Share

Chapter 1

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2025-02-13 22:00:37

MABILIS ang kilos ng personal driver ni Halina pagkahinto ng sasakyan sa parking lot ng  A&K Couture para ipinagbukas siya ng pinto ng sasakyan. Agad na yumuko ang dalawang guard na dumaan sa kanya nang makababa siya, subalit wala siyang reaksyon. Parang wala lang ang mga ito. Normal na iyon sa mga tauhan niya kaya wala siyang narinig mula sa mga ito.

Mula nang mag-take over siya sa kumpanya ng ina, ganoon na siya kalamig sa mga tauhan niya, kaya walang bago sa pakikitungo. Kahit noong magtapos siya ng kolehiyo ay malamig na siya sa mga tao— lalo na sa mga mahihirap, sa hindi niya ka-level. Hindi siya nakikipag usap sa mga ito.

Bago pa siya makarating sa elevator ay inunahan siya ng driver niya para pumindot ng button. Seryosong pumasok siya at pumuwesto sa pinaka gitna, ang driver niya, hindi sumakay. Ayaw niyang may kasabay sa elevator. Saka may naghihintay na sa kanya sa taas, si Fanny— ang secretary niya.

“Good morning, Miss Halina.”  Sabay kuha sa kanya ng clutch bag niya. “Naka-ready na po ang showroom para kay Mr. Fuller.”

“Good.”

Binati siya ng mga nakasalubong niyang staff pero hindi siya tumugon. As usual, parang hindi niya nakita ang mga ito.

At 9am, may meeting siya sa importanteng client nila, kaya inagahan niya ang pasok niya ngayon. 

Agad na hinarap ni Halina ang nasa desk niya. Mukhang urgent ang nakalatag kaya kinuha niya iyon. Announcement galing sa mother company nila. Next week na ang simula nang rotational ng mga staff. Yearly naman nangyayari itong rotational, ginawa ito para lahat alam ang mga gawain lalo na pagdating sa production ng kanilang produkto. Hindi pwedeng isan trabaho lang ang mga ito. Minsan, kailangan nilang kumuha ng tao sa ibang kumpanyang hawak nila kapag marami ang production.

Napakunot siya ng noo nang makita ang isang job role na nakalista. Inangat niya ang intercom phone at pinindot ang linya ng secretary na si Fanny. 

“Tell my brother na tanggalin sa listahan ang Illustrator.” Sabay patay ng linya.

May mahalagang kliyente siya ngayon, at ang kasalukuyang Illustrator ang may alam ng mga designs na gusto ng kanilang kliyente, kaya hindi niya ipapasama ang job role na iyon. Baka mamaya mabulilyaso pa. 

Ilang sandali din niyang tiningnan ang mga nasa mesa niya bago sumilip si Fanny. Napatayo na siya nang sabihin nito na nasa baba na si Mr. Fuller. Lumabas siya para salubungin ito at iginiya sa showroom nila.

Maghapon siyang abala. After ng meeting niya with Mr. Fuller ay may meeting din siya sa ibang client kasama ang secretary niya. Pasado alas kuwatro na ng hapon sila nakabalik. At hindi niya akalaing makakatulog siya sa upuan niya. Nagising lang siya dahil sa tawag. 

Unfamiliar number pero sinagot niya pa rin. Sigurado siyang isa sa mga nabigyan niya ng calling card niya. Maybe potential client.

“Halina? Hello? Is this Halina Hernandez?”

“Yes. Who am I speaking with?” 

“Oh God. It’s me, Seth. Remember me? Your classmate in Avelino University.”

Saglit na natigilan si Halina nang marinig ang sinabi nitong unibersidad. Oo, kilala niya si Seth dahil classmate niya ito at sa kaliwa niya ito nakapwesto.

“What?” aniya sa masungit na himig.

“I got your number sa kakambal mo, kay Kalei. I just want to invite you sa reunion ng batch natin.”

“I did not graduate in AU, so why are you inviting me?”

“Yeah, I know. Pero para sa lahat ng nag-aral ito sa University, grumaduate ka man o hindi.”

Napataas siya ng kilay. Wala sa bukabularyo niya ang bumalik sa school na iyon kaya hindi siya a-attend. For what? Wala naman siyang kaibigan doon.

“Pia is asking kung pupunta ka.” Lalo siyang natigilan nang marinig ang pangalang iyon.

“I’m sorry, Seth. Pero mag-out of the country ako sa susunod na linggo.” Nakalimutan niyang itanong kung kailan, sana lang sa susunod na linggo nga iyon or sa mga susunod na week. “For five months. Kaya hindi ako makaka-attend. Alright? Anyway, thanks for inviting me.”

Akmang papatayin niya ang linya nang magsalita ito. “Sa Saturday ito, hindi next week. I’m working at the university now. Ako ang in charge sa batch natin, and I need attendees, kaya ako ang personal na tumawag sa inyo. Please? Or else malalagot ako kay Dean.”

Hindi siya nakaimik.

Naging mabuti ito sa kanya naman. Wala siyang problema dito kaya wala naman sigurong masama kung um-attend.

“Alright, I’ll go. Pero in one condition.”

“‘Kay. What is it?”

“Don’t tell anyone na pupunta ako— lalo na kay Pia. Aalis din naman kasi ako agad after ko mag-attendance. I’m so busy para sa iyong kaalaman.”

“Noted, Halina. Promise, wala akong pagsasabihan. Basta pumunta ka lang. Okay?”

Wala siyang masabi kaya hinayaan niya itong magsalita.

“Ang mahalaga naman ang attendance. Doon kasi magbabase si Dean...”

Napasandal si Halina sa swivel chair niya nang matapos ang pag-uusap nila ni Seth. 

For how many years niyang iniiwasan ang unibersidad na iyon? Hindi na niya alam. Basta, simula nang umalis siya doon, kinalimutan na niyang naging estudyante siya doon.

Kaakibat nang pagpayag niya ang pangambang makita ang kaisa-isang tao. Ayaw na niyang balikan ang nakaraan niya. Ang laki ng naging impact no’n sa buhay niya. Kung paano siya binago nito. 

Pinalis niya sa isipan ang bagay na iyon. Saglit lang naman siya. At right after niyang mag-attendance ay aalis din kaagad siya, kaya hindi na dapat niya pinoproblema.

Inangat niy ang telepono para kausapin ang sekretarya.

“Fanny, bring me five dresses to choose from for the party. By the way, we're talking about a reunion.”

“Duly noted, Miss Halina.”

Ilang sandali lang ay may kumatok at kasunod niyon ang pagbukas ng pintuan. Nilakihan pa ni Fanny ang pinto para makapasok ang rolling closet na hila-hila ng staff nila, halos kulay itim ang mga naka-hang doon. 

Tumayo si Halina at isa-isang tingnan iyon. Hindi lang lima iyon, sa tingin niya lagpas kinse na damit. Sabagay, ilang beses niya kasing pinapabalik si Fanny sa personal closet niya kapag hindi nagustuhan ang mga nailabas nito, kaya siguro dinamihan na nito. 

Lumapit siya sa malaking salamin na bitbit din nila at tiningnan ang sarili habang nasa harapan niya ang dress. 

Halos lahat naman  gusto niya kaya nahirapan siya pumili. Napabuntong hininga siya. 

“Ayaw niyo po ba ng skin tone, Miss Halina? Bagay po ’yon sa inyo.”

Nilingon ni Halina ang nagsalita. Hindi siya pamilyar kaya kunot ang noo niyang hinanap iyon. Nahuli niyang siniko ni Fanny ang nasa tabi nito, bandang kanan. Nang mapansin ng mga ito na nakatingin siya at natigilan ng mga ito. 

“Get out!” Aba’t mas marunong pa sa kanya?

“M-ma’am, sorry ho—”

“Fanny, get her out of here!” sigaw niya na ikinatalima ng secretary niya.

“Yes, Miss Halina!” Sabay hila ni Fanny sa babae. “Let’s go, Gayle.”

Napahilot si Halina sa noo. Ito pa naman ang ayaw niya sa mga staff niya, ang pinapangunahan o pinapakialaman siya. Hindi niya kilala ang babaeng iyon, marahil, bago lang. Pero dapat inaalam muna nito ang lahat bago sumingit!

Imbes na pumili ng susuotin, nagpasya na lang siyang umuwi. Pero bago siya umuwi ay may binilin siya kay Fanny.

Hindi mawala-wala ang inis sa kaniya kaya nagpasya siyang maglibang nang gabing iyon. Last minute na siya nakapili ng kaniyang susuotin. Isang full-length black sleeveless evening gown with a deep V-neck design ang kaniyang napili.  Ganoon din ang likod no’n, kita ang makikinis niyang likod. Of course, itim din ang kanyang sapatos. 

Napatingins si Halina sa pintuan nang marinig ang sunod-sunod na katok. Ilang sandali lang ay sumilip ang kakambal.

“Are you done?” Nakataas ang kilay nito.

“What do you think?” Sabay tapat ngflower hairclip na kulay itim rin.

“God! Para kang a-attend ng burol.”

“This is my fashion, you know that!”

“Oh, I forgot. Ang cool nga, e.” Sabay tsk nito.

“Sunod na lang ako,” aniya rito.

“Bilisan mo, at late na tayo.”

Dapat hindi siya sasabay rito, kaso, wala siyang driver ngayon dahil kasama ng magulang niya. May sariling lakad din ang mga ito.

Kinabit lang niya ang bulaklak sa kanang bahagi ng buhok niya at tiningnan ang sarili sa salamin. Medyo napangitan siya kaya tinanggal na lang niya iyon. Simpleng ponytail na lang ang ginawa niya. Actually, sakto lang ang haba ng buhok niya, hanggang balikat. Pero naging mahaba na dahil nilagyan niya ng extension.

Napangiti siya nang ma-satisfied siya sa ayos ng buhok. Dinaanan niya ang clutch bag sa kama na nakahanda na at lumabas na.

Sa totoo lang, kinakabahan siya ngayong gabi. Sana lang hindi dumalo ang mga ayaw niya makita ngayong gabi. Balak niyang magtagal kapag wala ang mga ito, pero kapag dumalo, ayon lang— uuwi agad.

“We’re here,” untag ni Kalei sa kanya nang maka-park na ito sa loob ng unibersidad nila.

Ilang lunok ang ginawa niya bago tumingin sa ilang mga tao na naglalakad papasok. Kasabay din niyon ang pagkabuhay ng pamilyar na pakiramdam.

“Nandito tayo para sa event, hindi para sa kanila. Alright? Let’s enjoy the night, Halina.” 

Tumingin si Halina sa kakambal pagkuwa’y ngumiti. Ayaw niyang ipahalata rito na aapektuhan pa rin siya ng environment. 

Tinanggap niya ang kamay ng kapatid nang pagbuksan siya nito. Pero bago iyon, nagpakawala siya nang buntong hininga para pakalmahin ang sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author..
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Buti nalang Halina kasama mo si Kalei..
goodnovel comment avatar
Jenyfer Caluttong
ang supportive na Kapatid ni Kalei
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 58: His Plan

    NAKA-OFF ang cellphone ni Halina habang nasa himpapawid sila. Hindi niya alam na tawag nang tawag si Goddy sa kanya. Kaya nang makausap niya ito nang hapon ng alas kuwatro, halata ang iritasyon sa boses nito.“Nag-usap naman tayo kagabi, a,” aniya rito.Nasa likod siya noon ng bahay nila. Siniguro pa niyang walang nakikinig.“Wow. Kagabi? Sa pagkakaalala ko, naputol ang linya at wala nang kasunod na sagot galing sa ‘yo.”Napalabi siya. Umalis siya kagabi saglit para bumili ng gamot ni Troy. Nahilo raw kasi ito noong last na sakay nito ng helicopter kaya binilhan niya pa ng gamot na akma sa edad nito.“Sorry na,” masuyong sabi niya.“I love you.”Hindi niya inaasahan ang sasabihin nito kaya nanahimik siya.“Kahit I miss you na sagot, wala?” anito sa kabilang linya.“G-Goddy…” Bigla siyang napatingin sa likuran dahil baka may nakakarinig sa kanya.“Balik ka na kaya?” Hindi na naman siya nakasagot.“W-wala ako sa amin, e.”“Oh.” Halatang dismayado ito sa sinabi niya. “Nasaan ka ngayon?”

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 57: The Address

    HINDI maiwasang mainis ni Halina. Kasi naman, hanggang sa hapag, dala-dala ng ina ang topic hanggang sa malaman na lahat ng mga bisita nito.“Mom,” “Sige na kasi. Ipakilala mo na siya. Nang makilatis namin,” ani ng kapatid na si Kalei.Napalabi siya sa sinabi nito. Paano ba niya sasabihin, e, si Goddy lang naman ang may gawa nito. Yari ito sa kanya mamaya. Bakit kasi kailangang gawin ito sa kanya? Para ano? Markahan?“Next time na lang po. Pwede?” aniya na lanmg para tumigil na ang mga ito.Dahil sa kompirmasyon niya, lalong naging maingay ang hapag. Napapailing na lang siya sa mga ito. Akala niya, dinner lang ang gagawin kasi walang sinabi ang ina na tuloy sila sa Caramoan. Pero bago siya umakyat para patulugin ang anak, sinabi ng ina na maghanda na siya para sa mga dadalhin bukas. Mabuti na lang at alas diyes ang alis nila. May panahon pa siya para mag-ayos.Tinulungan niya ang anak sa pagligo nito. Pero pagdating sa damit, ito na ang nagsuot dahil marunong na nga raw. Kaya inayos

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 56: Hickey

    NAKANGITING pinagmamasdan ni Halina si Goddy na noo’y nag-iihaw ng uulamin nila. Isda, porkchop at mga gulay gaya ng talong at okra ang mga uulamin nila.Pangatlong araw na nila ngayon dito. Para sa kanya, ang bilis lang ng araw. Bukas, babalik na sila. Napaaga dahil kailangan niyang umalis papuntang Manila bukas ng gabi dahil kaarawan ng inang si Ayeisha. Hindi siya pwedeng mawala. Saka na-miss na niya ang pamilya niy— lalo na ang anak.Nakangiting lumapit si Goddy sa kanya kapagkuwan. Hindi siya nangimi, gumanti siya nang halik dito nang bigla siyang siiilin nito.“Nanghahalik ka na lang basta-basta,” aniya nang bumitaw ito sa pagkakahinang ng kanilang labi.“Kanina kapa nakatingin sa akin, e,” natatawang sambit nito.“Kailangan mo ba nang tulong?”“Hindi nga po. Gusto ko pong maupo ka lang dyan.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Gusto kong nasa akin lang ang atensyon mo,” dugtong pa nito.Napakagat na lang siya ng labi sa sinabi nito.“O-okay.” Bumalik na ito sa ginagawa mayamaya.

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 55: Climax (Mature alert!!!)

    “HALINA?” ulit niya, na naka-kunot ang noo.Para bang sinasadya nito na sabihin ang totoong pangalan niya.“Sorry. Hannah pala,” bawi naman agad nito. Natawa siya nang mahina. Siya naman si Halina, pero the fact na si Hannah ang nililigawan nito, ibang pangalan ang binabanggit nito.Tinulak niya nang malakas si Goddy kaya umalis ito. Tumayo siya.“Nakakainis ka. Halina ka nang Halina kanina pa, e. Si Hannah ako.”Napalunok si Goddy. Hindi alam ang sasabihin.Nag-angat ito nang tingin sa kanya. “S-sorry.” Kasunod niyon ang paghawak nito ng kamay niya pero pinalis niya iyon.“Kung sino lang kasi ang nililigawan mo, siya lang ang dapat nasa isipan mo. Focus ka lang dapat sa isa. Hindi iyong meron ka pa, maghahanap ka pa ng ibang paglalaruan.” Hindi ito nakaimik. Hindi niya sinasadyang sabihin iyon dahil baka mahalata nito, pero naiinis siya kasi na siya ang kasama pero may ibang pangalan “Pero sa tingin ko, hindi ka pa handa na maghanap ng iba dahil si Halina pa rin ang bukambibig mo.”

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 54: Halina

    DAHIL hindi pa naman nagtatanghalian si Halina, nakaramdam na siya nang gutom. Nag-aayos siya noon sa kusin ng mga dala nila. Si Goddy, may kinuha lang sa labas na maleta para ilagay sa silid na uukupahin nila. Ayaw pumayag ni Goddy na sa kabila siya. Paladesisyon na si Goddy talaga noon pa man.“Gutom na ako. Pwede bang kumain na muna tayo?” Nilingon siya ni Goddy, na noo’y naglalabas ng mga gamit.“Sige. Kain na muna tayo.”Naihanda na niya bago siya pumunta sa silid kaya naupo na lang sila pagpasok ng komedor. Handang-handa si Goddy dahil marami silang pagkain na dala. Ang isda na dinala kanina na akala niya sa bahay nito, dinala rin nila. May mga karne at mga gulay rin. Meron ding mga rekados kaya kompleto ang kusina nila. May bigas din kaya talagang masasabi niyang pinaghandaan nito.Pinagsilbihan siya nito habang kumakain. Hindi naman niya mapigilan ito kaya hinayaan niyang gawin ang gusto nito.“Magpahinga ka na muna. Nagtinda ka kanina, e.” Inagaw nito sa kanya ang sponge na h

  • Falling For My Cold Lady Boss   Chapter 53: Date

    MAAGANG gumising si Halina nang araw na iyon. Natapos na niya kagabi ang mga gagawin sa bahay nila Goddy. Sinadya niyang umuwi nang late kagabi dahil balak niyang magtinda ngayon dahil na-miss niya. Kaya sa kainan muna magbabantay si Gina ngayong araw. Sakto lang ang dating niya sa talipapa. Naroon na ang mga paninda niyang isda. Pinapa-deretso na niya sa pwesto niya para hindi na pumunta sa daungan si Gina. Pinapa-sigurado naman niya sa supplier niya na magandang klaseng mga isda at seafood.Bukas pa naman ang uwi ni Goddy kaya may time siya ngayon sa palengke. Walang problema sa kainan niya dahil tutok si Bituin doon.Alas Diyes na noon kaya nakaramdam siya nang gutom. Saglit na binilin niya sa katabi ang paninda para bumili nang makakain. Simula nang mapunta siya rito, lahat ng kakanin at miryendang nilalako ng mga nagtitinda, kinakain niya. Masasarap pala. Sanay siyang o-order lang online at sa magaganda at sikat lang na kainan siya nagpapa-order.Pabalik na siya noon nang matan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status