Mag-log in
LILAC
Aksidente kong narinig ang pinag-uusapan ni Harold at Richmond sa opisina. Nakatayo sila sa harap ng floor to ceiling window. Parehas nakatalikod kaya’t hindi nila napapansin ang pintong may siwang. “Pare, sigurado ka ba sa ginagawa mo?” tanong ni Richmond. “Oras na maikasal sa akin si Venice, siguradong mapapasa akin na ang kayamanan nila.” Venice? His first love, Venice? “Pinagawa ko na kay Lilac ang wedding dress niya. She will be the most glamorous and stunning bride in the whole city.” Wedding dress? My wedding dress? Nanginginig ang kamay ko habang pilit tinatakpan ang aking bibig. I spent 10 nights working on it. Nasugatan pa ang mga kamay ko dahil sa mga beads na kailangang tahiin ng masinsin. Hindi ko akalaing sa ibang babae niya ibibigay ang kasal na pinapangarap ko. “Kay Lilac?! hindi ba’t siya ang long time girlfriend mo?” “Wala akong balak na pakasalan ang babaeng iyon. She’s just good for fun.” saad ni Harold na tumawa na para bang isa akong malaking biro. “Sayang naman na hindi siya ang pakakasalan mo. Maganda rin si Lilac at makinis pero hindi ba’t nangako ka sa kanya?” “It was all part of the game, Richmond, ginawa ko lang iyon para kusa siyang gumawa ng wedding dress para kay Venice at isa pa, wala siyang karapatang tumanggi, hawak ko ang nanay niyang may sakit kaya kailangan niyang sumunod sa gusto ko.” “Speaking of her mother, any updates about the kidney transplant? diba urgent na iyon?” tanong ni Richmond. “Relax, everything is under control.” “Anong ibig mong sabihin?” “I made sure na hindi matutuloy ang kidney transplant. Sinabihan ko na ang mga tao ko na wag i-release ang approval.” “Seryoso? bakit mo ginawa iyon?!” “Because I need her to stay. As long as her mother needs treatment, she won’t dare leave me. She’ll do whatever I ask her to do.” Seven years… biglang bumagsak ang mga luha ko. I loved him for seven years. I even gave up my career just to help him in the company. I can’t believe that he will do this to me. Naninikip ang dibdib ko ngunit biglang nagring ang phone ko dahilan upang mapatingin si Harold mula sa siwang ng p***o. Kaagad akong nagtago para hindi niya ako makita. Kinuha ko ang phone ko, tinakpan at tumakbo palayo. Sa may pasilyo ay sinagot ko kaagad ang tawag dahil galing iyon sa ospital. Sinabi nilang nagse-seizure at sumusuka ng dugo ang mommy ko kaya nagmadali akong pumunta sa ospital. Nang makarating ako ay saktong inililipat siya sa ER. Mabilis na dumating ang doktor para tignan ang nanay ko. Sa ER ay hinarangan ako ng nurse. “Ma’am, pasensya na po pero hindi po kayo pwede sa loob.” “Nurse, please, iligtas niyo po ang mommy ko, siya na lang po ang pamilyang meron ako, please po!” Isinara na ng nurse ang p***o at naiwan akong nakatayo doon. Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko at napasalampak ako sa sahig. Nayakap ko ang aking mga tuhod. Kailangan kong mag-isip at gumawa ng paraan. Hindi pa rin napapawi ang galit ko sa narinig kong pagtataksil sa akin ni Harold kanina at pagkatapos ay nasa kritikal na kondisyon naman si mommy ngayon. Maya-maya ay lumabas ang doktor kaya agad akong tumayo. “Doc, ano pong lagay ng mommy ko?” “Hindi maganda. Kritikal ang lagay niya. Her kidney function has deteriorated, and she’s experiencing complications that require immediate intervention.” “Pero… hindi pa po ba siya pwedeng sumailalim sa kidney transplant?” “Yan ang need i-discuss. Her condition is getting worse. We cannot afford to delay the necessary treatment any longer.” “Doc, gawin niyo po ang lahat para mailigtas ang mommy ko.” nag-aalalang sabi ko, ngunit isang lalaki ang biglang lumapit sa amin. “What’s the patient's condition?” tanong nito. “Dr. Montemayor.” Isa pang doktor. Suot niya ang isang mamahaling dark suit sa ibabaw ng kanyang puting coat. May hawak siyang medical folder ngunit ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang apelyido niya, ‘Montemayor’ “She’s experiencing severe complications. Kailangang ma-stabilize na siya kaagad, Doc!” Kinuha niya ang medical records ni mommy at mabilis na tinignan ang mga results. “Prepare the operating room. I want the latest laboratory results and contact the transplant team. I’ll personally handle the case.” “Opo, Doc.” mabilis na sinunod ng isang doktor ang mga inutos ni Dr. Montemayor. “Dr. Montemayor, iligtas niyo ho ang mommy ko.” saad ko na desperada na. “You’re here daughter?” “Opo. Ako po si Lilac Montecillo.” “Dr. Warren Montemayor. I’m a transplant surgeon. Wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para iligtas ang mommy mo.” “Maraming salamat po, Dr. Montemayor!” “Don’t thank me yet. We still have a long way to go.” Mabilis siyang nag utos sa mga medical staff bago pumasok sa emergency room. Sa labas, habang naghihintay ay nag research ako tungkol kay Dr. Montemayor. Could he be the mysterious head of the Montemayor family? Isa ang pamilya Montemayor sa mga pinaka mayayamang pamilya dito sa bansa kaya ganon na lang ka-atat si Harold na pakasalan si Venice and with Dr. Montemayor's wealthy status, I can finally be free from Harold! pero… kaano-ano ba ni Venice si Dr. Montemayor? Kung kayang gamitin ni Harold si Venice, siguradong-sigurado akong kaya ko ring paamuhin sa akin si Dr. Montemayor. Naantala ang pagsearch ko nang lapitan ako ng isang nurse. Sinabi niyang binayaran na daw ni Dr. Montemayor ang mga hospital expenses namin at doon– nahanap ko ang aking sagot. Nalaman ko rin na wala pa siyang asawa o anak ngunit pine-pressure na siya ng pamilya niya at kailangan na ng tagapagmana ayon sa mga kwento dito sa ospital. Nang matapos ang operasyon. Sinabi niya sa akin na successful ito at stable na ang mommy ko sa ngayon pero kailangan pa rin ng close monitoring at at proper post operative care. “Thank you for everything that you did to my mother. The surgery went well at dahil iyon sayo, Dr. Montemayor, I also learned that you covered our medical bills but… can I ask one more favor?” “What favor?” “I need you to be my mother’s doctor from now on, hanggang sa gumaling siya.” “And what’s in it for me?” “Listen, I know that your family is pressuring you to have a family of your own–” “Excuse me?” napakunot ang noo niya, mukhang hindi niya gusto ang narinig niya. “I can be a fake girlfriend if you want. I’m a virgin but I’m not naive. We can pretend that we’re… together. I’ll let you kiss me to make it look more convincing. You can also take me to family gatherings.” Tinignan niya ako ng dahan-dahan mula ulo hanggang paa at masasabi kong kaakit-akit naman ako ng mga oras na iyon dahil naka office attire ako. Nakabukas ng bahagya ang butones ng aking blouse agaw pansin rin ang mala-hourglass body ko. His eyes says it all. Hindi niya lang maamin. “Forget it, Ms. Montecillo, That’s my personal problem, not yours.” Naglakad siya palayo, hindi niya man lang ako hinintay na magsalita. Hindi ko alam kung bakit, pero para bang may kung anong dahilan kung bakit siya tumulong. At para bang hindi rin siya masaya na makita ako. Tinanggihan niya ako, pero hindi ako susuko! Mapapasakin ka rin, Dr. Montemayor! just wait!LILAC“Burn! may hindi makasagot dito! gusto naming malaman this time kung anong klaseng babae ba ang magpapaamo sa isang Warren Montemayor!” masiglang sabi ni Ellison na sinundan naman ng kantiyawan ni Josh, Jared at EllijahNgunit pagkatapos inumin ang natitirang alak sa kanyang baso ay kaagad siyang tumayo at naglakad palayo. “Magre-restroom lang iyon,” sabi ni Ellison na tumatawa pa rin sabay kuha ng baso niya para inumin ang natirang alak doon. “Inuungkat mo pa kasi eh, ayan tuloy, umalis.” sabi naman ni Jared na natawa at umiling-iling. Ngunit hindi naalis ang tingin ko sa direksyon kung saan naglakad palayo si Warren. Doon ko naramdaman na kailangan kong kumilos. Ininom ko ang natitirang alak sa baso ko saka tumayo at sinundan siya. “Mr. Montemayor, wait!” bulalas ko na siyang nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Lumingon siya sa akin at sinabing, “Just Warren, it’s fine with me.” Ngunit binalewala ko ang sinabi niyang iyon. Mabilis kong hinaplos ang magkabila niyang pisng
LILAC“Ouch! Uncle Warren! What is wrong with you?!” maarteng singhal ni Venice habang hawak ang pisngi niya. Natigil ang mga palakpakan at kantyawan ng buong team. “You ungrateful brat! apologize to her and to everyone! If you do not apologize, I won’t hesitate to tell your mom about this!” galit na galit si Warren na dinidisiplina ang pamangkin niya. Lasing lang ba ako o talagang nakikita ko siyang ipinagtatanggol ako ngayon? “Why would I apologize?! this is just a game, Uncle! don’t be so dramatic! and besides we’re having fun, right Lilac?” mapagmataas na sinabi ni Venice. Tinignan ako ulit ni Warren, kitang-kita niya ang halos kawawa kong hitsura pati na ang luha sa aking mga mata. I look terrible, scared and aggravated! Hindi ko naman sinasadyang maging ganito ngunit sila ang gumawa sa akin nito. Nasasaktan ang kalooban ko at ang inaaakala kong tutulong sa akin ay itinulak pa ako sa putikan dahilan upang mas bumagsak pa ako lalo. “A game?! pinagsasayaw ninyo ng malaswa at
LILAC“Ang swerte niya ano? never pang nagawa iyon ni Dr. Montemayor sa isang babae. Baka talagang nagugustuhan niya yung babae.” “Narinig kong kamukhang kamukha daw ng babaeng iyon ang first love ni Doc Warren kaya tinulungan niya.”“Iyon lang? Hindi ba’t napakababaw naman ng ganoon? Dahil lang sa kamukha ng babaeng iyon ang first love niya? handa siyang magwaldas ng malaking pera? Hindi pa rin ba siya nakaka-move on?” So, that’s it? Kaya niya lang ba ako tinulungan ay dahil kamukha ko ang first love niya? hmm, fine! kung ang pagiging substitute ang paraan para makalapit ako sa kanya ay gagawin ko! Mas umaayon sa akin ang panahon at pagkakataon. Nang matapos ako sa ospital ay dumiretso ako sa studio para tignan ang mga trabaho ko ngunit napansin kong halos lahat ng mga orders ng kliyente ay galing sa mga kliyente ni Harold. Hindi pwede ‘to. Kung gusto kong magtayo ng solong studio, dapat ay maging independent din ako. Tama, ititigil ko na ang pag-asa sa mga connections na ‘to na
LILAC“Harold, let’s end this.” matapang na saad ko. Nasa loob kami ng opisina niya ngayon at talagang pumunta ako dito para makipaghiwalay. Pagkatapos ng mga sinabi niya kahapon… sa tingin ko ay wala ng rason para ipagpatuloy pa ang ganitong klaseng relasyon. “End what, exactly?” “Narinig kita kahapon. I was standing right next door. Narinig ko ang lahat. You already have a fiancee. You’re marrying someone else,” “Yes, Lilac. It’s always been Venice, my first love. The one and only. Siya ang pakakasalan ko at hindi ikaw.” matigas na sinabi niya sa akin. “Harold, I loved you for 7 years. I devoted my life to you! I helped you run the company. I trusted you. Pati buhay ng nanay ko ipinagkatiwala ko sayo dahil ang buong akala ko ay mahal mo ako!” singhal ko habang mabilis na umaagos ang aking mga luha. “Ano bang drama ‘to, Lilac?! Para iyon lang, nakikipaghiwalay ka na sa akin? bakit ka nagkakaganyan?!” hindi ako makapaniwalang iyon ang magiging reaksyon niya. “I was about to tel
LILACAksidente kong narinig ang pinag-uusapan ni Harold at Richmond sa opisina. Nakatayo sila sa harap ng floor to ceiling window. Parehas nakatalikod kaya’t hindi nila napapansin ang pintong may siwang. “Pare, sigurado ka ba sa ginagawa mo?” tanong ni Richmond.“Oras na maikasal sa akin si Venice, siguradong mapapasa akin na ang kayamanan nila.” Venice? His first love, Venice? “Pinagawa ko na kay Lilac ang wedding dress niya. She will be the most glamorous and stunning bride in the whole city.” Wedding dress? My wedding dress? Nanginginig ang kamay ko habang pilit tinatakpan ang aking bibig. I spent 10 nights working on it. Nasugatan pa ang mga kamay ko dahil sa mga beads na kailangang tahiin ng masinsin. Hindi ko akalaing sa ibang babae niya ibibigay ang kasal na pinapangarap ko. “Kay Lilac?! hindi ba’t siya ang long time girlfriend mo?”“Wala akong balak na pakasalan ang babaeng iyon. She’s just good for fun.” saad ni Harold na tumawa na para bang isa akong malaking biro.







