"Hey, you’re in deep thought." Ang boses na iyon ng asawa ko ang nagpaputol sa akin sa pag-aalala ng amin nakaraan at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nakangiti siya habang papalapit sa akin, pero ang mga mata niya ay napupuno ng mga katanungan. "What are you thinking? May problema ba? May masakit ba sa'yo?" Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa nakikita ko na pag-aalala niya para sa akin. Everything is still as surreal for me as it can be. We may have been married already, but the butterflies in my stomach that she always makes me feel are still indescribable and unfathomable. Kalalaki ko na tao pero hindi ko maiwasan ang pagsirko-sirko ng puso ko sa asawa ko, lalo na kapag nakikita ko ang sobra rin na pagmamahal niya para sa akin. What we have is different from my past relationships. She is way different from all the other women that I’ve come across. And what we have will always be something that I'll treasure. "Pinapakilig mo na naman ako, misis ko. Alam mo naman na hindi
"Dad, do you think she’ll like this?" Nag-aalinlangan na tanong ng anak sa kan’yang ama habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang cake na nasa harapan niya. Malalim ang pag-iisip na ginagawa niya kung ano ba ang nararapat niya na piliin. "She will definitely like anything that you choose for her, son." Paninigurado naman ng ama niya sa kan’ya. "Are you sure? I’m not certain if this is her favorite or not." "More than the cake, it is your presence that will clearly matter for her, Kiro." Nakangiti na tugon ni Arden sa kan’yang anak. "Okay, let’s buy this one then." Sabay turo nito sa korteng puso na cake sa staff ng shop na iyon na agad naman na tumugon sa kan’ya at inayos ang order niya. Napapa-iling na lamang si Arden habang binabayaran ang kinuha na cake ng anak niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mag-aalala sa nakikita na pagka-aligaga sa kan’yang anak. He is not really sure because he is feeling the exact same way as Kiro is feeling at this exact moment. Pareho
Aligaga siya habang naghihintay ng abiso sa kan'ya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. She had been waiting for this day to come, and now that it is here, she doesn't really know if this is still what she wants. She doesn't really know if there is still something or someone out there for her when she goes out. Tatlong taon mahigit din na nakulong si Ica. Matapos siya na tuluyan na pabayaan ng kan’yang mga magulang at talikuran ng dating asawa niya, natutunan na niya ang mamuhay na mag-isa sa piitan. Hindi na nga niya inisip pa na mabibigyan pa siya ng pagkakataon na makalabas muli buhat sa mundo na ito, pero isang anghel ang dumating at binigyan siya ng isa pa na pagkakataon na ayusin muli ang buhay niya. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang sadyain siya ni Reiko sa kulungan. That visit was unexpected, but it was something that they both needed to find closure on everything that happened between them. —-- "Ano ang ginagawa mo rito?" Iyon agad
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik sa istorya nina Reiko at Kenji. Natapos na po ang kuwento ng pag-iibigan nila at sana po ay nagustuhan ninyo. Sobrang thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga stories ko. This means so much to me. Sana po ay suportahan ninyo rin po ang iba ko pa na kuwento sa GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billlionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: The Rise of the Fallen Ex-Wife (Taglish) Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English)
Sa isang high-end bar na iyon sa Makati ay makikita ang matalik na magkaibigan na nasa isang pribado na silid at masinsinan na nag-uusap habang pareho na nilulunod ang sarili sa alak. Sila ang dalawa sa mga pinagkakaguluhan at hinahabol na mga piloto sa Jarvis Airways. Ang magkaibigan ay pareho na kadarating lamang mula sa isang biyahe sa labas ng bansa. Ngunit dito nila naisipan na dumiretso upang mapag-usapan ang problema na kinakaharap ni Kenji Jarvis. Si Kenji Jarvis, trenta anyos at mula sa kilalang angkan ng mga Jarvis na nagmamay-ari ng Jarvis Airways. Pinakasikat at pinagpapantasyahan na piloto sa JA, ngunit siya ngayon ay may matinding problema sa asawa. Kasama niya ang matalik na kaibigan na si Gray Ricafort na isa rin piloto sa kanilang kumpanya. "I’m telling you, Kenji, my plan will work. Hahayaan mo na lamang ba si Ica na mawala at maagaw sa’yo ng kung sino lang? You’ve been through so much together, at hindi ko rin maintindihan kung bakit niya ito ginagawa sa'yo ngayon
Malalakas na pagkatok ang bumulabog sa pagtulog ni Reiko nang umaga na iyon. Katutulog-tulog lamang niya dahil kakauwi lang din niya buhat sa kan'yang shift sa call center na pinapasukan niya. Gigil na gigil siya sa naglalakas-loob ngayon na bulabugin ang papahimbing na niya dapat na tulog. Bumangon siya at lumabas ng kuwarto upang tumungo sa pintuan at alamin kung sino ang maaga na nang-iistorbo. Kung sino man ang kumakatok na iyon ay hindi makapaghintay at talagang pinapa-init ang ulo niya. Gigil na gigil si Reiko habang pupungas-pungas pa na dumiretso sa pintuan. "Ano ba?! Hindi ka lang makapaghintay na mapagbuksan?!" Bulyaw niya sa tao sa kabilang gilid ng pintuan na walang pakialam sa ingay na ginagawa nang pagkatok sa tabi-tabi na pintuan ng apartment nila. Nang masilayan ang nasa harapan niya ay napanganga siya at natulala sa nabungaran na dalawang guwapo na lalaki na nakabihis piloto pa sa harap ng apartment nila. Iniisip niya kung sino ba ang mga iyon at hindi niya rin mawa
Nakapulupot ang mga braso niya sa aking beywang habang patuloy ang paglapit ng kan'yang mukha sa aking pisngi at tainga. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga niya at hindi ko maiwasan na panindigan ng balahibo. Dumadagundong ang puso ko at sa kabila ng kaba na nararamdaman ko ay ipinapakita ko ang kunyari na kasiyahan ko. Ipinlaster ko ang nakapang-aakit na mga ngiti ko sa aking mukha. Masuyo ko siya na hinawakan sa braso at pinatulay roon ang aking daliri habang inilapit ang aking bibig sa kanyang tainga. Dahan-dahan kami na naglakad papasok sa restawran na iyon habang patuloy niya ako na hinahapit papalapit sa kan’ya. Nang makapasok ay idinirekta kami ng waitress sa isang pribado na puwesto kung saan matataas ang mga sandalan. Patuloy ang kaba na nararamdaman ko pero pilit ko rin ito na pinaglalabanan. Nang makaupo ay ginitgit niya pa ako kaya lapit na lapit ang aming mga katawan. Ito ang unang araw ko sa aking trabaho. Sa trabaho na napilitan lamang ako na akuin upang iligt
"Cupcake, how’s your day?" Isang halik sa labi ang natanggap ko buhat kay Kenji nang puntahan niya ako sa isang coffee shop na malapit dito sa condo niya kung saan niya ako pansamantala na pinapatuloy. At ang kan’yang kilos na iyon ay ikinalaki ng mga mata ko. “Sorry about the kiss, Reiko. I just have to do it, dahil mga kaibigan ni Ica ang nasa may dulong lamesa." Bulong pa niya sa akin bago tuluyan na lumayo at umupo sa katabi ng upuan ko. Bigla na nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat sa paghalik na iyon. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya sa nanginginig na mga kamay ay inabot ko na lamang ang order ko na frap na nasa may harapan ko at uminom do'n. Napansin ni Kenji ang panginginig ko na iyon, kaya naman inilapit na naman niya ang katawan niya sa akin at bumulong sa tainga ko. "Are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Or is it because of the kiss?" I looked at him with a seductive smile, dahil nakikita ko sa gilid ng mata ko ang mga kaibigan ng asaw