“What?! Baliw ka na talaga Roxanne!” Napasigaw si Yna nang ikwento nang kaibigan ang nangyari. Quarter to four nang madaling araw pa lamang ayon sa wall clock nila.
Kakauwi pa lamang ni Roxanne galling sa fastfood chain kung saan alam nya ay kumakain si Alex bago ito umuwi. Call center agent si Alex at part time job nito iyon. Sinadya nyang pumunta sa fastfood chain na iyon. Doon ang usapan nila nang kausap nyang magpapanggap na boyfriend nya.
Pinigilan sya ni Yna ngunit tumuloy pa rin sya. Hindi sya sinipot nang kausap nya at imbes ay ang lalaking nakita nya sa c.r ang nasabi nyang bago nyang boyfriend. Nag walk out ang kasama nitong babae, pati si Alex ay napa-atras sa sinabi nya. Hindi nya alam kung nasaktan ito o kung ano ngunit nakita nyang hindi ito natuwa sa nalaman.
Ang lalaki namang na pinakilala nyang boyfriend ay bigla rin umalis, tinapunan lamang sya nang tingin. Hinabol ata ang babaeng kasama nito na girlfriend ata nito. Naguilty sya pero nangyari na at wala na syang magagawa.
“H-hindi ko sinasadya Yna..” kabado pa rin na sabi ni Roxanne.
Napabangon mula sa kama nya si Yna. “I told you, huwag mo nang ituloy yan. Hayan ang nangyari. Mukhang nakasira ka pa nang isang relationship.” Napapailing na sabi ni Yna sa kaibigan.
“M-mabilis ang mga nangyari. Hindi ko akalain na sa ganoong oras ko pa makikita si Alex!” She said.
“Oh, eh ano namang sabi ni Alex?”
“W-wala. Bigla rin syang umalis, Hindi ko alam kung nasaktan ba sya o nagulat lang pero nakasimangot sya.”
Tumayo si Yna at kumuha nag tubig sa maliit nilang ref. Nagtagay ito sa baso at uminom nang tubig bago muling nagsalita. “Dyos ko naman Roxanne. Ang gaga mo talaga.” Sabi nito. “Eh ano namang itsura nung lalaki?”
“Gwapo sya. Parang artista. Nakakahiya nga eh. Pati yung kasama nyang babae, parang may lahi. Basta.” Sabi na lang ni Roxanne.
Umikot ang mga eyeballs ni Yna. “Bitch. Siguro nagwapuhan ka kaya bigla mong pinakilalang boyfriend mo?”
Umling si Roxanne. “Napansin ko lang na gwapo sya nung pinapakilala ko na sya. Nakakahiya.” Nakangiwi na sabi ni Roxanne.
Muling bumalik sa kama nya si Yna. “Buti alam mo? Wish mo lang huwag mo nang makita yung lalaki. Tiyak yari ka.”
“Sana nga. Tsaka, mukhang napadaan lang naman sila doon. Hay. Ano ba ito.”
“Goodluck, girl. Mag-usap kayo ni Alex bukas kung kausapin ka pa nya.” Sabi na lang ni Yna.
Alas syete na nang umaga ngunit hindi pa rin nakakatulog si Nikko. Msyadong kakaiba ang nangyari noong madaling araw na iyon. Matapos nang ginawa nang babae at magwalk out ni Amber, hindi nya na nagawang kausapin ang babae.
Agad nyang hinabol si Amber. Nakasakay na ito nang taxi. Nang balikan nya naman ang babae sa taas ay nakaalis na rin daw iyon sabi nang guard. Tinanong nya ang guard kung kilala nito ang babae.
“Madalas ho yon dito sir. Hindi ko nga lang alam ang pangalan nya. Lagi nyang kasama kumain nang merienda rito yung boypren nya na nagtatrabaho sa kabilang building mga tatlong lingo na.” Sabi nang guard.
“G-ganoon ho ba.” Sabi nya. Na curious tuloy sya kung bakit sya nito ipinakilalang borfriend nito gayong may boyfriend naman pala ito.
“Tsaka sir, mabait ho kasi yun eh. Pala kwento. Madalas ko yun maka-kwentuhan pag hinihintay nya boypren nya.” Sabi pa nang guard.
“Salamat po. Sa tingin nyo po ba babalik pa yun dito?” Tanong nya pa.
Napangiti ang guard. “Type nyo sir?” Tanong nito na tiningnan pa sya mula ulo hanggang paa.
Nagulat si Nikko. “Ah, h-hindi ho. May kailangan lang ho ako sa kanya.”
“Baka ho sir. Alas kwatro nang hapon hanggang alas singko yun dito pumupunta. Hindi ko lang ho sigurado. Mukhang nag-away sila nang boypren nya. Tatlong araw na silang hindi napapadpad dito.”
Inabutan nya nang tip ang guard. “Salamat ho.” Sabi nya.
Natuwa naman ang guard. “Naku, salamat sir.”
Tinanguan nya na lang ito at umalis na. Nawala ang pagod at antok nya. Sa huli ay nagpasya syang mag shower kahit wala pa syang tulog. Baka makatulog sya kapag presko ang pakiramdam nya.
Tapos na syang magbihis nang katukin sya nang katulong.
“Senyorito Nikko, handa na po ang agahan.” Sabi nito.
“Okay, I’ll be coming in a minute.” Sabi nya. Nagsuklay sya at nagpa bango bago bumaba mula sa kwarto.
As usual ay paalis na ang papa nya papuntang opisina kaya mag-isa na lamang syang kakain. Dinig nya pa ang pagsara nang gate nila nang makalabas na ang kotse nang ama. Ang mama nya naman ay nasa Paris, twice a month lang ito kung umuwi dahil may inaasikaso naman itong boutique doon.
“Manang, where’s my fresh milk?” Tanong nya sa katulong. Araw-araw ay may supply sya nang sariwang gatas mula sa maliit nilang farm di kalayuan sa mansion nila.
“Andito senyorito.” Inilapag nang katulong ang tray kung saan nakalagay ang isang baso at isang bote nang sariwang gatas.
Agad syang nagsalin at nilagok iyon. Mabilisan din nyang kinain ang ilang pancakes na nakahain para sa kanya.
“Manang, paki sabi naman kay manong Rudy, pakihanda yung itim na sports car ko. May pupuntahan ho ako.” Aniya matapos kumain. Muli syang bumalik sa kanyang kwarto at nagbihis.
Kahit wala pang tulog ay umalis pa rin sya. Dumiretso sya sa condo nya na binili nya mula sa kita nya sa pagmomodelling. Lahat nang gamit nya roon ay sa sariling sikap nya. Bagamat kinukulit na sya nang ama nya na magtraining na sya sa pagpapatakbo nang kompanya nila ay ayaw nya pa.
Noong una ay wala sa hinagap nya ang ma-model. Isunuggest sya nang sekretarya nang papa nya nang wala pang mahanap na image model ang kompanya nila para sa men’s shoes na isa sa mga produkto nang kompanya nila.
Bukod sa broadcasting company ay may garments factory rin sila. May farm rin sila sa Batangas bukod sa farm na malapit sa kanila. Lahat nang iyon.
Mula roon ay nagkaroon sya nang bagong offer. Hair salon naman, sumunod ay isang brand nang pabango at nasundan pa. Tatlong taon na syang nagmomodel mula nang kappa graduate sya sa course nyang Business Administration. Wala naman talaga roon ang hilig nya ngunit kailangan dahil sya ang nag-iisang tagapag mana.
Only child sya kaya sa kanya ang lahat nang pressure. Lumaki syang malayo ang loob sa mga magulang pero hindi katulad nang iba, out going sya at may social life. Nagagalit lang ang papa nya kapag mag nalilink sa kanyang mga starlet. Napipisil kasi nito si Amber o si Lyndsay para maging girlfriend nya.
Bagamat magaganda ang dalawa ay liberated ang mga ito. Major turn off sa kanya ang ganoon sa isang babae. Buong buhay nya ay iisa pa lamang ang minahal nyang babae. Noong Highschool sya hanggang first year college sya. Si Lauren.
Anak din nang isang businessman si Lauren at nagkakilala sila dahil sa classmate nya na pinsan naman nang babae. Tatlong buwan nya rin itong sinuyo bago nya mapa sagot. Naging masaya naman sila, hindi sya tumingin sa ibang babae at hindi rin naman selosa si Lauren.
Mag-aanim na buwan na sila nang may magsabi sa kanyang common friend nila na nasa mall raw si Lauren at may kasamang ibang lalaki. Agad nya itong kinumpirma kahit na ang sabi ni Lauren na ang pinsan nitong si Glydelle ang kasama nito.
He saw it with his own eyes. Naglalambingan ang dalawa sa isang restaurant. Hindi nya napigil ang sarili at kinumpronta ito. Hindi naman sya gumawa nang gulo o eksena. Nagulat si Lauren pero sa huli ay nagtapat ito.
Ang kasama raw nito ang totoong mahal nito. Si David. Sinagot daw sya nito upang may dahilan daw sya para makipagkita sa lalaki dahil ayaw raw nang mga magulang ni Lauren sa lalaki. Paulit-ulit ang paghingi nang tawad ni Lauren sa lalaki pero hanggang ngayon ay ramdam pa rin ni Nikko ang sakit.
Mula noon ay hindi sya nagkaroon nang romantic involvement sa kahit sinong babae. Isang buwan rin syang nagmukmok pero sa huli ay narealize nya na life must go on. Ang huling balita nya sa babae ay pumunta na raw ito nang states. Doon nito tatapusin ang marketing course nito.
Nang marating nya na ang condo nya ay agad syang pasalampak na nahiga sa water bed nya. Sa tingin nya ay lalo syang hindi makakatulog dahil naisip nya si Lauren. Her angelic face, angelic voice and pouty lips. Ipinilig nya ang ulo.
“Damn. What’s happening to me?” Matigas na tanong ni Nikko sa sarili.
“Hinahanap ka sa akin ni Alex.” Sabi ni Yna. Palabas na sila nang University noon. Tapos na ang activity nila para sa araw na iyon dahil foundation week nang Unibersidad de San Gabriel.
“Hayaan mo sya.” Kibit balikat ni Roxanne.
“Teka nga Rox. Baka naman kasi mali ang narinig mong pinag-uusapan nila Rex? Mag-usap muna kayo ni Alex.”
Umiling si Roxanne. “I heard it loud and clear. Tatlong libo ang pustahan nila. Ang sabi pa nga I Rex, I break na ako ni Alex dahil nanalo na naman na daw ito. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Alex, umalis na ako.” Malungkot na sabi nito.
Nalungkot din si Yna. “Okay. Forget it. Walang hiya talaga yan si Alex. Nagawa ka pang hanapin sa akin.”
“Teka, ano pala balita sa ina-applyan mong company para sa ojt mo?”
“Ewan ko. Tatlong broadcasting company ang pinadalhan ko nang resume eh.” Sabi ni Yna. “Eh ikaw?”
Umling si Roxanne. “Ipapaprint ko pa lang resume ko. Kagabi lang ako nakahanap nang vacancy.”
“I see. Sabi ko kasi sayo, sumabay ka na sa akin eh.”
“Tinamad ako noon eh. Alam mo naman na kapag may buwanang dalaw ako, ayoko nang gumagalaw masyado.”
Tumango si Yna. “Ang init naman.”
“Taxi tayo?” Suhestyon ni Roxanne.
“Sige nga. Nasisira ang beauty natin sa init. Nakakangarag.” Sabi ni Yna.
Thirty minutes lang ay narating na nila ang apartment nila. Agad nilang binuksan patapat sa kanila ang kani-kanilang bentilador.
“May fashion show daw na inorganize ang mga senior sa biyernes. Manunuod ka ba? Later that afternoon, tutugtog ang Stained at Lowcost.” Tukoy ni Yna sa dalawa sa mga paborito nilang rock band.
“Wow. Di nga? Malaki ata ang budget nang mga seniors ngayung taon at nagawa pang magpa fashion show at imbitahin ang Stained at Lowcost.” Sabi ni Roxanne.
“Si Lucille ang president nila, asa ka pa.” Natatawang sabi ni Yna. Si Lucille Roxas ay anak nang senador, ito rin ang ihinirang na president nang lahat nang fourth year sa kanila.
Biyernes. Lahat nang estudyante ay hinihintay ang fashion show. Maraming sikat na model at celebrities raw kasi ang inimbitahan, mga kaibigan raw ni Lucille ayon sa kanya.
“Nagpabida na naman sya.” Naiiling na sabi ni Yna.
Tumawa si Roxanne. “Ano pa? Mga kaibigan nya nga raw eh.”
Ilang saglit pa ay napuno na nang tilian ang buong court nang University. Isa-isa nang rumampa ang mga modelo. Marami nga ang medyo kilala roon.
“My God, si Rob Perez!” Kinikilig na sabi ni Yna.
“Oh, si Anton! Yna, si Anton!” Sigaw naman ni Roxanne. Tnuturo nila ang mga modelo. Halos magkanda tapon tapon na ang popcornna kinakain nila.
“Shit ang sexy talaga ni Gwen.” Roxanne said nang rumampa naman ang isa sa babaeng modelo.
“Mas sexy si Margerette!” Yna exclaimed.
Enjoy na enjoy sila sa panunuod nang biglang may makitag pamilyar na mukha si Roxanne. Naubo sya at nabitawan ang popcorn na hawak.
“Gaga ka Rox! Bakit mo tinapon yung popcorn?” Hinila ni Yna ang buhok nito.
Tila naman natauhan si Roxanne. “Y-yna, yun yung lalaking nakita ko last week. Yung lalaki sa c.r.” Mahinang sabi ni Roxanne. Hindi nya maalis ang mata sa lalaking rumarampa.
“What?!” Napatitig rin si Yna sa lalaki.”S-sigurado ka Rox?”
Tumango si Roxanne. “Sigurado ako, ano ka ba!” Para syang nanghina. “Di ba sabi ko sayo para syang artista? Oh teka, yung babaeng yun, yun ung kasama nya nung gabi na yon. Yung nag walk out!” Turo nya sa isa pang babae.
Si Yna naman ay tila hindi makapaniwala. “Shit ka. Sigurado ka ba talaga?”
“Ano ka ba Yna. Sila nga yun. Shocks nakakahiya. Model pala sila. Siguro hanggang ngayon magkaaway pa rin sila.” Naiiling na sabi ni Rox.
“Sige nga. Lapitan natin mamaya.” Sabi ni Yna. Tila kinilig ito.
“Bitch. Ayoko nga. Ikaw na nagsabi na yari ako dyan kapag nakita ako nyan eh.” Tanggi nya.
Tumayo na si Yna. “Tara.” Aya nito kay Rox. Hinila nya ito patayo.
“T-teka Yna, saan tayo pupunta?” Napatayo na rin si Roxanne.
“Basta. Trust me.” Hila pa rin nito si Roxanne hanggang makalabas sila nang court. Dahan dahan silang pumunta sa likod nang court. Meron doon pinto papasok sa backstage at may mga gwardya na nagbabanatay roon.
“Yna, ano bang ginagawa natin dito? Don’t tell me lalapitan natin yung lalaki?” Kabado na sabi ni Roxanne. Si Yna kasi ang tipo na sugod kung sugod.
“Ssh! Ako ang bahala.” Hila pa rin nito ang kaibigan. Umikot pa sila at pumunta sila sa parking lot.
“Yna! Ano bang ginagawa natin dito?”
“Hihintayin natin silang lumabas.”
Nanlaki ang mga mata ni Roxanne. “Mas baliw ka pala sa akin eh! Ayoko Yna. Kung gusto mo ikaw na lang!” Pilit syang kumakawala sa pagkaka hawak nang kaibigan.
Lalo naming humihigpit ang hawak ni Yna. “No, Rox. Just this once. Ano ka ba. Malay mo maging kaibigan pa natin sya.”
“Nag-away na nga sila nang girlfriend nya dahil sa akin, magiging kaibigan ko pa kaya yan? Baliw ka.” Iling ni Roxanne.
“No. Dito ka lang!” Parang bata na nagmamaktol si Yna.
“Yna, ayoko talaga, nakakahiya.” Pilit pa ring binabawi ni Roxanne ang kamay sa kaibigan.
Sabay silang napalingon nang may tila lalaking parating. Nanlaki ang mga mata ni Roxanne nang makitang ang lalaki iyon. Halatang namukhaan sya nito.
“My God Yna andyan na sya. Ayoko!” Ubod nang lakas na inalis nya ang kamay nang kaibigan at tumakbo. Hinila nya na rin si Yna na wala nang nagawa at nagulat rin.
“Miss! Sandali lang! Hey! Miss!” Dinig pa nilang tawag nang lalaki ngunit dire-diretso lang silang tumakbo not knowing na nalaglag ang ilang gamit ni Roxanne mula sa bag nyang bukas pala.
Kaninapa hindi mapakali si Nikko. Hindi nya alam kung tatawagan nya ang babae o hindi. Hindi sya interisado rito, nais nya lang malaman kung bakit bigla sya nitong ipinakilalang boyfriend. Napulot nya ang binder nito at isang pouch kung nasaan nakalagay ang pera nito, eyeglasses at ilang personal na gamit. May nakalagay na landline number sa binder nito at address. “Nikko, Friday ngayon. Hindi ka ba sasama mamaya sa gimik?” Tinapik ni Jake sa balikat ang lalaki. Nakapagbihis na ito. Kakatapos pa lamang nang fashion show sa isang foundation day nang isang unibersidad kung saan sila inimbitahan. “Hindi ko pa alam pare. Tawagan ko na lang kayo. And please, sana naman hindi na makarating kay Amber to. She’s a mess!” Naiiling na sabi nya, hawak pa rin ang pouch at binder. Napansin naman ito ni Jake. “Oh, bakit may binder ka? Pati pouch na pink?” Nangunot
Threemonths ang OJT period nang magkaibigan na Yna at Roxanne. Isang araw na lang at papasok na si Roxanne, si Yna naman ay next week pa kaya naka tengga lang sila sa bahay nila pansamantala. “Naku ha. Kung alam ko lang na mabait naman pala yang papa Nikko mo na yan, edi sana nung time na tinakbuhan natin sya ay nagpaiwan ako.” Sabi ni Yna. “Mabait? Me sinabi ba ako na mabait sya? Hay nako Yna. Hindi ko matantya ang kayabangan nang lalaki na iyon. At kaya ako pumayag sa ganoong set-up ay alam mo na ang dahilan.” Naiiling na sabi ni Roxanne. “Tinulungan nya ako kaya hindi na ako makatanggi.” Ksasalukuyan na nagpaplantsa nang mga damit na gagamitin nya si Roxanne habang kumakain naman nang chicharon si Yna at nakikipag kwentuhan sa kanya. “Bongga ka pa rin, Rox. Model yun, at halatang madatung. Libo ang kinikita noon isang
“Paanongnagkaroon baby dyan?” Agad na tanong ni Roxanne, nanlaki ang mga mata nito. Lumingon si Nikko sa kaliwa at kanan. “Push cart ba natin to?” Tanong nito kay Roxanne. Marami pa ring tao pero busy ang mga ito sa pamimili. Tiningnan ni Roxanne ang laman nang push cart kung saan naka upo ang baby. Nakangiti pa rin ito. “Oo!” Tumango s Roxanne. “S-sigurado ka?” Si Nikko. “O-oo. Heto yung mga pinili natin kanina.” Halata pa rin ang kaba sa mukha ni Roxanne. Nagkatinginan ang dalawa. “Shit. Kaninong baby yan?” Napamura na si Nikko. Napahawak ito sa sariling noo. Naglalaro pa ang baby nang hawak nitong isang piraso nang rubber blocks. “Teka, ipa-page natin to’ng baby. Baka di sinasadyang nailagay sa push
“I have aphotoshoot later, ikaw muna ang bahala kay Raven.” Sabi ni Nikko sa kabilang linya. Naiiyak nya pa ang cute na boses ni Raven sa background. Tila naglalaro ito. Napatayo si Roxanne mula sa kinauupuang office chair nang marinig ang sinabi ni Nikko. Isang lingo nang nasa pangangalaga nila si Raven, at salitan sila sa pag-aalaga dito. Pumupunta na lang sya sa pad ni Nikko dahil baka ma chismis pa sila pareho kapag nasa apartment nila ni Yna ang bata. Tinutulungan rin siya nang tagalinis nito na si Manang Tising. “What? Nasa trabaho ako Nicholas. Ano ba? Hindi ba pwedeng maghanap ka muna nang mag-aalaga sa kanya?” Mahinang sabi nya. Nagtago sya sa gilid nang lamesa nya dahil baka mahuli sya nang supervisor. “C’mon Roxanne. Hindi ko pwedeng ipa cancelled ang photoshoot na ito. One month nang naka schedule to, lalo namang hindi ko pwedeng dalhin si
“Roxanne, pinapatawag ka ni ma’am.” Si Sandra iyon, isa rin sa mga nag o-OJT sa department na iyon. Magka edad lamang sila pero mas mukha itong matured sa kanya. Palagi kasing nakasalamin. Tiningala ni Roxanne ang babae. Nakaupo lamang kasi sya. “B-bakit daw? May error ba sa files na pinasa ko?” Agad nyang tanong. Natawa si Sandra. Hindi, ano ka ba. May sasabihin ata. Kanina ka pa nya hinihintay eh.” Sabi nito. May hawak rin itong mga papeles. Isa ito sa mga una nyang nakapalagayan nang loob. Na late sya nang almost thirty minutes dahil hinatid nya pa si Raven sa pad ni Nikko. Hinatid kasi ni Nikko si Raven sa apartment nila ni Yna alas diyes nang gabing iyon dahil biglaan dawn a nag-aya ang mga kapwa nya model na mag-inom sa pad nya. Nang makumpirma nya na nakaalis na ang mga kaibigan nito nang umagang iyon ay ihinatid nya na si Raven dahil may
Isang oras pa ang lumipas at narating na nila ang lokasyon. Madami nang tao at may naitayo na ring set doon. Nature ang theme kaya doon ginanap ang photoshoot. “Ang alam ko, part pa rin ito nang Hacienda Victoria, eh. Hmm. Ang sabi nila mama at papa, may pagka masungit daw ang may ari nitong lupa. Paano kaya nila napa payag na dito mag photoshoot?” Out of the blue ay sabi ni Roxanne. Narinig iyon ni Nikko at natawa ito. Kunot ang noo na tiningnan ni Roxanne ang lalaki. “Anong nakakatawa?” “Wala naman.” He stopped. “Amber is coming. Yakapin moko.” Bigla ay bulong nito. “H-ha?” Bagamat narinig nya nang malinaw ang sinabi nito ay hindi nya agad nakuha kung paano nya ito yayakapin. Wala silang close contact nito bukod sa tuwing kinukuha nya mula sa pagkaka karga si Raven dito.&nb
“I don’t know Yna. Naguguluhan ako sa mga pangyayari. Nakaka asar naman kasi eh.” Tila maiiyak na syabi ni Roxanne habang k“ausap si Yna sa cellphone. “My God. Napak misteryoso pala ni Nikko no? Eh si Raven?” Sabi nang nasa kabilang linya. Kinwento nang kaibigan ang mga pangyayare, lalo na ang nalaman nyang napaka yaman pala nang kasama nito. “E-ewan ko. Pagkaturo sa akin nang gagamitin ko raw na kwarto, hindi pa ako lumalabas. Naiinis ako kay Nikko. Nag mukha akong tanga!” Pumadyak pa sya pagkasabi. Napahagikhik si Yna. “Ayos lang yan. Ayaw mo nun, kaibigan mo ang amo nang mga magulang mo?” Umupo sa gilid nang kama si Roxanne. “Ah basta. Naiinis ako sa kanya Yna. Grabe. Hindi na lang ako uuwi sa amin. Ano na lang ang sasabihin nila mama kapag nalaman na kasama ko ang Nicholas na yun?” Bumuntong hininga sya.
“P-pasok kayo.” Linuwagan nya ang bukas nang pinto. Kinuha nya si Raven kay Nikko at agad itong linawayan. “Hinid na kita tinawagan. Nakita ko’ng ito’ng nag iisang bahay na bukas ang ilaw eh.” Sabi ni Nikko. Noon din naman ang paglabas nang mag-asawa sa kwarto. “Nay, tay, si Sir Nikko po.” Diniinan nya ang salitang ‘sir’. “M-magandang gabi ho. Pasensya na po kayo sa istorbo.” Magalang na sabi ni Nikko. “Aba’y kalaki mo na nga? Huling beses kitang nakita, trese anyos ka pa lang senyorito.” Nakangiting bati ni Rosita. “Maupo po kayo Senyorito.” Sabi naman ni Lando.Alas dose na nang madaling araw ngunit gising na gising pa rin si Roxanne. Katabi nila nang nanay nya si Raven, samantalang si Nikko naman ay k