Share

Chapter 3

RIZ

TANGHALING-TAPAT at hindi pa ako kumakain pero hindi ako makaramdam ng gutom. Nang sapitin ko ang gate ay nagtanong ang may katandaan naming guard.

“Ma’am Riz, saan po kayo pupunta? Hindi n’yo po ba dadalhin ang kotse?”

Umiling ako sa kaniya at malungkot na ngumiti. “Hindi na po, manong. Hindi ko po kasi alam kung kailan ako makakabalik kaya magko-commute na lang po ako.”

“Sigurado ka ba?”

Tumango ako at napabuntonghininga siya.

“Sandali at itatawag kita ng taxi. Maghintay ka muna sandali, ha. Medyo malayo kasi tayo sa bukana, e.”

Tumawag siya ng taxi at makaraan ang sampung minuto ay may pumasok sa village. Nagpasalamat ako sa kaniya at saka sumakay sa loob ng sasakyan. Ang driver ay inilagay sa trunk ang gamit ko.

Tanging pangalan lang ni Paul ang alam ko. I don’t even remember how old he is. I had too much to drink that night, but I remember how good-looking he was. I was smitten at ang sunod ko na lang namalayan ay umaga na. Nasa kama kami at wala akong saplot. I felt tender as well. May mga marka ako sa leeg, balikat, at ibang parte ng katawan na tinakpan ko ng makeup para walang makakita pag-uwi ko sa bahay. That was over two months ago.

“Ma’am, saan po tayo pupunta?”

Nag-isip ako at pilit inalala kung ano’ng pangalan ng company na pinagtatrabahuhan niya. I failed to remember the name but I remember the logo. Mabilis akong kumuha ng ball pen at papel at nag-drawing. “Manong, dito po ako pupunta. Alam po ba ninyo kung saan ito?”

Kinuha niya ang papel at tinitigan at saka kumamot sa kaniyang ulo. “Ma’am, sandali, ha. Kasi marami na rin akong pasahero.” Saglit siyang nag-isip, saka biglang pumitik sa hangin. “Alam ko na, ma’am! Sa Calderon Holdings po ’yan. Naghatid po ako sa isang empleyado roon kahapon kaya pala pamilyar.”

“Talaga po?” Nakadama ako ng katuwaan dahil kahit paano ay alam ko na kung saan hahanapin si Paul. “Sige po, manong. Doon po tayo. Salamat po.”

Naging maayos ang biyahe namin at kahit may kaunting traffic ay tolerable naman. Nang makarating kami sa isang mataas at magarang building ay natigilan ako. Saan ko kayang department siya hahanapin?

“Ma’am, narito na po tayo. Tutulungan ko na kayong ibaba itong gamit ninyo.”

“Sige po, manong.” Iniabot ko sa kaniya ang bayad ko at kahit gusto ko siyang bigyan ng tip bilang pasasalamat ay hindi ko magawa dahil eksakto lang ang dala kong pera. “Maraming salamat po sa tulong.”

“Salamat din. Sige, mag-iingat ka.”

Nang makaalis siya ay tumuloy na ako sa lobby hila ang maliit na travelling bag ko. The lobby looked fancy at modern ang interior nito. There’s a lot of silver and jewels to lighten up the place; kahit ang mga fountain sa gitna ay hindi matatawaran. It’s simply elegant.

Nang i-approach ko ang receptionist ay ngumiti ako sa kaniya. “Good afternoon, ma’am. I’m looking for Paul Gonzales. Is he here today?”

Biglang kumunot ang noo niya. “Is he new?”

Hindi ako kaagad nakasagot, pero ganoon pa man ay hindi ako nagpahalata sa kaniya na hindi ko alam. “He’s been working here for a while.”

Nag-check siya sa computer na hindi nawawala ang gatla sa noo. Para bang ngayon lang niya narinig ang pangalan ng lalaking iyon. Makaraan ang ilang sandali ay mukhang nag-give up na siya.

“Ma’am, there’s no one here with that name. Are you sure it’s Paul Gonzales? I’ve been working here for the last five years and I haven’t heard that name.”

Napahagod ako sa batok ko. “Ma’am, if you don’t mind, please check the HR so we will both know if there’s no one here with that name.”

Tiningnan niya ako. Siguro ay naawa siya sa akin kaya tumango siya at tinawagan ang HR. A few seconds later, tinapos niya rin ang tawag. “It’s confirmed, there’s no one here with that name.”

Para akong mauupos na kandila. Hindi ko na naman alam kung saan mag-uumpisang maghanap. “Thank you, ma’am. If ever someone comes here with that name, please give him my contact details. Importante lang po.”

“Sige po, ma’am. May log book naman at puwede mong ilagay ang pangalan at numero mo.”

After I wrote my name and number, I left the building. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. One thing is for sure: I am starving. Kailangan kong kumain dahil dalawa na kami ng anak ko. I have to start looking for a job too. Dinala ko naman ang laptop ko at naihanda ko na ang resumé ko a couple of weeks ago. Magpapa-print na lang ako ng bago kung sakaling maubos ito.

Gusto ko ng spaghetti at ice cream. My cravings are weird at ngayon ko lang naramdaman ito. Since may fast-food dito sa harap ng building, dito na lang ako nagpunta. Hila ang bag ko ay naglakad ako papunta roon at nag-order. While waiting, I checked my messages on my phone. Para walang masayang na oras ay naghanap ako ng matutuluyan pansamantala. Hindi ko afford ang hotel. Mas lalo naman na hindi ko kayang magrenta ng bahay.

Sumasakit ang ulo ko kung paano pagkakasyahin ang perang mayroon ako. If I did the math right, baka dalawang buwan lang ang itagal nito at todo tipid na ako sa ganoong timeframe.

“Here’s your order, ma’am.” Inilapag sa harap ko ang pagkain at nagpaalam na ito.

“Salamat.”

Isinawsaw ko ang spaghetti sa ice cream at saka kumain. Ang sarap-sarap. Kahit paano ay nawaglit sa isip ko ang mga suliranin ko. I was about to take my third bite when someone stopped near my table. Mamahalin ang suit na suot niya. Nang tingnan ko siya ay hindi ako pamilyar sa kaniya. I haven’t seen this man before.

Nagpahid ako ng tissue sa labi at bahagyang nairita na naputol ang pagkain ko. “Can I help you?”

“Ma’am, are you Arizona Consigna?”

Napakunot ang noo ko. “May I know who you are? Magkakilala ba tayo?”

Naramdaman niya siguro ang pagkabalisa ko kaya bahagya siyang ngumiti. Mas nauwi pa iyon sa ngiwi. “My name is Rowan Bautista.” Tumikhim siya kasabay ng pagkunot ng aking noo. “I’ve heard that you’re looking for . . . Paul Gonzales.”

Halos hindi ako makahinga. Finally! May nakakikilala rin kay Paul.

“Do you know where he is?” kaagad kong tanong sa kaniya.

“Yes, ma’am. He asked me to take you to him.”

Pero bigla akong nakaramdam ng pag-aalinlangan. Paano kung nagsisinungaling siya at hindi naman niya kilala si Paul? Baka gawa-gawa niya lang ito at gusto akong kidnapin. Patawarin ako ng Diyos sa mga naiisip ko.

“Can I see you ID first before I go with you? Ise-send ko lang sa kaibigan ko para kung may mangyari sa ’kin, alam nila kung sino ang huling kasama ko.”

The man looked confused then amused. Ngayon lang siguro niya narinig ito.

“I don’t mean any offense. But these days, it’s not good to trust strangers. I hope you understand.”

“I understand.” Ginawa niya ang sinabi ko at ibinigay sa akin ang driver’s license niya. Totoo ang pangalan na sinabi niya sa akin.

Matapos ko iyong makuhanan ng litrato at i-send sa e-mail ni Reysa ay napanatag ako. “Saan pala tayo pupunta? Nasaan ba siya?”

“He asked that I take you to his penthouse. You will wait for him there. He’s a busy man and spends a lot of time meeting with investors.”

Tumango ako at sinabing tatapusin ko lang ang pagkain ko. Bawat subo ko ay napangingiwi siya pero hindi nagkokomento. Well, mandiri na siya hangga’t gusto niya. Ang mahalaga sa akin, gusto ng baby ko ang spaghetti’ng isinawsaw ko sa ice cream.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Vickai Usares
manga cravings talaga nang buntis as always nakaka amaze
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status