Share

Chapter 5 - The Legal and the Replacement

"I miss you, Reiky. But I’m really sorry that something came up with work, kaya hindi kita mapupuntahan ulit. At bago mo sabihin, yes, I know, I haven’t been spending so much time with you, naging sunod-sunod lang talaga ang tambak na mga trabaho ko. I’ll make it up to you."

"I understand, Ards. I just miss you."

"Why don’t you resign? Paulit-ulit ko naman kasi na sinasabi sa’yo na mag-resign ka na riyan sa call ceter at maghanap ng regular day work. I even gave you the option of not working anymore. I can fully provide for your needs, but as usual, ayaw mo na makinig sa sinasabi ko."

"We talked about this, Arden. Ayaw ko na umasa sa’yo. I am perfectly capable of working for myself, at hindi mo kailangan na saluhin ako, all the time."

"You know how much I love you, right? And besides, do’n din naman tayo papunta, once we get married. Think about it, Reiko, or better yet, think about my offer na lumipat ka na lang sa condo ko, para kahit paano ay magkita tayo araw-araw."

"You know I’m not ready yet, Arden."

Buntong-hininga ang sunod na narinig ni Reiko sa kausap niya sa kabilang linya. Ilan segundo na natahimik ang kausap niya, saka muli na nagsalita. "When will you be ready, Reiko? Hanggang ngayon ba ay wala ka pa rin tiwala sa akin? I love you, at handa ako na pakasalan ka."

Napapikit na lamang si Reiko, "I know, Arden. And soon I will be ready enough, para maibigay sa’yo ang lahat ng hinihingi mo sa akin. I love you, at alam mo rin ‘yan, kaya lang ang dami ko pa na mga problema ngayon at idagdag mo pa ang bigla na lang na pag-alis ni Reina."

Ramdam ni Reiko ang pagkadismaya ng nobyo niya, pero kagaya ng dati ay wala na magawa ang lalaki, masyado nito na mahal si Reiko para hindi maintindihan ang sitwasyon.

"I’m sorry, Reiky. I’m not pressuring you. Naiintindihan ko, and I will wait for you, kung kailan ka magiging handa. I’ll see you over the weekend, okay?"

"Yeah, sorry, Arden, and I love you."

"I love you, Reiko-ko."

Nang matapos ang tawag ay napabuga na lamang ng hangin si Reiko.

Arden is her boyfriend of almost two years, and he has been keeping up with her all the time. Arden is okay with not being her priority, dahil sa magulo na buhay niya. He understands and loves her enough that they have been able to manage their relationship for almost two years now.

And Reiko will always be thankful for him. Si Arden ang nagbigay sa kan’ya ng pag-asa sa kabila ng hirap na patuloy niya na dinaranas. He accepted her for who she was and loved her, sa kung ano man ang kaya niya lang na ibigay.

At ito ang mas lalo na nakakapagpa konsensya sa kan’ya sa trabaho na napasok niya dahil kay Reina. Ingat na ingat si Reiko na ang mga lugar na pupuntahan nila ni Kenji ay ang lugar na malayo kay Arden. He can’t know about her work, dahil sigurado siya na hindi matatanggap ni Arden iyon at baka iyon pa ang maging dahilan ng paghihiwalay nila. At hindi niya kakayanin kung mawawala si Arden sa buhay niya. He is the best thing that happened to her.

Iwinaksi niya ang alalahanin na iyon sa kan’yang isipan, sumasakit na ang ulo niya sa antok kaya hindi na niya dadagdagan pa ang iisipin niya ngayon. Kalalabas niya lang sa trabaho at sigurado siya na mamaya ay tatawag na naman si Kenji para sa isang pagpapanggap.

Kabababa lamang niya sa taxi kanina nang tumawag si Arden sa kan'ya kaya napahinto siya at hindi agad na naka-diretso sa coffee shop na malapit sa condo ni Kenji.  Nang matapos ang pag-uusap nila ay napagpasyahan niya na pumunta na ro'n.

Ngunit palakad pa lamang siya sa direksyon ng coffee shop ay dalawang babae na ang agad na mataray na nakatingin sa direksyon niya. At kilalang-kilala niya ang dalawa. Si Ica at ang Dea na kaibigan nito. Shit! Naisip na lamang niya, paano siya ngayon kapag pinagtulungan siya ng dalawa? Wala pa naman si Kenji para saklolohan siya.

Nagdadalawang-isip si Reiko kung tutuloy pa ba siya sa pagbili ng kape o iiwas na lamang siya upang wala ng gulo. Alam ni Reiko na hindi niya puwede na saktan ang asawa ni Kenji, kaya sigurado na lugi siya kapag nagkataon. Hindi naman maaari na ang gantihan niya ay si Dea lamang at hindi ang tunay na asawa.

Umiba na lamang si Reiko ng direksyon at sa condo na lamang dumiretso. Nagmamadali siya papasok upang hindi na siya sundan ng dalawa. Pero nagkamali siya dahil sinundan pa rin siya ng magkaibigan hanggang sa may pintuan ng unit niya. Hindi pa man siya nakakapasok sa pintuan ay narinig na niya ang mataray na pananalita ng dalawa sa kan’yang likuran.

"Ang kapal lang talaga ng mga kabit, Ica. Imagine, siya pa ang gumagamit ng condo unit na binili ni Kenji para sa’yo." Mataray na wika ni Dea sa kaibigan nito.

Hindi lumilingon si Reiko at nanatili na nakaharap lamang sa pintuan. Pinipigilan niya ang kan’yang sarili dahil hindi siya sigurado kung hanggang saan aabot ang pasensya niya sa dalawang babae na lagi na lamang siya na hinahamon ng gulo.

"Leave him!" Direkta at walang kagatol-gatol na utos sa kan’ya ni Ica.

Rumolyo ang mata ni Reiko at naniningkit ang tingin niya sa harap ng pintuan. Kailangan niya muna na pakalmahin ang sarili niya bago pa siya may masabi o magawa na ikakagalit ni Kenji, at baka mas lalo siya na maipit sa pesteng kontrata nila.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Ica? Leave him, leave them alone, at bumalik ka na kung saan man lupalop ka nanggaling bago mo akitin si Kenji. Ano ba ang kailangan mo? Money? Ica can give that to you, basta lubayan mo lang ang asawa niya."

And that’s it. Her last thread of patience left her. Sa lahat ng ayaw ni Reiko ay ang palalabasin na isa lamang siya na babae na pera lang ang habol sa mga lalaki. Mataray siya na humarap sa dalawang babae na sumugod sa kan’ya.

"Kagaya nga ng sabi mo, asawa niya. Hindi mo asawa, kaya hindi ko maintindihan kung ano ang niraratrat-ratrat mo riyan sa akin samantalang wala ka naman papel sa buhay nila. Side-kick ka lang ng asawa niya!"

"Aba't ang kapal talaga ng pagmumukha mo!" Galit na sigaw pa ni Dea sa kan’ya.

"Dea, stop. Don’t stoop down to her level. Hindi tayo kagaya niya na walang pinag-aralan." Dagdag pa ni Ica.

Mapakla siya na napangiti sa tinuran ni Ica, nagngingitngit na siya sa sinasabi ng dalawa sa harapan niya pero todo-todo pagpipigil pa rin ang ginagawa niya.

"Stoop down to my level? Walang pinag-aralan? Don’t you think you’re referring to yourselves? Sino ba sa atin ang mahilig na gumawa ng eksena sa kung saan-saan na lugar? Sino ba sa atin ang parang walang pinag-aralan kung magsisigaw at manghamak ng ibang tao? Now, tell me, ako pa ba ang nakakahiya sa atin? Pasalamat kayong dalawa, that I am educated enough not to stoop down to your level." Mahaba pa na eksplanasyon niya sa dalawa.

Lalo naman iyon na nagpagalit sa dalawa dahil naniningkit at madidilim ang mga tingin na pinatama sa kan’ya. "Leave him! Leave Kenji, at huwag mo sirain ang pagsasama namin." Ulit sa kan’ya ni Ica.

"Ako ba ang sumira o ikaw? Hindi nga nasabi sa akin ni Kenji ang presensya mo, at kung hindi ka lang malimit na sumusulpot sa harapan namin ay baka wala talaga siyang balak sabihin ang tungkol sa’yo. And I don’t care about you, dahil ang sabi niya ay handa siya na pakasalan ako. Kaya isa lang ang ibig sabihin no’n, he doesn’t want you anymore."

Nagsinungaling siya. Wala naman talaga sa usapan nila ni Kenji na sasabihin niya kay Ica na kunyari ay hihiwalayan na siya ng asawa nito, pero nais na ni Reiko na matapaos ang lahat ng ito at ayaw na niya na araw-araw ay gambalain pa siya ni Ica at ng mga minions ng babae.

"What?!" sabay na sigaw ng dalawa.

Tinawanan niya lamang ang reaksyon ng dalawa at iyon ang lalo na nakapagpa-inis kay Ica. Tinulak siya nito at dahil sa hindi niya inaasahan na gagawin nito iyon ay hindi siya nakapaghanda. Malakas ang naging pagtama niya sa pintuan at napapikit na lamang siya sa sakit na naramdaman niya.

"He would never leave me for you. He would never leave me for someone as low as you. I am asking you to leave him, at handa pa kita na bayaran dahil sigurado naman ako na pera lang ang habol mo!" Dinuro-duro pa siya ni Ica habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

"Hindi ko siya iiwan! Hindi ikaw ang magdedesisyon sa relasyon na mayro’n kami ni Kenji." Itinulak niya rin si Ica at bahagya na napaatras ang babae.

"Ang kapal mo talaga na kabit ka!" sigaw nito.

Rumehistro ang sobrang galit kay Ica at muli siya nito na itinulak na sakto naman sa naging pagbukas ng pintuan ng unit, at bumungad do'n si Kenji na wala pang suot na pang-itaas. Agad siya na nasalo ni Kenji bago pa man siya matumba.

"Ica, ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Kenji sa asawa niya.

Dumadagundong ang puso ni Reiko, lalo na at ramdam na ramdam niya ang matipuno na dibdib ng lalaki na hanggang ngayon ay nakapulupot sa kan’ya ang mga braso.

"Ano ang ginagawa mo riyan, Kenji?! Umalis ka riyan!" galit na sagot ni Ica.

"Are you okay, cupcake? Nasaktan ka ba?" Baling ni Kenji kay Reiko. Iniharap pa siya ng lalaki upang tingnan kung ayos lamang talaga siya. Hindi siya nakapagsalita at namimilog lamang ang mata na nakatingin kay Kenji.

"Leave, Ica! Sa bahay na tayo mag-usap." Utos pa ni Kenji sa asawa at sabay isinarado ang pintuan sa harap ng dalawang babae.

Nang maiwan sila ni Kenji ay pareho lamang sila na nakatitig sa isa’t-isa. Walang makapagsalita sa kanila at si Reiko naman ay hindi mapigilan na pasadahan ang kabuuan ng lalaki na nasa harap niya. Hindi niya mawari kung anong katangahan ang mayro’n si Ica at nagawa pa na lokohin ang ganitong klase ng lalaki sa harapan niya. He is hot and sexy as hell!

Sa kabila ng dagundong ng ka’yang dibdib ay iisa lang ang nasa isip ni Reiko: mahal niya si Arden at kahit na may Kenji na unti-unti na gumugulo sa isipan niya ay hindi mababago iyon. Sisiguraduhin na lamang niya na maaga na matatapos ang kontrata nila upang pareho na sila na makalaya ni Kenji sa isa’t-isa. Para makalaya na siya sa sumpa na dala ni Kenji sa kan’ya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
unti unti ng nahuhulog ang mga sarili nila kenji at reiko sa isat isa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status