Nagising si amariz mula sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha, unti-unti niyang minulat ang kanyang mata.Napaisip siya kung bakit ang elegante ng kwarto niya, ngunit bigla siyang napabalikwas ng bangon ng maalalang maliit lang ang apartment niya, nanlaki ang mapupungay niyang mata ng maalala kung nasaan siya. “Shit” bulong niya sa sarili, malakas na napa buntong hininga siya ng makita ang punit niyang damit.Nasa sofa pa rin siya, nakabalot sa blazer ni Alaric na bahagyang nakalaylay sa balikat niya. Ramdam pa niya ang bigat ng kamay nito kagabi, ramdam pa rin niya ang halik na hindi niya ginusto, pero hindi rin niya maalis sa isip.Napahawak siya sa labi niya, pero mabilis din binawi ang kamay. "Ano ba ‘to, Amariz… Why are you thinking about him?!” saway niya sa sarili.Umupo siya ng diretso, at kinagat ang pang ibabang labi. Naramdaman niyang tuyo na ang lalamunan niya, at gusto niyang uminom ng tubig, ngunit walang ref sa loob ng opisina ni Alaric.Tumingin siya sa pintuan ng o
“Alaric” Tawag sa kaniya ni Regina at mabilis na lumapit sa kaniya, habang naka kunot ang noo. “I just heard something… something happened inside your office. Tell me it’s not true, na hindi totoo yung mga naririnig ko.”Tumaas ang kilay ni Alaric, ngunit malamig ang tingin. “And what exactly did you hear, Regina?”“Na you’ve been… entertaining that cheap woman. That employee.” Madiin ang boses nito, na may halong panlalait. “Don’t forget, Alaric, people are expecting us. Everyone knows I’m the one—”“Stop. Don’t spread nonsense. At kung may balitang kumakalat na ikaw ang susunod kong fiancée. Siguraduhin mong hindi ko malalaman na galing sayo mismo ang chismis na yun, Dahil kung oo, I’ll make sure you'll regret it.” malamig na na sabi ni Alaric.Natigilan si Regina. Hindi siya sanay na tinatanggihan, lalong-lalo na sa harap ng mga empleyado na ngayon ay nagkukunwaring abala pero patagong nakikinig. “You can’t talk to me like that, Alaric! My father—”“Then tell your father to cut of
“I’m surprised you’re still alive,” malamig na bungad ni Alaric Tumalim ang tingin niya, diretso ang lakad hanggang sa mesa ni Alaric. “Thanks to you, muntik na akong mamatay.” Ang boses niya’y matalim, malamig, parang kutsilyong humihiwa.Tumayo si Alaric, mabigat ang bawat hakbang papalapit sa kanya. Huminto ito ilang pulgada lang mula sa kanya.“Dapat ba akong mag sorry? Or dapat bang magpasalamat ka? Because that task—” napakagat ito ng labi, halos nanggagalaiti, “—was supposed to break you. Pero nandito ka pa rin.”Tinapatan din ni amariz ang malamig na tingin na ibinigay ni Alaric “ kung balak mong sirain ako, Hindi kita pagbibigyan “ malamig na wika niya. Habang naka tingin sa matalim na mata ni Alaric.Nagulat si amariz ng mabilis na sinunggaban siya ni Alaric sa braso at hinila palapit, halos magdikit na ang kanilang mga labi. Ang kanyang hininga’y mabigat, at amoy alak .“You think you’re strong? You think you can just walk into my world and defy me?”“Let go of me, lysandr
Mabigat ang bawat hakbang ni Amariz nang bumalik siya sa Ravenhart Group. Kakatapos tapos lang niya sa unang task na ibinigay sa kanya, isang misyon na halos ikamatay niya. May mga gasgas pa siya sa balat na tinatakpan ng long sleeves, ngunit pinagsawalang bahala niya na lang ito, ang mga mata niya ay nananatiling matalim, walang bakas ng panghihina. The lobby gleamed with glass and marble, parang hotel na sobrang sosyal. The employees in corporate chic attire moved around with folders, coffee, and tablets. ramdam niya ang titig ng ibang empleyado. May mga bulong bulungan na agad kumalat, ngunit hindi niya iyon pinansin. Focus, Amariz. You’re back. Mission complete. Bitbit niya ang envelope ng mga dokumentong galing sa assignment na halos ikamatay niya. Diretso siyang nag lakad papuntang elevator. Pero sa isang iglap, may bumangga sa kanyang isang babae Splashhh! Mainit na kape ang tumapon, tumalsik sa sahig at bahagyang dumikit sa laylayan ng damit ni Amariz. “Oh my Go
Habang lumiliko ang kotse palabas ng main road, biglang may umilaw na headlights sa salamin. Isang itim na SUV ang nakabuntot sa kanila at sobrang dikit… tapos isa pa ang sumulpot sa gilid.Napakagat-labi si Amariz.“Of course…” bulong niya, sa malamig ang tono.“Ma’am…” nauutal na sabi ng driver, at pawis na pawis, “para pong sinusundan tayo ng mga sasakyan—”“Just keep driving,” matigas niyang utos.Pero mabilis na hinarang ng SUV ang kalsada, at ang isa naman ay bumuntot para harangan ang daan nila. Ilang lalaking naka itim na jacket ang naglabasan, bitbit ang mga armas.“Baba sa kotse!” malakas na sigaw ng isa.Natigilan ang driver, at nanginginig. Napabuntong-hininga si Amariz, saka tinanggal ang seatbelt niya.“Dumapa ka lang. Huwag kang gagalaw.”Binuksan niya ang pinto, at sinalubong ang mainit at mabigat na hangin ng gabi. Bitbit pa rin ang case, tumayo siya sa gitna ng mga lalaking pinalibutan siya.“Ang aga niyo namang mag-effort,” malamig niyang sabi, habang nakataas ang k
Inayos ni Amariz ang strap ng kanyang leather sling bag, ang kanyang mga daliri ay dumampi sa gilid ng kanyang telepono kung saan kita pa rin ang mga bilin ng sekretarya. Task: Retrieve the package. Deliver by midnight. Do not fail. It sounded simple. Too simple, and simple tasks often hid the sharpest teeth. Dumating siya sa tagpuan, isang abandonadong warehouse na may mga sirang bintana at graffiti na nakadikit sa mga dingding. Amoy kalawang at mamasa masa na semento ang hangin. Ang mga anino ay kita sa mga sulok Isang lalaki ang lumabas sa isang sulok mayroon itong peklat sa Mukha, iginaya siya nito papunta sa Isang kwarto ng bodega. Naningkit ang kanyang mga mata. This is too easy. Amoy kalawang at gasolina ang loob ng kwartong pinasukan nila. Isang bombilya lang ang nakasabit sa gitna, mahina ang ilaw at gumagalaw pa tuwing tatamaan ng hangin. Nakatayo si Amariz, malamig ang tingin sa lalaking kaharap niya. “Maupo ka” wika ng lalaki at itinuro ang upuan, naupo naman