Share

Chapter Fifteen

----

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Bungad sakanya ni Erin.

"Masama ba'ng puntahan ka? Tabi. Papasok ako." Tinabig niya ng mahina si Erin at dire-diretsong pumasok sa bahay nito.

"Hoy ungas! Trespassing ka!" Sigaw sakanya ni Erin.

Sumalampak siya sa sofa nito at itinaas pa ang kanyang dalawang paa sa coffee table sa harap.

"Mukhang ang linis ata ng bahay mo?" Puna niya rito. Maraming beses na kasi siya nakakapunta sa bahay ni Erin dahil madalas kasi kapag narito siya sa Metro ay ito lang ang free na pwede niyang bulabugin. At sinasabi niyang sa tuwing na pupunta siya sa bahay nito ay ubod ng dumi at kalat ng bahay nito.

"Naglinis si Vin kahapon eh." Kibit-balikat nitong sagot. Tumaas naman ang kilay niya.

"Ginagawa mong katulong ang kaibigan ko?"

Umupo naman ito sa tabi niya at isinandal ang ulo sa sofa. "Siya ang nagkusa, noh! Tsaka, teka nga! Bakit ka ba nandito?! It's eleven in the evening don't tell me na wala ka lang magawa dahil sinasabi ko sa'yo Dominico, sisipain kita palabas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status