Share

Chapter 5 (Heart Ache)

Hindi napigilan ni Aidan ang sarili at malalaki ang hakbang nanlumapit siya sa kama kung saan nahihimbing ang dalawa. Agad niyang hinila ang kumot at nalantad ang kahubdan ng dalawang taong tila dumudurog sa kanyang puso.

Gulat na nagising sina Athena at Rolex dahil sa ginawang pag hila ni Aidan sa kumot na tumatabing sa katawan ng dalawa. 

"H---honey ??? w--wait l--let me explain!" mga salitang agad na lumabas sa bibig ni Athena. 

May pag mamadali namang bumangon sa higaan si Rolex at dinampot ang ang tuwalyang nakapatong sa silyang kalapit ng kama. 

Dahil naman sa galit ni Aidan agad niyang pinag susuntok si Rolex at siyempre hindi naman mag papatalo ang huli. Nag suntukan ang dalawa hanggang sa parehonng duguan ang mga mukha nila, mas makikita nga lamang ang tindi ng mga tama ni Rolex sa mukha. Puro sigaw ng pag awat lamang si Athena ngunit di matinag ang dalawa kaya naman agad niyang tinawagan ang isa sa body guards ni Aidan. Kahit saan magpunta si Aidan ay may dalawang sasakyan na puro gwardiya nito ang kasa kasama kahit saan ito pumunta. Hindi nga nagtagal ay malalakas na yabag ng sapatos narinig nila at kasabay nuon ay marahas na pinag hiwalay ang dalawang nag bubugbugan.

Dahil sa tauhan iyon ni Aidan ay tila naman kinabahan si Athena para kay Rolex. Agad niyang nakita na hinawahan ng dalawang tauhan ng nobyo niya ang manager niya at ang isa naman ay tinutukan ito ng bar*l sa ulo. "Huwag ka ng magtangkang lumaban baka tuluyan kita dito!" sigaw naman ni David ang kanang kamay ni Aidan na siyang nag tututok ng baril kay Rolex. Makikita ang pangamba sa mukha ni Rolex at Athena.

"Paano mo nagawa sa akin ito Athena? Minahal kita ng higit pa sarili ko! Pero anong ginawa mo? Saan ba ako nag kulan para tarant*duh*n ninyo ako nitong walang ka kuwe-kwentang manager mong ito ha?" Sigaw ni Aidan kay Athena bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig ay tila ba patalim na tumatarak sa dibdib ni Athena. 

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag please Hon.!" pakiusap nitobsa pagitan ng paghagulhol at pilit na itinatalip ang kumot sa hubad na katawan.

"Anong paliwanag pa ba ang dapat kong marinig? For God sake Athena, Im not blind and IIm not a stup*d like what you've think para maniwala pa sa mga kasinungalingang gagawin at sasabihin mo!" Galit na nilapitan pa nito si Athena saka sinampal ng ubod lakas dahilan upang mapaupo ito sa sahig. Marahan siyang lumapit rito at yumukod ng bahagya bago bumulong sa tainga nito. "Tama nga sila kahit balibaligtarin ang munoldo ang isang katulad mo ay di maaaring magbago, latulad ka rin ng iyong ina!" saka siya tumayo at nag iwan mg masama ngiti kay Athena.

"Hwag na hwag mo akong ikukumpara sa nanay ko! Kung ayaw mong makinig sakin ay bahala ka sa buhay mo. Kung inaakala mong nagtaksil ako sayo sige lang paniwalaan mo ang baluktot mong utak. Pero isang beses pa na ikumpara mo ako sa aking ina at makikita mo kung paanong magalit ang isang Athena." Nanlilisik at galit na galit na sigaw ni Athena kay Aidan, Tila ba sinaniban ito ng masamang elemento. Nag mamadali itong tumayo mula sa pinagka lugmukan. Bago muling simigaw at isa isa silang dinuro. "Magsilayas kayo rito mga demony* kayong lahat." Bago siya pumasok sa banyo ay nilapitan niya si Aidan ay sinampal ng malakas. "Para yan sa ppanghuhusga mo sa kin." at isang lumalagitik pang muli na sampal. "At para yan sa pagkukumpara mo sakin sa aking ina. Umalis na kayobat isama mo ang mga aso mo. Tapos na ang palabas." Mabilis na sana itong papasok sa banyo ngunit napatingin pa sa mukha ng manager niya nilapitan rin niya ito at saka ubod lakas na sinampal ng ttlong sunod. "Para yan sa kahay*pan mo sakin at sa pang aabuso mo sa kalasingan ko, lumayas ka rito at mag kita nalamang tayo sa korte." Tuluyan na ngang tumalikod si Athena patungo sa banyo ng kanyang silid. Duon ay umiyak siya ng umiyak at binabad ang sarili sa tubig.

Gulong gulo ang isipan ni Aidan hindi na niya alam ang kanyang gagawin kaya naman may kabilisan ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan maging ang mga tauhan niya ay hirap na hirap na habulin siya. Sa huli ay desisyon siyang magbalik sa resort kung saan siya nanggaling kanina.

Matapos itigil ang sasakyan ay marahas siyang bumaba at naglakad sa tabi ng dagat dito ay buong lakas siyang sumigaw ng sumigaw at tila batang nag dadabog na pinagsisipa ang buhangin. Sa sobrang pagod ay napaupo ito buhangin at di alintana ang pagkabasa ng kanyang kasuotan. Basang basa ang kanyang mukha ng luha at pinag susuntok niya ang buhangin na akala mo ay lalaban ito.

"Ano bang nagawa ko para gag*hin nyo ako ng ganito!" sigaw niyang muli.

Sa malayo ay tinatanaw siya ng mga tauhan. Wala silang magawa hindi nila pwedeng lapitan ang amo dahil nasisigurado nila na masasaktan lang sila. Agad na dinukot ni David ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang matalik na kaibigan ni Aidan si Jeofrey. 

Dumidilim na at naroon parin sa kinatatayuan niya si Aidan ang kaninang alon ng dagat na pilit lamang inaabot ang kanyang paa ngayon ay halos itago na ang binti niya.

Dumating nga si Jeofrey, hindi nito kayang tiisin si Aidan dahil mula pagkabata ay mag bestfriend na sila. Bahagya itong nakipag usap kay David at inalam ang ilan sa pangyayari. Nang magkaroon na ito ng idea ay marahang lumapit sa kaibigan na nakaupo sa tabi ng dagat. 

Naupo ito sa tabihan nito at inakbayan niya ito upang maipadama ang pakikisimpatya. Halos kalahating oras na ngunit nananatili silang nakatanaw sa papalubog na araw. Walang nangahas na magsalita.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status