Share

D-03

Maaga akong nagising kinabukasan. Mas nauna pa akong bumangon kaysa sa pagtunog ng alarm clock ko. Hindi ko din alam but I feel energetic today.

"T-teka, tama ba nakikita ko?" Parang ewan na tanong ni Haeden nang pumasok ako sa classroom.

Natatawang umirap ako sa kaniya.

"Himala! Bakit hindi ka late ngayon?" Napanguso ako.

"Hindi ba pwedeng maaga lang nagising kaya hindi ako late? Asar 'to." Tinawanan nila ako ni Seth.

"Nakakapanibago lang. Imagine, almost 7 months na tayong magkakaibigan at pumapasok sa same University, pero ngayon ka lang hindi nalate." Biglang naningkit ang mata ni Seth. "May crush ka 'no?"

Alam ko naman na wala pero bigla na lang nag init ang mukha ko. Halata pa naman sa akin kapag namumula kasi maputi ako!

"Wala 'no!"

Dahil sa nakita nila, mas ngumisi silang dalawa at nacorner pa ako. "Sabihin mo na Krissy, may crush ka 'no?"

Pinakalma ko ang sarili ko at seryosong tumingin sa kanila. Wala naman kasi talaga e. "Wala nga, okay? Huwag niyong bigyan ng malisya ang pagpasok ko ng maaga. Simpleng bagay lang 'yon."

Mabilis na tinulak ko sila ng bahagya para maupo na sa seat ko. Pinagpapawisan ako kahit malakas naman ang aircon namin! Nakakainis!

"Malanding 'to! Malalaman din namin 'yan." Pagpupumilit ni Seth. I sigh in defeat.

Sometimes, being quiet really do helps.

"Saan tayo maglalunch?"

We have an early lunch dahil wala ang prof namin for next subject, meaning may 2-hours vacant kami excluding the lunch time.

"KFC? Parang bet ko chicken."

Tumango na lang din ako at nakiayon sa kanila. "Girls!"

Natigil kami sa paglalakad nang sumigaw si Rosé sa gitna ng hallway. "Wait lang!" I shrugged my shoulders when Haeden looks at me with curiousity in her eyes.

"Lunch na kayo?" She asked when she approached us.

"Yep. Sa KFC."

Nagulat ako nang pumapakpak siya ng isang beses.

"Kuya invites us for lunch. They're in Santorini. G kayo?"

Kuya Jonathan? Why would he invites us?

"Libre ba?" Binatukan ni Seth si Haeden dahil sa tanong nito.

"Yess! Treat daw ni Kuya. Nakakapagtaka nga e, sobrang kuripot no'n. So take advantage na natin." She winks at us kaya napailing na lang kami.

Naglakad na kami papuntang Santorini. It's just good in timing tho kasi nagke crave ako sa korean foods. To top it all, libre pa.

But would it be nice to be treated by the guy you hated? I pursed my lips together. I shouldn't really have to get myself involve with them. I mean, hey! Pake ko ba sa relasyon nila? Wala namang ginagawang masama sa akin si Kuya Jonathan, isa pa, kapatid siya ng kaibigan ko so yeah. Chill, Krissy. You have to chill things out.

I played with my phone while we are waiting for them to arrive. It turns out kasi na few minutes pa before matapos ang last subject nila for this morning. They might've been very busy pero thinking how wild they got drunk last night? Wow! Just wow.

"Heyyy!" Sabay sabay kaming nag angat ng tingin nang marinig ang boses nila na paparating. Now that they are here, I suddenly felt awkward.

Hindi ko alam paano ko papakibagayan ang mga seniors namin. Masyadong malayo ang agwat ng edad at isa pa, medyo hindi talaga ako okay sa pakikisama. Pili lang ang mga kaibigan ko.

"Anong nakain mo Kuya at bigla kang manlilibre?"

Umupo sa kabilang table ang mga kasama niya. Siya lang din naman kasi ang lumapit sa table namin.

Nagkibit balikat siya at ngumiti sa amin. Hindi naman yata natanggal ang ngiti niya eh. Paano kaya alisin 'yon? Wala lang, gusto ko lang itry.

"Masama ba?" He scoffed at his sister. Inirapan lang din naman siya pabalik.

"Feeling ko may balak kang masama sa amin kaya mo kami ililibre e."

Hindi makapaniwalang napatitig siya sa kapatid. He smirked and then shook his head as if he cannot really believe that his sister told her that.

"Whatever. Just pick whatever you want to eat, it's all on me."

"Thank you, Kuya." I said out of respect.

There was a sudden tension because of what I did. Napatingin din ang mga kaibigan ko sa akin kaya napataas ang kilay ko. May mali ba sa sinabi ko?

Wala na ang ngisi sa labi ni Kuya Jonathan nang bumalik ang tingin ko sa kaniya. The side of his lips rose instead. "I'll see you again later, girls."

"What was that?"

"Ano 'yun?" Seth asked as well. Nakataas ang kilay ko na tiningnan sila.

"What do you mean?" Pinakatitigan ako ni Seth at pumahalumbaba pa.

Nailang ako kaya umatras ako ng konti. Anong problema ng mga 'to?

"Oh my gosh!" Hinigit ni Haeden ang braso ko at pinaharap ako sa kaniya. "Don't tell me, crush mo si Kuya Jonathan?" Potaena?

"What the hell are you guys saying?"

Hindi ko alam kung saang lupalop ng impyerno nila nakukuha ang mga salitang sinasabi nila ngayon. It's getting creepy.

"Wala lang. Nevermind. Imposible naman 'yon."

"Baliw na ba kayo guys? Hindi din ako papayag na mapunta si Krissy kay Kuya 'no? She deserves more than that. Ayokong masaktan ang kaibigan natin."

My lips parted in disbelief. Are these people for real? Anong pumapasok sa kukote nila at naiisip nila ang ganitong bagay? Gahhh! Kaasar ha?

"Oo nga pala, malapit na ang Paskuhan. Sino isasama niyo?"

Hindi ako nakikinig habang nag uusap sila. As much as I want to come to Paskuhan and experience it, hindi pwede. INC ako kaya wala kaming pasko. It's not like I want to come anyways. For sure na magsasama sila ng date at wala akong balak na maging chaperone ng kahit na sino.

Walang problema kahit single ako, hindi nga lang ako papayag na maging thirdwheel kahit pa sa mga kaibigan ko. I'd rather sleep at home or watch K-Dramas than to make myself suffer in such boredom.

"Krissy!"

They say, "Never speak to the devil for the devil shall show up." Eh bakit ako? Nananahimik na nga ako dito, may kung sino pang anak ni Poncio Pilato ang dumating!

"May gagawin ka sa Saturday?" Tamad na tumingin ako sa kaniya. He has this smug look in his face.

Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa paligid namin. He's Levi Altamirano, my childhood bestfriend. Buong akala ko ay magkakahiwalay na kami ngayong senior highschool kasi balak niyang ipursue ang pagiging basketball player, kaya gusto niya sana sa Ateneo. Pero kung tatamaan nga naman ako ng kawertihan, mukha niya kaagad ang nakita ko nang mag enroll ako dito sa UST.

"Bakit?" Asar na tanong ko.

Sobrang kalmado kong tao pero kapag nakikita ko talaga siya, bigla na lang tumataas ang alta presyon ko.

"Samahan mo naman ako. Ililibre kita, promise! Maglilipat ako ng gamit sa bago kong condo." Nagkasukatan kami ng titig. Nagpuppy face pa ang gago akala mo naman cute, mukha namang literal na aso. Hayy!

"Fine. Sunduin mo na lang ako sa bahay."

"Yess!" Sumuntok suntok pa siya sa hangin, akala mo naman magdedate kami. Umiling na lang ako sa kalokohan niya. Hindi ko din alam kung paano ko natitiis ang pagmumukha niya sa araw araw.

"Maka yes ka naman diyan, Levi. Date lang ang peg?" Pagrereact ni Seth.

Napatawa ako sa sinabi niya lalo na nang umakto si Levi na papatulan siya.

"Sunduin kita, ha?" Tinanguan ko na lang siya.

Paano niya kaya nalaman na nandito ako? Corny din no'n, e. Kapag tinatanong ko minsan kung paano niya ako nahahanap, palaging ang sagot ay "Kasi destiny ang gumagawa ng paraan para magtagpo tayo." And believe me when I say na kulang na lang, literal akong masuka.

Parang incest kung sakaling maging kami kasi lumaki kami na kapatid ang turing sa isa't isa.

"Ahh grabe! Nabusog ako." Nakaupo na lang kami sa lamesa at tapos nang kumain. Medyo nagpapahupa na lang ng kinain. Napasobra yata kami sa pagke crave ng korean foods kaya nasabik kami tapos heto, hindi kami makatayo.

Napangiwi ako nang humilab ang tiyan ko. Gosh! 'Wag ngayon, parang awa mo na!

"Nabusog ba kayo?" Kumuha ng upuan si Kuya Jonathan at naupo sa tabi ng kapatid niya, which is sa harapan ko lang.

Bigla akong pinagpawisan ng malagkit. I don't even know why I react this way whenever he's around.

"Yes, Kuya! Grabe, nasobrahan yata kami." Pagsagot ni Seth.

Sumulyap sa akin si Kuya kaya agad akong nagbaba ng tingin. Hindi din naman nagtagal ang tingin niya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Lumalandi na ba ako sa lagay na 'to? I mean, nagkakacrush naman ako pero hindi ganito ang reaksyon ko kapag gano'n. Either makapal ang mukha ko na harapan akong umaamin or lowkey crush lang. 'Yung tipong may kilig pero walang patutunguhan.

"Nathan," natigilan kaming lahat nang may lumapit sa table. Pinasadahan niya kami ng tingin, mas maganda pala siya sa malapitan. Mas matangkad ako sa kaniya at mas maputi, pero siya 'yung tipo ng ganda na hindi mo pagsasawaan. "I've been looking for you."

Kuya Jonathan laughed. Nagtinginan ang mga tao sa paligid namin. Is this scene 2.0? Gahh! Bakit sa harapan na naman namin? I'm already working on not hating Kuya Jonathan pero mabibigyan na naman ako ng dahilan neto.

"Who even told you to look for me?" Balewalang tanong ni Kuya kay Cassiedy na nakatayo sa harap ng lamesa namin ngayon. Halatang napahiya siya pero hindi siya nagpaapekto.

I wonder how she even handles it? Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya, I would've run away and never approach this guy, ever again. Pero siya? Bakit hinahabol habol niya pa?

"I just need to talk to you, Nathan. Please." She sounded almost begging. Naaawa ako sa kaniya pero hindi ko din maiwasang magtanong.

Ganito ba ang pagmamahal? Ginagawa kang mahina sa panahon na kung saan kailangan mong maging malakas? Na kung saan wala ka nang pakialam sa sasabihin ng iba, sa magiging reputasyon mo sa mga mata nila, basta maging masaya ka?

Hindi ko maintindihan.

Pero kung ganito ang pagmamahal, parang ayaw ko nang maranasan pa 'yon.

Hindi dahil takot akong magmahal, but because I am more afraid that I will just experience what Ate Cassiedy is experiencing right now. I can only imagine how deadly and painful it is.

Tumayo si Kuya at seryosong tinitigan si Ate. Tahimik lang kaming nakatingin sa kanilang dalawa at hinihintay ang susunod na pangyayari. Pumamulsa si Kuya at naglakad na palayo.

"I'll call you after class. We'll talk, and make sure to understand all the thing I will tell you."

"Grabe, 'no?" Biglang sabi ni Haeden habang nakaupo kami sa may bench sa tapat ng main building.

Madami ang estudyanteng naglalakad paroon at parito. I was thinking that maybe I could just continue studying in College here, but I am still undecided.

"Bakit?" Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa ni Seth. Sumisimsim sa milktea na inilibre ni Levi kanina nang magkasalubong kami sa may entrance.

Alam niya kasi na kapag nagkaka-indigestion ako, umiinom ako ng milktea. Ayos din naman 'yon, e. Madalas akong nakakalibre kapag kasama ko siya, 'yun nga lang, mabilis din yata akong tatanda sa konsumisyon sa kaniya.

"Hindi ko maintindihan bakit habol pa ng habol si Ate Cassiedy kay Kuya Jonathan. Imagine mo naman, ilang beses ka nang pinagtatabuyan tapos hahabulin mo pa din? May mga babae pala talagang gano'n."

"Baka naman kasi mahal lang talaga niya. They've been together for almost 6 years, e. Sobrang hirap bitawan no'n lalo na kung ang petty lang ng reason for break up."

I think I agree with what Haeden said. Pero given man 'yon, hindi pa din naman siguro tama na palagi kang naghahabol sa isang lalaki. Know your worth.

Tumayo na ako nang maubos ang milktea. We still have time before our next class.

"Saan ka pupunta?" Seth asked.

"Maglalakad lakad lang. I'll meet you guys at the classroom."

I didn't wait for their response. Umalis na lang kaagad ako. Itinapon ko sa nadaanan kong trash can ang pinag-inuman ko ng milktea at tahimik na naglakad. The weather today is a bit gloomy tho.

Malapit na ang pasko at nagsisimula nang magsunod sunod ang mga events sa school pero hindi ko pa din magawang umattend. We are not really forbidden as in forbid, I just chose not to. I don't have any reasons, anyway.

"Krissy!" Natigil ako sa paglalakad nang may humablot sa palapulsuhan ko.

"Kuya.." I called him out. Hinahapo pa siya at pinagpapawisan dahil galing sa pagtakbo.

Wala ang ngisi niya at ang mapaglarong mga mata. I can't understand why my heart is even beating too fast, parang nakitakbo sa kaniya.

"Can I have a minute with you?"

"W-why?" I slowly asked.

Tumayo siya ng diretso at binitawan ako. Napatingala tuloy ako kasi ang tangkad niya. Halos hanggang balikat niya lang ako. It's rare, though. Matangkad kasi ako, 5'6, it's hard for me to find someone to like who could be taller than me.

Wait...

What did I just say?

"Sandali lang, promise! Ibabalik kita before class niyo."

Hindi pa man ako nakakasagot ay nahigit niya na ako papunta sa kung saan. Noon ko lang din napansin na nasa kalagitnaan pala kami ng lover's lane.

What kind of situation am I putting myself into?

*****

Marie Mendoza

@ThirdTeeYet

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status