Share

Chapter Six

CHAPTER SIX:

The Dedication.

(PETS ARC)

Renifleur's POV

I don't know what day is it. Or time. Pala-isipan pa rin sa 'kin kung bakit ang bilis nilang makagawa ng weapon. And it's an arrow. I know them, maybe they team uped. The thought make me sad. Team kami dati, e. They didn't even let me explain.

Lutang ako habang kumukuha ng prutas dito sa forest. Ang dami kong iniisip. Una, kung bakit ang soul namin ang napunta rito. Pangalawa, saan nakuha nina Emily ang weapon nang gano'n kadali. Pangatlo, where did that strong energy came from? And lastly, what should I do in this game.

Inutusan ako ni Mariel na kumain ng prutas dahil nakakatulong daw ito sa pagtaas ng aking health bar. Pinagalitan niya pa 'ko dahil kahapon. Bakit daw susugod nalang ako bigla without looking at my health.

Binilisan ko na ang pagkuha ng prutas dahil mamaya't maya ay dadating na rito ang ibang players. I shouldn't be seen.

Bumalik na ako sa lake at nakitang ando'n ang mga lalaki kahapon. I laughed mentally. Nagtago muna ako, alam na siguro nilang pinagtitripan lang namin sila. But, still, there's a possibility that the elemental powers are everywhere. Nothing is impossible in this world.

"Nasaan na 'yung babaeng 'yon?" tanong ng isa sa kanila. Lima lang silang lahat at nakasunod lang do'n sa isang kumausap sa 'kin kahapon.

Magkakilala ba sila sa totoong mundo? They look carefree, na para bang ini-enjoy lang ang nagaganap sa buhay nila, kahit ganito na ang sitwasiyon.

Tumingin ako sa lake at nakitang wala ro'n si Mariel. Nagtago ata. Umalis na sila. Hinintay ko munang makalayo sila bago lumapit sa lake. Lumabas naman agad si Mariel.

Do'n na ako kumain at napansing tumaas nga ang health bar ko. Wala ni isa sa 'min ang nagsalita ni Mariel. My mind is filled with my thoughts, and it's very loud.

"What should I do?"

"What's your plan?"

Sabay naming tanong. Ngumisi kami sa isa't isa. Naging tahimik ako dahil hindi ko alam kung ano nga bang plano ko. I just want my friends to not to hate me. Sila nalang ang meron ako and now they hated me na parang wala kaming pinagsamahan.

"People won't understand if they aren't on your shoes," panimula niya. Gumawa siya ng upuan out of water at doon umupo habang tumabi sa 'kin. Kumagat lang ako ng mansanas habang nakikinig sa kaniya. I'm unable to say a word right now so I'm letting her do the talk.

"Nasa sa 'yo na 'yon kung tatanggapin mong gano'n na ang trato nila sa 'yo or patuloy kang maniniwala na may pag-asa pa." her words made me realize that I'm still holding on to our friendship.

"Think, Fleur. Hindi ka dapat laging gan'yan lalo na't may importante ka pang isasalba sa totoo mong buhay," she said. Lumingon ako sa kaniya at nagtaka kung bakit alam niya 'yon.

"I'm declaring you as my master so we're now each other's half." hindi ko siya naintindihan ngunit isinawalang bahala ko muna 'yon. Sumandal ako sa balikat niya. This is what I need right now.

"Did you know why we are each other's half?" she asked.

"Why?" tamad kong sagot dahil tinatamad akong mag-isip kung ano.

"That's because you sip my right boob! Dapat 'yung isa rin para maging master na talaga kita!" she said and we both laugh.

"Pauso ka," tanging saad ko.

"Sinasabi ko nga ba nandito ka, e!" may nasaglita sa likod namin at boses pa lang niya ay nakilala ko na ito. They are so annoying bakit ba 'to sunod nang sunod sa 'kin at bigla na lang lilitaw.

"Bigla ka na lang sumusulpot, kabute ka ba?" pang-aasar sa kaniya ni Mariel.

"Hoy sirenang mukhang alimango, baka nakakalimutan mong may atraso ka sa 'min!" paggaganti nito. Tumayo na ako at humarap sa kanila. Ang isa sa kanila ay nasa kalahati na ang buhay at may ibang malapit na mamatay.

"E kung ipapasundo na kita kay kamatayan?"

"Weh? Kilala mo siya?"

"Oo, sa ganda kong 'to 'di ko siya makilala?"

"Ah, kaya pala ganda lang ambag mo."

"Edi inaamin mo na ring nagagandahan ka sa 'kin."

Pagtatalo nila. Hinilot ko pa ang balikat ni Mariel at umakto naman siyang may muscles. Gano'n din ang ginawa ng ibang ka-grupo ng lalaki sa kaniya. Walang nagpapatalo sa labanan, e.

Hinagisan ko sila ng natitirang mansanas. Hindi naman kasi sinabi ni Mariel na isa lang kailangan, naparami ang kuha ko. Binigay ko nalang sa kanila dahil may natitira pang bait sa katawan ko.

"Ano 'to?"

"Mansanas, bulag ka ba?"

Pagsisimula nila. Hindi ko ata kayang makasama 'to sila. Napaka-ingay.

"For healing 'yan. Ano ba kasing ginawa niyo't ang liit nalang ng health bar niyo?" I asked.

"Pumunta kami sa forest gaya ng sabi mo. We were patiently waiting for that "calling" that you said. Maraming wild animals ang nando'n kaya napasabak kami." suddenly nakonsensiya ako.

"Baka tinakbuhan niyo lang ang mga wild animals. Hindi niyo ba naisip na kung matatalo niyo 'yon, baka pipiliin kayo ng element powers?" sambit ni Mariel. I glared at her. Balak niya atang ipapalapa 'to sila ng buhay sa mga animals.

"No'ng naglaro kami, wala naman 'to, e kaya hindi namin alam. At saka, ang dali lang nitong babaeng 'to," he paused sabay turo sa 'kin, "na makuha ka tapos kami kailangan pang gano'n?" pagpapaliwanag nito. Tiningnan ko lang si Mariel at sinasabing siya na ang mag-isip ng paraan.

She controlled the water and put it inside my head. Isa itong malaking bilog at nagtaka ako kung bakit ako nakahinga sa loob.

"Wow. I can breathe," I said. Tinakpan ko ang bibig ko dahil nakapagsalita ako sa tubig. The water ball suddenly vanished.

"See? We have a connection. Kung kayo ang ginawan ko no'n ay nalagutan na kayo ng hininga," she explained. I didn't know about it.

"So, you mean that the 'calling' is the connection?" he asked. Tahimik lang ang mga galamay niya habang nakikinig sa palipat-lipat na nag-uusap.

Mariel just nodded. Tumayo na sila at pinagpagan ang sarili.

"Before we will find that connection, let us introduce ourselves first," sambit niya.

"I'm Gray," he said and offered his hand. I accepted it.

"I'm Red," kumaway 'yung naka-pula ng buhok.

"Wait. So, you are Yellow?" turo ko sa naka-yellow na buhok. He nodded and showed his sword.

"And you are Blue?" turo ko sa nakakulay asul na buhok. He nodded too and showed his axe.

"And you are Black?" turo ko sa nakakulay black na buhok. He smiled and showed his sword.

Hindi pa upgraded ang sandata nila kaya't hindi pa nila ito magagamit kapag nagpapa-level up.

"Ang ko-korni niyo," Mariel's comment. Hindi na nila pinansin si Mariel at kumaway na habang papaalis.

Mariel sighed. "Remember their names. They might be useful for us," she said.

"What? Useful?"

"Yes. This is a ranking quest, Master. We won't succeed if you don't use anyone."

Napatango nalang ako. Sang-ayon ako sa kaniya but I felt bad for them. Niloko na nga namin sila about powers, and now we're planning to use them. It looks like we are the villain here. But I need to think my parents too. Lalo na't may problema pa sila.

"Did you know what happened to our real bodies?" I asked at her.

"I don't know. Before your souls came here, I'm already here." she said.

"You are born here?" I asked. She seemed shocked at my question.

"I'm sorry, did I made you uncomfortab—"

"I don't know either," she said and looked away. Geez, I shouldn't have asked about a sensitive question.

"I am at the underwater. I don't know but I suddenly woke up being like this. I wandered at the water of the lake. I don't even know if it's day or night but I can't go out to the water." she explained. Nakatalikod pa rin siya sa 'kin. Living alone in underwater seems pretty lonely.

"I was wandering at the lake when I feel my body being eaten. It's my boob," she laughed softly. Lumingon siya sa 'kin and I can see her smiling while tears keeps on falling under her eyes.

"It's you. You've successfully free me from the cage," she said and wiped her tears.

"But I'm sure your cage is beautiful. Water is beautiful." I said and cuped her face.

"I guess, we're really each other's half. We are a mess," I laughed while saying it.

"A beautiful mess," she said.

NATAPOS ang iyakan session namin ni Mariel at bumalik na siya sa tubig. Gumagabi na kasi at kailangan na niyang magpahinga. Tutulungan niya sana akong mahanap ng matutulugan pero tumanggi ako. She had enough help today. She protected me and she was my crying shoulder.

Lumipad ako at inilibot ang paningin. The sun was setting. I was mesmerized by its beauty. I am incage here, but this proves that this cage is beautiful. Katabi ng paglubog ng araw ang buwan na tumataas. I was amazed because this is how the day and night goes here.

Naghanap ako kung saan ako matutulog. I saw none dahil puro puno lang ang naririto. Pumunta ako sa malaking puno para doon matulog sa sanga nito. I landed softly at the ground. Kakausapin ko muna ang puno baka bigla na lang akong patayin habang natutulog ako.

Nakarinig ako ng ingay sa paligid. Pagabi na kaya nagtago ako. Maya maya't matatabunan na ng kadiliman ang mundong 'to. Sinundan ko ang mga footsteps na naririnig ko. Nagtago ako nang mahanap sila.

"Alam niyo ba? May nagsasabi na may babae raw na nakatagpo ng mermaid dito."

"Talaga?"

There are three at mapapansin ko sa boses na babae sila. Are they talking about me?

"Yes. Ang sabi ay mahina lang daw siya kaya't ginagamit niya ang sirena para makalakap ng impormasiyon," the other girl said.

"What a user. This isn't fair."

"Yes, agree."

May nakita akong kahoy kaya't sinakal ko patalikod ang isang babae at itinutok sa kaniya ang kahoy.

"W-Who are you?" nanginginig na tanong ng isa.

"The one that you're talking about." I said at diniinan ang pagsakal sa kaniya gamit ang kahoy.

Sinugod naman ako ng dalawa kaya't nanghina ang tuhod ako. Madilim na kaya't 'di ko mababasa ang bawat galaw nila.

Binitawan ko ang sinasakal ko at sinipa ang isang babae. Sumalpak siya sa malaking puno. Ginawa ng babaeng sinasakal ko kanina ang panahong 'yon para sipain ako. Hindi pa ka gano'n kagaling ang reflexes ko kaya't hindi ko malalaman ang galaw nila.

"Tama nga ang sabi nila. You're weak and the fact that you are a user," saad ng babae at pinalo ng kahoy ang likod ko.

Napaimpit ako dahil sa sakit. Sinabunutan nito ang buhok ko at nagpumiglas ako. I hold her hand. Hindi ko napapansin ang health bar ko pero alam kong nabawasan ito.

"Give us the mermaid."

Those words makes me mad so I gathered all my strength and grabbed the girl's hand. I twister her hand and throw her away.

I flew before they could catch me.

ARCAUSATION

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status