Share

Chapter Two

"You've got to be kidding me, right?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ellaine habang nakahalukipkip siya sa loob ng sasakyan. Siya nalang ang naroon sa loob habang ang driver at si Johnny kasama ang mga sidekicks nito ay nasa labas na. 

"Hindi po ma'am. Dito na po talaga namin kayo ibababa." Sabi sakanya ni Johnny. Nilingin nito ang driver at ang mga sidekicks nito.  "Sige na, ilabas niyo na ang mga gamit ni Ma'am Ellaine." 

Napalingon siya sa may likuran ng kotse at nanlaki nalang ang mga mata niya na isa-isa nang nilalabas ng mga tauhan nito ang mga Louis Vuitton luggages niya! 

"You can't be serious!" Sigaw niya sa mga ito. 

"Ma'am, bumaba na po kayo." Mahinahong pakiusap sakanya ni Johnny. 

She gasped in horror ng ilapag ng mga ito ang mamahaling mga luggages niya sa maalikabok,mabato at maduming daan!

Napalabas tuloy siya bigla ng kotse at isa-isang pinagpag ang mga luggages niya. "Look! Dinumihan ninyo itong mga bags ko! Ang mamahal ng mga ito, tapos dudumihan niyo lang?!" Lingon niya sa mga ito. "Hey! Hey! Saan kayo pupunta?" Habol niya sa kela Johnny nang makitang pinapasok na nito ang driver at ang ibang tauhan niya.

Pinigilan siya ni Johnny nang akmang lalapit siya sa may kotse. "Pasensya na po,ma'am. Napag-utusan lang po. Mag-iingat po kayo." Yumuko ito bilang paggalang at mabilis nang pumasok sa loob ng kotse at umalis na sila.

They really left her. 

In this place called nowhere.

Tulala lang siya habang pinagmamasdan ang sasakyan nila sa malayo. 

"AHHHH!!!!!!!! I HATE THIS LIFE! I HATE MY FUCKING LIFE!!!!!!" Sigaw siya ng sigaw sa may daanan. Nagpapapadyak siya sa maalikabok na daan. 

Pinagmasdan niya ang paligid kung saan siya binaba nila Johnny. She sighed when there's noone at the area. Puro puno at taniman lang ang nakikita niya sa magkabilang gilid. Hindi nga niya alam kung saan siya pupunta? Obviously, narito na siya sa rancho ng mga Illustre. Sa Hacienda kaya siya pupunta? Pero paano? Hindi na niya matandaan kung paano na ang papunta roon. The last time she went here is when she was five years old.

Inis na nilapitan niya ang kanyang mga luggages. Isa pa palang problema, paano niya dadalhin ang mga ito?! She has two luggages and her Chanel bag! 

Padabog na itinaas niya ang mga handles ng luggages niya at isinukbit sa braso niya ang Chanel bag niya. Naglakad siya ng diretso, bahala na kung saan siya dalin ng kahabaan ng daan. 

Mga ilang minuto na siya naglalakad ng biglang lumubog ang takong ng pumps niya sa malambot na lupa.

"Oh no! Not my Christian Louboutin Bana Pumps!" Tumigil muna siya sa gitna ng daan at sinipat ang pumps niya na puno na ng putik. Napabuga nalang siya ng hininga. 

Ilang sandali lang ay nakarinig siya ng mga malalakas na yabag. Nabuhayan siya ng dugo. Finally! May mga tao na! She can ask for their help. Papalakas na ang mga yabag ng mga ito pero habang papalakas ng papalakas, napapakunot nalang siya ng noo. 

"Wait.. yabag ng mga kabayo ito ah." Napagtanto niya. 

Tatabi na sana siya perp huli na ang lahat. Isang grupo ng mga kabayo ang mabilis na tumatakbo papunta sa direksyon niya. Napasigaw siya ng sabay-sabay siyang dinaanan ng mga kabayo at dahil roon, tila nagka- sand storm sa paligid niya. 

Napaubo siya ng napaubo. Nang magsubside na ang mga alikabok, tumili nanaman siya ng mapansin ang dungis-dungis na niya at ang black Balmain dress niya ay naging dirty brown Balmain dress na!

She groaned irritatingly. May ikakairita pa kaya siya ngayong araw?!

Wala na siyang nagawa kundi tumayo na at kinuha na ang mga bags niya at naglakad nalang ulit. Buti nalang talaga walang masyadong tao at walang makakakita sakanya na ganito ang itsura.

It's been twenty minutes, pero feeling niya limang kilometro na ang nilalakad niya. Pagod na pagod na siya, gutom pati. Simula kagabi pa siya hindi kumakain. Tapos, wala parin siya makitang hacienda o kahit na anong bahay sa paligid!

Susuko na sana siya ng biglang may natanaw siyang isang lalaking sumusungkit ng mga mangga sa isang mataas na puno. 

Napangiti siya dahil sa wakas, may mahihingan na siya ng tuluyan! 

"Hey! Hey Mister!" Tawag niya rito. Mabilis niyang hinila sa magkabilang kamay ang dalawang luggages niya at mabilis na lumapit sa lalaking nakatingin na ngayon sakanya.

"Yes?" Tanong nito sakanya. 

Suddenly, she looked intently at this man. Infairness, ang gwapo nito. At kitang kita ang mga muscles nito sa suot nitong puting sando.

"Miss?" Untag sakanya nito. 

"Trabahador ka ba dito?" Tanong niya. 

Tila nagulat ang lalaki sa tanong niya. She saw him smirked. Ibinaba nito ang panungkit ng mangga sa tabi ng puno at humalukipkip. 

"Ako? Trabahador?" Tila amused na tanong nito sakanya. 

She raised her eyebrow at him at humalukipkip rin. "Bakit? Hindi ba?"

"Hindi." Mabilis na sagot nito. 

"Oh! Then you must be a farmer. Sabagay, mas mukha ka ngang farmer sa suot mo." Nakangising sabi niya. "Well, pakibuhat itong mga gamit ko ha. Mag-ingat ka, mahal ang mga iyan. God! Pawis na pawis na ako. Tsaka pagod na ako. Kailangan ko nang makarating sa hacienda at nang makapaligo na ako. Do you know how much trouble I got into as soon as I stepped on the land of the Illustre's? My God it's a nightmare! Good thing, I saw you. So, ihatid mo na ako sa hacienda -- HEY! I SAID IHATID MO NA AKO SA HACIENDA!" Napasigaw siya nang makitang sumakay ito ng mabilis sa kabayo nito dala-dala ang mga manggang napitas nito. 

"I'm talking to you! Inaanak ako ng may-ari ng rancho na ito, and I can get you fired!" 

Nakangising umiiling lang ito na parang hindi makapaniwala sa sinasabi niya. 

"HOY! ANO BA!" habol niya rito nang pinatakbo na ang kabayo nito. 

Napasalampak nalang siya sa maruming daan. Now what? Back to zero nanaman siya. She swears, na kapag nakita niya ulit ang lalaking iyon, makakatikim ito sakanya. Noone ever dared to ignore Ellaine Manansala!

Ellaine looked at her Gucci watch and she's been sitting next to the mango tree for like, forty-five minutes already. Wala na siyang lakas para maglakad pa. Ang sakit na ng mga paa niya.

Nagulat siya ng may isa nanamang kabayo na may sakay na isang matandang lalaki ang tumigil sa may harap niya. 

"Miss, bawal kayo rito!" Sita nito sakanya. 

"At bakit naman?" Pagod na sagot niya rito. 

"Trespassing po iyang ginagawa ninyo." 

"Look manong! Wala akong pakealam! Kanina pa ako lakad ng lakad, gutom na ako, I am fucking tired, my life's a mess and I'm stuck here in this nowhere land! And to think, Ako si Ellaine Manansala and this should not be happening to me!" Hysterical na sabi niya. 

"Kayo po si Ma'am Ellaine?"

"Bingi ka ba? Kasasabi ko lang 'di ba?" Pagtataray niya. 

Yumuko ito sakanya. "Pasensya na po señorita. Hindi ko po alam. Halina po kayo, at kanina pa kayo hinihintay ni señorito sa hacienda." 

Natulala nalang siya nang kunin na nito ang mga bagahe niya at itinali sa magkabilang gilid ng kabayo nito. Is he really taking her to the hacienda? Oh my! Kailangan pa pala niyang maging hysterical para lang makakarating lang sa hacienda. 

Inalalayan siya nitong makaakyat sa kabayo, at pumwesto naman ito sa likod niya. Hindi na siya nagreklamo sa posisyon nila dahil baka lang itapon siya nito pababa. 

Nang makarating sila sa may hacienda ay inalalayan siyang bumaba ni Manong. "Manong, sino palang señorito ang sinasabi ninyo? Si Ninong po ba?" 

"Hindi po. Si Señorito Mico po."

When she heard Mico's name, she stopped walking.

He's here? Why is he here?

Ano na kaya ang itsura nito? Hindi na ulit niya ito nakita nung fourteen years old siya, simula nung...

"Nandiyan na po pala si Señorito." Pukaw sakanya ni Manong. 

Tinignan niya ang front porch ng hacienda at naroon ang mga nakahilerang mga kawaksi. Nakasabdal naman sa hamba ng pinto ang farmer na nang-iwan sakanya kanina. 

Malalaking mga hakbang na pinuntahan niya ito. 

"You! How dare you leave me back there! Ang kapal ng mukha mo! Ipapasisante talaga kita kay Ninong!!!" Sigaw niya sa harap nito. 

"Señorita.." Tawag sakanya ng isang matandang kawaksi sa gilid ng farmer na ito.

"Ano'ng pangalan ng walang modong magsasaka na ito?!" Tanong niya sa mga kawaksi. 

"Señorito Mico, ito na po ang mga gamit ni Señorita Ellaine." Nakuha ng atensyon nila si Manong na dala dala ang mga gamit niya.

Nandito na si Mico? Nasaan? Ano na kaya itsura nito? 

Nanlaki ang mata niya ng biglang nagsalita ang farmer na nasa harap niya. "Sige ho, salamat Manong Densio." Tinignan nito ang ibang kawaksi. "Iakyat niyo na ang mga gamit ni Ellaine sa kwarto niya."

Napanganga siya sa nalaman. So, this farmer is Mico Illustre??!!!

"I-Ikaw si Mico?!" 

Ngumisi lang ito sakanya. Pinisil nito ang baba niya. "The one and only, sweetheart."

Oh God! This is not really happening! The next thing she knew, she collapsed in front of everyone. In front of Mico Illustre.

------

VOTE AND COMMENT!FOLLOW! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status