Ang puting kisame ang bumati kay Ysabela nang magising siya. Pamilyar na siya sa amoy ng ospital kaya nang rumihestro sa kaniya ang pamilyar nitong amoy ay halos napabalikwas siya ng upo.Si Gretchen na nasa sala ay mahimbing na natutulog.Sumipa ang matinding kaba sa kaniyang dibdib.Inilibot niya ang tingin at agad napagtanto na si Gretchen lamang ang naroon.Wala nang iba pa.Ngunit ilang minuto lang nang pumasok ang isang nurse, pamilyar ang mukha nito.“Gising ka na pala Mrs. Ramos.” Nangingiti nitong sabi.May dalang maliit na kahon ang babae at naglakad ito palapit sa kaniya.“Kukunan po kita ng dugo, Ma'am. We need to test your blood—”“Huwag na.” Agap niya, umiling ng mariin.“Pero ma'am—”“Ayaw ko.”“But Dr. Roa needs your blood sample in order to test it, Ma'am.”Dr. Roa? Si Patrick?Kaya pala pamilyar ang babaeng nurse.Nasa clinic sila ni Patrick?Nagtagis ang kaniyang bagang. Mas lalong hindi siya pwedeng makunan ng blood sample.Umiling siya.“I'm a-already fine. M-maay
Umiling si Patrick.“I don't want her to worry too much. Nagamot ko na ang sugat ni Greig kaya kailangan niya lang ng kaunting pahinga, but if you try to runaway from my clinic, then I have to wake him up and chase you.”Nagtaas ng kilay ang lalaki.“I also want to see what would happen next.”Kinunutan niya ng noo si Patrick, marahan naman itong natawa.“Kidding, Ysabela.”Hinawakan nito ang kaniyang braso para igiya siya palabas ng kuwarto pero pumiksi siya.“Kailangan mo nang bumalik sa kuwarto mo. If you don't want a blood sample and another IVF then I wouldn't insist it. Pero kailangan mo rin magpahinga.”Umiling siya.“G-gusto ko muna manatili rito.”Natigilan si Patrick. Pagkaraan ay tumango ito.“Fine, I will go out, but I will keep an eye on the surveillance system. Mamaya niyan ay umalis ka bigla.”Hindi siya nagsalita.Umalis ng silid si Patrick dahilan para maiwan siya kasama si Greig.Mahimbing ang pagkakatulog ng lalaki.Lumapit siya para tingnan ang kalagayan nito. Naka
Naihilamos ni Greig ang mga kamay sa kaniyang mukha dahil sa frustrasyon na nararamdaman.Bakit pagdating kay Ysabela ay parang nauubusan siya ng dahilan para manatiling matino?Hindi siya nagdadalawang-isip na manakit ng ibang tao kapag nasasaktan ito.Tumitig siya sa maamo nitong mukha.Mahimbing ang pagkakatulog nito na animo'y walang pinoproblemang kahit na ano.Hinaplos niya ang buhok nito at parang bumibigat lalo ang kaniyang dibdib.She couldn't even protect herself. Bulong niya sa sarili.Malalim ang pagkunot ng kaniyang noo habang nakatitig siya sa mukha ng babae. Hindi na siya makakatulog pa kaya naman hinintay nalang niyang mag-umaga. Nagpalit na rin siya ng damit sa loob ng banyo habang si Ysabela ay nasa kama pa rin.Itinipa niya ang numero ni Christoff at ilang ring lang ay sumagot na ito.“Sir Greig.” Bati ni Christoff sa mababa at napapaos na boses.Halatang kagigising lang.Tiningnan niya ang sariling repleksyon at napakunot noo.Medyo maputla siya.“Kamusta ‘yong in
Pumasok si Christoff sa silid dala ang mga kailangan ni Greig. Ilang beses niyang tinawagan ang numero nito pero hindi naman sumasagot kaya pumasok na siya.Inilagay niya sa sofa ang mga dalang paper bag na ang laman ay mga damit ni Greig at Ysabela.Sinulyapan niya ng tingin ang kama ng pasyente at medyo natigilan pa siya nang makitang nakaupo si Mr. Ramos at nakapikit habang yakap si Ysabela, samantalang mahimbing ang tulog ng babae sa dibdib nito.Kumunot ang noo ni Christoff nang makita ang dalawa. Nakabenda ang ulo ni Mr. Ramos ngunit hindi kagaya ni Ysabela, hindi naman ito naka-hospital gown.Sino ba sa kanila ang pasyente?Inilapag niya ang pagkain na dala sa maliit na mesa. Sumilay ang munting ngiti sa kaniyang labi. Siguro kung hindi lamang niya kilala ng husto ang dalawang ito, baka naisip niyang napaka-sweet ng mag-asawa.Nang matapos ay ibinalik niya ang tingin sa kanila, pero agad siyang tumayo ng tuwid nang makitang malamig ang tingin sa kaniya ni Greig. Gising na ito.
Nag-angat siya ng tingin sa nakabenda nitong ulo.Ang ulo naman nito ang may sugat, hindi ang kamay, pero dahil sa guilt na nagparamdam ay napaiwas ng tingin si Ysabela. Dahil iyon sa kaniya, hindi naman si Greig magkakaroon ng sugat sa ulo kung hindi dahil sa kaniya, hindi ba?Kinalas niya ang kamay ni Greig, hinayaan naman siya nito. Muli siyang naupo sa sofa, sa tabi ng lalaki, at saka kumuha ng mga prutas na natalupan na nito.Inilagay niya sa bibig ni Greig ang mansanas, kinain naman iyon ng lalaki habang nakatitig sa kaniya.Hindi niya matagalan ang tingin ni Greig kaya sa tuwing sinusubuan niya ito ay nag-iiwas din siya agad ng tingin.Ngunit nanatiling nakatitig sa kaniya ang lalaki, ramdam nito ang kaniyang pagkailang.Nang maubos ang mansanas ay saka lamang siya kumuha ng grapes.Inilagay niya ang isa sa bibig nito.“We're not getting divorced.” Ani Greig.Natigilan si Ysabela. Kumunot ang kaniyang noo at nagtatanong na ibinalik ang tingin kay Greig. Iniisip niyang baka nagk
Kumunot ang noo ni Christoff. Hindi niya alam kung susundan si Ysabela o hindi. Pumasok siya sa loob ng silid para tingnan ang nangyayari pero mabilis din siyang natigilan nang makita si Greig at Natasha. Nakayakap ang babae kay Greig habang inilalayo naman ng lalaki ang una. “Christoff.” Tawag sa kaniya ni Greig nang makita siya. “Find someone to send Natasha back.” Namutla ang mukha ni Natasha nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya pa gustong umalis. Gusto niyang manatili at yakapin si Greig pero pinigilan na siya ng lalaki. “Sinabi ko na sa iyo, Nat. Kailangan mo nang bumalik.” “A-ayaw ko, Greig. Dito lang ako—” “Christoff.” Hindi na pinansin ni Greig ang kaniyang sinasabi. “Please send her off.” Puno ng lungkot at hinanakit ang mukha ni Natasha habang tinitingnan si Greig. Ngunit hindi na ito tumingin sa kaniya. Bagkus ay malamig nitong tiningnan si Christoff na hanggang ngayon ay nanatiling nakatayo at naguguluhan sa nangyayari. “What are you still standing there fo
Hindi na maipaliwanag ni Natasha ang kaniyang nararamdaman. Parang tuluyan siyang pinagsakluban ng langit.Tinawag siya ni Greig na Miss Entrata. Ngayon pa lang ay sinusubukan na nitong maging pormal sa pagtawag sa kaniya. Ayaw niya no’n!Hindi niya kayang tanggapin.“Greig.” Umiling siya, parang nanghihina ang kaniyang sistema.Gusto niya lang naman na balikan siya ni Greig. Gusto lang niyang makuha ang dati ay sa kaniya. Bakit ngayon ay pakiramdam niya wala na siyang magagawa at habang buhay nang magiging miserable?That b*tch! What did she do to my Greig?Nagtagis ang kaniyang bagang.Kilala niya si Greig. Hindi siya nito matitiis. Pero dahil kay Ysabela, ipinagtatabuyan na siya nito! Kasalanan ni Ysabela ang lahat ng ‘to!Determinado si Greig na putulin na ang kung anumang namamagitan sa kanila. Determinado na itong kalimutan ang nakaraan nila.Naglakad palapit si Christoff kay Natasha.“Miss Entrata, we have to go. Could you walk by yourself?”Binalingan niya ng tingin si Chistof
“At ikaw, sino ka sa tingin mo? Asawa ka lang sa papel. Wala naman nararamdaman para sa iyo si Greig. He’s just using you to satisfy his needs. You’re nothing but a toy for him to use. I feel sorry for you, ang taas ng tingin mo sa sarili mo samantalang wala ka namang pinagkaiba sa mga babaeng handang itapon ang sarili para lang paglingkuran si Greig!” Nagpupuyos sa galit si Natasha. Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi ni Ysabela. “You really know those things, huh? Iyong kayang itapon ang sarili para lang paglingkuran si Greig. Hindi ba ganoon ka naman? You would throw yourself to him, ang pagkakaiba lang… mukhang hindi ka niya tinanggap ngayon.” Nanlaki ang mga mata ni Natasha. Tama nga siya. Halata sa mga mata nito ang pag-iyak. Sigurado siyang tinanggihan ito ni Greig. O pinalis ni Greig. Nang makita ang gulat sa mukha nito ay mas lalo niyang nakumpirma. “How dare you?” Natasha breathlessly said. “And one more thing, Natasha. You should thank me, I was able to sati
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina
The hurt was visible in Lindsy's eyes, but Archie didn't show regret at all.Nang malaman niya ang ginawa ni Lindsy kay Yves, tuluyan niyang napagdesisyunan na tapusin na lamang ang relasyon nilang dalawa ni Lindsy.It's not like we're still in a relationship, but I was considering the idea to offer her friendship. But after what she did, I don't think I want to stay friends with her. Bulong ng kaniyang isip.Sa naunang tatlong taon ay lihim niya pa rin na tinutulungan ang mga Alcazar sa abot ng kaniyang makakaya. Hindi niya nakalimutan na may utang na loob siya kay Fernando Alcazar, ngunit hindi niya rin hinayaan na dahil sa utang na loob na iyon ay itutuloy niya pa rin ang pagpapakasal kay Lindsy.Simula nang malaman ng mga kakompetinsya nila sa industriya na hindi niya itinuloy ang kasal, naging easy target na lamang ng mga malalaking kompanya ang mga Alcazar at pilit na pinabagsak ang mga negosyo nito dahil nagiging banta sa pag-angat ng ibang negosyo't korporasyon.Noong mga pana