Share

Chapter 5

Author: Raven Sanz
last update Last Updated: 2023-04-12 01:20:37

RIZ

THIS is not happening. Paano ako haharap kay Dad kung ang lalaking ito ang ama ng anak ko? Mas mabuti pang huwag na lang niyang malaman pa ang tungkol dito at hindi na ako uuwi sa amin. My mind was running at 200 kms per hour. I need to plan fast and I am going to start by leaving this place.

“Is there something wrong?” tanong niya sa akin.

Nang mag-angat ako ng tingin ay malamig pa rin ang expression ng mukha niya. Paul doesn’t look happy or angry. Ang hirap niyang basahin. I wonder, how did I end up sleeping with him that night?

Umiling ako at pilit na ngumiti sa kaniya. “Pasensiya ka na sa abala. I just . . . I just wanted to ask you something pero hindi na lang. Nasaan nga pala ang gamit ko?”

“Your luggage is still in the living room. Why?” Kumunot ang noo niya.

“Uuwi na ’ko sa ’min. Baka hinahanap na ’ko ng m-magulang ko. Salamat uli at pasensiya na.” That was a lie but I could not think of another excuse. What does he care? Hindi naman niya ako kilala. Paul doesn’t know anything about my family.

Nang lalampasan ko na siya ay bigla niya akong kinapitan sa braso at pinigilan. May kung anong koryente na nanulay sa aking katawan. When I looked up, he was staring at me at parang hinihigop ako ng mga mata niya. Paul has the most expressive eyes. Bakit ngayon ko lang napansin iyon? I mean, he looks alright.

Fine, siya ang pinakaguwapong lalaki na nakilala ko.

There are a few men in university that asked me for dates pero nagmukha silang totoy lahat sa paningin ko kumpara sa lalaking nasa harap ko ngayon.

“You haven’t had dinner. It’s already past six. At least eat something before you leave.” Tumikhim siya. “I asked Manang to cook spaghetti and there’s ice cream on the fridge too.”

Pinamulahan ako ng mukha. Siguradong si Rowan ang nagkuwento sa kaniya ng kinakain ko kanina. At dahil hindi pa niya binibitiwan ang braso ko ay hindi ako makapag-isip nang matino. Kung aalis na ako ay gagastos pa ako para sa hapunan. Maghahanap pa ako ng matitirhan ko ngayong gabi.

Ayaw kong mag-isip ng masama at alam kong pagsubok lang ito para sa akin pero hindi ko rin maiwasan na manlumo. Sunod-sunod ang bira sa akin ng pagkakataon at hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ito.

“Sige. Pero pagkatapos ng hapunan ay uuwi na ako.”

The table was set nang lumabas kami ng silid. Si Manang ay naroon pa rin pero nakasukbit na ang bag at mukhang paalis na.

“Sir, magpapaalam na po ako. Bukas na lang po ako babalik.”

“Sige, manang.”

Walang thank you? Tao pa ba ang lalaking ito o talagang wala lang galang sa matatanda? Wala na ngang po at opo, hindi pa marunong magpasalamat.

Nakaramdam ako ng inis sa kaniya. Kung ang legal na asawa nga ng aking ama ay iginagalang ko pa rin sa kabila ng mga pang-iinsulto niya sa akin, ito pa bang kasambahay na pagod maglinis at magluto buong araw?

Nang makalabas ng pinto si Manang ay ipinaghila ako ng silya ni Paul. “Have a seat and let’s eat.”

Napansin ko rin ang warmer ng pagkain. Sa bagay, bakit nga naman kakain ang isang ito ng malamig na ulam kung puwedeng mainit?

Once we were both seated, hinintay ko siyang sumandok pero nakatitig pa rin siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang. Magpapaunahan ba kami kung sino ang unang magugutom para makakuha ng ulam?

“Ladies first.”

Sumandok ako ng pasta at nilagyan ng sauce. Ang daming ginadgad na keso. I love cheese kaya heto, maputi ang hitsura ng spaghetti dahil halos natabunan na ang sauce. Nang sumubo ako ay hindi ko mapigilan ang pagsalubong ng aking kilay.

“Hindi ka kakain?” Kung sinuman ang nagsabing nakabubusog ang pagtingin sa babae o lalaki ay isang malaking sinungaling.

Paul didn’t say anything pero kumuha siya ng salad. Pagkatapos ng isang subo ay tumingin siya sa akin at parang may gustong itanong. He toyed with his food then had a sip of water. Pambihirang lalaki ’to. Ang daming nagugutom sa mundo pero heto siya at ayaw kainin ang mga pagkain na ipinaluto niya.

“Kung may gusto kang itanong ay sabihin mo na. Hindi mo malalaman ang kasagutan kung titingin ka lang.” I sounded snotty pero naiinis ako sa kaniya. Hindi naman ako ganito dati. Maybe it’s the pregnancy hormones acting up.

“Why are you looking for me? Do we know each other?” Seryoso ang pagkakatanong niya. At first, hindi ko alam kung matatawa ba o maiinis na hindi niya ako natatandaan. It was a one-night stand after all. But still, I had high hopes when Rowan took the time to look for me earlier today para dalhin ako sa kaniya.

“You don’t remember meeting me at the club?”

“Am I supposed to?” balik-tanong niya sa akin.

Ibinaba ko ang kubyertos at nagpahid ng labi gamit ang table napkin. “You don’t remember that night?” Maang siyang tumingin sa akin. This is frustrating as fuck. Paul looked confused. “We met at Club Pyre over two months ago.”

“And your name?”

“Arizona Consigna. Do you remember now?”

“No. Tell me more.” His commanding tone infuriated me even more.

“I don’t remember much from that night but I woke up the next morning with you on the same bed.” Hindi ko na maituloy ang sasabihin ko. Paul can read between the lines and figure it out on his own.

“We slept together.” Hindi ako nakaimik. “Okay, so it was a one-night stand then?” I still chose not to say anything. “And you’re here because?” Tumikhim siya. “You don’t think I’d marry you just because we slept together. How old are you? Eighteen?”

‘I’m twenty-one.’ Gusto ko sanang sabihin. Pero kung ganito ang ugali niya, pakasalan na lang niya ang sarili niya. Buwisit!

“I am not here to ask you to marry me. I was . . . I needed help earlier, but I am okay now.”

“Naglayas ka?”

More like pinalayas but what does he care?

“It’s none of your business. I should go. Thank you for dinner and sorry for causing you trouble.” Tumayo ako at tinungo ang kinaroroonan ng shoulder bag at luggage ko. I took one step and I heard him scoff.

“Wait. Gabi na. Kung saan ka tutuloy, ihahatid na kita. Baka may—”

I didn’t hear the end of it. My eyesight was dimming. Bago ako tuluyang nawalan ng ulirat ay naramdaman ko ang pagsalo ng dalawang braso sa akin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Fake to Forever   Special Chapter

    JUSTIN, Wintara Sands IT’S been ten years since the twins were born. Pero heto at nakahabol pa kami ng isang bunso. Riz is about to give birth in two months. We regularly go for checkups dahil na rin sa edad niya. She’s thiry-nine and considered high risk. After the twins were born, we tried to get pregnant again but we had no luck. We didn’t use any contraception because we wanted more children. Akala namin ay hindi na kami makahihirit. But a few months from now, ready na uli kaming magpuyat at magpalit ng maraming diaper. “Luto na ba ’yan? Nagugutom na ’yong kambal mo.” It’s the weekend at nakasanayan na naming magkakapatid na once a month ay narito kami sa resort na binili ko para kay Riz. Nagluluto kami ni Priam ng barbeque habang si Paris ay bantay ng mga bata. “Mga bata o ikaw?” tatawa-tawang tanong ni Priam sa bunso naming kapatid. “Tsk! Siyempre, ako rin. Luto na ba ’yong isaw ko?” Binigyan ko siya ng hilaw at sinamaan niya ako ng tingin. “Isusumbong kita kay Riri.” Hindi

  • Fake to Forever   Finale

    RIZWHAT would it take for you to get over your anger and forgive someone? Hindi ba’t kalimitan ay nagiging posible lang ito kapag pumanaw na ang isang tao? It’s like you’re able to let go of it all because the person is no longer there. Nakalilimutan mo ang lahat ng hinanakit, sama ng loob, tampo, at napapalitan ng lungkot. Binabalot ang puso natin ng kahungkagan. We are breathing. We are alive. But there’s something missing. Iyong maliit na parte at sulok sa puso natin na hindi na mapupunan dahil alam nating hindi na babalik ’yong dating naroon. That’s what I felt the moment I saw my parents drenched in blood. At dumoble ’yon nang makita ko ang asawa kong walang ulirat at duguan. Parang hinahalukay ang sikmura ko at pakiramdam ko ay nalulunod ako sa isang malalim na karagatan at walang darating na tulong. Hindi ko alam kung sino’ng unang pupuntahan ko. Pabalik-balik ako. At kung puwede ko lang hatiin ang sarili ko sa tatlo ay ginawa ko na para wala akong iwan sa kanila.Si Dad.Si N

  • Fake to Forever   Chapter 99

    RIZDAD knew we were going to see him. He was hoping that I would be able to convince Nanay to come with me. Siguro gusto na rin niyang magkaayos sila. Nanawa na silang magpalitan ng masasakit na salita. Wala naman kaming balak magtagal sa bahay ni Dad pero gusto niyang mananghalian kami roon habang nag-uusap. Sa kotse ay panay ang tanong ni Nanay.“Alam niya.”Napahilot siya sa sentido. “Baka magkagulo. Alam mo naman si Liberty. Dapat pinapunta mo na lang ang daddy mo sa penthouse mo at doon na lang tayo nag-usap. Mas safe doon.”Napangiwi ako. “’Nay naman, para kang si Justin. ’Yan din ang sabi niya kanina.”“May punto naman ang asawa mo. Ang iniisip ko lang, buntis ka. Para namang hindi mo kilala si Liberty. Walang sinasanto ’yon. Nakita ko nga ’yon minsan na nakikipagtalo sa isang babae. Mukhang mayaman rin.”Tahimik akong nakinig sa kuwento ni Nanay. Ang mga sinasabi niya tungkol kay Liberty ay hindi na bago sa akin. Kung isang character sa libro si Liberty, siya na siguro ’yong

  • Fake to Forever   Chapter 98

    RIZ Earlier that day . . .IT was the familiar smell of my bakeshop that took me back to reality. Iyon pa rin ang ayos ng loob at katulad ng dati, busy ang mga staff. The only difference now is the store expanded. Nakuha na rin namin ang katabing building at ipina-renovate para madagdagan ang mga mesa. The shop became a favorite hangout for people in all ages. Nakatutuwang isipin na nagsimula lang ang business na ito sa penthouse at sa pangungulit ni Justin. Encouragement from the people you love and care about makes you brave. And the bakeshop business has made a name in the industry.Nang marinig ko ang lagitik ng tangkay ng mop na nalaglag sa sahig ay napatingin ako sa taong may hawak nito. In front of me is a woman in her late forties. Bukod sa lipstick na hindi masyadong mapula at kilay na ginuhitan ng eyebrow pencil ay wala na siyang ibang kolorete sa mukha. Maayos na nakapusod ang kaniyang buhok at hindi alintana ang ilang ub

  • Fake to Forever   Chapter 97

    JUSTIN“W-What are you even doing here? Where’s my wife?” Nasapo ko ang noo ko dahil nakaramdam ako ng hilo. It must be the meds they gave me.“Riri just left to see her parents in the other wing. Ano ba’ng meron sa araw na ’to at tatlo kayong nabaril?” kunot-noong tanong niya sa akin.“Her parents got shot?”Bago pa siya nakasagot ay bumukas ang pinto at pumasok si Priam. Ano’ng ginagawa ng mga kapatid ko dito? Iniabot ni Priam ang paperbag kay Paris para ito ang mag-ayos ng pagkain mesa. Ano bang oras na?“I’m glad you’re awake. Mukhang lalo kang pumangit nang masalinan ka ng dugo ni Paris. Kamukha mo na ’tong unggoy na ’to— Aray!”Binato ni Paris ng isang pirasong ubas si Priam at tinamaan ito sa pisngi. Alam na nilang kapatid nila ako. And with Paris donating blood to me, I will be forever grateful to him. Hindi lahat ng half brothers ay kailangang maging mailap sa isa’t isa. Totoong nasa pagpapalaki iyon ng magulang at sa crowd na pinipili nilang samahan.“Huwag kang magsayang ng

  • Fake to Forever   Chapter 96

    JUSTINSeveral days later . . .“ARE you sure you’re not going to the office today?” tanong ko kay Riz nang sabihin niya na magpapahatid siya sa bakeshop. Gusto raw niyang makausap si Nanay.“I’m sure. I want to take a day off and rest. Aayain ko siyang magpunta kay Dad pagkatapos. I want to talk to the both of them for once. Iyong magkaharap sila at ayusin na ang lahat. Ilang buwan mula ngayon ay manganganak ako. I just want everything to be in order, you know? Nakakapagod na rin ’yong puro away.”Kumunot ang noo ko. “Is his wife going to be home? Baka magkagulo roon kapag dinala mo si Nanay.”“Hindi. Ako ang bahala,” paniniguro niya sa akin.“You’re pregnant, baby. Baka mapaano kayo.” Minsan, hindi ko alam kung naaalala niyang buntis siya. But I know she’s being careful. Ayaw ko lang na may mangyari na naman. Kahit alam kong walang may gusto ng nangyari noon, mas mabuti na rin ’yong nag-iingat ngayon.“I don’t think Madam would harm a pregnant woman.”“She might if it’s you,” sagot

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status