Share

Falling Twice for My Billionaire Boss
Falling Twice for My Billionaire Boss
Author: Olivia Thrive

Chapter 1

Author: Olivia Thrive
last update Last Updated: 2025-09-15 15:06:20

Ang tunog ng high heels ni Kaella Ponce habang lumalabas ng elevator ng Roque Corporation, 32nd floor ay parang may magic ang bawat yapak niya—lahat ng empleyado biglang nagkunwaring busy. Ang kaninang nagtsitsismisan sa gilid? Biglang nag-type ng walang laman na email. Yung messenger na huli na naman? Muntik nang matapon ang kape kakataranta.

“Good morning,” ani Kaella, kalmado pero may authority sa boses.

Sabay-sabay na halos buong floor: “Good morning, Ms. Kaella!”

Hindi man lang siya tumingin sa kanila, abala pa rin sa tablet habang nag-scroll ng schedule. Pero lahat, parang sabay na huminga ulit nang makalampas siya. Kilala siya sa tatlong bagay: walang mintis ang schedule, nakakakita ng typo mula sampung metro, at hindi natataranta kahit magka-crash ang system.

“Kaella, ikaw na talaga ang pag-asa ng kumpanya,” biro ng isang manager habang nag-aayos siya ng files.

“Hindi naman, konting milagro lang,” sagot niya, deadpan, pero nakangiti ng bahagya.

Pero sa likod ng professionalism, may sikreto siyang hindi sinasabi kahit kanino. Tuwing dumadaan siya sa lobby, tumatagal ang tingin niya sa malaking Roque family portrait. Lalo na sa isang mukha: si Jerome Roque, ang bunsong anak na matagal nang nasa abroad. Sa litrato, naka-tux siya, may ngiting tipong kaya niyang paikutin ang mundo. Hindi niya ito kailanman nakilala, pero minsan iniisip niya—babalik pa kaya ito? Hindi naman niya inaasahan na mapapansin siya nito.

“Kaella, stop daydreaming,” bulong niya sa sarili habang nililipat ang mga folder. “Trabaho muna.”

Pagdating ng lunch, kumalat agad ang memo ng HR: “New trainee starting today—let’s all welcome him!”

Hay naku, naisip niya. Isa na namang pasaway na kailangan i-orient.

Pero iba ang vibe ngayong araw. Parang may kakaibang kuryente sa paligid. Nang bumalik siya mula sa pag-aayos ng report, nakita niya ang dalawang staff na nagtatawanan at sumisilip sa HR office.

“Hoy, ano ‘yan?” tanong niya, kilay-taas.

“Ms. Kaella, grabe… cute ng newbie!” bulong ng isa, namumula pa ang pisngi.

Nag-roll eyes lang si Kaella. “Cute won’t save the quarterly report,” sagot niya.

Sa desk niya, habang nag-aayos ng paperwork, napansin niya sa peripheral vision ang isang matangkad na lalaki sa reception area. Medyo awkward: yung necktie niya tabingi, at yung ID badge… baligtad. Hawak niya ang office map na parang thesis defense.

Hindi napigilan ni Kaella ang bahagyang tawa. Naku po, isa na namang lost puppy.

“Excuse me,” marahang tanong ng lalaki sa receptionist, “Marketing department… saan banda?”

Nagpatingin si Kaella. Bago pa siya muling mawala, tinawag niya ito. “Trainee?”

Nag-angat siya ng ulo. At sa isang segundo, napatigil ang paghinga ni Kaella. May kung anong init at kabang dumaan sa dibdib niya. Maganda ang ngiti niya—hindi ‘yung mayabang na ngiti ng mga sosyal na lalaki, kundi ‘yung tipong sincere at medyo nahihiya.

“Yes, ma’am,” sagot ng lalaki.

“Badge. Baligtad.” Tinuro niya ang kwelyo. “Marketing—three doors down. Left. Don’t get lost again, hindi ito maze.”

Namula siya nang bahagya. “Salamat po.” Tapos mabilis na naglakad.

Hmm… polite naman pala, isip ni Kaella. Pero binalewala niya agad.

Maghapon, paminsan-minsan niyang nahuhuli na napapatingin ang trainee sa kanya. At minsan, nang magtagpo ang mga mata nila, ngumiti ito—isang ngiting nagparamdam ng kakaibang init sa tiyan ni Kaella.

Pag-uwi na, nag-vibrate ang phone niya. HR MESSAGE:

“Kaella, starting tomorrow, ikaw ang mag-o-oversee sa performance ng trainee. Siya ang isi-shadow ka.”

“Ha?” bulong niya, napataas ang kilay. “Ako pa talaga?”

Inirapan niya ang phone at inabot ang bag. Habang naglalakad sa hallway, narinig niya ang elevator ding at huminto siya—parang may narinig na kakaiba. Sa dulo ng corridor, may liwanag mula sa CEO’s office. Napalingon siya at napakunot ang noo.

Sa loob, kitang-kita niya si Mr. Hector Roque, seryoso pero… tumatawa. At sino ang kasama? Yung trainee! At hindi lang basta kasama—may kamay sa balikat nito si Hector, parang matagal na silang magkakilala.

Nanigas si Kaella. What?

Umikot ang isip niya. Bakit ganun ka-close ang CEO sa isang baguhan? At… bakit bigla niyang naisip ang mukha sa family portrait?

Pumikit siya sandali, huminga nang malalim. Hindi… hindi pwedeng siya ‘yun.

Bago magsara ang elevator, muling sumulyap si Kaella at bumulong:

“Impossible… pero… baka nga?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Falling Twice for My Billionaire Boss   Chapter 110

    Kinaumagahan, kakaibang katahimikan ang bumalot sa buong opisina. Hindi iyon dahil sa stress o dami ng trabaho—kundi dahil sa iisang dahilan: lahat ng tao ay may alam na.The news had spread like wildfire.Jerome Roque, the young CEO, and Kaella Ponce, the company’s new Regional Sales Head—officially engaged.Kahit pa ito’y parte lamang ng plano nilang dalawa, iba pa rin ang bigat ng bawat tingin at bulungan na sumalubong kay Kaella nang pumasok siya. Ang dating normal na “Good morning, Ma’am Kaella” ay may halong kilig at intriga. Ang mga mata ng mga staff, mabilis pa sa kape, ay agad lumilipat sa kanya—at pagkatapos ay kay Jerome, na kasalukuyang palabas ng elevator.She forced a polite smile, kunwari sanay lang. Pero sa loob, gusto niyang maglaho.Sa meeting room, magkatabi silang nakaupo, pero may distansyang halatang sinadya. Si Kaella ay abala sa pagreview ng slides, samantalang si Jerome ay tila kalmado—too calm, actually. Every now and then, she could feel his eyes on her, per

  • Falling Twice for My Billionaire Boss   Chapter 109

    Ang buong araw ay tila pinuno ng tensyon ang pagitan ni Kaella at Jerome. Simula nang ianunsyo ni Jerome sa publiko ang engagement nila, parang lahat ng kilos ng dalaga ay may bantay — hindi lang ng media, kundi ng mga mata ng mga nanira sa kanya at pati na rin mga katrabaho.Ngunit higit sa lahat, pinakamasakit para kay Kaella ang katotohanang hindi na niya alam kung alin ang totoo at alin ang palabas.Jerome, you need to stop doing that,” sabi ni Kaella habang naglalakad papasok sa opisina ni Jerome. Nakataas ang kilay, hawak ang tablet, pero may bahid ng kaba sa boses niya. “Yung mga sulyap mo, yung mga salita mo—parang hindi na parte ng pagpapanggap.”Umikot si Jerome sa swivel chair niya, tahimik lang, pero ang titig ay matalim. “And what if it isn’t?”Napatigil siya. “Then that’s a problem,” mariin niyang sagot. “Because this is all just for show, remember? I’m not falling for you again.”Lumapit si Jerome, mabagal pero matatag. “You keep saying that,” aniya, halos pabulong. “Pe

  • Falling Twice for My Billionaire Boss   Chapter 108

    Matapos ang tensyonadong usapan tungkol sa pekeng kasal, hindi na nag-aksaya ng oras si Jerome. Alam niyang kapag nalaman ng ama niya — si Hector Roque — ang tungkol sa plano ng Daza family na ipilit ang engagement kay Elize, magiging huli na ang lahat. Kaya bago pa makapaghanda ang mga ito, siya mismo ang unang kumilos.Kinabukasan, habang abala si Kaella sa pag-aayos ng mga papeles na may kinalaman sa PR crisis ng kumpanya, nakatanggap siya ng tawag mula kay Jerome.“Meet me in the lobby in fifteen minutes,” maikli nitong sabi, walang paliwanag.“Bakit?”“Just trust me, Kaella. This time, I’ll handle everything.”Pagbaba niya sa lobby, halos mapahinto siya sa paghinga. Si Jerome ay nakatayo roon — suot ang itim na suit, may kumpiyansa at bahagyang ngiti na parang alam na niyang magiging headline ng araw ang susunod na mangyayari. Nasa tabi nito ang ilang media representatives na tila may inaabangan.Hindi pa man siya nakakalapit, tinawag na ni Jerome ang pansin ng mga tao.“Ladies a

  • Falling Twice for My Billionaire Boss   Chapter 107

    Isang gabi sa penthouse ni Jerome Roque, nakaupo si Kaella Ponce sa tapat ng malaking glass window, hawak ang tasa ng kape na kanina pa malamig. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. A marriage proposal—pero hindi totohanan. Fake marriage lang daw, sabi ni Jerome. Para makaiwas ito sa kasunduan ng pamilya niya sa mga Daza, at para rin malinisan ang pangalan ni Kaella matapos siyang madamay sa kontrobersyang leak sa kumpanya.“Let me get this straight,” mahinang sabi ni Kaella, hindi pa rin tumitingin sa lalaki. “You want me to marry you… to save your reputation and mine?”Tumango si Jerome, calm pero halatang kinakabahan. “Exactly. It’s mutually beneficial. The board will stop questioning your loyalty, and my parents can’t force me into that Daza engagement once I’m married.”Napatawa si Kaella—isang mapait, hindi makapaniwalang tawa. “Wow. Ang galing mo talagang gumawa ng plano, Mr. Roque. Pero kasal agad? Hindi ba pwedeng press conference muna?”“Press conference won’t convince t

  • Falling Twice for My Billionaire Boss   Chapter 106

    Matagal na niyang sinasabi sa sarili na tapos na siya kay Jerome Roque. Na ang mga naramdaman niya noon ay bahagi lang ng nakaraan — isang pagkakamaling ayaw na niyang balikan. Pero habang pinagmamasdan niya si Jerome ngayon, habang nakatayo ito sa harap niya na parang wala lang nangyari, napagtanto niyang hindi gano’n kadaling burahin ang isang taong minsan nang naging tahanan. “Just pretend, Kaella,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan si Jerome na abala sa pag-aayos ng mga papeles. Pinilit niyang huwag pansinin ang ngiti nito, o kung paanong parang natural lang kay Jerome ang lumapit sa kanya, magsalita sa tonong laging may halong lambing. Hindi siya dapat matinag. Hindi siya dapat bumalik sa dati. Ngunit totoo rin — may parte sa kanya na hindi pa tuluyang nakalimot. Hindi niya alam kung anong mas mahirap — ang magpatawad, o ang magpanggap na wala nang nararamdaman. Kanina pa umiikot sa isip niya ang alok ni Jerome. “Marry me, Kaella. Just for the deal. For the act.” Pa

  • Falling Twice for My Billionaire Boss   Chapter 105

    Ang buong Roque Tower ay tila napahinto nang bumukas ang elevator—at lumabas ang isang babae na parang diretso sa magazine cover. Suot niya ang fitted cream dress na may simpleng slit, mga pearl earrings na understated pero halatang mamahalin, at sapatos na tila hindi pa man nasusugatan ng alikabok. Click, click, click — bawat hakbang niya sa marble floor ay parang deliberate, sinasabayan ng ngiti na kayang magpahinto ng usapan.“Elize Daza!” may mahinang bulungan mula sa receptionist. “The fiancée of Sir Jerome Roque!”At doon, parang biglang lumamig ang paligid ni Kaella Ponce.Bitbit niya noon ang ilang folder, papunta sa meeting room. Pero nang marinig niya ang pangalan, napahinto siya. Hindi niya kailangang tingnan para makumpirma—isang sulyap lang, at alam na niyang ito na nga ang babaeng minsan ay laman ng mga business features, ang rumored match made in high society heaven.At oo, fiancée daw ni Jerome.Bago pa siya makagalaw, bumaba mismo si Jerome mula sa elevator. At nang m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status