共有

Chapter 129

作者: Batino
last update 最終更新日: 2025-12-27 04:35:01

Sinundan nila ang tunog ng iyak, papalayo sa mismong lugar ng krimen. Palakas nang palakas ang iyak habang papasok sila sa mas masukal na bahagi ng damuhan. Humahawi ang mga pulis ng matataas na talahib, habang si Leonardo ay halos hindi na makahinga sa kaba.

“Diyan… diyan galing,” sabi ng isang pulis, itinataas ang kamay.

Pagdating nila sa gilid ng isang maliit at halos tuyong sapa, napatigil silang lahat.

Tumigil ang lahat nang mas lalong luminaw ang tunog.

Hindi ito iyak ng sanggol.

Ito ay mahinang ungol at impit na meeee na pumuputol-putol.

“Sandali…” napakunot-noo ang isang pulis. Lumapit siya sa ilalim ng puno at maingat na hinawi ang mga damo.

At doon sila napatingin.

Isang maliit na kambing, marumi sa putik, bahagyang nakatali sa lubid na halos mapigtas na. Nanginginig ito, tila gutom at takot—pero malinaw na hindi sanggol.

Napatigil si Leonardo. Para bang biglang nawala ang lakas ng kanyang mga tuhod.

“…Kambing?” paos niyang sambit.

Tahimik ang paligid. Walang nags
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 138

    Sobrang bigat ng hangin sa presinto. “HINDI AKO PWEDE MAKULONG! ANAK KO ANG BATANG IYON!” Basag at paos na ang boses ni Eli habang paulit-ulit niyang isinisigaw ang parehong linya, tila ba bawat sigaw ay kapit sa natitirang lakas ng kanyang kaluluwa. “Kahit pa sabihin ninyo kay Demon Villamor na ipa-DNA TEST AKO AT NG ANAK KO!” halos manginig na siya. “Malalaman nila… MALALAMAN NILANG AKO ANG TUNAY NA INA NG BATA!” Napaupo na siya sa sahig, yakap ang sarili, pero hindi huminto ang bibig niya sa pagsigaw—hanggang sa makulitan na ang mga pulis. Nagkatinginan ang mga ito bago tuluyang tinawagan ang Villamor hotline. Samantala, sa Villamor Mansion, mabigat din ang katahimikan. Nakatayo si Carlo Torrez Villamor sa gitna ng maluwang na sala—maliit ang katawan, nanginginig ang mga kamay, at halatang litong-lito. Ang pangalang iyon ang ibinigay ni Eli sa kanya. Apelyidong mabigat dalhin. Apelyidong may kapangyarihan… at dugo. Dahan-dahang lumapit si Demon Villamor. Hindi galit a

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 137

    “Limang taon na!” halos mapunit ang lalamunan ni Elicia sa tindi ng sigaw. Nanginginig ang kanyang buong katawan habang nakatitig siya kay Demon, ang mga mata’y namumula at punô ng galit at sakit. “Limang taon na simula nang mawala ang anak ko!” nangingibabaw ang panginginig sa bawat salitang binibitawan niya. “Hindi kaya… ang batang ’yan ang anak namin ni Demon na matagal nang nawawala—at ikaw ang may kagagawan ng pagkawala niya!” Biglang nanlamig ang paligid. Isang mabigat na katahimikan ang bumalot sa buong garden venue bago ito napalitan ng sunod-sunod na bulungan. Ang mga bisita’y nagkatinginan, ang ilan ay napahawak sa dibdib, ang iba nama’y napasinghap sa gulat. “Anak ni Sir Demon?” “Limang taon ang edad… parang tugma…” “Hindi kaya totoo ang sinasabi niya?” Unti-unting lumakas ang mga usap-usapan, tila alon na unti-unting nilalamon ang engrandeng selebrasyon. Biglang nanigas ang panga ni Demon. Kumislap ang malamig at mabangis niyang mga mata habang mahigpit na kinuyom

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 136

    “Ano?!” Biglang umalingawngaw ang boses ni Demon sa buong bulwagan. Namula ang kanyang mukha sa galit habang mariing humakbang palapit sa babae. “Paano kami naging magka-match?! Imposible ang sinasabi mo! Saan mo kinuha ang blood sample ko?! Kasinungalingan ang lahat ng ’yan!” Iginuhit niya ang kamay sa ere na para bang pinuputol ang usapan. “Mga tauhan—ilabas ang lapastangang babaeng ’yan!” sigaw niya, nanginginig ang panga sa pagpipigil ng galit. Ngunit bago pa man makalapit ang mga guwardiya, mahigpit na niyakap ng babae ang bata at humarang. “Subukan n’yo lang siyang galawin!” sigaw niya, nangingilid ang luha ngunit matatag ang tindig. “Sinisiguro ko sa’yo, Demon, na makukulong ang babaeng ’yan sa kasong kabit!” Mahigpit niyang hinawakan ang maliit na kamay ng bata, wari’y iyon na lamang ang lakas na humahawak sa kanya sa mundo. “Sinasabi ko na sa’yo—tanggapin mo ako at ang anak natin. Dito mismo, sa sarili mong pamamahay,” mariin niyang saad, puno ng pagsusu

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 135

    “Kailangan kong mahanap si Elina! Alam kong siya ang kumuha sa apo ko!” Mabigat ang boses ni Leonardo, puno ng galit at pangamba. Nanginginig pa ang kanyang kamao habang hawak ang gilid ng mesa sa police station. Walang paalam, tumalikod siya at mabilis na naglakad palabas—parang may sariling isip ang mga paa niya. Hindi niya ininda ang sigaw ng pulis na humahabol sa kanya. Ang tanging nasa utak niya: Torrez Residence, ang dati nilang tirahan, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat. Sa labas, sumalubong ang malamig na hangin ng gabi. Bumuga ito ng usok sa bawat paghinga niya. Nakasakay siya agad sa kanyang sasakyan, padabog na isinara ang pinto, at pinaandar iyon na parang karerista—nag-iiskid pa ang gulong sa sementong basa ng ambon. Hindi niya alam… may anino na sumusunod sa kanya. Habang si Demon, seryosong nakaupo sa likod ng tinted na itim na van sa tapat ng presinto, tahimik na nagmamasid. Bahagyang umangat ang kanyang tingin. “Rumwaldo, ipasundan mo si Leonardo. Ngayon di

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 134

    Wala. Kahit ilang ulit nilang sinuyod ang ilalim ng ilog, kahit mangalay ang mga braso at manginig ang mga tuhod sa lamig, wala silang nakita—ni bakas ng sanggol, ni anumang palatandaan na naroon pa ito. Unti-unting umatras ang mga pulis, mabibigat ang mga hakbang, iwas ang mga tingin. Ang ilog ay nanatiling tahimik, parang sadyang itinatago ang katotohanan. Sa huli, wala nang nagawa kundi ang umalis. Tahimik ang biyahe pauwi sa mansion. Walang nagsasalita. Si Elicia ay nakatitig lamang sa bintana, yakap ang basang lampin na tila huling hibla ng pag-asa, habang tahimik na dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi. Si Demon naman ay tuwid ang upo, mahigpit ang kamao, ang mga mata’y puno ng dilim at pangakong hindi bibitaw. Pagdating sa mansion, sinalubong sila ng malamig na katahimikan—isang tahanang kumpleto sa yaman, ngunit lubos na kulang sa pinakamahalaga: ang anak na hindi nila nahanap. Ngunit sa puso ni Demon, malinaw ang isang bagay—hindi pa ito ang wakas. Hahanapin niya ang kato

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 133

    Isang mensahe ang muling lumitaw sa screen ng phone ni Demon—ngunit hindi ito galing kay Janice. Atty. Rumwaldo. Sir Demon, na-trace na namin ang lokasyon ng numerong binanggit ninyo. Saglit na tumigil ang mundo ni Demon. Tumigas ang kanyang panga, at dahan-dahang humigpit ang hawak niya sa telepono. Sa wakas. Isang hakbang palapit sa anak niya. Isang hakbang palapit sa katapusan ni Janice. Mabilis siyang nag-type, walang pag-aalinlangan. “Okay. Puntahan n’yo na agad ang lugar. Magsama ka ng mga pulis. Hulihin n’yo na ang babaeng ’yon.” Pinindot niya ang send—parang hatol na ibinagsak. Agad niyang pinatay ang tawag at huminga nang malalim, pilit kinokontrol ang nag-aalimpuyong galit sa dibdib—galit na matagal nang nagbabantang sumabog. Lumapit siya kay Elicia at marahang hinawakan ang kamay nito, ramdam ang panginginig ng mga daliri niya, ramdam ang takot na pilit nitong itinatago. “Tara na, Elicia,” mahina ngunit buo ang tinig ni Demon. “Nahanap na nila kung nasaan ang anak m

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status