Share

Chapter Thirty-nine

"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico.

Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito.

Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.

Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya.

Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito.

Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico.

"Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya.

Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito.

"Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status