“I told you to stop the car.” Malamig niyang saad.Biglaan ang naging pagpreno ni Greig sa gilid ng daan. Malalim ang paghinga ng lalaki.“Have you lost your mind?” Bumaling ito sa kaniya, namumula ang mga mata sa galit.“You're so reckless! Why do you have to do this?”Ngunit ang pagtaas ng boses nito ay baliwala kay Ysabela.“Because I don't want to accompany you to her, Greig.” Agaran niyang sagot, tuluyan nang pinapangunahan ng emosyon.“Ano bang gusto mo? Na sumama ako sa iyo papunta sa kaniya? Do I really have to disrespect myself, Greig? Asawa mo pa rin ako! At kahit sa papel lang ‘yon, nakakatawa naman kung hahayaan ko ang sarili na sumama sa asawa ko papunta sa kabit niya. Isn't too much?”Napatitig ito sa kaniya, ngayon ay nawala na ang galit sa mga mata nito.“Why do you have to do this to me? Don't you think it's rude? Or that you're being cruel?”Hindi ito nakasagot kaya muli niyang hinawakan ang door handle para umalis na pero naabutan ni Greig ang kaniyang kamay, at pin
Hindi siya pumasok nang Sabado at nanatili lamang sa bahay buong araw. Nilinis niya ang buong bahay at naggrocery ng hapon para may stock ng pagkain sa refrigerator.Kinabukasan ay niyaya siya ni Yvonne na mag-shopping. Pumayag naman siya agad dahil kakaonti lamang ang mga damit niya sa apartment.Hindi niya pa rin nakukuha ang mga damit niya sa bahay ni Greig.“I'll treat you naman!” Ani Yvonne.Pinipilit siya nitong magpaface spa nang madaan sila sa spa and salon.“Ikaw na lang muna, Von.” Nginitian niyo ito.“Just send me a text message kapag tapos ka na. Kailangan ko ng bagong sala set dahil mukhang masisira na ‘yong nasa bahay. Titingin muna ako kung may magustuhan ba ako rito.”Hindi siya napilit ng kaibigan. Bigo itong tumuloy sa spa samantalang iniwan niya naman ito para ituloy ang pagsho-shopping.Totoo naman na plano niyang humanap ng bagong sala set, pero wala pa siyang pera para roon. Gusto niya lang na hindi na siya kulitan ni Yvonne na magpa-face spa. Baka hindi makabuti
Tuluyan siyang nag-ugat sa kaniyang kinatatayuan. Narinig niya iyon ng malinaw.Talagang pinagyayabang pa ni Natasha si Greig?At hindi man lang itinama ng lalaki ang pagiging malisyoso ng mga clerk?Sumipa ang kakaibang emosyon sa dibdib ni Ysabela. Sumikip ang kaniyang paghinga at bahagyang lumabo ang kaniyang paningin.“Miss?” Tawag sa kaniya ng guwardiya.Lumapit ito at nagsquat. Nilingon niya ang guwardiya at napansin na nabitiwan niya pala ang mga dala-dala. Nagkalat iyon sa tiles at pinupulot na ng lalaki.“Ayos lang po ba kayo, miss?” Tanong nito.Nagsquat din siya para pulutin ang mga nagkalat na damit pang bata.“Ysabela?” Narinig niya ang boses ni Greig kaya mas binilisan niya pa.Ipinasok niya lahat sa paperbag ang mga damit pangbata sa takot na makita iyon ni Greig.Huli na niyang napansin ang libro.Si Greig pa ang pumulot no’n.“A-akin na,” hinawakan niya iyon ngunit hindi binitawan ni Greig.“What is this?” Nagtataka nitong tanong.Pinakli ni Greig ang pahina dahil wala
“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Yvonne nang mapansin ang pagiging tahimik niya.Nilingon niya ang babae at umayos ng upo.“Yeah.”“But you look like not.” Saad nito.“What happened? Kanina ka pa tahimik sa mall.”Ipinilig niya ang kaniyang ulo, hindi niya masabi kay Yvonne ang nangyari kanina.Hindi niya kayang sabihin dito ang kahibangan ni Natasha, at ang patuloy na paniniwala ni Greig sa kahibangan nito.“Napagod lang ako.” Pagdadahilan niya.Nang makarating sila sa apartment niya ay nanatili pa ng ilang minuto si Yvonne, pero dahil sa pagod ay tumuloy na siya sa kaniyang kuwarto.Hindi niya napansin na nakatulog siya kaya hindi niya alam kung anong oras umalis ang kaibigan.Hapon na nang magising siya at nakitang nag-order din pala ng pizza si Yvonne, pero dahil nakita nitong natutulog na siya ay hindi na nagbalak na gisingin pa siya.Kumuha siya ng pizza at bumalik sa kuwarto.Naupo siya sa tapat ng salamin at natulala sa sariling repleksyon.Wala naman masyadong nagbago s
“It's not like that.” Malamig na saad ng lalaki.Mabilis ang kaniyang pag-iling.“Talaga? What if I told you that she's only trying to frame me up? That she's trying to make me look bad in front of you?”Kumunot ang noo ni Greig.“Pupuntahan mo ba siya para itanong ‘yon? Kagaya ng ginagawa mo ngayon sa akin?”“She will never do that.” Naging madilim ang anyo ni Greig.Natawa si Ysabela.“See, you would not believe me. Pero bakit kapag si Natasha, naniniwala ka agad?”“I saw you pushing her away!” May diin sa boses ni Greig.Nagngitngit ang kaloob ni Ysabela sa sinabi nito.“Is that so?”Tumayo ito, at dahil matangkad ang lalaki ay hanggang balikat lang siya nito.Kailangan niya pang mag-angat ng tingin para magpantay ang tingin nila.“Natasha's weak and fragile, Ysabela. She couldn't even control her body for too long.”Umiling siya.Ngunit hindi niya masabi sa lalaki ang bumabagabag sa kaniyang isip. Kung totoong mahina na si Natasha, paano nito nakayang tumayo ng ganoon katagal sa h
Nang sumunod na araw maagang gumising si Ysabela para maghanda sa pagpunta sa regional court.Ang alam niya'y alas nuebe y media ang appointment niya roon, pero dahil gusto niyang maaga siyang pumunta ay naghanda na siya.Baka may mga papel pang kailangan lakarin kung sakali.Dahil sa pagpunta ni Greig sa kaniya kagabi, tuluyan siyang nawalan ng ganang kumain. Kaya ngayong umaga ay pinagluto niya ng masarap na putahe ang sarili para makabawi.Adobong manok, fried rice, at pritong isda ang niluto niya.Iniwasan niyang malagyan ng maraming bawang ang adobo at fried rice dahil ayaw niya sa amoy nito.Napapansin niyang nahihilo siya sa amoy ng bawang.Nagbook na rin siya ng taxi papunta sa regional court dahil alam niyang matatagalan siya kung sasakay pa siya ng bus.Mas mabuting bago pa mag-alas nuebe ay naroon na siya.Sa labas ng village naghintay ang taxi kaya may pagkakataon siyang makapaglakad-lakad.Isang oras din ang naging byahe niya papunta sa regional court. Kaya nang makaratin
Isinugod siya sa ospital at binigyan ng paunang lunas. Maliban sa ilang galos at sugat sa kaniyang palad ay wala na siyang ibang ininda.Iyon nga lang, maraming dugo rin ang nawala sa kaniya dahil malaki at malalim ang sugat. Kinailangan niya pang ipatahi ang sugat ng walang anesthesia.Ayaw niyang magpaturok ng anesthesia dahil baka makasama iyon sa kaniyang baby. Kaya't habang tinatahi ang kaniyang sugat ay umiiyak siya sa balikat ni Gretchen, ang babaeng tinulungan niya.Yakap-yakap siya nito at inaalu, ngunit walang paglagyan ang sakit na kaniyang nararamdaman. Bawat pagtusok ng karayom sa kaniyang laman ay hindi niya maipaliwanag ang sakit na dulot.Basang-basa ang kaniyang pisngi dahil sa luha. Dumudugo na rin ang kaniyang labi dahil sa mariin na pagkagat.Noon pa man ay takot na siya sa karayom at sa dugo. Kaya ngayon na kailangan niyang indahin ang lahat ng ito ay parang nahihirapan siyang huminga.“You're so brave, Ysabela.” Komento ni Gretchen nang matapos na gamutin ang kan
Ilang minuto pa lang ang kaniyang pag-idlip nang malakas na bumukas ang pinto ng emergency room.Nagmulat siya ng mga mata at napabaling doon.Napaawang ang kaniyang bibig nang makita ang lalaking pumasok. Madilim ang anyo ni Greig nang inilibot nito ang tingin.Nang makita siya ay malalaki ang hakbang na naglakad ito papunta sa kaniya.Sumikip ang kaniyang dibdib. Ngayon niya mas lalong naramdaman na masakit ang sugat sa kaniyang kamay.Gusto niyang umiyak at yakapin ang lalaki. Sabihin dito kung gaano iyon kasakit.Nanubig ang kaniyang mga mata. At nang makalapit ito sa kaniya'y tuluyang pumatak ang kaniyang mga luha.I was so scared, Greig. Bulong ng kaniyang isip.“Ysabela.” Tawag nito sa kaniya.Malalaki ang hakbang nito dahilan para mabilis itong makarating sa kaniya.Pinagmasdan niya si Greig. Gusto niyang isipin na hindi siya pinaglalaruan ng kaniyang isipan, bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Umigting ang panga nito nang makita ang kaniyang kamay.“What happened?” Malamig an
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan
Napahinga na lamang ng malalim si Patrick, alam niya sa kaniyang sarili kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Archie. Hindi nito maituloy ang gustong sabihin dahil magiging sinsitibo lamang ito pagpinag-usapan na ang tungkol sa pagkakaroon ng anak. Kahit hindi sabihin sa kaniya ng kaibigan, alam niyang nagsisisi ito ng husto sa nangyari noon kay Yvonne. Sinisisi pa rin nito ang sarili hanggang ngayon. Lalo pa at hindi lamang isang tao ang nawala sa buhay nito nang mangyari ang insidente noon. Nagdadalang-tao si Yvonne. Sabay na nawala sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Dahil sa kagagawan niya. Kaya siguro ganito na lamang si Archie kung umakto. Maybe he’s thinking that he could also experience Greig’s luck. Maybe he's considering the idea that Yvonne is alive and the child also was able to survive. Sa kanilang tatlo, si Greig ang pinakamaswerte sa lahat. Kung kailan akala nila ay wala na talagang pag-asa na maging maayos pa ang buhay nito ay saka naman aksidenteng natagpu
“What’s wrong with you?” Ibinaba ni Patrick ang dala-dalang chart at tinitigan ng matiim si Archie. Hindi nito napansin na nakalapit na siya dahil sa sobrang lalim ng iniisip. Sa malayo pa lang ay natanaw na niya si Archie. Sa laki ng katawan nito ay agad na mapapansin ang lalaki, lalo pa't mag-isa lamang ito sa mahabang upuan at nakatulala sa kawalan. Kung hindi niya kilala ang lalaki ay baka naisip na niyang wala na ito sa katinuan. Nang marinig nito ang kaniyang boses ay agad na tumayo si Archie at hinarap siya. Umawang ang bibig nito, ngunit halatang hindi alam ang sasabihin sa kaniya, kaya nagsalubong naman ang kaniyang kilay. He looks confused and f*ck*d. What happened? Bulong ng kaniyang isip habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kaniyang kaibigan. “Hindi ka pa ba aalis? Kanina ka pa ah?” Sita niya sa kaibigan. Itinikom ni Archie ang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Mahigit tatlong oras na ito sa may bench, naghihintay na mapadaan siya sa koridor para makapag-usap sila.