“That's not true, Papa.” Maagap na sagot ni Gretchen.Umiling ang babae.“Please calm down. The doctor warned—”“Heh!” Sigaw ni Señor Gregory, galit pa rin.Pinalis nito ang kamay ni Gretchen na sinubukang suportahan ang matanda.Tumayo si Ysabela. Inaamin niyang abot-abot ang kaniyang kaba ngayon.Señor Gregory looks old and weak. At ngayon na nagagalit ito ng husto ay labis-labis din ang kaniyang pag-aalala.“Lolo,” she tried to approach him.Ngunit itinaas ni Señor Gregory ang isa nitong kamay. Umiiling sa kaniya.“I've heard enough, Ysabela.” Nadidismaya nitong sabi.“Where's Greig? Where is that b*st*rd!”Kumalabog ang kaniyang puso. Si Greig ang paboritong apo ng matanda. At para tawagin nitong bastardo si Greig, talagang nagagalit nga ang Señor.“I want to talk to him about this! He should explain this to me, right now!”At mula sa pintuan papunta sa hardin ay pumasok si Greig. Narinig nito ang pagsigaw ni Señor Gregory.“What's going on here?” Seryosong tanong ni Greig nang m
Kinagat niya ang ibabang labi at nilunok ang mga hikbi.“I'm sorry.” Ulit niya. Marahang natawa ang matanda.“Alam mo bang iyan ang nagustuhan ko sa iyo? You always say sorry, when in fact it's you who have been wronged. You are always the humble Ysabela I knew.” Bulong-bulong nito.Muling pinisil ni Señor Gregory ang kaniyang kamay.“Huwag ka nang umiyak, magiging maayos pa ako.”Pinunasan niya ang mga luha at pilit na ngumiti.“Greig.” Tawag nito sa apo.Lumapit ang lalaki.“Ysabela's crying.” Saad ng matanda.“She's been kind to me... And been a loving wife to you. Now, I'm starting to consider the thought that you really don't deserve this woman.” Nadidismaya nitong sabi.“Lo, calm down. You're starting to get emotional —”“Of course,” maagap na sagot ni Señor Gregory.“Of course, I'm getting emotional. What would you want me to feel? You want me to celebrate and get excited for your divorce—”Natigil ito sa pagsasalita nang maubo.“Lo, tama na.” Pagmamakaawa niya nang mapansin n
Minabuting kalmahin muna ni Ysabela ang kaniyang sarili bago bumalik sa mansyon ni Señor Gregory.Gretchen somehow needs her.Ilang minuto siyang nanatili sa parking lot ng ospital habang inaayos ang sarili.Hindi na dapat pa siya madismaya kay Greig. She should expect it, right?Alam naman niyang hindi siya mahal ni Greig, at dahil bumalik na si Natasha ay nararapat lang na maghiwalay sila.Pero bakit ang dali-dali nitong akusahan siya ng masasamang bagay?She gritted her teeth.Alam niya sa sarili na hindi niya ito ginusto. Humingi na siya ng tawad kay Señor Gregory at napatawad na siya nito.Iyon lang ang mahalaga.Pagbalik niya sa mansyon ay sinalubong siya agad ng mayordoma.“Nasa taas na si Gretchen, nagpapahinga.” Imporma nito sa kaniya.“Nasaan si Sir Greig?”Umiling siya.“Hindi po kami magkasama. Nagpaiwan po siya sa ospital.” Aniya.“Ang Señor, kamusta?” Nag-aalala nitong tanong.“Nagpapahinga na po.”Tumango ang matandang katiwala.“Ikaw rin señorita, magpahinga ka muna. I
Dahil sa pagsigaw pabalik ni Gretchen ay kuryusong napatingin ang ilang nurse na napapadaan.They're already attracting attention from the workers.Mas lalong naramdaman ni Natasha ang pagkapahiya, na kailanman hindi niya naranasan. Tanging si Gretchen lamang ang kayang gumawa nito sa kaniya.Namutla ang kaniyang mukha nang magbaba ng tingin sa kaniya ang ginang.“Ano pang ginagawa mo? Umalis ka na!” Sigaw nito.Nanginig ang kaniyang mga labi.Kitang-kita niya ang disgusto sa mga mata nito.“Tita Gretchen, I know that you don't like me.” Nanginig ang kaniyang boses.“Pero hindi po ako pumunta rito para mag-eskandalo. Gusto ko lang pong makita si Lolo Gregory at matingnan kung ano na ang kalagayan niya. I don't mean any harm.”Nanubig ang kaniyang mga mata dahil sa takot. Kamukha ni Greig ang babae. This woman in front of her is the girl version of Greig. She could also be mean and ruthless.Malamig pa rin ang tingin nito sa kaniya.“Hindi mo ba ako narinig? I want you to leave! You'r
Pagkapasok ni Greig sa ward ay naabutan niyang inaayos ni Gretchen ang pinagkainan ni Señor Gregrory.Muli ay mahimbing na naman na natutulog ang matanda.Hindi siya agad nakabalik dahil ilang tawag ang pumasok sa kaniya, at kinailangan niya iyong sagutin.The meeting with the investors were put on hold again.Naglakad siya palapit. Lumingon sa kaniya ang kaniyang ina, nang makita siya nito'y mabilis na nalukot ang mukha.Inilibot niya ang tingin, ngunit hindi niya mahanap si Ysabela.“Where's Ysabela?” He asked.Parang hangin na hindi siya pinansin ni Gretchen. Naupo ang babae sa maliit na sofa sa gilid. Hindi siya nito sinagot.“Mom, where's Ysabela?” Sinubukan niyang muli.Nasa labas ang media, imposibleng pinaalis ng kaniyang ina ang babae.Huminga ng malalim si Gretchen at nag-angat ng tingin sa kaniya. Madilim ang mga mata nito.“Ano ngayon sa iyo kung nasaan si Ysabela?” Malamig nitong saad.He pressed his lips into thin line. Hindi pa rin ito kumakalma.“Bakit hinahanap mo? Yo
Pagod siyang umuwi sa villa nang hapong iyon. Hindi na sila halos sumakay ng elevator dahil sa fire exit sila dumaan para maiwasan ang mga reporter.Kahit sa parking lot ay naghihintay ang mga tao.At dahil naantala pa ang sasakyan dahil sa kumpulan ng mga tao, narinig niya ang ilan sa kanilang pag-uusap.“Nasa loob din si Natasha Entrata!” Masayang sabi ng isang babae.“Sure she's here. Nasa loob si Sir Gregrory at Greig, I'm sure she visited them.” Sagot ng isa pa.“Baka magpa-interview mamaya ang dalawa?” Umaasang dagdag ng naunang babae.Nag-iwas siya ng tingin, sakto namang nakaalis na sa kumpulan ng mga tao ang kanilang sasakyan. Si Simon na nasa harap katabi ng driver ay tahimik, pero sumusulyap sa kaniya.She wouldn't cry. Hindi niya hahayaan na iyakan ang bagay na ito.Ano ngayon kung alam na ng media ang tungkol sa engagement ni Greig at Natasha? It's only a matter of time, malalaman at malalaman din ng mga tao ang tungkol sa engagement.“Ysabela?” Sinalubong siya ni Manang
Señor Gregory was discharged the next morning. Naroon siya at si Gretchen nang sabihin ng doktor na maaaring nang umuwi ang matanda.Hindi umuwi kagabi si Greig, at wala rin ito sa ward ni Señor Gregory nang umaga. Kaya silang dalawa lamang ang umalalay sa matanda pauwi sa mansyon.Naisip niyang baka naroon ito kay Natasha.“Nagkausap kayo ni Greig?” Tanong ni Gretchen nang nasa sala na sila.Nasa kuwarto na si Señor Gregory at nagpapahinga.Marahan siyang umiling.“Hindi kayo nag-usap? Sinundan ka niya kahapon.” Saad nito.Baka iyong gabi na umuwi si Greig pero umalis din agad. Upang hindi na makadagdag ng problema, pinili niyang huwag nang sabihin kay Gretchen na hindi pa ulit sila nagkikita ni Greig.Inimbitahan siya ng ginang na magtsaa sa lanay. Pinagbigyan niya naman ito.“You should visit again tomorrow, Papa will surely be glad to have you here.”Ngumiti siya sa babae at tumango.“Greig's Dad will be home soon. I know he would like to meet you.”Natigilan siya sa sinabi nito.
“Who was it?” Nag-aalalang tanong ni Alhaj nang ibaba ni Yvonne ang tawag.She bit her lower lip. Ang babaeng iyon talaga! Kung ano-ano na lamang ang iniisip.Umiling siya.“Si Yvonne. Mukhang nakita tayong nag-uusap.”Tumango ng marahan si Alhaj.“May problema ba? You look flustered.” Puna nito.Hinawakan niya ang pisngi. Totoong mainit ang kaniyang pisngi.Namumula ang kaniyang mukha dahil sa kahihiyan.“W-wala ‘to.” She answered.Ngumiti naman si Alhaj at pagkaraan ay nagbuntong-hininga.“Mukhang alam ko na kung ano ang sinabi ni Yvonne.”Kumunot ang kaniyang noo.“Did she tease you again?”Mas lalong nag-init ang kaniyang pisngi. Palagi naman ganoon, kahit noong college pa lamang sila. Iniisip ng lahat na may kahulugan ang pagiging mabait ni Alhaj sa kaniya.Kaya siya na ang nahihiya para kay Yvonne.Idinaan niya sa tawa ang pagkailang.“She thought this was a date.” Aniya.“She really didn't change. Palagi naman niya akong inaasar.” Dagdag niya nang mapansin ang paninitig ni Alha
Hindi siya nakatanggap ng imbitasyon, sapat na iyon para malaman niya na hindi siya gustong imbitahan ni Damian Galvez sa kaarawan nito. Nitong lumipas na mga taon, nagkakaroon naman sila ng kaunting interaksyon ni Architect Damian Galvez. Nakakameeting niya rin ang ibang Galvezes. Ngunit hindi gaanong maganda ang relasyon niya sa kanila. Tila mahirap na magkaroon ng malapit na koneksyon sa pamilyang Galvez. Ang totoo niyan, hindi niya rin gusto na magkaroon ng koneksyon sa mga Galvez dahil nagpupukos na siya ngayon sa pagpapalawak ng kaniyang negosyo sa labas ng bansa. Kaya hindi na niya kailangan ng koneksyon sa mga negosyanteng lokal. May negosyo rin naman ang mga Galvez sa ibang bansa, ngunit hindi kagaya niya na mas malawak ang negosyo sa labas ng Pilipinas. "Good evening, Atty." Bati ng isang lalaking miyembro ng security team. Inilahad ni Reinella ang hawak nitong invitation card at ngumiti ng matamis. "Here's my invitation card. Do I still need to show you my ID?
Litong-lito na si Archie. Iba ang nakukuha niyang impormasyon sa impormasyon na gusto niyang matanggap. Kaya nang dumating na ang kaarawan ni Damian Galvez ay hindi na siya nag-atubiling dumalo sa selebrasyon para makakuha ng iba pang impormasyon tungkol sa nobya ni Rizzo Galvez. Kung dadalo siya sa birthday party ni Damian Galvez ay mas malaki ang tyansa na may makalap siyang impormasyon na makakatulong sa kaniya na mapag-aralan ng mabuti ang katauhan ni Anais Acosta. Sa tuwing naiisip niya na kamukhang-kamukha ng nobya ni Rizzo si Yvonne ay naaalala niya palagi na naging magkasintahan noon si Yvonne at si Rizzo. Posible na hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimut si Rizzo kay Yvonne... kagaya niya. Baka nabaliw na rin ito kay Yvonne, kaya ngayon na may natagpuang babae na kamukha ni Yvonne ay pakakasalan nito agad. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na papalit-palit ng babae ang mga Galvez. Habulin ng mga babae ang mga lalaking Galvez kahit na kasal na ang iba. Kaya para magpa
Gabi na nang makauwi si Archie mula sa hospital. Hindi man lang siya nakapagpahinga sa paghahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. Ngunit ayon sa nakuha niyang impormasyon, lihitimong anak ni Rizzo ang batang naospital. Anak nito si Coleen sa pagkabinata. Sa Pilipinas ipinanganak ang batang babae, ngunit sa ibang bansa pinalaki. Maliban sa mga impormasyong iyon ay wala na siyang nakuhang iba pa. Hindi na rin nakapagbigay ng impormasyon sa kaniya si Patrick dahil iyon lang din ang laman ng database ng ospital. Binuksan niya ang kaniyang computer pagkauwi galing sa ospital. Sa kaniyang opisina siya tumuloy para tingnan ang pinadalang email ng kaniyang assistant sa kaniya. May sarili siyang office sa kaniyang condo unit. Gusto niyang nakabukod lamang ang kaniyang opisina sa kaniyang kuwarto para maging productive pa rin siya kahit na nasa condo lamang siya. Buong araw yata siyang hindi nagpakita sa kompanya. Nasa ospital lamang siya maghapon, naghahanap ng mga bagay na makakatulong s
Nang manganak siya kay Akhil, bumalik si Yvonne sa pagthetheraphy. Hindi na ito umuuwi sa kanila dahil sa takot na baka masaktan nito si Akhil. Naniniwala ito na hindi ligtas ang kaniyang anak kapag mananatili si Yvonne sa kanilang puder. Pakiramdam palagi ni Yvonne ay magdudulot lamang siya ng panganib sa mga paslit. Kaya kahit sa malayo ay hindi nito matingnan si Akhil. Hindi nito kayang pakinggan ang tawa at iyak ng bata. Agad itong inaatake ng anxiety at parang nababalisa agad. Madalas ay nagkukulong ito sa kuwarto ar hindi na sa kanila nagpapakita. Nang hindi na nito makayanan ay nagpa-alam itong aalis muna para humingi ng tulong sa therapist nito. Nitong nakaraang buwan lang bumalik si Yvonne sa kanila. Hindi pa gaanong maayos ang babae kahit pa halos apat na buwan itong nawala para magtheraphy. Alam niyang malalim ang pinangggalingan nitong sakit kaya hindi niya pwedeng hayaan na lang mas lalong maexpose sa mas mahirap na sitwasyon ang kaniyang pinsan. "I know where yo
"You've already met him?" Tanong niya sa babae. Tumibok ng mabilis ang kaniyang puso at nanatiling malamig ang kaniyang palad. Hindi niya nakita si Archie sa labas. Pero dahil sa sinabi nito, mas lalo siyang naging kabado. Natahimik saglit ang babae. Hindi ito sumagot, ngunit ramdam niya na hindi na niya kailangan na marinig mula sa labi nito ang kasagutan sa kaniyang tanong. Nagkita na nga ang dalawa. "You know that this would happen, right?" Marahan niyang tanong. Huminga ng malalim si Anais bago pagod na pumikit. Umangat ang dibdib nito nang humugot ng malalim na hininga. "I know." Sagot nito pagkaraan. "But I couldn't let my fear control me, Agy." Mahina nitong sambit, tila nabibigatan. "For the past five years, I tried my best to overcome everything that once held me back. Ang tagal kong nagtago. Ang tagal kong natakot." Huminga na naman ito ng malalim. "But I was able to face him without showing much of my fear. I was able to fake my reaction when I saw him." Bumalin
Marahan siyang umiling. Alam niyang mabigat na naman ang loob nito. Ayaw niyang maramdaman muli ng babae ang parehong sakit na naramdaman nito noon, kaya hinaplos niya ng magaan ang likod ng palad nito bago maliit na ngumiti."I know how you feel now. Alam kong nag-aalala ka ng husto kay Coleen, but everything's fine now. Maayos na si Coleen, wala ka nang dapat na ipag-alala."Tumitig siya ng mabuti sa mga mata ni Anais. Gusto niyang makita nito ang sensiridad niya.Kung maaari lamang na pawiin ang lungkot at pagsisisi sa puso nito ay gagawin niya. Ngunit alam niya na kahit anong subok niya, hindi niya iyon magagawa, dahil tanging ito lamang ang mag kakayahan na gawin iyon. Si Anais lamang ang may kakayahan na itaboy ang lungkot sa puso nito at gamutin ang mahapding sugat na dala ng pagsisisi."And a failure doesn't define you as a person. It doesn't define you as a mother. Because motherhood is not a perfect thing. Kahit ako, I'm still learning how to take care of Akhil. May mga pagk
Samantalang kabado si Agatha nang makarating sa pasilyo ng private pediatric ward. Sa elevator pa lang ay hindi na siya mapakali kaya nagmamadali niyang tinahak ang pridadong silid ni Coleen .Naabutan niyang nasa labas si Rizzo at may kausap sa telepono.Nakita niyang tensyunado ang lalaki at mukhang hindi komportable sa taong kausap nito. Hinilot ng lalaki ang sintido bago bumuga ng hangin.Hindi man lang nito napansin ang kaniyang presensya."Dad, I know it's an important meeting. Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang ang anak ko. Coleen has a severe allergy reaction. She needs me now. I don't care about anything else, I just want to make sure that my daughter is safe."Saglit na natahimik si Rizzo, tila pinapakinggan ang sinasabi ng taong nasa kabilang linya."It's not her fault, Dad." Matigas na tugon nito pagkaraan."It's not her carelessness or my daughter's recklessness that caused this. Coleen is fond with furred animals, while Anais is unaware about Coleen's allergy w
Nang mawala sa kaniyang paningin si Agatha ay saka lamang siya bumalik sa kasalungat na pasilyo kung saan naghihintay si Archie sa impormasyon na ibibigay niya. Mabagal ang bawat niyang hakbang habang inaalala ang tensyunadong ekspresyon ng mukha ni Agatha.Bakit nga ba magiging tensyunado si Agatha?Wala naman siguro siyang nagawang kasalanan? Bulong niya sa hangin. Muli niyang naabutan si Archie na tulalang nakaupo sa bench. Malayo ang tingin nito at walang partikular na bagay na tinitingnan. Halatang malalim ang iniisip nito. Pagkalapit sa kaibigan ay naupo na siya sa katabing upuan nito. "The patient's name is Malia Coleen." Panimula niya para makuha ang atensyon ni Archie. At kagaya ng kaniyang inaasahan, mula sa pagkatulala, ay napaangat ito ng tingin sa kaniya. Napansin din sa wakas ang kaniyang presensya, at tila ngayon pa lamang naputol ang sumpa nito na matulala sa kawalan. "Malia Coleen Javier Galvez is her fulle name. She's still young. Her biological father is Riz
Pagkatapos na makuha ang impormasyon ng pasyente ay lumabas si Patrick para kausapin muli si Archie. Sigurado siya na hindi aalis ang kaniyang kaibigan hangga't hindi nito nakukuha ang gusto.At alam niya kung gaano kadesperado sa impormasyon ngayon si Archie.Alam niya ang pakiramdam nito ngayon. Dahil kagaya ni Archie, hindi rin siya mapakali noon nang malaman niyang may anak si Suzzane.Alam niyang kung may anak ito ay malaki ang tyansa na kaniya ang batang iyon.Ngunit kahit gaano kadesperado ang kaniyang kaibigan na makilala ang batang pasyente ay hindi niya maaaring hayaan na lamang itong gawin kung ano ang maisipan nitong gawin. Istrikto ang ospital. Malaking bagay ang privacy ng mga pasyente sa ospital na ito.Kaya kung papasok ito sa isang pribadong silid para lamang makita ang pasyente nang walang pahintulot mula sa pasyente o sa pamilya ng pasyenteng ay magdudulot lamang ng malaking gulo.Pabalik na siya sa upuan kung saan naghihintay si Archie, nang bigla siyang matigilan