RIZ
I FINISHED eating at nagtaka pa ako nang lumipat kami ng kalsada at naglakad patungo sa building na kanina lang ay pinuntahan ko. Hindi ba nga at ang sabi ng receptionist ay walang Paul Gonzales dito? Ano’ng gagawin namin dito?
And then I thought, baka may dadaanan lang si Rowan. I put my mind at ease at hinayaan lang siya. Nilampasan namin ang lobby pero wala roon ang receptionist na kausap ko kanina. Maybe she went to the washroom.
Tuloy-tuloy kami sa elevator at nang pindutin niya ang P ay napakunot ako.
“I forgot to tell you that the penthouse is here. Dito mo na siya hihintayin and later on—”
“I’m sorry to cut you off, Rowan. Dito ba siya nakatira?” maang na tanong ko sa kaniya.
Usually, ang mga may-ari ng company ay may mga penthouse para sa mga mahahabang araw nila at pagod nang magbiyahe pauwi. I am assuming Calderon Holdings are owned by Calderons . . . not Gonzales. Baka naman driver ni Mr. Calderon si Paul!
I hate the fact that I can’t remember much about that night. Kasalanan talaga ng alak iyon. Maagang umuwi si Reysa dahil nagalit ang boyfriend niya kaya naiwan kami ni Matet.
“He lives here.”
Napakatipid naman kasing sumagot ng isang ito. Naghintay ako sa iba pa niyang sasabihin pero wala na. Nahiya na ako uli magtanong. Nang bumukas ang elevator, bumungad sa akin ang isang lobby. May double door sa harap na nagsisilbing privacy para sa penthouse. Rowan pressed the code and open the door for me.
Binalak kong tingnan kung may mga litrato rito sa loob. Sadly, very few pictures were hanging on the wall at puro abstract. It complimented the interior but it’s not what I was looking for. Wala rin picture frame na nakapatong sa mga mesa.
“Have a seat. Would you like some bottled water, coffee, or tea?”
“Water is fine. Thank you.”
Nang makatalikod siya ay hindi ko na napigilan ang paghikab ko. I don’t usually take naps even before my pregnancy dahil marami akong ginagawa. Isa pa, kapag may iniuutos si Madame Liberty sa akin ay kailangan kong sumunod agad. Usually, maliliit lang naman iyon at kaya niyang gawin pero iniuutos pa rin niya sa akin.
Nagpalinga-linga ako at nang makarinig ako ng yabag ay namataan ko ang isang hindi katandaan na babae. Basa ang buhok niya at mukhang kaliligo lamang. Tumayo ako at bumati.
“Magandang hapon po, manang.”
Bahagyang kumunot ang noo niya at saka tumango. “Sino po sila?”
“Ako po si Riz. Bisita po ako ni Paul,” pakilala ko sa kaniya.
Lalong lumalim ang gatla niya sa noo. “Paul? Si—”
“Manang Dolor, ako na po ang bahala rito.” Rowan immediately cut her off at iniabot sa akin ang tubig. “Siya nga po pala, ang sabi ni Sir ay pakiluto ang hapunan bago kayo umalis. Dito raw po siya kakain. Bahala na raw po kayo sa menu.” Ang matanda ay tumango at nagpaalam na.
Hindi pala stay-in ang matanda, umuuwi rin kinahapunan. Siguro ang may-ari ng penthouse na ito ay palaging gustong mag-isa. Sa bagay, after a long day ay gusto mo talaga na walang ingay para makapahinga.
“Siya nga pala, ang—” Naputol ang sasabihin ni Rowan nang mag-ring ang kaniyang cell phone. “Excuse me for a second.” Sinagot niya ang tawag at lumayo sa akin kaya naupo na lang ako uli.
Nang matagalan siya ay sumandal ako sa sofa. Nang hindi ko kayanin ang antok ay inilagay ko ang braso sa arm rest at saka inihimlay ang pisngi ko roon. Saglit lang ito at kapag naka-power nap ako ng five minutes ay okay na uli. But all the things that happened today with my father made me so tired. Kung susukatin siguro ang stress level ko ay abot na iyon hanggang langit. Wala na akong namalayan at nagising na lang ako na nasa isang silid. I am still wearing the same clothes nang silipin ko ang comforter. Ang tanging hindi ko suot ay ang sandals ko. Sa lamig ng air-con at lambot ng beddings ay gusto ko pa sanang matulog pero lumipas na ang antok ko. Iginala ko ang mga mata ko sa kuwarto at katulad ng ayos sa salas, wala rin litrato rito. Takot siguro sa flash ang may-ari.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang pamilyar na mukha. Si Paul. Bigla akong napabalikwas ng bangon at inayos ang buhok ko.
“You’re awake. Are you hungry?” walang emosyong tanong niya sa akin.
“Okay lang ako. Kanina ka pa? Pasensiya ka na at nakatulog ako sa couch kanina. Paano nga pala ’ko napunta rito sa silid? Sa ’yo ba ’to? Baka magalit ang boss mo.”
He was wearing a white T-shirt and denims, sira pa ang magkabilang tuhod. The only thing that looks expensive on him was the diver’s watch. I recognized that from the magazines. Siguro ay regalo ng boss niya.
Paul looked amused and stared at me for a quick second then asked, “How did you know where to find me?” Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng silid. His commanding aura dominated the room. He is tall and well-built as well kaya nanliit ang kuwartong ito sa kaniya.
In fairness, ang galing niyang mag-English. Mali ang hula ko. Hindi siya driver, baka personal assistant siya.
Napangiwi ako. Moment of truth. “P-Pinakialaman ko ang wallet mo s-sa hotel.” Napakamot ako sa aking leeg. “Pero to be honest, hindi ko maalala kung saan ka nagtatrabaho.”
Kumunot ang noo niya. “Then how did you end up here?”
“Natandaan ko lang iyong logo. Noong i-drawing ko at ipakita sa taxi driver, natandaan niya. May inihatid daw siyang pasahero dito dati.”
Tumango-tango si Paul. “Okay. To be honest, I don’t remember you but something tells me that you need my help.” He extended his hand to me. “I’m Justin Paul Calderon.”
Shock was an understatement. Hindi siya ang hinahanap ko. Tumayo ako bigla at hindi ko pinansin ang pakikipagkamay niya. “I’m sorry. I think there’s a misunderstanding here. I am looking for Paul Gonzales, not you.”
“I am Justin Paul Gonzales Calderon. I was born Justin Paul Gonzales. My mother remarried and my stepfather adopted me. I changed my last name. Is there a problem?”
Calderon ang ama ng anak ko?
“Punyetang mga Calderon ’yan! Palagi na lang sila ang nananalo sa bidding.” Iyon ang narinig ko mula sa study noong minsang kakausapin ko sana si Dad. Halos mag-collapse ang company namin at palaging mainit ang ulo ng aking ama kapag umuuwi. We almost filed for bankruptcy pero may isang senador na biglang nag-invest at nakabawi kami.
I was fourteen then but I never forgot what he told me. “Promise me that no matter what happens, hindi ka magmamahal ng isang Calderon.”
How am I supposed to do that when the father of my child is one? At may dugong Calderon din ang magiging anak ko?
JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi
RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N
RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong
RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub
JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng
JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot