ANMELDEN“Stupid.” Ani Yvonne sa kaniyang sarili, nang muntik madapa sa may hagdan. Hindi niya alam kung ano’ng oras siya nakatulog, pero tanghali na siya nagising. Alas dose na, kumakalam na ang kaniyang sikmura dahil sa gutom. Hindi na niya kayang pigilan ang sarili kaya bumaba na siya at nagtungo sa kusina para kumain. Ngunit papasok sa kusina, napansin niya agad si Archie na abala sa paglilinis ng kitchen stove. Mukhang katatapos lamang nitong magluto. Huli na para umatras pa siya dahil napabaling na ng tingin sa kaniya ang lalaki. Hinagod siya nito ng tingin at para namang nanliliit ang pakiramdam ni Yvonne. Ni hindi pa siya nakakapaghilamos o nakakapagsuklay, mas inunan niyang bumaba dahil gutom na nga siya. Iniisip niya kung maputla ba ang kaniyang mukha at magulo ba ang kaniyang buhok. Kinunutan niya ng noo si Archie nang hindi ito nag-iwas ng tingin. “Ano’ng tinitingin-tingin mo?” Pagalit niyang tanong sa lalaki. Unti-unting nag-iwas ng tingin si Archie. “I’m sorr
Isinarado ni Yvonne ang mga nakabukas na bintana dahil masyado nang malamig ang ihip ng hangin. Umuulan na naman sa labas. Tuwing hapon o ‘di kaya’y sa kalaliman ng gabi ay palaging umuulan. Sa umaga ay maayos naman ang panahon, tirik na tirik pa nga ang araw, pero kapag dapit hapon na ay unti-unti ring kumakapal ang langit at nagdidilim. Sa paglipas ng oras ay inaasahan na niyang bubuhos iyon. Naglakad siya papunta sa kaniyang kama. Ala syete pa lang. Hindi pa siya inaantok, ayaw niya pang matulog, ni hindi niya pa nga inilalagay ang mga harang sa pinto. Nagtataka rin siya sa kaniyang sarili kung bakit tila wala rin siyang gana na buhatin iyong mesa, drawer, at ilang mabibigat na muwebles para iharang sa pinto. Marahil, unti-unti na rin niyang natatanggap sa kaniyang sarili na hindi nga siya papasukin ni Archie sa kaniyang silid at pagsasamantalahan. Biglang nagkaroon ng liwanag galing sa bintana. Napatingin siya roon. Nawala din iyon agad. Sunod ay bigla na lamang kumulog. Hind
Limang araw ang lumipas na wala pa rin ang mga tauhan. Silang dalawa lamang ni Archie sa isla at ganoon pa rin ang kanilang routine mula umaga hanggang sa gabi. Dahil hindi makatulog ng maayos sa gabi, palaging puyat si Yvonne kaya tanghali na kung gumising. Bumaba siya sa kusina at nagluluto ng sarili niyang almusal pagkatapos masigurado na nasa dalampasigan si Archie at abala sa pagmumuni-muni nito. Bandang alas dos naman sa hapon ay dinadala ni Archie sa kaniyang kuwarto ang kaniyang pagkain habang nagkukunwari naman siyang tulog. Hindi sila kailanman nagsabay na kumain. Sa hapon, ala singko ng hapon ay nagtutungo siya sa dalampasigan para maglakad-lakad. Hanggang sa lumubog ang araw ay nasa dalampasigan siya at mag-isang ini-enjoy ang hangin, ang dagat, at mga bituin. Saka lamang siya pumapasok sa bahay kapag magpapahinga na siya. Naunang dinadala ni Archie ang kaniyang hapunan kaya pagkarating niya sa kaniyang silid ay naroon na ang kaniyang pagkain. Kahit paano’y nagi
She has all the energy she needs. Nakakain na siya at talagang nabusog sa dinalang pagkain sa kaniya. At dahil nakatulog siya noong hapon, may lakas pa rin siya at gising pa rin ang kaniyang diwa kahit noong lumalim na ang gabi. Inaasahan na niya na pupuntahan siya ni Archie sa kaniyang kuwarto lalo pa’t silang dalawa lamang sa malaking bahay. Alam na niya kung ano ang kailangan nito sa kaniya at kung ano ang posible nitong gawin, kaya para mapigilan ito na makapasok, inilipat niya lahat ng mabibigat na bagay sa loob ng kaniyang silid papunta sa pinto. Para kung sakaling tangkain ni Archie na pumasok, hindi ito makakapasok dahil sa mga nakaharang sa pinto. Ngunit kahit na may harang na, hindi pa rin siya mapakali. Kabado pa rin siya kaya nagbantay rin siya. Itinabi niya ang tinidor sa kaniyang bedside table. Kahit paano’y maaari niya iyong gamitin laban kay Archie kung makapasok nga ito sa kaniyang silid. Lumalim pa ang gabi at naririnig na niya ang huni ng kuwago, kuliglig at mga
Ilang oras nang nakaupo sa dalampasigan si Yvonne at nakatingin sa dagat, tila naghihintay na may makitang bangka sa malayo para mapanatag na ang kaniyang loob. Ngunit naalala niya palagi ang sinabi ni Archie, na ilang araw na wala muna silang kasama dahil nasa bayan pa ang mga tauhan. Bwiset. Tuwing nililingon niya ang bahay ay kumukulo agad ang kaniyang dugo. Nasa loob pa rin si Archie. Mabuti at hindi siya nito sinundan, dahil kung sumunod ito ay tatakbo na siya papunta sa dagat at lalanguyin na ang karagatan para lang makalayo siya rito. Tiningala niya ang araw at napansin na tirik na tirik na ito. Tanghaling tapat na kaya mainit na rin ang sikat ng araw kahit pa nasa lilim siya ng isang puno. Ayaw niya pang bumalik sa loob ng bahay. Ayaw niyang magkita na naman sila ni Archie. Mukhang ayos lang naman sa lalaki na nasa labas siya kaya dito na lang muna siya. Saka na lang siya babalik kapag gusto na niya. Ilang oras pa ang lumipas at talagang hindi na makayanan ni Yvonne a
“Where are the maids?” Mahina niyang tanong. Nakatagilid ito at kalahati lamang ng katawan ang kaniyang nakikita. Nakaharang din ang pinto ng refrigerator dahil may kinukuha ito sa loob. Napalingon sa kaniya ang lalaki at maliit na ngumiti. Kumunot ang kaniyang noo. Kasabay ng pagtibok ng malakas ng kaniyang puso dahil sa pamilyar na kaba. “Nasaan sila Jenna? Si Arca? Ang ibang katulong?” Sunod-sunod niyang tanong. Unti-unting isinara ni Archie ang pinto ng refrigerator. Napansin niyang may hawak itong karton ng orange juice sa isang kamay. “Gising ka na pala.” Ani Archie. Naglakad ito papunta sa island counter. Binuksan nito ang karton ng orange juice saka nagsalin sa baso. “Where are the maids?” Ulit niya, ngayon ay iritado na dahil hindi siya sinasagot ni Archie. Lumingon ulit ito sa kaniya. “Nasa bayan sila… binibisita ang pamilya nila.” Unti-unting nagsalubong ang kaniyang kilay. Nag-iwas ng tingin si Archie. Kinuha nito ang platong may lamang pancake at
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






