis ito.
Napatingin si Ezekiel sa gawing bintana ng kanyang kotse to avoid the unwanted feelings na bigla niyang naramdaman ng makita niya si Cathlyn na kausap sa cellphone nito ang boyfriend nito. That jerk! Napaismid siya pagkatapos at wala siyang pakielam kung makita siya ni Cathlyn sa ganung reaksyon niya.
"Tawagan na lang kita baby kung saan tayo mag celebrate." Narinig niyang sagot ni Cathlyn sa boyfriend nito na lalong nagpainis sa kanya.
"Okay bye." Huli nitong sabi sa kausap. Napindot pa niya ng malakas ang busina ng kanyang kotse sa nakatabi namang motorista dahil sa inis na biglang sumibol sa puso niya.
Halos mapapitlag siya ng biglang bumusina ng pagka lakas si Ezekeil na kung tutuusin ay hindi naman dapat nito ginawa. Nakatabi naman ang motoristang kasabayan nilang dumadaan sa kahabaan ng Edsa.
Ano ba ang problema ng lalakeng ito at bigla ay nag-iba ang mood? Hindi na niya nakausap ng maayos si Anthony at sinabi na lang niyang nagmamaneho siya kaya tatawagan na lang niya ito kung saan sila magcecelebrate ng birthday niya.
"Is that your boyfriend?" walang ano-ano ay tanong niya kay Cathlyn. Para siyang nakalubog sa mainit na tubig ng mga oras na iyon na hindi niya akalaing mararamdaman niya dahil lang sa simple niyang pagkarinig ng pag-uusap ni Cathlyn at ng boyfriend nito. Nakita kong tumango si Cathlyn at nahigpit ang hawak ko sa manubela na parang gusto ko itong palipitin sa galit.
Nakakaba naman ang nangyayari sa kanila ni Ezekiel sa loob ng kotse nito. Parang gusto na ata nitong manuntok ng mga oras na iyon base sa hitsura nito. Wala siyang idea kung bakit ganun bigla ang naging mood nito samantalang kinausap lang naman niya si Anthony sa cellphone. Hindi na lang niya ito tiningnan o sinulyapan man lang at baka sa kanya pa nito maibuhos ang galit nito. At muli ay muntik na siyang mapatili ng minsan pa ay bigla itong bumusina ng wala sa oras at halos maangat siya sa kinauupuan niya sa lakas ng ginawa nitong pag busina. Hay susme!
CATHLYNKagagaling lang namin sa doctor ngayon araw. Hindi pumayag si Ezekiel na hindi ako magpacheck-up pagkagaling namin sa Cavite kinabukasan. Gusto daw niyang malaman ang kalagayan ng baby namin.Natuwa naman ako dahil siya pa mismo ang nangungulit na magpunta kami sa doctor kahit na alam kong marami itong ginagawa sa trabaho.Tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama. Lahat ng kilos ko ay bantay sarado niya.Natatakot daw kasi siyang isang kilos ko ay bigla akong mabuwal o mabunggo at mapahamak ako at ang anak namin.Akala ko ay hihiga na rin siya pagkatapos niya akong tulungan maging komportable sa kama na siyang una naming tinulugan ng tumungtong ako dito sa mansyon."Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng tangka siyang babaling paharap ng pinto.Nagulat din ako sa tanong ko sa kanya. Ayoko namang maging possessive katulad niya pero mas ayokong makita at maramdaman na malayo siya sa akin kahit ilang minuto lang."I'll just take a call, love." Itinaas nito ang cellphone
CATHLYNBantay sarado ako ni Ezekiel simula ng magkita kami sa hospital. Hindi niya ako hinahayaang kumilos na hindi ito nakaalalay sa akin. Kulang na lang ay buhatin niya ako sa tuwing pumupunta ako sa banyo huwag lang akong mahirapang maglakad.Ito ang pinangarap kong mga sandali kasama siya. Ang manatili ito sa tabi ko habangbuhay.Walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng sayang nararamdaman ko sa piling niya sa mga oras na ito.Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ng mga kinagisnan kong magulang kanina tungkol sa lahat ng pinagtapat ng totoo kong ama ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.It's been twenty-six years since I believe in the truth that I am Cathlyn Agustin. Isang kasinungalingan na nagdala sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko lubos maisip kung paano ako nabuhay sa kasinungaliang iyon.Natuklasan ko mula sa mga bibig nila na totoo ang mga pinagtapat ng tunay kong ama. Humingi sila ng tawad pero sa akin pero sa tingin ko ay kailangan pa ng panahon
CATHLYNNapahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata ko.Ang takot na kanina ay naramdaman ko ang siyang unang rumihistro sa utak ko kaya agad kong inisip kung ano ang nangyari sa anak ko.Nang makasiguro akong hindi nawala ang pinakaiingatan kong sanggol sa sinapupunan ko ay tila parang isang tinik ang kusang nabunot sa dibdib ko at dahil dun ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko mula sa ilang oras na pagkakatulog.Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga doctor sa akin pagkatapos akong ipasok sa emergency room at maging sila Manong Cardo ay hindi ko na rin nakita pagkatapos.Nang tuluyang kong imulat ang mga mata ko ay unang hinanap ng paningin ko ang mga taong tumulong sa akin para makarating dito sa hospital at hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang taong kinamumuhian ko.Madilim ang mga mata niya na tila nag-aapoy sa galit. Ang kilay niya ay halos mag-abot na ang dulo dahil sa pagkakakunot nito.Tinapatan ko ang bagsik ng tingin niya
4 Months Later"Ate Cathlyn." Napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa likuran ko. Tahimik akong nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy habang hawak ko ang nakaumbok kong tiyan.Hingal na hingal si Angeline ng makarating ito sa kinaroroonan ko."Kanina pa po kayo hinahanap ni papa, ate." Pagbabalita nito sa akin.Nang gabing makatakas ako sa mansyon ng mga Montalvo ay dito ako sa Laguna napadpad. Kasalukuyan kong pinapanuod ang mga isdang naglalangoy ng sabay-sabay sa isang sikat na park dito.Kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay dahil sa kagustuhan kong makatakas sa buhay na inakala kong maliwanag at masaya sa piling ni Ezekiel, pero hindi pala.Dito sa lugar na ito ako napadpad para magtago sa mga taong gusto kong makalimutan at hindi na maging parte ng buhay ko.Habang nag-iisip ako kung saan ako maaaring manatili para tuluyan akong makalayo kay Ezekiel ay naisipan kong dalawin si Mang Cardo na dating siyang una kong nakagisnan na driver sa bahay nila mommy at daddy.Na
CATHLYNLumipas ang isang lingo at nagpatuloy akong nakatira sa bahay ng mga magulang ni Ezekiel. Hindi ko nakitang nag-iba ang tingin nila sa akin simula ng iuwi na ako ni Ezekiel sa mansyon.Palagi nila akong tinatanong kung ano ang gusto kong gawin sa araw-araw para naman hindi ako masyadong ma bored.Hindi ko naman naramdaman ang ganun pakiramdam dahil palagi akong nililibang ni Manang Fe at ng ibang mga katulong sa mansyon.Minsan ay naisipan ko ring tanungin si Ezekiel kung puwede na akong bumalik sa pag mamanage ng shop namin na dalawa na naiwan ko ng pumunta kami na Kalinga pero hindi pa niya ako pinayagan.Natatakot daw siya na baka maulit ang nangyari dati sa shop kung saan ay may pumasok na isang masamang lalake na kalauanan ay nalaman naming isa sa mga empleyado ng kumpanya nila daddy na nagtanim ng galit hanggang sa mamatay ito sa isang aksidente sa Kalinga na ito mismo ang may kagagawan.Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon ay natahimik ng kaunti ang takot ko pero nal
CATHLYNGumising ako kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na kaya unti-unti akong bumangon para silipin ang labas mula sa Sheer Curtains ng balcony ng kuwarto ni Ezekiel.Mataas na ang araw at sa palagay ko ay nasarap na naman ako ng matulog dahil sa pagod kagabi lalo na at hindi na naman tumigil si Ezekiel hanggang hindi nito nagagawa ang gusto.Napangiti ako ng maalala ko ang pinagsaluhan namin na mga sandali na talagang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya sa araw-araw simula ng magsama na kaming dalawa sa iisang bahay.Hindi ko napigilang mapaisip kung posible kayang may nabuo na sa pagniniig namin ng maraming beses? Parang may kung anong kaba ang kumurot sa dibdib ko pero nawala rin ito pagdaka ng maisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ezekiel kung sakaling magkakaanak na kami.Hinimas ko ang pipis kong tiyan na para bang iniimagine kong katulad ni Maxine ay mae-experience ko na rin na maging isang ina katulad nito.Mahilig ako sa mga bata ka