Share

FIXING OUR BROKEN HEARTS
FIXING OUR BROKEN HEARTS
Author: Sapphire_08

Introduction

Kiara Zoe Velasco Tan, 22years old. Mayaman, maganda, sexy, matalino, talented at higit sa lahat malambing. Maraming nagsasabi na pwede siyang maging isang Modelo o artista dahil sa taglay niyang Ganda. Nag iisang anak at tagapag mana ng mga Velasco at Tan kaya naman lahat ng naisin ay nakukuha nito. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay may kulang parin sa kanya. At iyon ay ang pag mamahal at pag aaruga na ang Yaya Celly lamang niya ang nakapag bibigay.

Ngunit nagbago ang lahat ng makilala niya sa high school ang nag iisang lalaking minahal niya si Brandon. 16 years old lamang siya ng sinagot niya ito at mula noon ay halos itakwil siya ng magulang dahil sa pagka disgusto ng mga ito kay Brandon. Kilalang babaero at nag bibisyo ang lalaki ngunit ayon sa sabi sabi tanging si Kiara lamang ang nakapag patino rito.

Brandon Garcia, 24 years old. Bunso at pinaka loko sa tatlong anak ng mga Garcia. Hindi maikakaila ang taglay niyang karisma at talaga namang pinag kakaguluhan Ng mga kadalagahan. Pawang mga lalaki rin ang kanyang mga kapatid at lahat ay maayos na ang lagay ng pamumuhay. Dahil bunso ay bigay ang layaw kaya naligaw ng landas ngunit dahil sa pag ibig ay napilitang magbago at magpakatino.

Aidan Rafael Smith, 28 years old. Sa batang edad niya ay muli niyang naitaguyod ang family business nila. At kilalang kilala ang pangalan niya sa larangan ng negosyo. Wala nang hahanapin pa sa kanya ang isang babae, taglay niya ang napakatapang na awra ng mukha at ang matipunong katawan na tila ba madudurog ka kapag ikaw ay ikinulong na sa kanyang mga bisig. Bawat babaeng madaraanan niya ay tila ba natutulala at nawawala sa sarili. Ngunit sa kabila ng kanyang matapang na awra ay napaka lambot at linis ng kanyang puso.

Athena Mondragon, 27 isang sikat na Modelo at designer. Mahal na Mahal niya si Aidan ito ang lalaking nais niyang mapangasawa. Handa na siyang talikuran ang kanyang career para lamang mapagbigyan ang proposal ni Aidan at iyon ay ang makaisang dibdib siya.

Aleira Zoable, 24 ang babaeng handang gawin ang lahat makuha lamang muli ang puso ni Brandon na nakalaan para lamang kay Kiara. Hindi siya titigil hanggat di muling nababawi ang lalaking kaytagal na niyang iniibig ngunit pinakawalan pa niya. Huli na nang napatunayan niya sa sarili na si Brandon pala ang kukumpleto sa kanyang buhay.

Marco Luiz, 30. Isang negosyante, sa kabila ng kanyang pagiging successful sa buhay ay may kulang parin. Wala paring bumibihag sa pihikan niyang puso hanggang sa makilala niya ang babaeng magpapatibok nito. Wala siyang sasayanging panahon pinilit niyang mabaon sa utang ang mga magulang nito sa kanya upang sa ganoong paraan ay makuha niya ang kanyang ninanais.

Oo ang nag isang anak ng mga ito ang nais niyang maging kabayaran. Alam niyang hindi madali lalo na nga't malaki ang agwat ng kanilang edad ngunit tulad ng mga sabi sabi sa kapaligiran. Kung hindi makuha sa santong dasalan ay handa siyang daanin sa santong paspasan ang lahat. Dahil nais niyang makasigurado na sa knya lamang mapupunta ang dalaga.

Hello sa lahat ng readers ko just comment your name para sa next na CHAPTER ay mai mention ko kayo at mapasalamatan. Utang ko sa inyo ang lahat ng ito. I know that I'm not good enough pero dahil sa pag subaybay ninyong lahat heto ako at muling sumubok gumawa ng isang kwentong hindi lamang mag papaiyak sa inyo kung hindi mag papainit narin ng inyong mga ulo.

SAMAHAN NYO AKONG MULI, ating pasukin ang mundo ng kathang isip kong kwento. Ang mga Tauhan at Lugar na mababanggit sa aking nobela ay pawang kathang isip lamang. Maging ang mga hitsura nila ay pawang binuo sa aking imahinasyon.

Paalaala WALANG ano mang bahagi ng nobelang ito ang maaaring ilathala ng walang pahintulot.

MABAIT ang author,

sumasagot sa mga tanong kahit late. Kaya hwag mahihiyang magtanong libre naman. Tumatanggap rin ng suggestions mula sa readers ngunit siyempre dapat pag aralan munang mabuti upang hindi malihis ang naturang kwento ng author.

Question: BAKIT MABAGAL SUMAGOT O MAG UPDATE C AUTHOR??

Answer: Busy po malimit kaya sa gabi lamang nakakapag open kung may bakanteng oras na natira. Isa po akong LICENSED PROFESSIONAL TEACHER, TUTOR, sometimes BAKER, at the same time mother of 3boys and 3girls. Tingnan ko kung di kayo maloka sa sched ng lola nyo....

Question: Bakit ka pa nag susulat eh busy ka pala?

Answer: Dahil mahal ko ang pag susulat. Nakakatulong ito sa akin para mabawasan ang stress na nararamdaman ko.

AGAIN THANKKKKK YOU SA AKING MGA TAGA SUBAYBAY MAHAL NA MAHAL KO KAYO DAHIL ISA KAYO SA INSPIRATION KO PARA MAKAGAWA NG ISANG NOBELA. NATAGALAN MAN ANG AKING BAKASYON PERO HETO MULI AKONG BABAWI UPANG MAGBIGAY NG SAYA AT PANG ALIW SA MGA TULAD KONG STRESS NA STRESS SA BUHAY.

SAPPHIRE_08 SIGNING ON.....šŸ˜˜šŸ˜˜šŸ˜˜šŸ˜˜

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Oinalive Yam
Ganda ng mga story Nila thnx po God bless
goodnovel comment avatar
Glenn Batungbakal
dami Ng character nkaka Lito...
goodnovel comment avatar
Jenisa Tuquero Encabo
keep it up po ma'am sobrang sipag nman walang nasasayang na oras.God blessed po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status