공유

Chapter 5: Carried

작가: Purplexxen
last update 최신 업데이트: 2024-09-03 07:00:32

“Stop now, Danica.” Malamig na saad ng lalaki.

Iritableng pinaikot ng babae ang kaniyang mga mata.

“The next time I see her, sisiguraduhin kong pagsisihan niya ang ginawa niya.”

Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at humarap sa lalaki.

Ngunit tila binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang malamig na tingin ni Greig.

Madilim ang mukha ng lalaki at walang halong pagbibiro sa ekspresyon nito. Wala sa sarili siyang napaatras.

“Don't ever lay a finger on her.” Malamig na saad ng lalaki.

Nabuhol na lamang ang kaniyang dila dahil sa takot. Nahihirapan man ay marahan siyang tumango.

“O-of course,” utal niyang sagot.

Humarap ang lalaki kay Christoff at malamig ang boses na sinabi, “No one who has nothing to do with me is allowed to come in from now on."

Kumunot ang noo ni Danica.

“Sa laki ng kompanya mo Kuya Greig, tama lang na maging maingat. Those irrelevant persons should not be welcomed here.” Pagsang-ayon niya.

Tumango si Christoff kay Greig saka hinawakan ang siko ng babae.

“Miss Danica, please.”

Tila ngayon lamang naintindihan ni Danica na siya ang tinutukoy ni Greig. Sinubukan niya pang magreklamo ngunit dalawang guwardiya ang lumapit para ihatid siya palabas ng kompanya.

Kahit ano pa mang pag-aalburuto ay hindi siya hinayaang makawala ng mga guwardiya.

Mabuti na lamang at mayroong soothing cream sa medicine kit ng kompanya kaya maagap na nalunasan ni Ysabela ang napasong balat.

Kagat ang ibabang labi niyang pinagmasdan ang namumulang balat.

Hindi ito mangyayari kung hindi niya pinatulan si Danica. Pero kahit paano ay tila gumaan naman ang loob niya, alam niyang naipagtanggol niya ang kaniyang sarili.

Ilang beses niyang sinubukang intindindihin ang mga tao sa kaniyang paligid, pero may mga pagkakataon rin na marapat lang na ipagtanggol ang sarili sa mga nang-aapi.

Pagkatapos niyang magpalit ng damit at magamot ang sarili ay bumalik siya sa pagtratrabaho.

Naririnig niya pa ang ilang bulungan pero hindi na lamang niya iyon pinagtuunan ng pansin.

Nang hapon ay masama pa rin ang loob ni Ysabela nang lumabas ng kompanya. Tapos na ang trabaho at isa siya sa mga empleyado na maagang uuwi.

Sa exit ay naghihintay sa kaniya si Christoff. Nang makita siya nito ay mabilis na lumapit.

“Ysabela, pinapatawag ka ni Sir Greig. May importante siyang sasabihin at pinapasama niya kayo sa akin.”

Tiningnan niya ang lalaki at pagod na umiling. Masyadong mahaba ang kaniyang araw ngayon, at pagkatapos ng nangyari ay wala siyang lakas para harapin ang lalaki. 

“Kailangan ko nang umalis, Christoff.”

Hindi siya napigilan ng lalaki.

Nang makasakay sa taxi ay mabilis niyang sinabi ang pangalan ng ospital na pupuntahan.

Mas lalong bumigat ang kaniyang dibdib, naalala niyang hiniling niya kagabi kay Greig na samahan siya nitong bisitahin ang kaniyang Lola.

Ngayon ay mag-isa siyang pupunta, at hindi na siya aasa na sasamahan siya ni Greig.

Pagkarating ng ospital ay ikinubli ni Ysabela ang totoong nararamdaman sa kaniyang mga ngiti.

Saktong pagkadating niya ay pinapakain na ang kaniyang Lola ng hapunan kaya siya ang pumalit sa nurse.

“La.” Ngumiti siya sa matanda at pinatakan ng h*lik ang gilid ng noo nito.

Galing pa sa probinsya ang kaniyang Lola at ayaw pa sana nitong sumama sa syudad dahil hindi maiwan ang kabuhayan sa probinsya. Mabuti na lamang at napilit niya, dahil pagkatapos na ma-diagnose ito nang nakaraang buwan ng pancreatitis, alam ni Ysabela na kailangang dalhin ito sa mas malaking ospital para maalagaan ng mabuti.

Malungkot siyang ngumiti habang sinusubuan ito ng pagkain. Hindi pa nito alam ang sekreto niyang pagpapakasal.

Ngayon niya sana balak surpresahin ang matanda nang makilala nito si Greig, pero mukhang hindi na iyon mangyayari.

Nang makatulog ang kaniyang Lola ay lumabas siya para saglit na makapag-isip.

May maliit na harden ang ospital sa tapat kaya roon siya tumuloy.

Natigil siya nang makita ang isang pamilyar na Range Rover. Nakaparada ito sa main entrance ng ospital.

Tila may sumipa sa puso niya nang makita ang sasakyan. Alam niyang kay Greig iyon.

Pumunta ito sa ospital para sa kaniya?

Unti-unting napalitan ng saya ang nararamdamang hinagpis ni Ysabela. Kaya naman kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang ngiti.

Kung narito si Greig para sa kaniya, ibig ba nitong sabihin na pinapahalagan siya ng lalaki?

Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang lalaki.

Sinubukan niyang salubungin si Greig, ngayon ay tuluyan nang nangingiti sa nararamdamang saya.

Ngunit unti-unting bumagal ang kaniyang lakad nang makitang umikot ang lalaki sa kabilang pinto ng sasakyan. Binuksan nito ang pinto at yumuko para buhatin ang taong naroon.

Natigilan siya. 

Maingat na binuhat ni Greig ang isang babae. Wala itong malay-tao.

Bakas sa mukha ng kaniyang asawa ang pagiging tensyunado at ang labis na pag-aalala sa babaeng buhat-buhat.

Kahit kailan ay hindi niya pa nakita ang ganoong emosyon kay Greig. 

Parang naubos ang kulay sa mukha ni Ysabela nang makita ang tagpong iyon. Kasabay ng pagkabasag ng puso niya ay ang pag-init ng sulok ng kaniyang mga mata.

Mabilis na naglakad si Greig, nilagpasan siya nito. Wari bang hindi man lang siya nakita ng lalaki. Parang

hangin lang siyang dinaanan ni Greig.

Hindi niya alam kung hindi lang siya nakita ng lalaki.

Pero nakita ng malinaw ni Ysabela ang buhat

-buhat nitong babae.

Nakita na niya ang mukha nito sa isang litrato... sa isang balita. Si Natasha Entrata.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Ludy Perez
red flag ka dito greig
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
hay naku kawawa Ka Naman Ysabella
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 241

    Dahil sa nangyari, nagpasya si Yvonne na manatili na muna sa bahay kasama si Coleen. Hindi na niya naisip na bumalik pa sa store. Samantalang si Rizzo ay bumalik sa kompanya dahil sa biglaang problema. Hindi na niya natanong si Rizzo kung ano ang biglaang suliranin na dumating dahil nagmamadali itong umalis kasama si Klaus. Yvonne stayed in her room with Coleen. Nakatulog ang batang babae sa kaniyang kama kaya tinabihan niya ito pansamantala. Hindi niya namalayan na nakatulog din pala siya. Palubog na ang araw nang bumangon siya. Natagpuan niyang bakante na ang kaniyang kama at wala na si Coleen sa kaniyang tabi kaya dahan-dahan siyang bumaba para hanapin ang bata. Sa sala ay naabutan niyang nakasalampak sa carpeted floor si Coleen at nilalaro si Akhil na ngayon ay binabantayan ng mga katulong. Saglit siyang natigilan at pinagmasdan ang nakangiting mukha ng batang babae habang pinapakita nito kay Akhil ang hawak na laruang truck. “See this, Akhil? This is a truck. A truck.” Maliga

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 240

    Nakatulog si Coleen sa sasakyan kaya nang makarating sila sa bahay ni Klaus ay kinailangan na buhatin ang bata para madala ito sa kuwarto ni Yvonne. Buhat-buhat ni Rizzo ang anak, samantalang tahimik na nakasunod si Yvonne sa lalaki. Tahimik silang pareho at kapwa mabigat ang kanilang mga dibdib. Sinalubong sila ni Agatha nang makapasok sa bahay. Puno ng pagtataka ang mga mata nito, ngunit walang namumutawing salita sa bibig ng babae. Alam niya na pinipigilan ni Agatha na magtanong sa kaniya kaya malungkot na lamang niyang nginitian ang kaniyang pinsan. “Dadalhin lang namin sa taas si Coleen.” Paalam niya sa babae. Tumango ito at hindi na sumunod sa kanila ni Rizzo. Sinundan na lamang sila ng tingin ni Agatha nang umakyat sila sa hagdan. She opened the door to her room. Pumasok naman si Rizzo at maingat na dinala sa kama si Coleen. Naglakad naman siya palapit para silipin ang batang babae. Nang mailapag sa kama ang bata ay humikbi ito. May luha pa rin sa gilid ng mga mata nito,

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 239

    Pagkarating sa bahay ng mga magulang ni Rizzo ay dali-daling lumabas ng sasakyan ang lalaki. Samantala, dahan-dahan naman na lumabas ng sasakyan si Yvonne para sumunod sa kaniyang fiancé. Ngunit nasa bulwagan pa lang siya ng mansion ay naririnig na niya ang sigawan mula sa malayong kusina ng malaking mansion ni Damian Galvez.“That's enough, Mom. I’m taking Colleen home now!”“Rizzo!”Buhat-buhat ni Rizzo ang anak nito nang lumabas galing sa kusina. Nakasunod sa lalaki ang ina nitong si Filomena na bakas sa mukha ang labis-labis na pag-aalala at ang pangamba. Sa likod naman ni Filomena ay isang babae na hindi gaanong pamilyar sa kaniya.“Rizzo, they're just kids. Natural sa mga bata ang nag-aaway minsan.” Saad ng babae.Tumigil sa paglalakad si Rizzo at lumingon sa dalawang babae. Nakatikod na sa kaniya ang lalaki, kaya’t naiharap naman sa direksyon niya si Coleen. Nakita niya si Coleen na kahit sa malayo ay kapansin-pansin ang pasa at galos nito sa pisngi.“Your son is older than my

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 238

    Pagkatapos ng kanilang lunch ay tumuloy naman sila ni Rizzo sa paghahanap ng condo unit. Mayroong mga condo, hotel at villa ang pamilya ni Rizzo, ngunit dahil sa naging lamat sa relasyon ng lalaki sa pamilya nito ay naisipan nito na bumukod na lamang sila at hindi na umasa sa tulong ng mga Galvez lalo na sa mga magulang nitong si Damian at Filomena. “May nahanap na condo unit si Dennis, tatlo sa nagustuhan niya ay naaprubahan ko rin kaya iyon na muna ang pupuntahan natin para kung sakali na magustuhan mo ay makapagclose-deal na agad tayo.” Masuyong ngumiti si Rizzo sa kaniya. Nasa passenger seat siya ng kaniyang sasakyan, samantalang ito naman ang nakaupo sa driver seat at nagmamaneho. Komportable ito sa kinauupuan at tila hindi alintana ang kaniyang presensya. Noon ay hindi siya nasasanay na magkasama sila ni Rizzo sa masikip na lugar, naiilang siya at hindi magawang maging komportable, ngunit mabuti na lamang at nasasanay na siya kahit paano sa presensya ni Rizzo. Nariyan pa ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 237

    "Dad joined us in the meeting." Ngumiti ng maliit si Rizzo. Hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Well, he's thinking that you could work under the architectural team of our construction firm." Tuloy niya. Bahagya na umawang ang bibig ni Yvonne. Hindi siya agad nakapagsalita sa tinuran ni Rizzo. Ilang sandali bago siya napaiwas ng tingin at dahan-dahan na umiling. "Tingin ko hindi dapat na sa linyang iyan ang magiging trabaho ko." Sagot niya. Naramdaman naman agad ni Rizzo ang mabilis na pagbabago ng kaniyang mood. Napatitig ito sa kaniya at marahan na nag-buntonghininga. "I'm sorry." He said. "Naisip lang siguro ni Daddy na ialok sa’yo na magtrabaho sa construction firm dahil... doon ka magaling." Nanlamig ang sikmura ni Yvonne. Hindi siya makapag-angat ng tingin kay Rizzo. Hindi niya gustong pag-usapan ito, ngunit alam niya na ginagawa lamang ito ni Rizzo para bigyan siya ng pagkakataon na pumili kung anong negosyo o trabaho ang gusto niyang hawakan. Tama nga naman si Ri

  • Fake Marriage With The CEO   Chapter 236

    Dahil hindi na makapagpokus sa kaniyang trabaho, nagpasya na lamang siyang tumigil na muna upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Inilapat niya ang likod sa swivel chair at dahan-dahan na bumuga ng hangin na kanina ay pumupuno sa kaniyang baga. Mabigat ang kaniyang paghinga, masikip ang kaniyang dibdib at nanginginig pa rin ang kaniyang mga kamay. Ngunit nakakabawi na siya. Thanks god, unti-unti na rin na humuhupa ang biglaang atake ng anxiety. Hindi niya gustong humarap kay Rizzo na nagpapanic pa rin. As much as she wanted to, gusto niyang patunayan din sa kaniyang sarili na nakokontrol na niya ang kaniyang emosyon. Mapagtatagumpayan niya ito. Magiging maayos din siya. Lumipas ang ilang minuto— oras marahil, dahil hindi na niya nasundan ang oras— naging maluwag na ang kaniyang paghinga at nawala na ang tila ulap sa kaniyang ulo na nagiging sanhi ng paglabo ng kaniyang pag-iisip. Nang maayos na kahit paano ang kaniyang pakiramdam, hinila niya ang isa sa mga hunos ng kaniyang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status