LOGINNalagpasan niya si Damian nang hindi siya nito napapansin. Kabado siya, ngunit pilit niyang ginawang normal ang paglalakad papunta sa laboratory room. Nasa front desk na siya ng laboratoryo, ibinigay niya ang pangalan ng pasyente at hiningi ang lab result na kailangan. Nang umalis ang attendant ay napatulala siya sa kawalan.. Tama ba siya ng narinig? May ilang tauhan na si Benjamin Galvez sa Norte at tila may natagpuan na itong clue sa paghahanap kay Anais— kay Yvonne. Maliit lamang ang Pilipinas, alam niya na kahit na anong tago ni Archie kay Yvonne sa isang liblib na lugar ay posible pa rin itong mahanap ng mga tauhan ng pamilyang Galvez. Mayaman din ang mga Galvez, maraming mga tauhan, at maraming pera na maaaring waldasin sa paghahanap sa isang babae. Nag-aalala siya sa maaaring mangyari kay Archie kung sakaling mahanap ito ng mga tauhan ni Benjamin Galvez. Alam niyang hindi basta-bastang isusuko ni Archie si Yvonne. Hindi nito ibibigay ang babae ng gano’n kadali. Marami
Kung iisipin ng mabuti, wala sana ngayon si Archie sa kinauupuan nito kung hindi dahil sa kanilang mag-ama. Kung hindi nila ito tinulungan, hindi ito makababalik sa Pilipinas para makapaghiganti sa mga taong nagkasala rito at hindi sana nito mababawi ang buhay at katanyagan na tinatamasa nito ngayon. Akala niya, kapag naalis sa landas nila si Yvonne ay tuluyan nang mapag-iisa ang kanilang apelyido, yaman, at kapangyarihan. Isa na sana siyang Mrs. Garcia kung hindi lamang… nagbago ang isip ni Archie. Umalis si Jorge dala ang bago nitong misyon. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng pribadong silid na kaniyang nirentahan para sa kanilang pagkikita. Natutulala pa rin siya at malamig pa rin ang kaniyang pakiramdam. Sa nakalipas na mga taon, pilit niyang isinantabi ang kahihiyan at sakit na idinulot sa kaniya ni Archie. Natutunan niya itong mahalin, ngunit kung kailan totoo na ang kaniyang nararamdaman para rito ay saka naman ito natakot na panagutan siya. Hindi ito sumipot sa kanilang kasal
Hindi maintindihan ni Lindsy ang kaniyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang mga larawan ni Archie. Sa isang hindi inaasahang pagkakataon, nasundan ng kaniyang tauhan si Archie sa isang probinsya sa Norte. Sa pribadong port bumaba ng sasakyan si Archie, at sumakay ito sa isang maliit na yate kasama ang ilang tauhan na naghihintay rito. Hindi na rin lingid sa kaniyang kaalaman na may ilang private island nang nabili si Archie. Ang ilan pa nga rito ay ginawang resort ng lalaki at ang ilan naman ay private vacation island nito. Ngunit dahil sa balitang dala ng kaniyang tauhan, nalalason ang kaniyang isip. “What were you trying to say?” Nagtaas siya ng kilay Jorge, ang lalaking nasa kaniyang harap. Maliit lamang ito. Patpatin at bansot kaya hindi maipagkakamaling ispiya o tauhan ng isang malaking kompanya at nagtratrabaho bilang freelance investigator. Ang totoo, dahil sa mga katangian nito kaya kinuha niya ang lalaki sa trabaho dahil alam niyang mahirap itong pagdudahan lalo pa’t
Nang gabing ‘yon, isinarado ni Yvonne ang kaniyang pinto para hindi na muling makapasok si Archie sa kaniyang silid. Hindi rin siya bumaba para kumain ng hapunan. Maliban sa wala siyang ganang kumain, ayaw niya munang makita ang lalaki.Isang maiksing komprontasyon lang, parang bibigay agad ang emosyon niya, hindi niya kayang kontrolin kung anuman ang nararamdaman niya. Parang bumubuhos agad lahat. It’s overwhelming.Siguro dahil simula noong bumalik siya sa Pilipinas pilit niyang isinasantabi ang totoong nararamdaman. Nagpapanggap siya bilang ibang tao kaya hindi niya rin maipakita ang totoong emosyon bilang si Yvonne— ang galit, ang pagkamuhi, ang poot sa mga taong karapatdapat no’n. Pilit siyang nagpapanggap na hindi niya kilala si Archie at wala siyang nararamdaman para rito kaya pinipigilan niya ang kaniyang emosyon. Pilit niyang kinokontrol ang emosyon sa tuwing nagkikita sila upang hindi nito mahalata ang pagpapanggap niya. Kaya ang sandaling komprontasyon ngayon ay malaking
“Maybe…” he answered. Slowly and painfully. Kahit na maririnig sa tono ng pagsasalita niya ang sakit ay hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Archie. “Maybe I'm still a bad person. Gagawin ko lahat kahit pa marami ang madamay o kahit na may masaktan, kung ang kapalit no'n… makasasama ulit kita.” Natigilan si Yvonne. Nawala sa isip niya na kontrahin agad si Archie kapag sumagot ito sa kaniya. “Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa ko sa'yo? It hunted me for years. It killed me a thousand times.” Ngumiti ng maliit si Archie ngunit hindi man lang nagbago ang lungkot at sakit sa mga mata nito. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng mga pinagdaanan niya, mas magaan pala kapag sinabi niya ng harapan kay Yvonne ang lahat ng nararamdaman niya. Noon, sa mausoleum siya pumupunta at nagpapalipas ng gabi kapag pakiramdam niya hindi na kayang pawiin ng alak ang sakit na nararamdaman niya. Doon, magdamag niyang kinakausap ang libingan ni Yvonne, sa pag-aakalang tama ang
Hindi siya makapagpahinga, dahil kapag humihiga siya naiipit ang kaniyang hita at medyo sumasakit iyon. Kaya naman, nakatayo lang siya sa harap ng bintana at tinatanaw ang labas ng bahay. Umuulan na naman. Madilim na naman ang kalangitan dahil sa paunti-unting buhos ng ulan. Kailan kaya gaganda ang panahon?Huminga siya ng malalim, naalala ang mga kasambahay at tauhan na hindi pa bumabalik sa isla. Ilang araw nang sila lamang dalawa ni Archie sa isla, walang ibang kasama. Kailan kaya babalik ang mga tauhan? Kapag maayos na ang panahon?Hanggang kailan si Archie sa isla? Hindi pa ba ito aalis?Magtatagal pa ba ito?Kinagat niya ang ibang lalabi. Hindi pa nga pala sila nakakapag-usap ni Archie tungkol sa pagdukot nito sa kaniya.Ano bang plano ng lalaking 'yon? Kagaya ng sabi ni Archie, pinagluto siya nito ng crab soup. Nagdala ito sa kaniyang kuwarto kasama na ang ibuprofen at tubig. “Kapag hindi nababawasan ang sakit, inumin mo ‘tong ibuprofen.” Bilin nito nang mailapag sa mesa
Pagkarating sa tahanan naman ng mga Corleone, ginamot agad ni Alessandra ang kaniyang brasong may sugat.“Uncle Alhaj!” Lumapit si Eracle, ang anak ni Alessandra sa Sicilian na asawa.Ngumiti siya nang magsalubong ang tingin nila ng pitong taong gulang na batang lalaki. Ngiting-ngiti naman si Eracl
“Sh*t!” Pinunit ni Alhaj ang kaniyang pulo para itali sa dumudugo niyang braso. Sumabit iyon sa lumang bakal malapit sa bukana ng tunnel na kaniyang nilabasan. Hindi niya napansin na may matulis na bakal sa gilid, hindi rin kasi kasya ang buo niyang katawan kaya sasabit talaga ang kaniyang braso s
“Mom?” Hinawakan ni Athalia ang kaniyang kamay at hinila siya upang mahiga sa kama.“Please, sleep with us.” Saad nito.Humiga siya sa tabi ni Athalia at nilingon si Niccolò na nasa isa pang bed. Malaki naman ang higaan ni Athalia, kasyang-kasya silang tatlo sa isang bed lang pero dahil dalawang be
Hapon na ngunit hindi pa rin alam ni Alhaj kung nasaan si Ysabela. Si Athalia at Niccolò ay kapwa nag-aalala na rin kung nasaan ang babae.Ilang beses niyang tinawagan ang numero nito ngunit palagi siyang idinidiretso sa voicemail.“Dad?” Pumasok ng study room si Athalia, busangot ang mukha nito at







