author-banner
YNAH MENDOZA
YNAH MENDOZA
Author

Novels by YNAH MENDOZA

Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)

Ezekiel Montalvo ( Irresistible Body Series)

Ezekiel Montalvo... Bunso sa tatlong magkakapatid na Montalvo. He's a typical guy who wanted to be in the world full of ladies. Masaya siya sa buhay na malaya, walang commitment until makilala niya si Cathlyn Agustin. Isa ito sa empleyado ng Montalvo Advertising Agency. Makakaya kayang baguhin ng isang Cathlyn Agustin si Ezekiel Montalvo? At handa kayang maging tagapagligtas ni Cathlyn ang amo nitong si Ezekiel laban sa mga nagtatanka sa buhay nito? Abangan natin ang kuwento ni Ezekiel Montalvo at Cathlyn Agustin hanggang sa mapatunayan nila na ang pag-ibig ay nakatakdang maramdaman ng dalawang taong tinadhana sa isa't isa at inilaan na pagtagpuin ang kanilang mga puso upang sa huli ay makamtam nila ang isang pag-ibig na wakas at totoo.
Read
Chapter: FINALE
CATHLYNKagagaling lang namin sa doctor ngayon araw. Hindi pumayag si Ezekiel na hindi ako magpacheck-up pagkagaling namin sa Cavite kinabukasan. Gusto daw niyang malaman ang kalagayan ng baby namin.Natuwa naman ako dahil siya pa mismo ang nangungulit na magpunta kami sa doctor kahit na alam kong marami itong ginagawa sa trabaho.Tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama. Lahat ng kilos ko ay bantay sarado niya.Natatakot daw kasi siyang isang kilos ko ay bigla akong mabuwal o mabunggo at mapahamak ako at ang anak namin.Akala ko ay hihiga na rin siya pagkatapos niya akong tulungan maging komportable sa kama na siyang una naming tinulugan ng tumungtong ako dito sa mansyon."Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng tangka siyang babaling paharap ng pinto.Nagulat din ako sa tanong ko sa kanya. Ayoko namang maging possessive katulad niya pero mas ayokong makita at maramdaman na malayo siya sa akin kahit ilang minuto lang."I'll just take a call, love." Itinaas nito ang cellphone
Last Updated: 2024-06-19
Chapter: CHAPTER 50
CATHLYNBantay sarado ako ni Ezekiel simula ng magkita kami sa hospital. Hindi niya ako hinahayaang kumilos na hindi ito nakaalalay sa akin. Kulang na lang ay buhatin niya ako sa tuwing pumupunta ako sa banyo huwag lang akong mahirapang maglakad.Ito ang pinangarap kong mga sandali kasama siya. Ang manatili ito sa tabi ko habangbuhay.Walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng sayang nararamdaman ko sa piling niya sa mga oras na ito.Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ng mga kinagisnan kong magulang kanina tungkol sa lahat ng pinagtapat ng totoo kong ama ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.It's been twenty-six years since I believe in the truth that I am Cathlyn Agustin. Isang kasinungalingan na nagdala sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko lubos maisip kung paano ako nabuhay sa kasinungaliang iyon.Natuklasan ko mula sa mga bibig nila na totoo ang mga pinagtapat ng tunay kong ama. Humingi sila ng tawad pero sa akin pero sa tingin ko ay kailangan pa ng panahon
Last Updated: 2024-06-19
Chapter: CHAPTER 49
CATHLYNNapahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata ko.Ang takot na kanina ay naramdaman ko ang siyang unang rumihistro sa utak ko kaya agad kong inisip kung ano ang nangyari sa anak ko.Nang makasiguro akong hindi nawala ang pinakaiingatan kong sanggol sa sinapupunan ko ay tila parang isang tinik ang kusang nabunot sa dibdib ko at dahil dun ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko mula sa ilang oras na pagkakatulog.Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga doctor sa akin pagkatapos akong ipasok sa emergency room at maging sila Manong Cardo ay hindi ko na rin nakita pagkatapos.Nang tuluyang kong imulat ang mga mata ko ay unang hinanap ng paningin ko ang mga taong tumulong sa akin para makarating dito sa hospital at hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang taong kinamumuhian ko.Madilim ang mga mata niya na tila nag-aapoy sa galit. Ang kilay niya ay halos mag-abot na ang dulo dahil sa pagkakakunot nito.Tinapatan ko ang bagsik ng tingin niya
Last Updated: 2024-06-19
Chapter: CHAPTER 48
4 Months Later"Ate Cathlyn." Napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa likuran ko. Tahimik akong nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy habang hawak ko ang nakaumbok kong tiyan.Hingal na hingal si Angeline ng makarating ito sa kinaroroonan ko."Kanina pa po kayo hinahanap ni papa, ate." Pagbabalita nito sa akin.Nang gabing makatakas ako sa mansyon ng mga Montalvo ay dito ako sa Laguna napadpad. Kasalukuyan kong pinapanuod ang mga isdang naglalangoy ng sabay-sabay sa isang sikat na park dito.Kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay dahil sa kagustuhan kong makatakas sa buhay na inakala kong maliwanag at masaya sa piling ni Ezekiel, pero hindi pala.Dito sa lugar na ito ako napadpad para magtago sa mga taong gusto kong makalimutan at hindi na maging parte ng buhay ko.Habang nag-iisip ako kung saan ako maaaring manatili para tuluyan akong makalayo kay Ezekiel ay naisipan kong dalawin si Mang Cardo na dating siyang una kong nakagisnan na driver sa bahay nila mommy at daddy.Na
Last Updated: 2024-06-19
Chapter: CHAPTER 47
CATHLYNLumipas ang isang lingo at nagpatuloy akong nakatira sa bahay ng mga magulang ni Ezekiel. Hindi ko nakitang nag-iba ang tingin nila sa akin simula ng iuwi na ako ni Ezekiel sa mansyon.Palagi nila akong tinatanong kung ano ang gusto kong gawin sa araw-araw para naman hindi ako masyadong ma bored.Hindi ko naman naramdaman ang ganun pakiramdam dahil palagi akong nililibang ni Manang Fe at ng ibang mga katulong sa mansyon.Minsan ay naisipan ko ring tanungin si Ezekiel kung puwede na akong bumalik sa pag mamanage ng shop namin na dalawa na naiwan ko ng pumunta kami na Kalinga pero hindi pa niya ako pinayagan.Natatakot daw siya na baka maulit ang nangyari dati sa shop kung saan ay may pumasok na isang masamang lalake na kalauanan ay nalaman naming isa sa mga empleyado ng kumpanya nila daddy na nagtanim ng galit hanggang sa mamatay ito sa isang aksidente sa Kalinga na ito mismo ang may kagagawan.Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon ay natahimik ng kaunti ang takot ko pero nal
Last Updated: 2024-06-19
Chapter: CHAPTER 46
CATHLYNGumising ako kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na kaya unti-unti akong bumangon para silipin ang labas mula sa Sheer Curtains ng balcony ng kuwarto ni Ezekiel.Mataas na ang araw at sa palagay ko ay nasarap na naman ako ng matulog dahil sa pagod kagabi lalo na at hindi na naman tumigil si Ezekiel hanggang hindi nito nagagawa ang gusto.Napangiti ako ng maalala ko ang pinagsaluhan namin na mga sandali na talagang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya sa araw-araw simula ng magsama na kaming dalawa sa iisang bahay.Hindi ko napigilang mapaisip kung posible kayang may nabuo na sa pagniniig namin ng maraming beses? Parang may kung anong kaba ang kumurot sa dibdib ko pero nawala rin ito pagdaka ng maisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ezekiel kung sakaling magkakaanak na kami.Hinimas ko ang pipis kong tiyan na para bang iniimagine kong katulad ni Maxine ay mae-experience ko na rin na maging isang ina katulad nito.Mahilig ako sa mga bata ka
Last Updated: 2024-06-19
SANDALING KAPILING KA

SANDALING KAPILING KA

Bata pa lang ay naranasan na ni Yohann ang hirap ng buhay. Habang nasa kalye ay nakilala nito ang ama ni Martina na si Mang Antonio na tumulong kay Yohann na makakain. Hindi makakalimutan ni Yohann ang mag-ama at ang kabutihan ng mga ito hanggang sa naging isa na siyang matagumpay na doctor. Aksidenteng nagtagpo muli ang landas ni Yohann at Martina ng isugod sa hospital ang Tatay nitong si Mang Antonio. At sa mismong hospital na pagmamay-ari ni Yohann nadala ni Martina si Mang Antonio. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Yohann ang presensiya ni Martina ngunit hindi ito nagtagal dahil sa kasama nitong binata. Sa pagtatagpo kaya ng landas ng dalawa ay magagamot kaya ang ilang taong lumipas na hindi nawala sa isipan ni Yohann si Martina? Oh ito ang magiging daan para mabuo ang isang pagmamahalan na tinadhanang maramdaman nila sa isa't isa?
Read
Chapter: FINALE
YOHANN Magkayap kami ni Martina habang nakatitig sa tahimik na mga bituin sa langit. Ang sarap titingan ng mga ito sa malayo na para bang mga maliliit na ilaw na sinabog sa kalangitan. Nagniningning ang mga ito katulad ng nararamdaman namin ni Martina sa sandaling kapiling namin ang isa't isa. “Yohann…” Narinig kong tawag ni Martina sa pangalan ko. “Hmm? Why, sweetheart?” Hinaplos ko ang malambot at mabaha niyang buhok. “Bakit nandun ka sa bahay ng sumakit ang tiyan ko?” Curious nitong tanong sa akin. Inasahan ko na itatanong nito ang bagay na'yun pag-uwi namin ng bahay. “I always make sure that I see you everyday even if your not here beside me.” Seryoso kong sabi sa kanya. Aaminin ko na nakalimutan ko kung gaano ko siya kamahal dahil sa selos. Ang buong akala ko ay niloloko niya ako kasama ang Warren na'yun. Hindi ko matanggap na hindi niya akong mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya. “Ibig sabihin ay araw-araw kang na
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: CHAPTER 50- PAGYAKAP SA KATOTOHANAN
MARTINA Halos magdadalawang buwan na rin ng magpaalam ako kay Yohann para lumayo sa kanya. Sa lumang bahay ako tumira kung saan naging komportable ako dahil alam kong kahit paano ay naalala ko ang mga pinagdaanan namin ni tatay. Masasabi kong naging magaan ang pakiramdam ko ng nakalipas na dalawanng buwan. Hindi nagparamdam si Yohann sa akin katulad ng pangako nito na maghihintay ito sa pagbabalik namin na mag-ina sa bahay namin. Tahimik kong pinagmasadan ang mga pasibol pa lang na bulaklak sa mga paso na nakahilera sa hagdan ng bahay namin. Hinimas ko ang tiyan kong nagsisimula ng magkalaman. Namimiss ko ang guwapong mukha ng daddy mo anak, maski ang amoy niya…gusto ko siyang maamoy ulit. Natatawa kong kausap sa anak namin. Bakit ko nga ba pinapahirapan ang sarili ko na makasama ang lalaking mahal ko? Dahil sa takot? Pag-aalinlangan? Oh sadyang hindi ko lang naintindihan sa umpisa na kapag nagmahal ka ay kasama na doon ang sakit at pa
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: CHAPTER 49- PAGHIHIWALAY NG LANDAS
MARTINA Nakatulog ako sa kahihintay kay Yohann kagabi. Umasa akong uuwi ito NG bahay at dito ito matutulog pero hindi iyon ang nangyari. Umasa ako at nabigo sa huli. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga posibleng bagay na maaaring mangyari kagabi habang magkasama si Yohann at Mariz. Pati ang sangol sa sinapupunan ko ay naapektuhan na ang mga nararamdaman ako ngayon na kagagawan ng ama nito. Hindi ako dapat magpatalo sa mga negatibong nararamdaman at naiisip ko ngayon. Dapat akong magpalakas at lumaban para sa anak ko,sa anak namin ni Yohann. Dahil sa nakikita kong sitwasyon namin ni Yohann ay mas mabuting protektahan ko ang anak namin sa sinapupunan ko at magagawa ko lamang ang bagay na'yun kung hindi ko muna sasabihin sa kanya ang katotohanan. Nagpasya akong gumayak para magpatingin sa doctor. Buti na lang at binigyan ako ang isang card ni Yohann para magamit sa mga pang gastos ko. Magwiwithdraw ako ng pera para gamitin sa
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: CHAPTER 48- PAG-AALINLANGAN
ALBERT We ate our dinner in one of the luxurious restaurants in the Metro. Finally, I got her. I have this feeling that she also likes me. I'm so happy to have her at the least expected time of my life. “You like this?” tanong ko sa kanya ng makita kong ubos na ang pagkain sa plato niya. Tumango siya kaya pinaglagay ko siya ng meat sa plato niya. I ordered a lot para makakain siya matapos naming magsolo sa bahay nito. Yes, palagi kaming nasa bahay niya pagkatapos naming mamasyal oh may puntahang ibang lugar. Pinaalala ko sa kanya ang huli naming pagkikita sa ibang bansa at nagulat siya ng sabihin ko sa kanya ang eksaktong araw at petsa kung kailan ko siya nakilala sa pamamagitan ni Yohann. Tumawa kami pareho habang inaalala ang ilang bagay pati ang pagkagusto niya kay Yohann na nagdulot sa akin ng selos. “That was before, okay? Ikaw na ang gusto ko ngayon.” Sagot ni Bridgitte sa akin na kinalungkot ko. “Gust
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: CHAPTER 47- SELOS
BRIDGITTE Halos ilang minuto ko ng pinagmamasdan ang lalakeng nasa tabi ko ngayon habang pareho kaming nakahiga at walang saplot ang katawan. It’s been a week since may mangyari sa amin at naulit pa iyon ng maraming beses. I don’t know but I keep asking myself why I suddenly let these things happen. Maiintindihan ko pa ang unang beses na may nangyari sa aming dalawa pero ang maulit ito ng maraming beses at pumayag ako ay hindi ko maintindihan talaga ang personal kong dahilan kung humantong kami sa ganitong sitwasyon. I never imagined my life being with other man except Yohann. But because of that unplanned scenario, all things were suddenly changed. Alipin ako ngayon ng emosyon na hindi ko maipaliwanag. Napukaw ang mga iniisip ko ng biglang umungol si Albert sa tabi ko na parang naalimpungatan. He automatically search for me by his hand at doon niya ako muling niyakap at walang kahirap-hirap na hinila palapit sa tabi niya ng
Last Updated: 2026-05-25
Chapter: CHAPTER 46- PAGMULAT SA KATOTOHANAN
MARTINA Nagdalawang isip ako kung tatawagan ko si Warren oh hindi. Malamang na paalis na ito papuntang Leyte. Siya na lang ang pag-asa ko para makaalis sa poder ni Yohann at kalimutan ang lahat sa aming dalawa. Pero isipin ko pa lang na isuko siya sa babaeng gusto ng mga magulang nito para maging asawa ay tuluyan na akong nanghihina. Mahal ko siya at hindi ko kayang makita na may iba sa buhay niya. Pinunasan ko ang mga luhang lumasdas sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan akong nasa kuwarto namin ni Yohann at nagkulong dito. Hindi ko inaasahan ang ganitong sakit dahil sa mga nakita at narinig ko mula sa pamilya ni Yohann. Wala itong kalam-alam sa mga pinagsasabi ng mga ito laban sa akin. Asawa niya ako, sa mata ng Diyos at batas ako ang may karapatan sa kanya at hindi kung sino mang babaeng gusto ng mga magulang nito para sa kanya. Iyon ang dapat kong gawin, ang manatili sa tabi nito at maghinta
Last Updated: 2026-05-25
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
Read
Chapter: EPILOGUE - SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
Nang sumunod na taon ay nagpakasal na nga si Simoun at Samantha sa simbahan. Sa pagkakataong iyon ay nabuo muli ang pamilya ni Samantha sa pagpunta ng ama nito sa kasal. Lubos ang kaligayahan ng dalawa ng sa wakas ay nakasal na rin ang mga ito at naging mag-asawa sa mata ng Diyos at sa mata ng mga tao.Magarbo, elegante at puno ng mga importanteng mga tao ang naging kasal ng dalawa. Tinutulan sana iyon ni Samantha dahil hindi ito sa sanay sa ganoong klaseng buhay pero mas naintindihan nito na sa pagpapakasal nito kay Simoun at pagpasok nito sa mundo nito ay kailangan na rin nitong sanayin ang sarili sa ganoong klaseng buhay. Mararangyang bagay, kapangyarihan at katangyagan...iyon ang mga kakambal ng pagkatao ng isang Montalvo na hinahangad ng marami at ngayon ay nararanasan ni Samantha."Babe...what's wrong?" tanong ni Simoun kay Samantha, kasalukuyan ang mga ito na nakasakay sa private plane ni Simoun papuntang Japan para sa isang lingong honeymoon ng dalawa."Wala naman babe, may nai
Last Updated: 2021-12-08
Chapter: Chapter 29- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
SIMOUNI covered my face using my own hands. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa waiting area ng hospital. Kasalukuyang inooperahan ang binti ni Samantha dahil sa bala ng baril na natamo nito mula sa baril ni Edward. Tila may isang tali ang aking kamay na hindi nakikita kanina ng wala akong magawa ng saktan ni Edward si Samantha.Nangako ako sa mga pulis na wala akong ibang gagawin habang inililigtas nila si Samantha, at kahit na gustong-gusto kong sugurin si Edward at ako mismo ang pumatay sa kanya ay hindi ko nagawa.Hindi ko alam kung ano pangpaghihirap ang dinanas ni Samantha sa mga kamay nito bukod sa pagkakabaril nito sa binti. Pero lahat ng galit ko para kay Edward ay biglang naglaho ng mabaril ito ng isa sa mga police sniper at tinamaan ito.
Last Updated: 2021-12-08
Chapter: Chapter 28- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
PATTY"Dad...""Hayaan mo siyang gawin ang bagay na gusto niya Patty."Sinabi ko sa kanya ang lahat ng balak ni Edward kay Samantha pero ayaw nitong pakielam ang mga masasamang balak ng asawa ko."Daddy, natatakot na ako kanya. Hindi na siya ang Edward na minahal ko. Mamamatay tao na siya, at baka nga hindi lang iyon ang kaya niyang gawin.""Ano ang gusto mong gawin ngayon?""Gusto kong pigilan ang mga plano niya para hindi siya tuluyang mapasama.""Tapos ano? Ikaw naman ang mapahamak?""Hindi Dad, kakausapin ko l
Last Updated: 2021-12-08
Chapter: Chapter 27- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
SIMOUNI can't count how many times did I check on my wrist watch what is the exact time. Tumatawag ako kay Samantha pero nakapatay ang cellphone niya. Kanina pa akong ala sais naghihintay sa kanya pero alas otso na wala pa ring Samantha ang dumating. Pati si Manong Jr. ay tinawagan ko na rin pero nag riring lang ang cellphone niya at hindi sinasagot. Kinabahan ako bigla, something is happening which I can't explain.Napatayo na ako sa upuan para umalis, dala ko naman ang kotse ko kaya makakauwi ako agad to check what's really happening and Samantha was not able to meet me tonight. Hindi nito ugaling hindi sumipot sa mga pinupuntahan naming lakad, ngayon lang.Pahakbang na ako para umalis ng biglang tumunog ang cellphone ko, Manong Jr. was calling. I immediately answer
Last Updated: 2021-12-08
Chapter: Chapter 26- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
SAMANTHANagising ako mula sa maninipis na halik sa aking labi at sa paraan pa lang ng paghalik nito ay alam kong si Simoun ang gumagawa nito sa akin kahit na hindi ko pa tuluyang naididilat ang aking mga mata."Good morning babe..." bulong nito sa aking leeg, kasalukuyan siyang nakasubsob na naman sa aking leeg na parang inuubos nito ang amoy ng aking balat. Napangiti ako."Ummmmp," kunwari ay ungot ko sa kanya."Gising ka na babe...mag breakfast na tayo." Yaya niya sa akin. Nang sabihin niya ang salitang 'pagkain' ay biglang namulat ang mata ko. Nakaramdam ako ng gutom dahil sa mga pinaggagawa namin ni Simoun kagabi. Tinamad naman akong magluto kagabi kaya siguro gutom na gutom ang pakiramdam ko.
Last Updated: 2021-12-08
Chapter: Chapter 25- SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)
SIMOUNIlang minuto pagkatapos kong tumawag at magtext kay Jenny ay nagreply na rin ito sa wakas.Sir Simoun, nandito po sa bar si Samantha at marami na po siyang nainom.Napamura ako ng mabasa ko ang text ni Jenny. Ano kaya ang problema ni Samantha at naisip nitong gawin ang ganoong bagay? Mabilis kong pinaandar ang kotse para mapuntahan ko ang sinabing lugar ni Jenny sa akin. Kulang na lang ay paliparin ko ang kotseng sinasakyan ko para lang makarating agad sa bar kung saan nandoon si Samantha.Pagkarating ko sa mismong lugar ay agad kong nakita si Jenny sa labas ng bar at parang hinihintay ang pagdatin g ko."Where is she?" agad ay tanong ko sa kanya.
Last Updated: 2021-12-08
Mr. Wrong becomes Mr. Right

Mr. Wrong becomes Mr. Right

"Willing to wait and still hoping na makilala si Mr. Right! kahit na trenta anyos na ako ay hindi ako kinakabahan na hindi makapag-asawa! Ilang bilyon ba ang tao sa mundo? Kahit isa naman siguro sa mga iyon ay may inilaan si Lord sa akin hindi ba?" ALYANNA Paano mo masasabi kung ang isang lalake ay ang siyang nakatadhana para sa iyo? Ito ang ang palaging tanong ng marami, pero sa katauhan ni Aya na isang probinsiya at hindi hinahanap ang pag-ibig ay bigla na lang itong nanghina ng makita ang isang lalakeng inakala nitong dayo sa lugar nila. Ito ay si Marcus Napoleon, ang anak ng gobernor sa Ilocos Sur. Isang modulo sa Manila na napilitan lang umuwi ng Ilocus Sur dahil sa pakiusap ng ama nito. Pero hindi nito inakala na sa pag-uwi muli nito ay makilala nito si Aya Ramos. Maganda at simpleng dalaga pero brusko ang dating. Hindi maganda ang pagkikita ng dalawa ng sa unang beses na magtagpo ang mga landas ng mga ito ay parang mga aso't pusa ang dalawa. Pero sa muling pagkikita ni Marcus at Aya ay biglang maiiba ang ihip ng hangin. Magkakaroon ng spark at liwanag ang paligid ni Aya na hindi nito maintindihan sa tuwing makikita nitong nakakatitig dito si Marcus. Ito na kaya ang pinakahihintay na pag-ibig ng dalaga o mag-iiwan lang ito ng isang masakit na alala sa buhay ni Aya? Sabay-sabay nating abangan ang kuwento ni Marcus at Aya, at kung paanong ang isang tao na inakala mong mali para sa iyo ay magiging siyang pinaka tamang tao na inilaan ng Diyos sayo.
Read
Chapter: Chapter 12- Mr. Wrong becomes Mr. Right
AYAHindi ako nakasagot agad sa tanong nya dahil nagulat ako kung bakit nito naisip na itanong ang bagay na'yun sa akin, wala naman siguro itong naisip na naman na kakaiba kong bakit ito biglang nagtanong ng ganoon?“Oo. Ako lang ang inaasahan ni lola dito sa bukid at wala na din kasi si mama.” Sagot ko sa kanya na ikinatahimik nito bigla. Hindi ko alam kung nagulat ba siya sa kaalamang wala na akong mga magulang oh dahil hindi nito inaasahan na ang katulad kong babae ay makakayang gawin ang mga gawain sa bukid na sa una ay pang lalake lang sa tingin ng iba.“You mean, wala ka na ring mga magulang?” Sunod niyang tanong sa akin at isang tango lang ang sinagot ko sa kanya pagdaka.“Sanggol pa lang ako ng mamatay si mama at si papa naman ay hindi ko siya nakita simula ng bata pa ako.” Nagulat ako sa sarili ko ng sa maikling oras ay nagawa kong ikuwento kay Marcus ang ilang parte ng buhay ko na tanging iilan lang ang nakakaalam katulad ni She.“I hope someday you can also see your fathe
Last Updated: 2025-11-09
Chapter: Chapter 11- Mr. Wrong becomes Mr. Right
AYANawalan ako ng kibo ng makita ko kung paano binuhat ni Marcus aNg ilang plastic bag ng gulay na naunang naani ng mga tabahador namin. Tinangga itong awatin ng mga ito sa pagbubuhat pero hindi ito nakinig. Sinenyasan ko na lang ang mga tao namin na hayaan na lang ito at mukhang enjoy na enjoy naman ito sa ginagawa. Ang pinagtataka ko lang ay kung bakit sa init ng panahon at ilang bag na binuhat nito ay mukha pa rin itong fresh at mabango? Ano kaya sekreto nito para magkaroon ng ganoong hitsura? Bigla akong napaismid ng pumasok sa isipan ko ang bagay iyon. Nang matapos na ito sa pagtulong sa pagkakamada ng mga gulay sa plastic ay nakunsensiya naman ako kaya inabot ko sa kanya ang dala kong tambler na may malamig na tubig at yelo."Thanks for this". Nakangiti nitong sabi sa akin. "It's so refreshing." Itinaas pa nito ang thumbler na ininuman nito na parang commercial model ang dating. "Masaya pala ang magbuhat ng mga gulay, just like doing my everyday workout?" Hindi mawala sa guwa
Last Updated: 2025-11-09
Chapter: Chapter 10- Mr. Wrong becomes Mr. Right
YANAPara akong namamalikmata ng makita ko ang lalakeng nasa gitna ng kabukiran namin ngayon. Totoo bang nagpunta ang lalakeng iyan dito? Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko sa katotohanang nasa harapan ko ngayon. Kasalanan lahat ito ni She ih! Bulong ko sa sarili.Naiinis akong binalikan ng tingin si Marcus habang nakatayo ito malapit sa pilapil ng bukid. Nakasuot ito ng putting long sleeves na naka tack-in sa fitted jeans na lalong nagpatingkad ng imahe nito sa gitna ng init ng kabukiran. Isama pa ang suot nitong black shades at boots na suot sa paa na nagpakumpleto sa mala artista nitong hitsura. Namukhang photo shoot tuloy ang datingan nito at kulang na lang ay camera man.Aminin mo man oh hindi Alyana, naguwapuhan ka kay Marcus! Napangiwi ako ng bigla ay tumakbo sa isipan ko ang nakakakilabot na katotohanang iyon. Bakit ba kasi kailangan magpunta ng lalakeng iyan dito sa bukid namin?“Aya!” Narinig kong tawag sa akin ng taong may sala kung bakit sumasakit ang mga mata ko ngayon
Last Updated: 2025-11-08
Chapter: Chapter 9- Mr. Wrong becomes Mr. Right
AYANainis ako sa sarili ko kung bakit ba kailangan kong ma stress sa kaalamang may isang taong nakapasok ng bahay namin ngayon na hindi ko lubos maisip kung paano ito nangyari. Wala sa hinuha ko na makikita ko ang isang katulad niya sa isang simpleng bahay na mayroon kami ngayon.“Aya.” Untag sa akin ni She.Nilingon ko siya at nagtatanong ang mga mata ko ng tingnan ko siya. Nahagip pa ng paningin ko ang paglingon din ni Marcus sa gawi ko ng magsalita si She.“Bakit?”“Baka naman maipasyal mo si Sir Marcus sa bukid nyo, hindi ba?” may pagkindat pang kasamang tanong nito sa akin. Napaismid naman ako pagkatapos kong makita ang reaksyon niya.“Bukid namin?” kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi nito.“Opo. Kasi tingnan mo ah, itong si Sir Marcus ay minsan lang magbakasyon dito sa lugar natin so dapat ay entertain mo siya ng maayos.” Mahabang lintanya nito na lalo atang nagpasakit ng batok ko. Napatulala na lang ako habang katitig kay She. Ako? Bakit ako ang kailangan
Last Updated: 2025-09-27
Chapter: Chapter 8- Mr. Wrong becomes Mr. Right
AYAHindi ko akalain na mangyayari ang kinatatakutan ko ng ganun kabilis. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ang panahon na matra-trap ako sa ganitong sitwasyon.Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga upuan sa sala namin habang napapalibutan ng mga taong wala atang hinihintay kung hindi ang paglabas ng anumang salita sa bibig ko.“Ehemmmm…” sunod kong narinig na sabi ni She. Nakakunot ang noo ko ng linungin ko siya.Sinenyasan ko siya na tumahimik pero kinindatan lang niya ako at isang nakakalukong ngiti na naman ang pinakawalan nito sa harap ko.“Mr…Marcus Napoleon.” Bigla na lang na parang sinilihan ang pakiramdam ko ng bangitin nito ang pangalan ng antipatikong lalake na ngayon ay nasa loob ng bahay namin.Sunod kong tiningnan ang naging reaksyon nito sa pagtawag ni She sa pangalan nito.“Yes?”“A-mmmmm.” Para namang naumid ang dila ni She at hindi agad makapagsalita ng marinig nito ang baritonong boses ng anak ng gobernador namin.“What’s that?” agap na muling tanong ni Marcus
Last Updated: 2025-05-13
Chapter: Chapter 7- Mr. Wrong becomes Mr. Right
MARCUSI felt different when she seated beside me a while ago. There's something I can't just explain. Hindi naman kakaiba ang ginawa niya, umupo lang naman siya sa tabi ko pero may kung anong kasiyahan ang namuo sa puso ko.Unlike our first met, tahimik ito at hindi madaldal ngayon. Mas gumanda pa ito sa paningin ko sa suot na naman nitong parang panglalakeng porma. Napailing na lang ako ng balikan ko ang hitsura nito kanina ng magtama ang mga mata namin ng muli kaming magkita.Wala itong kakurap-kurap, para nga itong natuklaw ng ahas sa sobrang pagkabigla nito. I was amazed by her simply simple and fascinating beauty. Kakaiba ang kilos at epekto nito sa akin na hindi ko maintindihan.I tried to ask for her number so she would not misunderstand my intention. I just want to be close to her, that's it.I'm not the typical guy who asks several women about their numbers. Sila ang nanghihingi ng number ko, then after a minute they will text me to hang out, and that's the start of a one-ni
Last Updated: 2025-05-06
You may also like
Love for Rent
Love for Rent
Romance · Maria Bonifacia
1.3M views
Married a Secret Billionaire
Married a Secret Billionaire
Romance · Breaking Wave
1.2M views
Played By Fate
Played By Fate
Romance · Yeiron Jee
1.2M views
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Romance · Simple Silence
1.1M views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status