CATHLYN
Hindi pa rin humuhupa ang kabang nararamdaman ko habang kasalukuyang nakasakay pa rin ako sa kotseng pagmamay-ari ni Sir Ezekiel. Doon ko muling naalala ang ginawa nitong pagbusina ng ilang beses kanina na wala namang dahilan.
Kawawa tuloy ang mga motoristang binusinahan nito ng pagkalakas-lakas. Paminsan-minsan ay sunusulyapan ko ang gawi nito habang tahimik na nagmamaneho. Nakakunot ang dalawa nitong mga kilay ay halatang badtrip ito. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ako sa punto ng buhay ko na kakailanganin ko pang ibuwis ang buhay ko huwag lang akong magtrabaho sa kumpanya ng mga magulang ko.
Buwis buhay ang pagsama ko kay Sir Ezekiel ngayon dahil una, hindi ko alam kung saan nga ba kami talaga pupunta para lang mag-usap? Pangalawa, hindi ko alam na ganito pala siya kapag nagdri-drive na kulang na lang ay ubusin nito ang sound ng busina nito sa lakas ng pagkakadiin nito sa horn button. At pangatlo, isipin ko pa lang ang sasabihin ng mga katrabaho namin lalo na si Maxine kapag nalaman nitong sumakay ako sa mismong kotse ng amo namin ay para na akong magkakasakit sa puso. Bawat sandali na kasama ko siya ng mga sandaling iyon ay iba-iba ang sumasagi sa isipan ko.
Problema sa trabaho, sarili kong pamilya, personal na buhay ko...at ngayon ay dumagdag pa ang kakaibang pakiramdam na patuloy na nagpapagulo sa buong sistema ko. Normal lang naman na magka crush ang isang tao siguro, nasobrahan nga lang siguro ako pagdating kay Sir Ezekiel.
Halos magkaedad lang kami, galing ito sa mayamang angkan ng mga Montalvo. Bunso ito sa tatlong anak ni Don Lorenzo at Madam Agnes Montalvo. Matalino ito na isa na ata sa mga qualities ng mga Montalvo. Base sa mga narinig kong tsismis tungkol sa kanya ay nagtapos ito ng kolehiyo sa isa sa mga pinakatangyag na unibersidad sa Pilipinas at tumanggap ng pinakamataas na karangalan ng makatapos ito. Kumuha din ito ng kurso sa America ng ilang taon bago ito tuluyang maglayag na mag-isa sa mundo ng pagnenegosyo na namulatan na nito mula sa mga magulang.
There's no doubt that he possesses everything a woman is looking for in a perfect partner in life, expect for one. Babaero ito, hindi lang iisang beses na nakita ng dalawa ko mismong mga mata kung gaano ito kabaliwan ng mga babae na nakapaligid dito. Hindi ata tumatagal ng dalawang buwan ang karelasyon nitong babae at mababalitaan na lang namin sa agency na may bago na naman itong kinakalamantari.
Muli ko siyang tinitigan ng palihim habang nakahawak ang isa nitong kamay sa manubela at ang isa naman ay nakahawak sa ilalim ng baba nito na parang may malalim na iniisip. Madalang ko siyang mapagmasdan ng malapitan kahit na palagi naman kaming nagkakasalubong sa loob ng opisina nito.
Mapula ang mga labi nito na hindi ko mapigilang pagmasdan katulad ngayon na malapit lang kami halos sa isa't-isa. Ang mahahaba nitong pilikmata ay bagay sa mapupungay nitong mga mata na parang kahit sino ata ay lalakas ang kabog ng dibdib sa oras na titigan nito. Matangos ang ilong nito na una mong mapapansin sa unang sulyap mo sa guwapo nitong mukha.
Pati ang malaki nitong dibdib ay hindi nakaligtas sa mga mata ko. Alam kong maalaga ito sa katawan at na isa sa mga katangian ng mga Montalvo. He has the charisma that every woman would die for, kaya hindi na ako nagtaka kung katulad ng mga nakakatanda nitong kapatid ay maraming babae ang naghahangad na maging parte ng buhay ng pamilya Montalvo.
Muntik akong mapatalon sa upuan sa kinauupuan ko ng walang ano-ano ay bigla niya akong nilingon na hindi ko napaghandaan.
"Done checking on me?" sarkastiko nitong tanong sa akin na lalo atang nagpatuyo ng lalamunan ko.
"A-hhhh, sir..."
Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi nito na parang pinagtatawanan ang naging initial reaction ko dahil sa tanong nito sa akin. Bakit ba kasi hindi ko napigilang titigan ito kahit na alam kong anytime ay puwede niya akong makita? Haizt!
"Hey, I'm just kidding." Bigla akong nag-angat ng tingin dahil sa sinabi niya at hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para titigan ito ng mariin.
"Nagkataon lang po sir na----." I wasn't able to continue talking with him when we both heard a sound coming from his phone.
Walang ano-ano ay kinausap na nito ang nasa kabilang linya.
"Hello sir..." iyon ang bungad na sabi ng babae sa kabilang liny ana agad ko namang nabosesan. Si Marlyn ito na siyang secretary nito sa agency.
"Yes, why are you calling?" Agad namang sagot ni Sir Ezekiel.
"Sir, pasensiya na po at napatawag ako. Hindi ko po pala naisama sa sched nyo tomorrow ang lunch nyo with Miss Pia Anderson." Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Marlyn. Minsan ay narinig kong pinag-uusapan ng ilang empleyado si Sir Ezekiel at ang bago nitong nililigawan nitong sikat na movie actress. Mas lalo kong inabala ang paningin ko sa labas ng bintana ng kotse ko para hindi nito isipin na pinakikinggan ko ang pinag-uusapan ng mga ito. Hindi kaya! Kasalanan ko bang masyadong malakas ang boses ng secretary niya kaya kahit na pabulong lang ay dinig na dinig ko ang sinabi nitong pangalan? Nagngingitngit kong sabi sa sarili.
Pinilit kong magpanggap na hindi ako apektado ng katotohanang wala pa rin itong pinagbago pagdating sa mga babae. It's just a normal thing for him, that's the truth.
"Yeah, no problem. Tell her that we'll meet before lunch tomorrow and I'll just call her later to inform where we can eat our lunch." Diretsong bilin ni Sir Ezekiel sa secretary nito. Sunod kong naramdaman ang munting kurot sa dibdib ko na hindi ko alam kung para saan. Hindi ako dapat maapektuhan ng mga naririnig ko ng mga oras na iyon dahil mali ang maramdaman ko ang bagay na'yun.
"Okay po sir, noted po."
Narinig ko ang pagtatapos ng tawag ng dalawa habang nakatitig pa rin ako sa labas ng bintana at wala ng balak pang kausapin ito. Pagkababang-pagkababa ko ng kotse nito ay magpapaalam na ako para makauwi na rin at masyado ng nakakapagod ang trabaho sa agency sa buong maghapon at idagdag pa ang nakaka stress na narinig ko kanina lang.
"What food do you want to eat?" Sunod kong naring na tanong ni Sir Ezekiel na hindi ko naman agad nasagot. Sandali ko siyang nilingon at saka tumungin sa unahang kalsada.
"Baka po sir puwedeng dito nyo na lang sabihin ang kung ano mang dapat nyong ipaalam sa akin para hindi na po tayo masyadong magtagal. Traffic din po..." sagot ko sa kanya at saka ako alanganing tumingin sa kanya. Doon ko muling nasilayan ang pag-iba na naman ng mood nito katulad kanina. May masama na naman ba akong nasabi at nagalit na naman siya? My God!
"I'll tell you something when we get there." Makahulugan nitong sabi sa akin sa seryosong boses. Nabalewala lang ang suggestion ko sa kanya na sa loob na lang kami ng kotse mag-usap para hindi na kami humanap pa ng ibang lugar na puwede naming puntahan.
Hindi na ako naging komportable na kausap o tingnan man ito simula ng makaramdam ako na may kakaibang kaba sa puso ko sa tuwing magkasama kaming dalawa, katulad ngayon. "I tell you something when we get there." Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin na hindi naming puwedeng pag-usapan sa loob ng kotse? Naisa loob ko na lang.
Ilang minuto pa ang lumipas at napansin ko ang pagpasok ng kotse ni Sir Ezekiel sa isang open space garden restaurant. Kahit na madalas akong lumalabas kasama si Maxine o ang iba kong kakilala ay hindi ko nalaman na may ganito pa lang kagandang lugar sa Manila.
Agad na lumapit ang isang unipormadong lalake sa kotse ni Sir Ezekiel ng maipasok na niya ito sa mismong entrance ng restaurant. Nilingon niya ako saglit bago nagsalita.
"Let's go?" At sunod nitong tinanggal ang suot nitong seatbelt. At wala na nga akong nagawa ng napatango na lang ako pagkatapos. Pagkatapos kong tanggalin ang buckle ng seatbelt ng mapansin ko na nauna ng bumaba si Sir Ezekiel at walang ano-ano ay dumeretso ito sa gawi ng pinto kung saan ako nakasakay. Alangan kong hinawakan ng mahigpit ang handbag na nakapatong sa mga hita ko saka saktong binuksan nito ang pinto ng kotse nito.
Hindi ko alam kung nakita nito ang pag-aalangan sa mga kilos ko ng mga oras na yun pero mas minabuti ko pa ring kumilos ng normal katulad sa isang empleyado habang kasama ang amo nito.
Inilalayan niya ako habang palabas ng loob kotse at pati ang lalakeng unang sumalubong sa amin ay nakatitig na ngayon sa akin.
"Good afternoon po Sir, Ma'am." Bati nito sa amin ni Sir Ezekiel. At parang biglang namanhid ang braso ko ng makita ko kung paano nanatiling nakaalalay ang isang kamay ni Sir Ezekiel sa akin.
"Here's the key." Iniabot ni Sir Ezekiel ang susi ng kotse nito sa lalakeng nag welcome sa amin. Ito na ang mag-aayos ng pagkakapark ng kotse na gamit namin.
"Let's go inside." Untag na sabi ni Sir Ezekiel sa akin dahilan ng bigla kong nagpalingon sa gawi nito. Halos isang danggal na lang pala ang layo niya sa akin at hindi na rin naiwasan ang titigan ang guwapo niyang mukha na ngayon ay malapit na malapit sa akin.
"S-sige po sir..." at sabay nga naming tinungo ang loob ng papasok sa restaurant.
Sa entrada pa lang ng lugar na pinutahan naming ay mapapa wow ka na talaga sa ganda. Kumikinang ang mga nakasabit na LED lights sa bawat halaman at puno sa restaurant. Isama mo pa ang mga nag gagandahang mga bulaklak na makikita sa bawat ibabaw ng mesa na halatang sa mismong sa mga tanim na halaman din sa restaurant na iyon pinitas. May isang panig sa restaurant kung saan may isang naggigitara at habang may isang babaeng kumakanta ng malamyos na tugtugin ang isa pa sa napansin ko ng tuluyan na kaming nakarating sa mismong receiving area ng restaurant. Muntik ko na ngang nakalimutan na kasama ko si Sir Ezekiel sa sobrang ganda ng lugar na pinagdalhan niya sa akin.
Nagulat na lang ako ng muli ay haplusin niya ako sa braso at magsalita sa tabi ko.
"Please, take a seat." Utos niya sa akin at sunod niya akong pinaghila ng upuan na kinagulat ko na naman. It's not the first time that I experienced this kind of treatment from a man but with him, iba ang naramdaman ko ng gawin ni Sir Ezekeil ang bagay na iyon. It's totally different, and I can't exactly name what feeling is that.
Muli, katulad kanina ay nagpatinaod na naman ako sa bawat sabihin niya sa akin at kulang na lang mahypnotize ako sa bawat titig na ipinupukol niya sa akin katulad ngayon na magkasama kaming dalawa at sa isa pang romantic restaurant na katulad nito.
Hindi nagtagal ay may lumapit na isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga waitress ng restaurant. Saglit na nawala ang paningin ni Sir Ezekiel sa akin at inilipat sa waitress na nasa tabi na namin ngayon.
Pasimple ko rin na tiningnan ang babaeng kumukuha ng mga order namin. Hinayaan ko na lang si Sir Ezekiel sa kung ano ang gusto nitong orderin tutal ay hindi naman ako maselan sa pagkain. Agad kong napansin ang kakaibang tingin ng waitress kay Sir Ezekiel na para bang hindi na ata kumukurap sa kakatitig sa boss ko. Napa ismid ako dahil sa inaasta nito, hindi naman obvious na nagpapacute ito at lantaran pa itong magpakita ng motibo sa amo ko.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nagulat na lang ako ng tanungin ako ni Sir Ezekiel.
"Anything you want to eat?"
Umiling na lang ako at pasimple kong inirapan ang waitress na hindi mawala ang ngiti sa labi kanina pa.
At ng dahil sa pangyayaring iyon ay biglang nagbago ang mood ko at hindi ko naiwasang mainis. Nanibago na naman ako ng maramdaman ko ang pinong kurot sa puso ko ng maisip ko kung ilan nga bang mga babae ang nagkakandarapa para lang mapalapit sa isang Ezekiel Montalvo?
Itinuon ko lang ang pansin ko sa tubig na iniinom ko bago pa kainin ang buong sistema ko ng mga nangyayari sa paligid ko ngayon.
CATHLYNKagagaling lang namin sa doctor ngayon araw. Hindi pumayag si Ezekiel na hindi ako magpacheck-up pagkagaling namin sa Cavite kinabukasan. Gusto daw niyang malaman ang kalagayan ng baby namin.Natuwa naman ako dahil siya pa mismo ang nangungulit na magpunta kami sa doctor kahit na alam kong marami itong ginagawa sa trabaho.Tinulungan niya akong makahiga ng maayos sa kama. Lahat ng kilos ko ay bantay sarado niya.Natatakot daw kasi siyang isang kilos ko ay bigla akong mabuwal o mabunggo at mapahamak ako at ang anak namin.Akala ko ay hihiga na rin siya pagkatapos niya akong tulungan maging komportable sa kama na siyang una naming tinulugan ng tumungtong ako dito sa mansyon."Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya ng tangka siyang babaling paharap ng pinto.Nagulat din ako sa tanong ko sa kanya. Ayoko namang maging possessive katulad niya pero mas ayokong makita at maramdaman na malayo siya sa akin kahit ilang minuto lang."I'll just take a call, love." Itinaas nito ang cellphone
CATHLYNBantay sarado ako ni Ezekiel simula ng magkita kami sa hospital. Hindi niya ako hinahayaang kumilos na hindi ito nakaalalay sa akin. Kulang na lang ay buhatin niya ako sa tuwing pumupunta ako sa banyo huwag lang akong mahirapang maglakad.Ito ang pinangarap kong mga sandali kasama siya. Ang manatili ito sa tabi ko habangbuhay.Walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng sayang nararamdaman ko sa piling niya sa mga oras na ito.Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ng mga kinagisnan kong magulang kanina tungkol sa lahat ng pinagtapat ng totoo kong ama ay hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot.It's been twenty-six years since I believe in the truth that I am Cathlyn Agustin. Isang kasinungalingan na nagdala sa sitwasyon ko ngayon.Hindi ko lubos maisip kung paano ako nabuhay sa kasinungaliang iyon.Natuklasan ko mula sa mga bibig nila na totoo ang mga pinagtapat ng tunay kong ama. Humingi sila ng tawad pero sa akin pero sa tingin ko ay kailangan pa ng panahon
CATHLYNNapahawak ako sa aking tiyan ng maramdaman ko ang unti-unting pagdilat ng mga mata ko.Ang takot na kanina ay naramdaman ko ang siyang unang rumihistro sa utak ko kaya agad kong inisip kung ano ang nangyari sa anak ko.Nang makasiguro akong hindi nawala ang pinakaiingatan kong sanggol sa sinapupunan ko ay tila parang isang tinik ang kusang nabunot sa dibdib ko at dahil dun ay tuluyan kong idinilat ang mga mata ko mula sa ilang oras na pagkakatulog.Hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga doctor sa akin pagkatapos akong ipasok sa emergency room at maging sila Manong Cardo ay hindi ko na rin nakita pagkatapos.Nang tuluyang kong imulat ang mga mata ko ay unang hinanap ng paningin ko ang mga taong tumulong sa akin para makarating dito sa hospital at hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang taong kinamumuhian ko.Madilim ang mga mata niya na tila nag-aapoy sa galit. Ang kilay niya ay halos mag-abot na ang dulo dahil sa pagkakakunot nito.Tinapatan ko ang bagsik ng tingin niya
4 Months Later"Ate Cathlyn." Napalingon ako sa boses na narinig ko mula sa likuran ko. Tahimik akong nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy habang hawak ko ang nakaumbok kong tiyan.Hingal na hingal si Angeline ng makarating ito sa kinaroroonan ko."Kanina pa po kayo hinahanap ni papa, ate." Pagbabalita nito sa akin.Nang gabing makatakas ako sa mansyon ng mga Montalvo ay dito ako sa Laguna napadpad. Kasalukuyan kong pinapanuod ang mga isdang naglalangoy ng sabay-sabay sa isang sikat na park dito.Kung bakit ako napadpad sa lugar na ito ay dahil sa kagustuhan kong makatakas sa buhay na inakala kong maliwanag at masaya sa piling ni Ezekiel, pero hindi pala.Dito sa lugar na ito ako napadpad para magtago sa mga taong gusto kong makalimutan at hindi na maging parte ng buhay ko.Habang nag-iisip ako kung saan ako maaaring manatili para tuluyan akong makalayo kay Ezekiel ay naisipan kong dalawin si Mang Cardo na dating siyang una kong nakagisnan na driver sa bahay nila mommy at daddy.Na
CATHLYNLumipas ang isang lingo at nagpatuloy akong nakatira sa bahay ng mga magulang ni Ezekiel. Hindi ko nakitang nag-iba ang tingin nila sa akin simula ng iuwi na ako ni Ezekiel sa mansyon.Palagi nila akong tinatanong kung ano ang gusto kong gawin sa araw-araw para naman hindi ako masyadong ma bored.Hindi ko naman naramdaman ang ganun pakiramdam dahil palagi akong nililibang ni Manang Fe at ng ibang mga katulong sa mansyon.Minsan ay naisipan ko ring tanungin si Ezekiel kung puwede na akong bumalik sa pag mamanage ng shop namin na dalawa na naiwan ko ng pumunta kami na Kalinga pero hindi pa niya ako pinayagan.Natatakot daw siya na baka maulit ang nangyari dati sa shop kung saan ay may pumasok na isang masamang lalake na kalauanan ay nalaman naming isa sa mga empleyado ng kumpanya nila daddy na nagtanim ng galit hanggang sa mamatay ito sa isang aksidente sa Kalinga na ito mismo ang may kagagawan.Simula ng mangyari ang aksidenteng iyon ay natahimik ng kaunti ang takot ko pero nal
CATHLYNGumising ako kinabukasan na mag-isa na lang sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na kaya unti-unti akong bumangon para silipin ang labas mula sa Sheer Curtains ng balcony ng kuwarto ni Ezekiel.Mataas na ang araw at sa palagay ko ay nasarap na naman ako ng matulog dahil sa pagod kagabi lalo na at hindi na naman tumigil si Ezekiel hanggang hindi nito nagagawa ang gusto.Napangiti ako ng maalala ko ang pinagsaluhan namin na mga sandali na talagang nagbibigay sa akin ng kakaibang saya sa araw-araw simula ng magsama na kaming dalawa sa iisang bahay.Hindi ko napigilang mapaisip kung posible kayang may nabuo na sa pagniniig namin ng maraming beses? Parang may kung anong kaba ang kumurot sa dibdib ko pero nawala rin ito pagdaka ng maisip ko kung ano ang magiging reaksyon ni Ezekiel kung sakaling magkakaanak na kami.Hinimas ko ang pipis kong tiyan na para bang iniimagine kong katulad ni Maxine ay mae-experience ko na rin na maging isang ina katulad nito.Mahilig ako sa mga bata ka