Share

Chapter Two

CHAPTER TWO:

The Discussion.

Kinaumagahan ay nag-bihis ako at nagpaalam na sa magulang ko. They were hesitant at first ngunit napapayag ko rin sila.

"I'll be back home before sun down, Mom," I said. They looked at each other and sounds convinced.

"Be careful." Dad said.

I nodded.

Sinuot ko na ang bag ko at lumabas na nang bahay. I can feel the sun burning my skin. Kaya ayokong umalis ng bahay, e.

Pumara agad ako ng tricycle at sinabi ang address. 

I over-think habang papunta sa paparoonan ko. What if I just shame myself there?

No. I have to do this.

Nang makarating ay agad akong nagbayad at nagsimula nang maglakad patungo sa bahay nila.

May bodyguard na nakabantay kaya't pinakita ko ang fake conversation namin no'ng anak ng council at sinabing pinapapunta ako. Alanganin pa siya dahil wala naman daw sinabing may dadating na bisita.

"I am his friend, Manong. Pinakita ko na sa 'yo ang convo namin 'di ba? He invited me here," medyo naiinis kong sabi. I remained humble since I have a business here.

"Pasensiya na kayo, miss. Tatawagan ko nalang si Sir—"

Natigilan sa pagsasalita si Manong nang biglang sumabat ang lalaking sadya ko rito.

"Anong nangyayari rito?" tanong nito.

"Look. I want to talk-"

"Papasukin mo na siya, Manong Juancho," he interrupted me at biglang umalis. 

Dali-dali namang binuksan ni Manong Juancho ang gate at agad akong sumunod sa lalaking 'yon. Hindi ko na inilibot ang paningin ko sa marangyang bahay nila kasi alam kong maganda talaga 'to.

Dumating kami sa garden at umupo sa upuang nandoon at isang lamesa. 

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa, Mr. Liam Fuentabillo. Stop those plans," ani ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya at ipinatong ang dalawang siko sa lamesa.

"Why are you telling me that? You are suppose to tell that to my father," he paused. "Pumunta ka lang dito para sabihin 'yan?" he then asked.

"That place is a home for us. Maraming mawawalan ng bahay kapag itutuloy niyo ang plano!" singhal ko sa kaniya.

"We know that. Kaya nga bibigyan kayo ng house and money in return of that land," aniya habang kalmado.

Of course, I know that.

"You're heartless,"

"You're an intruder." ganti niya at nagbigay ng nanghahamon na tingin.

"You let me in,"

"You're annoying."

I really put a shame on myself. I just don't want to lose that place. It's useless that I came here!

"Heard you're a gamer, wanna play?" he asked. Tila biglang pumantig ang tainga ko sa narinig.

"The prize?" I asked. Ha! Dapat may benefits ako.

"Name it," he said. Wow. Iba talaga kapag may kaya.

"Stop your fath-"

"Not gonna happen. Hindi ko hawak ang desis'yon niya," he interrupted me again. Ang hilig nitong sumingit.

"Help me find a job that pays high salary."

"You're still a minor," sabi niya na siyang ikinagulat ko.

"Stalker," I just said. Bakit niya alam ang edad ko?

Dumating ang isang lalaki na may hawak na dalawang laptop. Inilapag niya ito sa lamesa at agad na umalis. Agad kong napansin ang white na papel na naka-ipit sa laptop niya.

Binigay niya sa 'kin at binasa ko. Namilog ang mata ko dahil sa nakita.

One Million pesos ang utang namin. 

"Why do you have this?"

"I want to know the houses that we will take down and their involvements," tipid na sagot niya.

"How can you be involved in politics? You're so young," I bluntly said.

He didn't answer.

"We will be playing FAIRY GUARDIANS. Anong level ka na?" tanong niya.

"Geez, you're a stalker. Paano mo nalamang naglalaro ako niyan?" tanong ko pabalik sa kaniya.

"Just answer it."

Inirapan ko siya at sinabi ang level ko. Feeling bossy. 

"Just to be clear, if you win, you have your job and if you lose, you'll be part of my 'play'," he said at nakatutok lang sa laptop.

"Hindi ko alam na papatol ka ng minor as one of your 'play'," I teased.

Hindi niya lang pinansin ang sinabi ko at nagkalikot lang sa laptop niya. I started to open up my laptop too. I mean, 'di naman 'to sa 'kin but ako ang gumagamit ngayon.

Binuksan ko ang app at ini-log in ang account ko. Gano'n din siguro ang ginawa niya. After a second, inilahad niya ang kaniyang kamay.

"Deal?"

"Deal."

Since my choosen type kami sa game, I choose archery as my type. Madali lang siyang i-operate at mas gamay ko ang long range battle.

Tatanungin ko sana nang nag-sent siya ng fairy request. 'Yan ang tawag kapag gusto mong maging friend ang isang player sa game na 'to. 

Fairy Guardian [KNIGHT] sent you

a fairy request.

I mentally laughed at his username

"Hindi ko alam na ang Knight pala ngayon ay hindi na tagapagligtas, tagasira na," I chuckled.

He glared at me. Ibinalik ko nalang ang mata ko sa laptop.

You accepted Fairy Guardian [KNIGHT]'s fairy request. 

Fairy Guardian [KNIGHT]

is asking for a duel.

Accept | Decline

I clicked the accept button. Mga ilang segundo ay nakarating na kami sa Arena. Maraming NPCs na nanonood at may nagch-cheer pa.

Nagulat ako nang may pumalibot na tubig sa character ko at binago nito ang suot niya. From a blue dress to combat clothes na kulay asul din. Ang dating nakalugay na puting buhok nito, ngayo'y nakatali na. Nagbago rin ang anyo ng boots nito. Gumanda siya, hindi ko alam na may ganito pala sa game.

Ang damit niya rin ay nagbago. Tank siya kaya pang-tank din ang damit niya na kulay pula. Ngayon ay nagbago ito, blaser na pula ang kaniyang damit at kitang kita ang kaniyang mga muscles at brown na pants and lastly, combat shoes. Ang kaniyang weapon ay isang mahabang metal na may matulis na blade sa dulo. While mine is on my back, bow and arrow.

Madali niya lang akong matatalo kasi hindi ako pang-close combat. He has the advantage.

Tumunog na ang kampanya, hudyat na magsisimula na ang laban. Sumugod siya sa 'kin at agad akong umiwas. Nasa likod na niya 'ko kaya sinipa ko siya, ginamitan ko ng combat skill ang pagsipa kaya nahampas siya sa pader ng arena. Ginamit ko ang chance na 'yon para patamaan siya ng pana ko. Huli na bago niya napansin kaya nadaplisan siya. May bawas na rin sa health bar niya.

Wala akong narinig sa buong paligid kundi sa mabilisan naming pagpindot. Seryoso rin kami habang naglalaro.

Papatamaan ko pa sana siya kaso napansin kong wala na sa tabi niya ang weapon niya, tumalikod ako at sumalubong sa 'kin ang weapon niya at natusok ako sa kamay. 

Ginamitan ko siya ng second skill ko, pinatamaan ko siya ng maraming arrows. Kahit saan siya pupunta ay tatamaan pa rin siya. 

Pareho na kami ng health bar. Isang critical hit nalang ay matatalo na. 

Bumalik na sa kaniyang kamay ang weapon niya. Ginamitan ko siya ng third skill which is raining arrows, hindi niya ito napansin dahil nasa itaas ito. Hinintay ko rin ang cool down ng second skill ko bago pinatamaan siya ulit.

Bago ito natamaan ay nasa harapan ko na siya at sinaksak ako ng anim na small blades. Namatay ako at namatay din siya sa raining arrows ko. 

Ini-log out ko ang account ko at tumayo na. Nagwalk out ako at bago ako maka-alis ay may pahabol pa siyang sabi.

"Come again here, honey!" he shouted.

Nainis ako sa itinawag niya sa 'kin. Bakit pa ba ako nakipagdeal sa lalaking 'yon? I was totally defeated. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status