Share

Chapter 144

Penulis: Batino
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-14 22:14:06

Saan mo gustong pag-usapan ito?” pasaring na tanong ni Fiona, nanginginig sa galit ang boses. “Sa opisina mo? Para hindi nila marinig ang katotohanan—na ikaw ang dahilan ng pagkawala ni Elicia… at ni Daniel!”

Nanlaki ang mga mata ng mga staff na nakapaligid. Biglang kumapal ang hangin.

“Ano?!” napasigaw ang isa. “Nawawala si Daniel?!”

Mabilis na humakbang si Demon palapit, bahagyang itinaas ang kamay para patahimikin ang paligid. Ngunit bago pa siya makapagsalita, muling sumabog ang emosyon
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 146

    Madaling-araw nang magising si Eli. Mabigat ang pakiramdam ng kanyang katawan at masakit ang ulo niya. Sa dilim, unti-unti niyang inalala ang lahat—at doon siya kinabahan. “Kailangan kong tumakas… kailangan kong mabawi ang anak ko sa babaeng ’yon,” nanginginig niyang sabi. “Ako ang tunay na Elicia, kaya ako ang dapat na nasa lugar niya.” Tumayo siya kahit nanghihina ang tuhod at buong lakas na sumigaw, “Tulungan niyo ako! Please! Tulungan niyo ako!” Ngunit walang sumagot. Ang boses niya’y agad nilamon ng katahimikan. Doon niya napagtantong nasa loob siya ng isang bodega—malawak, malamig, at walang kahit sinong makakarinig. Naupo siya sa sahig, pilit pinipigilan ang takot, nang bigla siyang makarinig ng mahinang katok sa pader. Tok… tok… Nanlaki ang mga mata ni Eli. Mabilis siyang tumayo. “May tao diyan! Tulungan niyo po ako!” sigaw niya, umaasang may sasagot. Sa halip, biglang lumakas ang katok. Sunod-sunod na kalabog ang tumama sa pader, paulit-ulit at mariin, dahilan p

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 145

    “Sino yang babaeng kasama mo, Demon?!” nanginginig ang boses ni Elicia habang mariing nakatitig sa babaeng nasa tabi niya. Hindi pa man siya tuluyang nakakabawi sa damdaming gumugulo sa dibdib niya, agad nang sumagot si Demon—diretso, walang pag-aalinlangan. “Hindi mo ba siya natatandaan?” tanong niya, bahagyang kumunot ang noo. “Hindi ka naman nagkaroon ng memory loss para hindi mo makilala ang babaeng kasama ko.” Parang biglang tumigil ang oras para kay Elicia. Sandaling natahimik ang paligid—tanging ang mahinang paghinga lamang ni Carlo ang maririnig. Napalunok siya, at sa loob ng isip niya’y nagkagulo ang mga alaala. Shit… sino na nga ba ang babaeng ’yan? Piliting hinukay ng isip niya ang mga pira-pirasong alaala—hanggang sa biglang may sumiklab na eksena sa utak niya. Ang babaeng palaging kasama ng tunay na Elicia… bago siya tuluyang kinidnap. Nanlaki ang mga mata niya. “Ah—ah oo…” bahagya siyang napaatras, pilit binubuo ang ngiti. “Si Fiona pala… siya ang kaibigan ko– H

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 144

    Saan mo gustong pag-usapan ito?” pasaring na tanong ni Fiona, nanginginig sa galit ang boses. “Sa opisina mo? Para hindi nila marinig ang katotohanan—na ikaw ang dahilan ng pagkawala ni Elicia… at ni Daniel!” Nanlaki ang mga mata ng mga staff na nakapaligid. Biglang kumapal ang hangin. “Ano?!” napasigaw ang isa. “Nawawala si Daniel?!” Mabilis na humakbang si Demon palapit, bahagyang itinaas ang kamay para patahimikin ang paligid. Ngunit bago pa siya makapagsalita, muling sumabog ang emosyon ni Fiona. “Huwag mo akong ilihis, Demon!” halos mabiyak ang tinig niya sa sama ng loob. “Wala na akong pakialam kung tanggalin mo man ako sa trabaho! Kahit mawalan ako ng lahat—basta mailabas ko lang ang galit na kinikimkim ko!” Napahigpit ang kamao niya, tila pinipigilan ang sarili na tuluyang bumigay. “Noong araw na nawala si Elicia,” patuloy niya, puno ng poot ang mga mata, “ikaw ang nakita ko sa maliit kong CCTV—sa labas ng kalsada! Ikaw mismo ang kumuha sa kaibigan kong naglalabor na noo

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 143

    “HINDI IKAW ANG MAMA KO! HINDI IKAW!” Paulit-ulit na sigaw ni Carlo, nanginginig ang boses habang tumutulo ang luha sa kanyang pisngi. Nangingibabaw ang galit at takot sa kanyang mga mata. Huminga nang malalim si Elicia. Pinilit niyang maging kalmado kahit nanlilisik ang mga mata niya. “Alam ko,” malamig niyang sagot. “Alam kong hindi ako ang mama mo.” Napatingin si Carlo sa kanya, nagulat sa sagot. “Kung alam mo pala, bakit mo ako kinukulong dito?! Bakit mo ako tinatawag na anak mo?!” Lumapit si Elicia, dahan-dahan, parang ahas na papalapit sa biktima. Inangat niya ang mukha ni Carlo gamit ang dalawang daliri. “Dahil ako ang nandito,” bulong niya. “Ako ang nagpalaki sa’yo. Ako ang nagprotekta sa’yo. At ako ang may kapangyarihan sa buhay mo.” Sa loob ng isip ni Elicia, bumalik ang alaala. Ang gabing iyon… ang sigawan… ang dugo… Nung gabing kinidnap ang mama mo, sa mismong araw ng kapanganakan mo. Nakaplano na ang lahat. Walang puwang ang awa. “Kaya makinig ka sa

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 142

    Huminga nang malalim si Elicia at unti-unting lumayo sa mag-ama, wari’y nirerespeto ang takot ni Carlo. Ngunit sa lihim niyang isipan, nag-aalab ang matinding galit niya sa bata—humanda ka talaga sa akin kapag umalis ang ama mo. “Okay lang, mahal ko,” sabi niya kay Demon, na may ngiting puno ng kunwaring pag-unawa. “Baka tama ka nga. Medyo nagiging masungit ako nitong mga nakaraang araw dahil sa sobrang pag-aalala ko tungkol sa muling pagbabalik ng ating anak.” Saglit siyang huminto, saka marahang nagpatuloy, “Pwede bang hayaan mo muna akong makipag-usap sa ibang silid sa anak natin? Baka makatulong kung kami lang muna, para maipaliwanag ko ang lahat at maipadama sa kanya ang pagmamahal ko.” “Uhmmm…” Sandaling nag-isip si Demon bago tumango, ngunit hindi pa rin niya binitawan ang kamay ni Carlo. “Sige, pero huwag mong gagawin ang anumang bagay na ikakatakot niya sa’yo, Elicia,” mariing babala niya. Bumaling si Elicia kay Demon, ang mga mata’y kunwaring puno ng sakit at pag-una

  • FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND   Chapter 141

    Tumingin si Elicia sa kanilang papalayong likuran, mga mata niyang umaapoy sa poot. Mariin niyang kinagat ang labi hanggang sa mamula ito. “Bakit hindi ka pa mamatay, Carlo?!” bulong niya nang mahina, ngunit puno ng galit na tila naririnig sa buong silid. Umalis siya sa bintana at diretso tinungo ang isang lihim na cabinet sa sulok. Dahan-dahang binuksan ito—nakatago roon ang isang lumang litrato: isang babae na kamukha niya, kasama ang isang maliit na bata. Mariin niyang hinawakan ang larawan, hanggang sa mamaga ang kanyang mga daliri. “Ito na lang ang natitira sa’yo, Eli… at bukas, mawawala na rin ’to,” sambit niya, ngiting malamig at mapanganib. Kinuha niya ang isang maliit na kahon mula sa ilalim ng litrato. Binuksan ito—nakatago roon ang isang maliit na vial ng puting pulbos. Ngumisi siya. “Kung hindi ka naman talaga sa amin… kung hindi ka tunay na anak namin… walang saysay na mabuhay ka pa,” bulong niya habang maingat na inilalagay ang vial sa kanyang pitaka. Biglang

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status