แชร์

Chapter 16

ผู้เขียน: Lady Fei
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-10-19 22:36:35

Pagkauwi ni Gaile galing hospital ay sinalubong siya agad ng nag-aalalang si Manang Norma.

“Kumusta ang pakiramdam mo Gaile? Ayos ka lang ba?” tanong nito bago hinawakan ang dalawang kamay niya.

Tila may humaplos na mainit na kamay sa puso niya nang makita ang pag-aalala ng katiwala.

“Okay lang po ako, Manang Norma. Thank you po,” aniya bago ito niyakap nang may luha sa mga mata.

Dalawang araw kasi siya sa hospital hindi man lang dumalaw ang Mama niya. Hindi nga niya alam kung alam ng mga ito ang nangyari sa kanya. Hindi tuloy maiwasang sumama ang loob niya. Pero ano pa ba ang aasahan niya sa mga ito? Noon ngang nasa poder siya ng mga magulang ay wala silang pakealam sa kanya, ngayon pa kayang wala na siya doon.

“Gaile, iha. How are you, my dear daughter in law? Ano ba kasi ang nangyari?”

Napatingala sa hagdan si Gaile nang marinig ang boses ni Doña Leticia. Pababa ang ginang sa hagdan at makikita din sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Pagkababa nito ay agad itong lumapit para yaka
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Sweetheart Lopez
cutie ni mother dear hahaha inis na yarn tristan
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 33

    “Teka, nasasaktan ako,” daing ni Gaile nang makarating sila sa Parking lot. Isinandal naman siya ni Tristan sa side ng kotse at itinukod doon ang siko. Hindi siya makagalaw sa sobrang lapit nito. Kumakabog sa sobrang kaba ang dibdib niya. Kitang-kita niya ang pagkislap ng galit sa mga mata ng asawa kaya halos mautal siya nang magsalita. “Uncle Tris–” “Isang Uncle Tristan pa, I will kiss you right now!” mariing singhal nito kaya napakagatlabi siya. Sobrang lapit ng mukha nito sa mukha niya kaya nawawala na naman siya sa sariling wisyo. “Don't bite your f*ckin lips!” mariin pero halos pabulong na utos nito. Napapitlag siya at napangiwi. Nakatingin si Tristan sa labi niya at para bang gusto nitong sakupin 'yon. Anong magagawa niya? Natural sa kanya ang mapakagat labi kapag nate-tense... “Tristan, mali-late tayo sa next appointment natin,” madilim ang mukhang wika ni Aria. Naitulak naman ni Gaile ang asawa. Nakita niya si Aria na nakahalukipkip at masama ang pagkakatingi

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 32

    Sinundan ni Gaile si Fiona na naglalakad palapit kila Tristan at Aria. Sinubukan niyang pigilan 'to pero nakalapit na 'to sa dalawa.“Oh! Uncle Tristan, what a coincidence! Kasama ko ang ASAWA mo,” wika nito bago kumaway sa dalawa. Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao sa pwesto ng mga ito.Tumingin naman si Tristan sa kanya at nagtama ang mga mata nila pero siya ang unang umiwas. Namula ang pisngi niya kasi naalala niya ang muntik na mangyari sa kanila kagabi lang.“Oh, Gaile. Come here, darling,” wika naman ni Aria. Nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. “I hope you don't mind na kasama ko si Tristan,” wika nito na tumayo pa at bumeso sa kanya.“You still wearing your school uniform, ibig sabihin may klase pa kayo?” tanong nito na pinagdiinan pa ang pagsabi ng school uniform na parang pinapamukha ba bata pa siya.“Yes, Tita Aria. May klase pa kami mamaya,” si Fiona ang sumagot at pinagdiinan ang salitang Tita.“Dito na kayo sa table namin,” wika naman ni Tristan na paran

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 31

    “Gaile, I need to go... May emergency si Aria, hindi ko siya pwedeng pabayaan,” wika ni Tristan nang matapos ang tawag...“Ok...” tugon niya sa mahinang tinig.Kanina lang, kung makahalik ay parang mahal na siya nito. O sadyang tanga lang siya at nagpapadala sa bugso ng damdamin. Masyado siyang assuming.Paglabas ni Tristan sa kwarto ay doon tumulo ang luha niya. Kung bakit ba kasi napakarupok niya. Hindi na tuloy niya alam kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay. ***Kinabukasan ay si Krystal agad ang sumalubong sa kanya pagpasok sa school. Hinila siya nito papunta sa likod ng school building tapos inihagis sa mukha niya ang files na naglalaman ng mga designs niya.“Bwis*t ka talaga, Gaile! Plinano mo ba talaga na mapahiya ako! Ha!” halos umusok ang ilong na tanong nito.Dinampot naman niya ang mga papel na nagkalat sa lupa. “Bakit? Hindi mo ba nai-present ng maayos ang ideas?” aniya habang walang emosyong nakatingin dito.“Sinadya mong magpasa ng panget ng designs para m

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 30

    Pagkauwi nila sa bahay ay agad na dumiretso sa library si Gaile. Binuksan niya ang pinto pero naka-lock ito. Nang-paalis na siya ay nakita niya ang asawa na nakasandig sa dingding at matiim na nakatingin sa kanya. Wala naman siyang ibang dadaanan kundi ang gawi nito, maliban na lang kung papasok siya sa kwarto nila. Tumaas ang gilid ng labi ni Tristan at halatang nanunudyong nakatingin sa kanya. Inirapan niya ito at binuksan ang pintong katabi ng library. Wala naman siyang choice kundi ang pumasok sa kwarto nila kesa dumaan sa tabi nito. Pagkapasok ay dumiretso siya sa closet para kumuha ng bihisan. Pagkatapos ay dumiretso na siya sa banyo. Paglabas niya ay nakita niya ang asawang nakahiga sa kama, walang pang-itaas na damit at tanging shorts na pambahay ang suot. Agad siyang umiwas ng tingin at tinungo ang pinto. “Gaile, let's talk,” wika nito. Tinatamad na humarap siya sa asawa pero hindi siya makatingin dito. Naaasiwa siya sa ayos nito. “Gaile, alam kong galit ka. Iba

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   Chapter 29

    “Sir Tristan, uuwi na po ako. Ihahatid ko lang po si Ma'am Gaile,” ani Mang Damian pagkahatid kay Tristan.“No, Mang Damian. Pabayaan ninyo siya,” aniya bago inabala ang sarili sa trabaho. Magalang namang nagpaalam si Mang Damian na pupunta na lang sa Cafeteria. Pagkaalis nito ay siya namang dating ng kanyang secretary at personal assistant.“Paul, kumusta ang inutos ko sa 'yo?” tanong niya rito.“Sir, nakuha ko ang CCTV footage sa labas at loob ng bar,” binigay nito sa kanya ang kopya.Kitang-kita sa CCTV na bumaba sa sasakyan ang dalawang lalaki at pinagtulungang ibaba si Gaile. Wala siyang malay ng ipasok sa bar, kung titignan ay parang lasing ang dalaga pero wala talaga itong malay.“Sir, tinakot ko na rin ang mga staff. Umamin na sila na hindi lasing si Gaile at wala siyang malay nong dalhin sa VIP room,” ani Paul kaya kinamot niya ang kilay habang mariing nakapikit.“Ibig mong sabihin, inosente si Gaile?” tanong niya rito.“Sir, nahuli na din po 'yong dalawang lalaki at sinabin

  • Falling for my Ex-Fiance's Uncle   chapter 28

    Kinabukasan ay maagang nagising si Gaile para iwasan ang asawa. Pero pagkamalas-malas talaga dahil nadatnan pa rin niya ito na nagbi-breakfast. Aalis na sana siya kaso nakita siya ni Manang Norma. “Gaile, halika muna magbreakfast,” wika nito bago siya pinaghain. Amoy na niya ang bacon kaya kumalam ang sikmura niya. Naupo siya malayo sa asawa kaya naman doon na din dinala ni Manang Norma ang pagkain niya. Pagkatapos ay iniwan na sila nito sa dining area. Walang kumikibo sa kanila ni Tristan. Tanging mga kutsara at tinidor lang ang naririnig hanggang sa hindi nakatiis si Tristan at tinignan si Gaile. “Pina-freeze ko ang mga bank accounts mo. Grounded ka rin hanggang sa makagraduate ka,” wika nito. Ilang weeks na lang naman at makakagraduate na siya. Ang problema niya ngayon ay kung paano makakapag-exam. “Paano ang exam ko?” napipilitang tanong niya dito. Ayaw sana niya itong kausapin pero mas mahalaga na makapag-take siya ng exam. “Naisip mo ba 'yan kahapon nong magbulakbol

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status