Hindi malaman ni Kenji kung ano ang mararamdaman niya ngayon lalo na at napapansin na niya na umuubra na ang mga plano nila ni Gray. Ayaw niya na masyado umasa, pero sa mga nakikita niya na inaakto ng asawa niya na si Ica ay lubos na nagdiriwang ang puso niya. He knows he’ll have her back in no time.
Gusto na rin niya na matapos ang pagpapanggap nila ni Reiko dahil naaawa na rin siya sa babae. Kanina ay mabuti na lamang at sakto siya sa pagbukas ng pintuan kung hindi ay baka kung ano na ang nagawa nina Ica at Dea kay Reiko. Nakasaad pa naman sa kanilang kontrata na hindi maaari na saktan ni Reiko physically si Ica in the process.
Pagkarating niya kasi buhat sa flight kagabi ay rito siya dumiretso sa condo niya dahil alam naman niya na may pasok si Reiko sa gabi. Gusto niya na lalo na maghinala sa kanila si Ica. Aabangan niya sana si Reiko sa may coffee shop kaya naligo muna siya pero narinig niya nga ang komosyon sa labas ng unit niya kaya hindi pa man siya nakakapagbihis ay tiningnan na niya kung ano ang nangyayari.
Mabuti na lamang at nasalo niya agad bago pa matumba si Reiko dahil sa naging pagtulak ni Ica. At ayaw man niya sana gawin sa asawa na paalisin sila ni Dea ay alam ni Kenji na kailangan niya muna rin na tikisin si Ica at tingnan ang lagay ni Reiko.
"Reiko, are you sure you’re okay?" Tanong niya ulit kay Reiko na hanggang ngayon ay walang imik at pinapasadahan lamang siya ng tingin. Pumitik pa siya sa harapan ng mukha ng babae upang maagaw ang atensyon nito.
Pinamulahanan naman ng mukha si Reiko dahil sa ginawa niya tsaka itinuon ang atensyon sa kan’ya. "What are you doing here?" bulong nito sa kan’ya. Marahil ay nagsisigurado lamang sakali na hindi pa umaalis sina Ica sa labas.
Isinenyas ni Kenji ang direksyon ng kuwarto kay Reiko at nanlaki agad ang mga mata nito sa kan’ya. "Let’s talk in the bedroom." He mouthed.
Si Kenji man ay nais na siguraduhin na hindi malalaman ni Ica na isa lamang ito na pagpapanggap dahil baka hawak-kamay na niya ang tagumpay ay mawala pa. Dumiretso si Kenji sa kuwarto kasunod ang nag-aalangan naman na si Reiko. Nang makapasok ay umupo siya sa kama habang nanatili lamang na nakatayo si Reiko sa may pintuan. Hindi maiwasan na magsalubong ang kilay ni Kenji sa ikinikilos ng dalaga sa harapan niya.
"Wala akong gagawin sa’yo, Reiko. Come here, at maupo ka nang makapag-usap tayo." sabi niya pa.
Wala nang nagawa si Reiko kung hindi ang sumunod at naupo na rin sa may kama. Nagbigay pa siya ng distansiya sa pagitan nila ni Kenji. "Baka gusto mo naman na magbihis muna o magsuot ng t-shirt man lang. Pa-display-display ka pa ng katawan mo." Inis na turan nito sa kan’ya.
Tumayo siya at kumuha sa closet ng isang t-shirt at isinuot iyon sa harapan ng babae na ang mga mata ay pilit na iniiwas sa pagtingin sa kan’ya.
"What happened?" tanong ni Kenji habang nagsusuot ng t-shirt.
"Ano pa ba sa tinging mo ang nangyari? Natural, ang asawa mo ay sinugod na naman ako. At ang galing mo lang din, narito ka naman pala ay hinintay mo pa na ilang beses ako na maitulak bago mo maisipan na lumabas." Naka-ismid pa si Reiko habang nagsasalita.
"I was taking a bath, at mabuti nga at narinig ko ang komosyon kaya napalabas ako. And I can say that you’re doing a perfectly good job of being a good competitor to Ica."
"Mabuti naman dahil baka sa susunod kahit nasa kontrata pa ay hindi na ako makapagpigil sa asawa mo at lalo na sa mahadera niya na kaibigan." mataray na sagot pa ni Reiko.
"Kaya nga tinatanong kita kung ayos ka lang, and I’m sorry about the way Ica acted."
Kita ang pagka-irita sa ekspresyon ni Reiko kay Kenji, "Kotang-kota ka na sa akin sa totoo lang. Ang dami mo nang ginagawa na wala sa kontrata natin. Bakit ka narito? Hindi ba ang usapan ay hindi ka puwede rito kapag narito ako?"
"Alam ko na nasa trabaho ka kaya ako dumiretso rito mula sa flight ko kagabi. Gusto ko kasi na mas lalo na mag-isip si Ica para mas mapabilis ang lahat."
"Fine! Pero sa susunod, baka gusto mo naman na magparamdam muna ng presensya mo para hindi naman ako nagugulat sa’yo."
"Don’t worry, hindi naman ako mananatili rito kapag narito ka, maliban lang kung alam ko na pupunta si Ica. Anyway, I’m leaving. I’ll go home and talk to her."
Tinaasan siya ni Reiko ng kilay at humalukipkip, "Bakit ka pa nagsasabi sa akin? Wala naman akong pakialam, at mas mabuti nga na umalis ka nang makatulog na ako. Masakit na nga ang ulo ko ay pinasakit pa lalo ng asawa mo."
Hindi na sumagot si Kenji at lumabas na ng silid matapos kunin ang ilan sa mga gamit niya na nakapatong sa may bed side table at agad na rin na umalis ng unit at nagdiretso sa may parking area. He needs to talk to Ica, upang mapigilan na rin ang mga eksena na masasaktan nito si Reiko, lalo na at kung matataon na wala siya dahil nasa flight siya.
Nagmamadali siya na magmaneho pauwi sa bahay nila na mag-asawa. Hindi man siya sigurado kung naro’n na ngayon si Ica o mas pinili na puntahan ang lalaking kalaguyo niya dahil sa mas pinili rin ni Kenji na manatili kay Reiko kanina ay umaasa pa rin siya, that this time, Ica will fight for him.
Ilan minuto lamang ay narating na ni Kenji ang kanilang bahay. Pumarada siya sa garahe at dumiretso papasok. Lumundag ang puso niya nang mabungaran niya si Ica na nakaupo sa may sofa pagpasok na pagpasok pa lamang niya. Titig na titig sa kan’ya ang mga nagtatanong na mata ng asawa niya habang nagpalinga-linga siya sa buong kabahayan.
"Where are the maids?" tanong niya sa asawa.
"I asked them to leave us alone so we could talk." sagot ni Ica sa kan’ya.
Tumayo si Ica sa pagkakaupo at humarang sa harapan ni Kenji, nabubuhay ang galit sa mga mata ng babae. Ayaw na nakikita ni Kenji na ganito ang kan’yang asawa, pero sa ngayon ay kailangan niya muna na tikisin si Ica upang malaman niya kung epektibo ba o hindi ang plano nila ni Gray.
Inilingan niya lamang si Ica at akma na lalagpasan ang babae nang marahas na hawakan nito ang braso niya upang pigilan siya. "Why?!" sigaw nito sa kan’ya.
"There’s no why. It just happened." Walang emosyon na sagot ni Kenji.
Nagulat na lamang siya nang hawakan ni Ica ang pisngi niya at siilin siya ng halik. Madiin ang halik na iyon at marahas, inilalabas ng asawa niya ang lahat ng galit sa pamamagitan ng halik. Pinilit na umiwas ni Kenji ngunit mas lalo na nagpumilit si Ica.
Hinawakan niya sa magkabilang braso ang asawa at saka lumayo ng bahagya rito, "What are you doing?"
"You can’t choose her, Kenji. You can’t leave me because of her. Why do you keep on hurting me this way? I am the victim here, pero bakit ako pa ang lumalabas na masama. You made me do those things. Ikaw ang nawalan ng oras at panahon sa akin, tapos ito pa?" Hindi na napigilan ni Ica ang mga luha na lumandas sa kan’yang mga mata.
"Ica," tawag ni Kenji.
"No, Kenji. Hindi mo ako puwede na ipagpalit sa kan’ya. I love you. You don’t love her, kaya bakit mo ako tatalikuran para pakasalan siya? Tell me, Kenji, dahil hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin. Why do I always have to compete with other women for your affection? Do you know how hard it is for me? Alam ko na ang dami ng mga babae na nagkakandarapa sa’yo, at wala akong magawa para pigilan sila. Do you know how hard I tried, para lang ma-please ka? Then just one mistake, only one mistake, ay nakuha mo ako na ipagpalit agad?"
Nadudurog ang puso ni Kenji sa patuloy na pag-iyak at pagsusumamo sa kan’ya ni Ica. He loves her so much that her pain is his pain. At nagsisisi siya ngayon dahil nasasaktan niya ang babae na mahal niya dahil sa mga palabas na ginawa nila ni Reiko.
"Ica, stop."
"I won’t stop, Kenj. Hindi ako titigil hangga’t hindi ka bumabalik sa akin. Ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin. And if you’re telling me that you’re choosing her over me, hindi ko iyon matatanggap, and I'll kill myself. Please come back to me, Kenji. I am accepting defeat. Now, stop this fucking relationship with her. I promise you, I’ll stop seeing him. I’ll be faithful to you. Just please don’t hurt me this way. I’m choosing you over him, so please choose me over her." And those words are what Kenji is waiting for. Ang sabihin ni Ica sa kan’ya, that she will stop her affairs and that she is choosing him.
Labis ang galak ni Kenji sa narinig, kaya walang salita na namutawi sa kan’ya, and he immediately crashed his lips over her. At ang halik na iyon ay punong-puno ng pagmamahal sa pagitan nila na mag-asawa. They both wanted to dominate the kiss; they both wanted to be burned by the passion that they were feeling for one another.
Pilit na itinataas ni Ica ang suot niya na t-shirt at pinagbigyan niya ang babae sa nais nito. Bumaba ang halik ni Ica sa kan’yang dibdib at nabubuhay ang kan’yang pagkalalaki sa ginagawa nito. Lumayo ng bahagya ang asawa niya at hinubad ang dress na suot nito sa harapan niya.
Lalo na nag-init ang pakiramdam ni Kenji nang makita ang kabuuan ng asawa niya, wearing her undergarments only. Hindi niya mapigilan ang pagnanasa na nabubuhay sa kan’ya, the lust that only Ica can ignite.
Muli niya na hinalikan si Ica at binuhat ang babae. Awtomatiko na pumulupot ang mga binti nito sa kan’yang beywang. Hindi na siya makatiis sa nararamdaman na pagnanasa para sa asawa niya. Lumakad siya patungo sa kanilang silid habang buhat-buhat ang asawa at hindi pinuputol ang kanilang halik. Tangi na pag-ungol ni Ica ang maririnig na lalo lamang nakapagbibigay sa kan’ya ng kakaibang sensasyon.
Nang makarating sa kanilang kuwarto ay ibinaba niya si Ica sa may kama at patuloy naman ang malalagkit na titig sa kan’ya ng kan’yang asawa na lalo lamang nagpapabuhay sa mga nararamdaman ni Kenji. "Take me, Kenji. Make love to me, and I will make you forget about her."
At hindi kailangan na magdalawang-salita ni Ica sa kan’ya dahil nang marinig niya iyon ay agad siya na nag-alis ng natitirang damit niya habang ang mga mata ay nakatuon din sa asawa niya. Ica is seducing him, and he is at his breaking point just by looking at her. And then he slowly made his way to her. He kissed her senselessly, and she responded as fiercely.
At nang hindi na makatiis si Kenji ay pinangibabawan niya ang asawa niya at nilunod niya si Ica sa pagnanasa na tanging siya lamang ang makapagbibigay. He wanted her to forget about her other man. At sisiguraduhin ni Kenji na ang mga marka niya lamang ang tangi na maaalala at maiiwan sa katawan ni Ica simula sa araw na ito.
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik sa istorya nina Reiko at Kenji. Natapos na po ang kuwento ng pag-iibigan nila at sana po ay nagustuhan ninyo. Sobrang thank you po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga stories ko. This means so much to me. Sana po ay suportahan ninyo rin po ang iba ko pa na kuwento sa GN: Completed Stories: The Invisible Love of Billlionaire (Taglish) Married to the Runaway Bride (Taglish) My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss (English) Ongoing Stories: The Rise of the Fallen Ex-Wife (Taglish) Entangled to the Hidden Mafia (Taglish) The Dragster's Mafia Heiress (English) The Runaways' Second Chance Mate (English)
Aligaga siya habang naghihintay ng abiso sa kan'ya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya sa mga oras na iyon. She had been waiting for this day to come, and now that it is here, she doesn't really know if this is still what she wants. She doesn't really know if there is still something or someone out there for her when she goes out. Tatlong taon mahigit din na nakulong si Ica. Matapos siya na tuluyan na pabayaan ng kan’yang mga magulang at talikuran ng dating asawa niya, natutunan na niya ang mamuhay na mag-isa sa piitan. Hindi na nga niya inisip pa na mabibigyan pa siya ng pagkakataon na makalabas muli buhat sa mundo na ito, pero isang anghel ang dumating at binigyan siya ng isa pa na pagkakataon na ayusin muli ang buhay niya. Mahigit isang linggo na ang nakakaraan nang sadyain siya ni Reiko sa kulungan. That visit was unexpected, but it was something that they both needed to find closure on everything that happened between them. —-- "Ano ang ginagawa mo rito?" Iyon agad
"Dad, do you think she’ll like this?" Nag-aalinlangan na tanong ng anak sa kan’yang ama habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang cake na nasa harapan niya. Malalim ang pag-iisip na ginagawa niya kung ano ba ang nararapat niya na piliin. "She will definitely like anything that you choose for her, son." Paninigurado naman ng ama niya sa kan’ya. "Are you sure? I’m not certain if this is her favorite or not." "More than the cake, it is your presence that will clearly matter for her, Kiro." Nakangiti na tugon ni Arden sa kan’yang anak. "Okay, let’s buy this one then." Sabay turo nito sa korteng puso na cake sa staff ng shop na iyon na agad naman na tumugon sa kan’ya at inayos ang order niya. Napapa-iling na lamang si Arden habang binabayaran ang kinuha na cake ng anak niya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mag-aalala sa nakikita na pagka-aligaga sa kan’yang anak. He is not really sure because he is feeling the exact same way as Kiro is feeling at this exact moment. Pareho
"Hey, you’re in deep thought." Ang boses na iyon ng asawa ko ang nagpaputol sa akin sa pag-aalala ng amin nakaraan at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nakangiti siya habang papalapit sa akin, pero ang mga mata niya ay napupuno ng mga katanungan. "What are you thinking? May problema ba? May masakit ba sa'yo?" Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa nakikita ko na pag-aalala niya para sa akin. Everything is still as surreal for me as it can be. We may have been married already, but the butterflies in my stomach that she always makes me feel are still indescribable and unfathomable. Kalalaki ko na tao pero hindi ko maiwasan ang pagsirko-sirko ng puso ko sa asawa ko, lalo na kapag nakikita ko ang sobra rin na pagmamahal niya para sa akin. What we have is different from my past relationships. She is way different from all the other women that I’ve come across. And what we have will always be something that I'll treasure. "Pinapakilig mo na naman ako, misis ko. Alam mo naman na hindi
The set-up was going well for both of us. Hindi ko inakala, pero maayos naman ang naging usapan namin ni Reiko kung ano ang mangyayari sa kontrata. At gaya nang sinabi ko kay Reina, iyon din ang sinabi ko sa kan'ya. Ang lahat ng ito ay pagpapanggap lamang. Hindi namin kailangan na maging intimate sa isa't-isa. Wala akong plano na sirain ang relasyon namin ng asawa ko. Ginagawa ko lamang ito para mabawi siya sa pagkahumaling niya sa matalik na kaibigan niya. Matapos ang unang paghaharap namin nina Ica, I knew that I was back in the game. Alam ko na tama ang naging plano na ito ni Gray para muli ko na makuha ang pagmamahal ng asawa ko. Ayaw ni Ica sa kompetisyon, at nakita ko ang pagkabahala niya nang makita niya kami na magkasama ni Reiko sa restawran. And just as we have expected, Ica cannot bear the threats she sees in Reiko, and it is all the more fulfilling to see that in just a matter of days, I know this plan will succeed. And it should be, dahil hindi maaari na tumagal pa ang
I couldn’t keep the smile off my face as I watched the two most important people in my life enjoy our time together. It’s been a month since Reiko and I got married, and being married to her is the most wonderful feeling I have ever felt. I never thought I could still have the chance to find my happy ending in love. I never even believed that there was still somebody out there for me after Ica, but indeed, the right person will come at the right time. Habang pinagmamasdan ko ang mag-ina ko habang nagtatampisaw sila sa tabing-dagat, hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na balikan ang aming nakaraan. Ang hindi ko inakala na pagmamahal na mararamdaman ko sa babae na pilosopa na naabutan namin ni Gray sa bahay ni Reina noon ay siya pala na makakasama ko sa habang-buhay ngayon. And who would have thought that I would even end up marrying the woman who got on my nerves the first time I saw her? Totoo nga siguro ang kasabihan na "the more you hate, the more you love", dahil ang pagmamaha