Share

CHAPTER 1 (Stranger night)

Lasing na lasing at tila ba umiikot ang paningin ni Kiara. Lubos din siyang nagtataka dahil hindi naman siya uminom ng hard tanging isang kopita lamang ng red wine ang nailapat niya sa kanyang lalamunan.

May kakaiba siyang nararamdaman bukod sa pagkahilo ay para bang nag iinit ang kanyang katawan. Mabagal man ang mga hakbang ay pinilit niyang makarating sa kwartong inukopa niya para sa kanila ng kaniyang nobyong si Brandon.

Ngayon niya ipinangako sa kasintahan na ibibigay niya ang matagal na nitong hinihiling sa kanya at yun ay ang kanyang sarili. Sobrang mahal niya ito kaya naman sigurado na siya na ang iniingatang dangal ay isusuko na niya sa lalaking ito.

Wala narin siyang ibang makitang paraan upang makatakas sa kasal nila ni Marco Luiz. Ang lalaking ipinagkasundo sa kanya ng kanyang mga magulang dahil ayaw ng mga ito kay Brandon na kanyang nobyo. Apat na bwan mula ngayon ay nakatakda na siyang makipag isang dibdib sa napakayamang lalaking iyon. Palagi naman silang magkasama ngunit kahit anong gawin niya ay lalo siyang naiinis dito ni hindi siya makaramdam kahit kaunting pag mamalasakit rito.

Halos dalawang taon na siyang binabakuran nito. Hatid sundo sa school at laging isinasama sa mga gatherings kahit nanga ayaw ni Kiara ay wala siyang magawa dahil sa pamimilit ng mga magulang niya.

Nakita niya ang numerong hinahanap na nakakapit sa labas ng pinto ng hotel room. " 101, tama ito na nga marahil ang aming silid." Bulong niya sa sarili at bahagyang naitulak ang dahon ng pinto.Nang bumukas ito ay saka pa lamang siyang nagtaka kung bakit ito nabuksan gayong hindi pa nga niya naii-swipe ang card na hawak niya. Binali wala niya ito saka nagmamadaling pumasok at dahil sa init na nararamdaman ay agad niyang hinubad ang sariling kasuotan. Basta nalamang niyang inihagis ang mga iyon kung saan saan saka nahiga sa malambot na kama at ipinikit ang mga mata.

Masayang nag iinuman ang tauhan ni Aidan narito sila sa isang 5 star hotel and resto bar para mag celebrate dahil successful ang grand opening ng isang mall nila sa Cebu. Masayang masayang ibinalita iyon sa kanya ng kanyang mga taong napili upang pagkatiwalaan. At dahil dito ay nangako siya sa mga tauhan na ililibre niya ang mga ito.

Habang nagkakasiyahan ng kanyang mga tauhan ay agad niyang kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang suit, at agad tinawagan ang nobya.

Ilang segundong tumunog ang telepono sa kabilang linya bago niya narinig ang malamyos na tinig ni Athena.

"Hello, babe I'm so sorry alam kong nag promise ako sayo na susunod ako but I think I------i can't make it. I'm so busy right now.

"No you're not! iintayin kita kahit anong mangyari okay..... J-just finish what ever bullsh*t is that. I will wait for you promise." Lasing ngunit pinipilit pakalmahin ni Aidan ang sarili niya. Ito ang ayaw niya sa lahat yung mag set ka ng appointment tapos hindi ka naman sisiputin. At dahil sa sobrang inis ay lalo siyang uminom ng alak. Nag order pa siya ng mas marami kaya naman tuwng tuwa ang kanyang mga kasamahan.

"O-okay...." at agad pinutol ni Athena ang tawag na iyon. Mahal niya si Aidan ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nitong mga nakaraang araw ay tila ba nag babago ang pakiramdam niya. Para siyang nasasakal sa pagmamahal ng lalaking kay tagal na niyang karelasyon. 

Lasing na lasing si Aidan na inihatid ng tauhan niya sa silid na ipina reserved niya para sana sa kanyang pinakamamahal na si Athena. Alam niyang sobrang pagod ito kaya naman sosorpresahin sana niya ng isang masarap na dinner at isang maganda at komportableng silid na makapag papahinga silang pareho. 

Nang makapasok sa silid ay agad niyang isinara ang pintuan nito at dumiretso sa banyo upang maligo pilit ang bawat kilos niya dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod at nahihilo na siya.

Matapos maligo ay nag tapis siya ng tuwalyang puti na nakita niyang naka handa na sa banyo. Marahan siyang lumapit sa kama at pinatay ang lamp shade na nasa side table. Tanging ang lamp shade na nasa side table ng kina hihigaan ni  Kiara ang nag bibigay liwanag sa buong silid. 

Agad niyakap ni Aidan ang babae, "I know that you cant ignore me honey. Hmmm I really love your smell." bulong pa nito sa pamamagitan ng paghalik sa punong tainga ni Kiara.

"Why you took so long babe? Come on let's do it, I'm ready to give my self to you but please promise me that you will marry me and you will fight for me." anas naman ni Kiara habang ninanamnam ang mga halik ni Aidan sa kanyang buong mukha at leeg.

"Of course honey, I will marry you! I love you so much." sagot naman nito bago sinibasib ng halik ang labi ni Kiara. 

Sa gitna ng kalasingan nilang dalawa ay walang nakapansin ng pag kakaiba ng bawat isa. Ang tanging nais lamang ni Kiara ay maibigay ang sarili sa lalaking pinakamamahal upang magkaroon ng dahilan na hindi matuloy ang pagpapakasal niya sa isang lalaking ni minsan ay hindi niya minahal.

Samantalang si Aidan naman ay nais lamang maipadama ang pag ibig na walang kapantay sa kanyang kasintahan. Hindi naman ito ang una nilang pag niniig kaya't alam na alam na niya kung paanong mapapasaya ang kanyang mahal.

Mula sa labi ni Kiara ay ibinaba niya ang kanyang mapangahas na mga labi sa leeg ng dalaga hanggang sa dibdib nito. Marahan niyang inalis ang mga saplot sa katawan nito at wala ni isang bagay ang itinira niya.  Pinag masdan niya ang maumbok at malusog na dibdib nito bagamat may pag tataka ay binaliwala niya iyon dahil sa nararamdamang pag iinit ng katawan. 

Pinag sawa niya ang kanyang labi dibdib ni Kiara habang si Kiara naman ay halos malagutan ng hininga sa pagpipigil sa mga ungolbna nais kumawala sa kanyang lalamunan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status