Share

Chapter 6 (Heart Ache)

"Masama ba akong tao tol?" tanong nito kay Jeofrey ngunit di manlamang niya nilingon. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatutok sa halos nagdidilim ng kalangitan. Maging angbtubig sa kanilang kinauupuan ay nasa bewang na nila ang taas.

Marahang nilingon ni Jeofrey ang kaibigan. "Tol kung may iniidolo man ako dahil sa pagiging honest, walang iba kung hindi ikaw yun. Sayo lang ako nakakita ng ibinibigay kahit di hinihingi at sinusunod kahit di pa iniuutos."

"Bakit kailangan kong masaktan ng ganito? Ayoko ng niloloko ako kaya hindi ko kayang manloko ng tao. Ibinibigay kong lahat ng pagmamahal ko at hindi na ako nag titira para sa sarili ko sa takot kong baka makulangan siya at hanapin pa sa iba. Pero bakit ganon hindi naman ako nag kulang pero pinagpalit parin ako, niloko parin ako at ang masakit sa taong pinag titiwalaan ko na lagi niyang kasama. Sa taong kung pagselosan ko ay sukdol hanggang langit. Pero sabi niya paranoid lang ako at masyadong seloso. Wala na raw ako sa katwiran, nagtiwala ako tapos ito ang aabutin ko. Ang sakit tol!" sabi pa nito habang binabayo ang dibdib.

"Halika na sa loob at doon natin pag usapan ang lahat.Malamig na at baka bukas pareho tayong nasa ospital dahil sa pulmonya." Inalalayan niyang tumayo ang lambot na lambot na si Aidan at ipinatong niya ang kanang braso nito sa kanyang balikat dahil kahit ang pag lalakad ay parang di nito kakayanin.

Nang makarating sa loob ng reat house ay idiniretso niya sa silid si Aidan. "Maligo ka na tol mag papahanda ako ng makakain, nagpahand narin ako ng pulutan at maiinom. Magkita tayo sa terrace mamaya." 

Marahang tumango si Aidan at nag tuloy na sa banyo. Si Jeofrey naman ay agad ng utos kay David upang ipahanda ang mga kakailanganin nila sa katiwalang naiiwan sa resthouse na iyon.

Isang Private resort ito nina Aidan, may isang malaking rest house at  ilang cottage rin ito. Paboritong lugar niya ito lalo na pag may problema siya. Halos inabot ng isang oras si Aidan sa paliligo, binabad niya sa shower ang kanyang nuong katawan. Nagbabaka sakaling mawala ang sakit na nararamdaman ngunit tila ba ito ay lalo lamang nanunuot sa kaibuturan ng kanyang puso.

Ng aalala naman angga tauhan ni Aidan dahil sa sobrang tagal nitong naligo kung ano anong haka haka na ang naiisip at pknag bubulungan ng mga ito. Ilang sandali pa at lumabas ng silid si Aidan nag tungo sa terrace gaya ng sinabi ni Jeofrey. 

"Akala ko eh hindi ka na lalabas sa banyo gigibain ko na sana ang pinto kung natagalan ka pa." Naka ngiting sabi nito sa kaibigan kumain muna sila o mas tamang sabihin na kumain muna si Jeofrey dahil halos dinaman ginalaw ni Aidan ng kaunting pagkaing inilagay sa pinggan. 

Matapos kumain ay inaya ni Jeofrey si David na makipag inom sa kanila dahil naroroon naman ang iba pang tauhan at nanatiling nakabantay sa kanila.

"David, please call Max and his men I want them now." utos ni Aidan kay David at bigla naman itong nag tapon ng makahulugang tingin kay Jeofrey.

"Boss, may ipag uutos kaba nandito naman kami kaya na namin iyon." Kinakabahang tanong dito ng kanang kamay na tauhan.

"I want you and your men to celebrate with me. Nag iingat lang ko kung malasing kayo at least may back up tayo kung may magtangkang gumulo sa atin." Mahina ngunit malinaw nitong tugon sa tinuran ni David.

Tila nan nabunutan ng tinik sa lalamunan si David at agad tinawagan sa cellphone ang grupo ni Max. Kung pinag titiwalaan ni Aidan si David ganon rin ai Max ngunit si David ay parang nakakatanda ng kapatid ni Aidan habang si Max naman ay kasing edad lamang ni Aidan. Mag pinsang buo ang dalawa at ang ama nila ay siyang kanang kamay nan ng kanyang Papa.

"David!" muling tawag ni Aidan rito. napalingon naman ng may pagtataka si David kung bakit siya muling tinawag ng amo. "Thank you sa.... kanina. Ngayon ko higit na napatunayan na kilalang kilala mo na talaga ang ugali ko." dagdag pa nito at saka tinungga ang serbesa na hawak niya sa kanyang kamay.

"Siyempre naman Boss sa tagal naba naman natin magkasama eh." tugon ni David.

Tahimik lamang na nag iinom ang tatlo ng nakatig tatlong bote palamang sina David at Jeofrey ng sumating ang grupo nina Max. Makahulugang nag tinginan nalamang sina Max at David. 

"David you can call your men now, may karelyebo na sila." Basag ni Jeofrey sa katahimikan.

"Yes Boss." 

Kapansin pansin ang pananahimik ni Aidan ngunit mabilis ang bawat pag inom at pagbubukas ng alak. Hininayaan nila iyo hanggang sa maya maya lamang ay lumungay ngay na nga ang katawan nito sa dami ng nainom.

Samantalang nagkakagulo sa mansyon nina Kiara. Maghapon itong hindi bumababa mula sa kanyang silid. Hindi rin kumakain dumating na ang mga magulang nito mula sa opisina at alas siyete ymedya na ng gabi ay di parin ito nababa. Ipinatawag ito ng ina nito ngunit di ito nag bubukas ng pinto kaya naman ipinakuha na ng ama ni Kiara  ang duplicate key  upang mabuksan ang pintuan ng silid nito. 

"Kiara baby where are you?"  agad na sigaw ng kanyang ina ng mabuksan ng pintuan. Ngunit walang kiarang nakita. Hanggang sa nagsisigaw na ang katulong nila sa banyo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status