Hindi maalis ni Ysabela ang tingin sa kaniyang mga anak. Mahimbing na natutulog si Athalia at Niccolò.Mukhang napagod pareho dahil sa pangungulit ni Athalia sa kapatid ngayong maghapon. Alas onse y media na ng gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Ysabela, gusto niya pa rin pagmasdan ng mabuti ang kaniyang mga anak.Hanggang ngayon sumisikip pa rin ang kaniyang dibdib sa tuwing naaalala ang mga pasang nakita niya kanina sa katawan ni Niccolò.Bilang isang ina, malaki ang kaniyang pagsisisi dahil sa kaniyang kapabayaan kay Niccolò. Para sa kaniya, kasalanan niya rin kung bakit nangyari ito sa kaniyang anak.Ang paghingi ng tawad ay kulang pa para mapawi ang lahat ng sakit na naramdaman ni Niccolò.“Ysa?”Nilingon niya kung saan galing ang boses at nakita si Greig sa may pinto.“Akala ko nagpapahinga ka na.” Sabi nito at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.Nakapatay na ang ilaw sa kuwarto ng mga bata, tanging ang naghihikahos na liwanag na lamang mula sa lampara ang nagbibigay ng
“You survived the last five years without us.” Paalala niya. “I barely survived, Ysabela.” Marahang tugon ni Greig. Umawang ang labi ni Ysabela nang makita kung gaano kahina ang dipensa ngayon ni Greig. Para itong baso na isang tapik na lamang ay mababasag na. Naalala niya bigla ang mga sinabi sa kaniya ni Patrick nang minsang makapag-usap sila ng masinsinan. Nagdusa rin si Greig sa mga nagdaang taon. Halos mapariwara ang buhay nito dahil sa biglaan niyang pagkawala at ni Señor Gregory. Hindi niya alam ang buong nangyari kay Greig, pero naniniwala siyang hindi na niya kailangan na malaman pa ang buong pangyayari para lang malaman ang sakit na naramdaman nito. Dahan-dahan niyang iniangat ang mga kamay at marahan na hinaplos ang pisngi ni Greig. Agad na napapikit ang lalaki at dinama ang kaniyang haplos. Malungkot siyang ngumiti. Kung maaari lamang itanggi ang kaniyang nararamdaman ay ginawa na niya, pero hindi… dahil kahit anong galit at poot niya para kay Greig, hindi magbabago
“It’s okay, Kiddo. I can manage everything in the kitchen, don’t worry about me. You can go back to your room and rest for another hour.” Ngumiti siya kay Niccolò. Akala niya ay makikinig ito sa kaniya, pero nagtuloy-tuloy pa rin si Niccolò sa kusina. Nagdadabog naman si Athalia dahil hindi siya binalikan ng kapatid. Ikiniling bahagya ni Greig ang kaniyang ulo. So, this is what Ysabela's talking about? Napangiti siya muli, natatawa na halos. Okay, fine, this is just a normal day as a father of my twin. Bulong niya sa sarili. Umakyat siya sa hagdan at binuhat si Athalia na ngayon ay mangiyak-ngiyak na. “I still want to sleep, Papa!” Malakas nitong sabi. Tumango siya. “How about I bring you to your room?” “But I want Niccolò to sleep with me!” Hinanap ng kaniyang mga mata si Niccolò ngunit nasa loob na ito ng kusina. Itinikom niya ang bibig at nag-isip kung ano ang pwedeng gawin para parehong mapagbigyan si Athalia at Niccolò. “How about we make a healthy and delicious panc
Nakangiti si Ysabela habang tinatanaw mula sa ikalawang palapag ang kaniyang mag-aama na naglalaro sa sala.Naka-blindfold si Greig at pilit hinuhuli ang kambal na nagtatatakbo naman para hindi mahuli ng lalaki. Malakas ang tawa ni Athalia na tila ba kinikiliti, habang si Niccolò naman ay panay ang hila sa kapatid para hindi madakip ni Greig.Maybe this is already the definition of contentment. Bulong ng kaniyang isip.Bawat araw na lumilipas, nahahanap na ni Ysabela ang bawat parte ng nabasag niyang pagkatao. May kapayapaan na sa kaniyang puso. Nahanap na rin niya sa wakas ang pagpapatawad para sa kaniyang sarili at para na rin kay Greig.Greig is very patient. Hindi niya kailanman nakita ang ganitong side ng lalaki, kahit noong magkasama pa sila sa Pilipinas.Ngayon, palaging kalmado ang postura ng lalaki. Palagi itong masuyo kung magsalita, maingat ang bawat kilos, at palaging masaya ang ekspresyon ng mga mata.Isang bagay na nagugustuhan niya ngayon kay Greig.Narinig niya ang pag
Simula nang bumalik si Greig at Niccolò, hindi kailanman nagsabi sa kaniya si Niccolò tungkol sa bagay na ito. Hindi rin nagtanong ang bata sa kaniya.Buong akala niya, wala pang alam si Niccolò.“I thought… I thought he still didn't know.” Mababa ang boses na sabi niya.“H-how did he react? Nagalit ba si Niccolò?” Nag-aalala niyang tanong.Hindi niya ma-imagine ang naging reaksyon ni Niccolò nang magtapat si Greig.“At first, he doesn't want to believe me. Aksidente niyang narinig ang pag-uusap namin ni Patrick. Noong una, tinatawag niya akong sinungaling dahil sinabi kong anak ko siya, pero kalaunan… wala na siyang ibang sinabi. Tahimik lamang si Niccolò, wala masyadong ekspresyon ang kaniyang mukha. But after that, he didn't question me again. Until now.” Sagot ni Greig.Noong mga nakaraang araw niya pa napapansin na Papa na rin ang tawag ni Niccolò kay Greig. Akala niya ay gumagaya lamang ang kaniyang anak sa kapatid nito na ang tawag din kay Greig ay Papa.Iyon pala…It only mean
Hindi lingid sa kaniya na gustong-gusto nang umuwi ni Patrick para makita ang dati nitong asawa at ang anak. Kahit siya ay nabigla nang malaman na may anak pala si Patrick. Buong akala niya, wala itong nabuong pamilya pagkatapos hiwalayan ang asawa. Iyon pala, buntis na ang babae nang umalis ito ng Pilipinas para takasan si Patrick. Kaya nga nitong mga nagdaang araw, madalas si Patrick na nasa kuwarto lamang dahil naghahanap ng mga impormasyon sa dating asawa. Hinahayaan nalang nila dahil wala naman silang maitulong, lalo pa’t hindi nila lubos na kilala ang dating pinakasalan nito. “He doesn't have a choice.” Kibit-balikat na sabi ni Greig. “Isa pa, hindi siya sigurado kung nasa Pilipinas ba talaga si Suzzane.” “Have you seen her ex-wife?” Kuryuso niyang tanong. Nakita niya ang larawan ni Suzzane at ang batang lalaki na kamukha ni Patrick. “Dalawang beses lang. Hindi naman ako imbitado sa kasal nila, kaya no’ng nasa Cebu ko lang siya nakita. Then after that, she vanished.” “A
“Hi, Tito Archie!” Kumaway si Athalia sa screen. May dala itong malaking teddy bear, sa likod naman ni Athalia ay nakasunod si Niccolò na may dalang mga unan. Lumingon ito sa screen, pero saglit lamang. “Athy, sa kuwarto lang kayo.” Nilingon ni Ysabela ang mga anak. “Greig, pagsabihan mo. Ang tigas na ng ulo ni Athy,” siko nito sa lalaki. Kumunot ang noo ni Archie nang mapansin ang ginawa ng babae. It feels weird to see them doing the elbow-thing. Bulong ng isip ni Archie. Pinunasan niya ang basang buhok habang tinitingnan ang dalawa sa screen ng kaniyang cellphone. Katatapos niya palang maligo nang makatanggap ng video call mula kay Greig. “Athy! Stay on your room, magagalit ang nanay niyo!” Sigaw ni Greig. Hinampas ni Ysabela ang braso ni Greig. Natawa lang ang kaniyang kaibigan. “Kaya hindi na ako seniseryoso ng mga anak ko dahil sa'yo!” Inis na sabi ni Ysabela. “So, mag-aaway nalang kayo sa harap ko?” Tanong niya sa dalawa. Sabay na bumaling sa kaniya si Ysabela at Greig
Tahimik si Ysabela habang sumusunod sa kaniya sa kusina si Greig. Medyo kabado ang lalaki at pinapakiramdaman ang kaniyang magiging reaksyon.Ngunit hindi naman gaanong apektado si Ysabela sa nalaman mula kay Archie.Una palang, pumayag lamang silang magpakasal dahil kay Lolo Gregory. Hindi naman talaga siya gusto ng lalaki, naghahanap lamang ito ng babaeng pakakasalan at ihaharap sa matanda. Nagkataon na siya ang gusto ni Señor Gregory, kaya siya ang inalok ni Greig.Binuksan niya ang ref at kumuha ng pitsel ng malamig na tubig para pawiin ang kaniyang uhaw. Medyo namamalat rin ang kaniyang lalamunan.“Ysa.” Greig nervously called.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at nakitang ilang hakbang lang ay agad nang nakalapit si Greig. Napalunok ito nang tumigil sa kaniyang harap.“Are you mad? Are you upset about… what Archie said?” Maingat nitong tanong.Ibinaba niya ang baso sa island counter at hinarap nang tuluyan si Greig. Seryoso ang kaniyang mukha.“I’m not.” Sagot niya.“There’
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpuan ni
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.
"I don't want to cause trouble—" "Then, don't do this." Putol agad sa kaniya ng babae. Nakita niyang nagtagis ang bagang nito bago matalim siyang tiningnan. "Don't trouble us. And if it's not too much, please, don't make a scene. I don't know you, and I don't even know why you want to take me when obviously I don't know you! May batang naghihintay sa amin. Kaya kung ayaw mo naman pala ng mangugulo, then let us go." Lumingon ito kay Rizzo at humawak sa braso. Hinila nito ang lalaki at tuluyan na naglakad. Walang siyang nagawa nang lagpasan na lamang siya ng babae at ni Rizzo pagkatapos niyang matulala dahil sa mga sinabi nito. Nanigas ang kaniyang katawan sa gulat at pagtataka. Hindi niya inaasahan na ganoon siya kakausapin ng babae. Oo at kamukhang-kamukha ng babae iyon si Yvonne, ngunit sa pananalita at kilos ay ibang-iba ito. This woman is fearless. She's cold and straight forward. She isn't afraid of anything. She's not afraid of me. Isip niya. Kung si Yvonne, alam niya
There was confusion. Then fear.Ngunit mabilis na kumurap ang babae kaya nawala iyon. Ang pagkalito at takot na saglit niyang nasulyapan ay napalitan ng lungkot at pagsisisi.Humakbang ito palapit kaya naman nahigit ni Archie ang kaniyang hininga.She's definitely the woman I've been dreaming of. Bulong niya sa sarili.Sigurado siya na ang babaeng ito ay si Yvonne. Dahil kung hindi si Yvonne ang nasa harap niya, bakit bumibilis ang tibok ng kaniyang puso?Bakit nabubuhol ang kaniyang dila?Bakit nagiging mababaw ang kaniyang paghinga?"Hon." Mahina nitong sambit.Umawang ang kaniyang labi at tuluyang nawalan ng hangin ang kaniyang baga.Isang hakbang pa'y inaasahan na niyang titigil ito sa harap niya ngunit nabasag lamang ang kaniyang pagpapantasya nang humakbang pa ito at nilagpasan siya nang tuluyan na para lamang siyang isang hangin."Hon." Tawag muli ng babae.Nang lingunin niya ito para sundan ng tingin, nakita niyang sinalubong ng babae si Rizzo Galvez na nagmamadaling lumapit.
Maraming tao sa loob ng ospital. Maliban sa mayroong pila ng check-up para sa mga buntis sa may entrance ay kapansin-pansin din na paroo't parito ang mga pasyente, nurse at mga doktor sa koridor.Hindi makapagtanong si Mexan sa hospital staff dahil abalang-abala ang lahat. Kaya naman dumiretso ang kaniyang assistant sa nurse station para ipagtanong kung saan ang pediatric ward."Sa kaliwa, Sir." Sagot ng attending nurse sabay turo sa pasilyo."Mayroong elevator sa dulo, sa second floor sa kanan na koridor ang pediatric ward. Pinakadulo naman ng koridor ang private pediatric ward." Imporma nito.Nang marinig niya ang sinabi ng nurse, hindi na niya hinintay na ulitin pa ni Mexan ang impormasyon. Naglakad na siya patungo sa direksyon na itinuro nito.Nakahabol naman agad sa kaniya ang assitant nang nasa elevator na siya.Nang sumarado na ang elevator ay saka naman niya tiningnan ang oras sa suot na relo.It's already 9:45 in the morning. Bulong ng kaniyang isip.Alas dyes ay may meeting
Naiwan siyang nakatulala nang umalis si Lindsy.Ang sugat na matagal nang nakakubli ay tila inalisan ng harang. Nalantad iyon ay humapdi dahil sa mga matatalim na salita ng babae. Ngayon niya napagtanto na mas malalim pala ang sugat kumpara sa kaniyang iniisip. O baka mas lumalim iyon dahil hinayaan niyang nakakubli?Maybe she was right. Bulong niya.Maybe I've been so guilty for the past years that I no longer care about money. It means nothing to me. Humugot siya ng malalim na hininga at nang mapuno ng hangin ang kaniyang baga ay sumikip naman ang kaniyang dibdib.Noon pa man, alam na niya na nagkakaroon lamang ng halaga ang pera kapag nagagamit niya iyon sa may kabuluhang bagay.Kagaya na lamang nang magpagawa siya ng mausoleum.Milyones ang inilabas niyang pera para lamang maging maganda ang libingan ni Yvonne. Binayaran niya rin ang ilang pulitiko at mambabatas para lamang mabigyan siya ng legal na permiso na hukayin ang labi ng babae at ilipat iyon sa mausoleum na kaniyang pina