Share

Chapter 4. ( Heart Ache)

Nagpupumiglas si Kiara ng maisakay sa sasakyan ng mga lalaking naka itim.

"Sino ba kayo anong kailangan ninyo saakin?" umiiyak niyang tanong.

"Pasensya ma miss napag utusan lang kami ni boss. Huwag kang mag alala wala kaming gagawin sayo kakausapin ka lang ng boss namin." Paliwanag naman nung driver na hindi niya makita ang mukha dahil sa makapal na salamin na suot nito.

"Kung papatayin nyo ako baka magpasalamat pa ako sa boss ninyo." at tahik nalamang na humihikbi si Kiara sobrang sakit ng nararamdaman niya wala na siyang maisip na dahilan para lokohin siya ng ganon ni Brando.

Nakarating sila sa isang rest house malapit sa dagat nag babaan ang mga lalaking dumukot sa kanya at iniwan siya sa sasakyan na nakabukas na ang pinto.

Marahan siyang bumaba at tumingin sa malayo. Wala sa plano niya ang tumakas dahil hanggang ngayon ay litong lito parin ang isip niya. Lumakad siya papalapit sa isang puno na mayabong ang dahon at sa ilalim nuon kung nasaan ang lilim nito ay naupo siya. At humagulhol ng iyak. 

Kitang kita ni Aidan kung paanong umiyak ang dalaga. Nasisigurado niyang birhen ito ng makuha niya dahil pag labas nito ng silid ay binalikan niya ang cellphone na itinapon niya sa sahig at duon ay napansin niya ang pulang mantsa sa puting puting bedsheet. Marahan siyang lumapit at nakiupo sa tabi nito limang dangkal ang layo sa kinauupuan nito.

Nagbuntong hininga muna siya bago nagsalita. "I'm so sorry. Alam kong hindi maibabalik ang kung anong nawala sayo pero gusto ko paring malinawan kung bakit naroon ka sa silid ko. Hindi ako masamang tao at lalong hindi ako mapag samantala pero kagabi may inilahok sa inumin ko ang mga barkada at tauhan ko na kasama kong mag inom sa bar sa ibaba ng hotel kung saan naganap ang lahat." Tumigil sa pag sasalita si Aidan at dinukot ang panyong nasa bulsa agad niyang iniabot iyon sa dalaga at tinanggap naman nito ng hindi manlamang tumitingin sa kanya. Nag patuloy siya sa pag papaliwanag. "Usapan namin ni Athena na magkikita kami sa room na iyon para sa sorpresa ko sa kanya at dahil sa kalasingan ay hindi ko na check ang text messages sa cellphone ko. This morning ko lang nabasa na humihingi siya ng sorry dahil hindi siya nakarating and that moment all the things that I've done last night is clearly back into my mind. I'm so upset thats why I shouted and say all the bad words to you. I'm so sorry for being stup*d this morning. I'm so sorrybfoe blaming you, I know that as a man I have the responsibility to checked the lady beside me."

"The damage has been done. Wala nanaman tayong magagawa at tama ka naman ako ang nagkamali ng pasok ng kwarto dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko ay nag inom ako at nag pakalasing. That night I decidednto give my treasure to man that I love. Para makatakas sa isang problema lalong malaking problema ang nagawa ko ngayon. But dont worry hindi kita pananagutin dahil ako naman ang nagkamali. Pwede naba akong umuwi ang gusto konlang ngayon ay mapag isa at makapag isip." Hindi na hinintay pa ni Kiara na magsalita si Aidan agad na siyang tayo at naglakad pabalik sa sasakyang pinagsakayanbsakanya ng mga lalaking tumangay sa kanya mulansa hotel.

Sinenyasan naman ni Aidan ang mga tauhan na ihatid ang dalaga at tahimik siyang nag tungo sa kanyang sasakyan. Matulin niyang pinaandarbiyon patungo sa condo ng girlfriend niya kailangan niya itong makausap at kailangan nitong malaman ang nangyari kagabi ayaw ni Aidan ng nagtatago siya ng lihim kay Athena mahal na mahal niya ito kaya naman handa aiya sa ano mang kaparusahan ni Athena sa knyng pagkakamali.

Nakarating ng matiwasay sa mansyon si Kiara. At tulad ng dati wala siyang naabutan kung hindi ng kanilang mga kasambahay. "Yaya please ayoko po ng distorbo matutulog akong maghapon kaya kahit sino ang tumawag o bumisita ay sabihin ninyong wala ako. Huwag na rin kayong magdala ng foods sa room ko katahimikan lang ay sapat na thank you po."  at tumakbo na siya patungo sa kanyang silid agad na isinara ito at inilagay ang secret lock niya dahil alam niyang may mga duplicate keys ang parents at yaya niya.

Nag babad siya sa bath tub at paulit ulit na sinabon ang sarili dahil pakiramdam niya ay napaka rumi niyang babae. Gusto niyang sisihin ang sarili aa kanyang katang*hang nagawa. Pero kahit anong gawin niya ay wala na ang pinakaiingatan niyang puri. Matapos mag babad ay nagbihis siya ng malambot na pantulog at saka nagtaklob ng unan sa mukha at mahimbing na nakatulog dala ng sobrang pag iyak at pagod.

Samantalang nagmamadali namang dinukot ni Aidan ang susi ng pintuan ni Athena at saka ito binuksan. May sarili siyang susi ng condo nito at ganoon rin naman si Athena. Marahan siyang naglakad sa kabuohan ng salas hanggang kusina. Kalat ang mga pinag inuman ng alak at mga junk foods para bang may nag party ng nagdaang gabi. Hindi mawari ni Aidan ang pakiramdam ngunig para siyang nangangatal at parang may galit na bumabangon sa kanyang dibdib. Agad niyang tinungo ang silid ni Athena at pinihit ang door knob nito. Naka lock iyon na hindinnaman gawain ng babae dahil sila lamang naman dalawa ang tumitigil dito. Isinuksok niya ang duplicate key sankey hole at marahang pinihit iyon upang bumukas.

Isang tagpo na kailanman ay hinding hindi naisip na mamagawa ni Athena sa kanya ang kanyang natagpuan. Pawang mga walang saplot sa ilalim ng kumot ang manager ni Athena at ang kasintahan niya. Hindi maikakaila na may pinag saluhan ng nakaraang gabi at hindi niya iyon matanggap. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status