Share

Chapter Four

CHAPTER FOUR:

The Guardians.

Tuesday. Maaga akong nagising dahil kailangan ko nang mag-jog. Ganito ang ginagawa ko araw araw para manatiling healthy. Iikot lang naman ako rito sa lugar namin at warm up exercise na may konting work out. 

Nang makauwi ay nakita ko si Mommy na naghahanda ng umagahan namin. Nagtimpla rin siya ng kape para kay Daddy. Kumain na kami at nagpaalam silang dalawa na hindi raw sila makakauwi sa tanghalian dahil maghahanap sila ng trabaho.

"You can invite your friends here so that you won't be alone," pagsa-suggest ni Dad.

"Really?"

"Yes. Napagdesisiyunan din namin ng Mommy mo na huwag ka na magtrabaho. We can do this. Don't worry about us," he said then he took a sip of his coffee.

Napag-isip din ako about sa pag-imbita rito sa kaibigan ko. Not bad. They're good and kind, and also a player. Kaya magkakasundo kami lahat. 

Kumain na kami at nagprepara na ang magulang ko. Bumalik naman ako sa kuwarto ko at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay binuksan ko na ang laptop ko. Nasa gilid nito ang calling card ni Caspian.

Something is really off.

Isinawalang bahala ko nalang 'yon at nagsimula nang magtipa ng mensahe para sa kaibigan ko. They all agreed. Gagawin rin namin ang party quest para makalagpas na sa level 10. Just by thinking of it excites me.

Lumabas ako ng kuwarto at napagpasiyahang bumili muna ng pancit canton. Well, it's a good partner for our game later. Binigyan naman ako ng tindera ng lima, alam na niya kasing maglalaro ulit kami ng kaibigan ko. Isinauli ko ang dalawa at sinabing nagtitipid ako. May utang na nga ang magulang ko't magpapakagastadora pa ako. Aba! Buti nalang at di ko rin nakahiligan ang mag-online shop. Baka puro add to cart lang ako. Seeing my friends putting things into their cart makes me think that I may be like that too. So, hindi ko na inisip pang kahiligan ito.

Bumalik na ako sa bahay pagkatapos kong nagbayad. Nakita ko naman si Luna na naghihintay sa pinto. Agad kaming nagyakapan na akala mo'y isang taong hindi nagkita.

"Buti at pumayag ka! Akala ko nagbabakasyon kayo, e." pang-bungad na ani ko sa kaniya.

"Hindi naman natuloy kasi nagkaproblema that's why I'm taking this chance to relax," malumanay na saad niya at nag-inhale pa ito na parang dinaramdam ang hangin. 

"Tara na sa loob. Nga pala, may binili ako for today's game. Hulaan mo!"

Hindi na ito nag-isip pa at sinabing, "Pancit Canton!"

Tumawa kaming dalawa. Well, this is our favorite snack whenever we have a game. 

Nagsidatingan naman sina Arsinoe, Gurren, Yas, at Emily. As usual, talkative na naman si Gurren at naka-serious face pa rin si Yas. Si Emily naman ay nakangiti na akala mo'y mapupunit na ang labi. Arsinoe just smiled at me.

"Mabuti at pumayag kayo. Akala ko may summer vacation kayo, e." I said.

"Fleur, I'm sure you already miss me. 'Wag kang mag-alala, sesend-an kita ng mga cute pics ko," Gurren said. Hinagod pa nito ang buhok na akala mo'y kinagwapo niya. 

"I'm glad I bring it," Yas said.

"Me too!" Emily cheerfuly said.

I looked at Arsinoe and she looked at me too saying she brings it too. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila ngunit isa isa nilang kinuha ang earphone sa kani-kanilang bag.

"A protection. So that we won't hear any Gurren's bullsh*ts," Yas explained.

"Parang hindi mga kaibigan, oh," Gurren said while pouting.

Natawa na lamang ako dahi sa inasal ng kaibigan. Pumunta na ako sa kusina at nagluto. 'Di ko namalayan na nakasunod na pala sila. We are all here at the kitchen. We talk about things before playing. Emily helped me to cook the food.

"I'm sorry I can't help you out regarding your family problems," she said.

"No, it's okay. We can handle it."

Lumingon ako at tiningnan sila isa isa. All their eyes are saying about concern. I'm lucky to have them. I'm happy that they're concern. It means a lot to me. That way, they can show their love to me.

"If there's something we can help, just tell us," Yas said.

"Yes, I will. Thank youu."

Napansin kong nakayuko si Gurren na parang may pinoproblema. Inangat niya ang tingin at sinabing, "It's time."

Nagsimula nang isuot nina Emily, Yas, at Arsinoe ang kanilang mga earphone, hudyat na ayaw nilang marinig ang kung ano man ang sasabihin  ni Gurren. 

"Oras na para sumayaw ako sa Adonis Gay Bar. I'll do that to help you," he said at nagsample dance pa siya. 

Natawa lamang kami dahil sa inasal nito. Habang nagluluto ay naalala ko ang contract. I think I should tell them. Ayoko namang may tinatago sa kanila and when they say they will, tutulong talaga kita. But I know it will be hard for them. I don't want to cause a burden to people. 

"Uhm, ano." panimulang pagsasalita ko. Tinanggal naman nila ang kanilang mga earphone. Alam na nilang may sasabihin ako. 

"What is it, Fleur? You can confess your love to me when we're alone," Gurren said and winked at me. He even held my hand. Hinampas ko siya dahil sa kalokohan at natawa lang ito. Arsinoe just rolled her eyes dahil sa kalokohan ni Gurren. 

Tinapos na namin ni Emily ang niluluto at inilagay na ito sa pinggan. Kumuha naman siya ng tinidor at inilagay do'n sa pinggan.

I faced them all. "I got a work."

"What work?"

"Are you comfortable there?"

"Where do you work?"

They questioned. I sighed and told them about the contract. They were shock at first and wonder if there's a game like Fairy Guardians. I explained it to them but I did not include those I've noticed about the game.

"Mabuti at pinayagan ka ng parents mo about dito? They don't want you to hold a gadget for a long time," Emily said.

"I haven't told them yet."

"You have to," Yas said.

"Then we will help you level up. Atleast, that's what we can do," Arsinoe said. They all agreed. Ngumiti ako dahil sa willingness nila to help me.

Pumasok na kami sa kuwarto at binuksan ang laptop. I told them to install the app first at magpa-level up. Inaassit ko si Emily nang biglang nagsalita si Arsinoe.

"Fleur, there's someone texting your phone," she said. 

"Can you read it for me?" I asked. Malayo kasi ako sa kaniya and I'm still assisting Emily.

She nodded. "Let's meet and do our thing." pagbasa nito. Napapikit ako dahil sa inis. That damn Liam!

Tumingin silang lahat sa 'kin and I know iba ang iniisip nila. "I'm not selling my body," I said, calmly.

They sighed at relief. Humarap na sila sa kani-kanilang laptop. "Scammer lang 'yan." huling sambit ko. I'll definitely block that number. Hindi ako tumupad sa deal kasi plano ko talagang mag-ditch kapag matalo ako.

The game was easy-peasy for them. I opened my laptop and log in my game account. Sinabi ko rin sa kanila ang username ko at i-add kamo nila ako para puwede na kaming magsama sa mga quest na kailangan ng party. 

Fairy Guardian[RedRosè] sent

you a fairy request.

Fairy Guardian[GurrenTheGreat]

sent you a fairy request.

Fairy Guardian[Luna&Sol] sent

you a fairy request.

Fairy Guardian[Leviticus] sent

you a fairy request.

Fairy Guardian[Arsiknives] sent

you a fairy request.

In-accept ko ang mga request nila. 

"Ang baduy ng username mo, Gurren." pang-aasar nila kay Gurren.

Kumain muna sila bago nagsimula sa paglalaro. Hihintayin ko pa sila hanggang sa maglevel 10 sila para sa party quest. Dungeon boss ata 'yon kaya kailangang marami rin. Madali lang naman sa 'min 'to lalo na't may strategist kami na si Yas. 

Mga ilang oras ay nag-level 10 na sila. Pinagpahinga muna nila ang mata bago kami sumugod sa boss. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang mga message ni Liam. Napa-iling nalang ako at dinelete 'to. Binlock ko rin ang number niya. 

"Marami pa lang players sa larong 'to. Nakita ko sa word chat, nagpa-unahan sila sa boss dungeon," ani ni Emily.

"Papatalo ba ang Team YAGLER?" pagtatanong ni Gurren na may malokong ngisi. Agad naman kaming nagtaka sa sinabi niya. Yagler?

Panandaliang katahimikan bago namin na-realize na mga first letter pala ng names namin 'yon at pinag-combine niya lang. Agad naman siyang binatukan ni Luna.

"Aray!" 

"Ayan, puro ka kasi kalokohan." pangsesermon nito. Natawa kami.

"Pinaglihi ata sa mais kaya lumaking korni," pagbibiro ni Arsinoe.

"Wala na kayong magagawa," saad ni Gurren bago humarap sa laptop. Nakita namin ang notification.

Fairy Guardian[GurrenTheGreat]

invited you for a party quest.

Fairy Guardian[GurrenTheGreat]

named the group: YAGLER

Pinanindigan niya talaga ang group name namin. In-accept na namin lahat at na-teleport kami sa isang cage.

"Now let's get clickin'," sambit ni Gurren at pinatunog pa ang daliri niya na akala mo'y sasabak sa laban.

Hindi madali ang pagsugod namin dahil mataas ang level nito. Mataas ang defense at offense namin lalo na't nag-upgrade kami. The boss is a big eagle. Mas madali sa 'min ni Luna ang pagtira kasi dalawa kaming Archer. Pinapatamaan namin ang pakpak nito para bumagsak. Nang bumagsak ay doon pinaulanan siya pinaulanan ng tira. 

Isang tira nalang ay mamamatay na ang big eagle. Umalis na kami dahil alam naming selfish si Gurren sa laro at gusto niyang maka-last hit. May bonus points kasi.

CONGRATULATIONS!

TEAM YAGLER defeated 

the boss eagle.

You recieved 100 score points!

Sunod-sunod na announcement. Nag-level 12 naman agad kami dahil sa pag-defeat sa boss eagle. 

"Easy-peasy."

"Maliit na bagay."

"Ang simple naman."

Isa-isa nilang saad. Napa-iling nalang ako kasi easy lang naman talaga dahil 'di pa mataas ang level. 

Tumayo ako at biglang nahilo. Hinawakan ko ang ulo dahil sumakit ito. Nakita ko rin silang humawak sa ulo nila dahil sa sakit.

"W-What's happening?" pagtatanong ni Emily. I can't find words to say dahil sa labis na sakit ng ulo.

Nahimatay ako dahil sa pagkahilo at sakit ng ulo. Before I could close my eyes, I heard them calling my name.

NAGISING ako nang may tumatawag sa pangalan ko. Malumanay ang kaniyang boses at hindi pamilyar. Hindi ko muna iminulat ang mata ko.

"Fleur, wake up," she said.

Kumunot ang noo ko. Natawa naman siya dahil alam niyang gising ako. I surrendered. I opened my eyes.

Everything was all white. Agad akong bumangon at nakitang parang nasa ulap kami. I scanned everywhere at napansing nasa ulap nga kami!

"W-Where am I?" I asked.

Wala akong nakitang tao kundi ako lang mag-isa. Kaninong boses 'yung narinig ko?

"Take care of my body, Fleur." she said. I think she's inside me.

"Answer me! Where am I?" I asked again.

"You're at the Fairy World,"

"You're at the Fairy World."

"You're at the Fairy World."

"You are at the—

—Fairy World."

Napamulat ako at napansing panaginip lang ang lahat. Sinilip ko ang kuwarto kung nasaan ako. May nakita akong mirror kaya lumapit ako. 

Pagtingin ko ay nakitang lumilipad ako at may kulay blue na pakpak. Bumagsak ako sa sahig dahil sa labis na gulat. 

"You are at the Fairy World."

"You are at the Fairy World."

"Fairy World."

The voice keeps on repeating inside my head. I screamed when I realize—

I'm inside the game.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status