Share

Chapter 4

Terrence Ramirez POV

"Couz, napag usapan na natin 'to diba? kung gusto mo ako nalang ang pupunta dyan sa office mo." Sabi ko sa kausap ko sa telepono.

Sakit talaga sa ulo itong pinsan kong ito, ang hirap makipag-areglo sa kaniya. Siya ang may gustong mag-invest sa bago kong project tapos ngayon binabawi niya.

[Hindi ako mag-iinvest sayo kung ganiyan ka ka-independent sa trabaho, mas inaatupag mo yang pambababae mo kaysa sagutin ang tawag ko, tawag ng investor sa project mo.]

Wala ito sa mood habang nakikipag usap sa akin mula a telepono.

"Sino namang nagsabi sa 'yong namba-babae ako? Ikaw nga itong maraming babae."

Aba loko 'to ah may, tama yata 'to sa utak.

[Tumawag ako kay Khael kanina, busy ka daw sa babae mo at binabaan na lang ako bigla.]

Crush yata ako nito eh...

"Gago! Ka meeting ko yung bagong model, pano ka mag-iinvest kung wala naman tayong model." Ano ba klasing business man ito magulo pa siya sa pubic hair.

[Let's discuss about the contract later and by the way may natanggap akong invitation sa isang jewelry company para sa gaganaping bidding sa isang Private club, may natanggap ka rin ba?]

"Meron but I don't think makakapunta ako, maybe si Khael nalang ang attend puno yung schedule ko bukas, tomorrow night pa naman iyon."

[Oh okay, just asking.] Aniya pa bago ako tuluyang binabaan nito.

Kinuha ko ang invitation sinasabi niya at binuksan ko iyon upang tignan kung sino sino ang mga invited sa bidding.

Halos mga malalaking kumpanya ang imbitado rito kabilang na ang EXGC Empire at si Shai.

Wait si Shainahiah Garcia, Si Shai? anong connection niya sa ng EXGC?

Nakasulat sa invitation kasunod ng RM company ay ang pangalan ng kumpanyang EXGC at nakasulat sa ibaba noon ang buong pangalan ni Shai at ang president ng EXGC na si Levi Garcia.

Mabilis kong hinalungkat sa drawer ng table ko ang portfolio 'ng naglalaman ng resume at bio-data ni Shai upang basahin iyon.

Nabasa ko na itong bio-data niya kagabi pero hindi ko napansin ang ibang nakasulat rito.

Nakasulat sa father's name niya ay Ryan Garcia at ang mother naman nito ay si Elizabeth Ynah Garcia, ibig sabihin anak siya ni Mr. Garcia ang chairman at nagmamayari ng EXGC empire.

Pero bakit nandito siya at nagtatrabaho sa ibang kumpanya at hindi sa kanila?

"Shit! Why Shai? Why I'm always thinking about you?!" Bigla kong sambit habang nakatingin ako sa hawak kong bio-data niya.

Napasandal ako sa swivel chair ko at bahagyang ipinaikot ito.

Inilapag ko sa aking mesa ang portfolio at ipinikit ko ang aking mga mata. "Focus Terrence... Mag focus ka sa trabaho mo," wika ko sa sarili ko.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay biglang bumukas ang pintuan ng office ko, isa lang ang taong alam kong hindi kumakatok sa pintuan ng office ko bago pumasok at iyon si Khael.

Buti nalang ay isinara 'ko ang mga blinds ng office ko para hindi na ako mapagmasdan nito mula sa office niya at kung ano ano pang pinagsasabi niya kay Xander at kay Dad.

Umayos ako ng upo bago ito makapasok ng tuluyan sa office ko. "Anong kailangan mo?"

"Wala naman, isinara mo kasi lahat ng blinds ng office mo kaya na curious ako kung anong ginagawa mo," malamig na sagot nito sa akin.

Naupo ito sa aking visitors chair sa harapan ng aking office table habang may hawak itong kapirasong papel.

"Wala naman pala, makakalabas ka na." Wika ko at sumandal sa aking swivel chair.

"Julianna's asking me to court her."

"Who? Si Trisha?" Tanong ko, lagi naman kasing sinasabi ni Julianna na ligawan ni Khael itong si Trisha.

"And Shainahiah, what do you think? Shainahiah or Trisha?" May pagka mahangin naman nitong sabi ngayon.

"It's up to you."

"You're not going to be mad if I pursue Shainahiah?"

"Why am I? She's non of my business bro." Simple kong sabi at inirapan ko ito.

"Take it easy bro, you're in indenial stage." Aniya at tumawa pa ito habang nakatuon ang kaniyang pansin sa bio-data ni Shai. "Just kidding..."

"Whatever Khael, could you please get out in my office?" Iritado kong sabi.

"Okay fine." Aniya at lumabas na ito ng office ko.

I immediately grab my phone though my table to check my social media accounts, when Khael send me a link of an article with a video interview viral online.

"A reporter of *** company saw the former super model Shainahiah Garcia in a fast food restaurant with a little girl at mall."

Nakasulat sa pinaka unang paragraph ng article na sinundan pa ng mga iba't ibang mga tanong, pinanood ko ang video interview na kaka appload palang thirty minutes ago ngunit umabot na ng milyon ang view nito at marami naring mga nag share.

Bakit kasama niya si Julianna?

Mabilis akong lumabas ng office ko upang magtungo sa office ni Khael ngunit pagkarating ko ay wala ito rito kaya't hinugot ko ang aking telepono mula sa aking bulsa at tinawagan ko ito.

"Nasaan ka?" Tanong ko ng sagutin nito ang tawag ko.

[Sa basement nakasakay na ng kotse, pupuntahan ko sila Julianna sa mall.]

"Hintayin mo ako d'yan, sasama ako." Ika ko at lumabas ako ng office nito.

[Huwag na d'yan kanalang kaya ko na 'to.] Aniya at binabaan ako nito ng telepono, bumalik nalang ako sa office ko at inasikaso ang mga hindi ko pa natatapos na papeles.

Khael Ramirez POV

"Fvck! Trisha, pick up your phone." Tinatawagan ko ito habang nagmamaneho ako papunta sa mall kung saan sila pumunta.

[Hello?]

"Shit! Finally, nasa may parking lot na ako rito sa mall nasa'n kayo?" Ika ko nang sinagot na nito ang tawag ko sa telepono.

"Sa may toy store, anong ginagawa mo rito?"

"May mga reporter na naghihitay sa inyo sa harapan ng mall at dito sa parking lot, under contruction yung exit sa likod kaya pumunta na kayo sa exit sa harap pero wag kayong lalabas ng wala ako, hintayin niyo ako d'yan." Sabi ko at binabaan ko na ito.

Bumaba ako sa aking kotse at mabilis akong naglakad patungo sa harapan ng mall. Maraming reporter mula sa iba't ibang kumpanya ang naghihintay rito, buti nalang ay nagpalit ako ng damit at nagsuot ng hoodie bago ako pumunta rito kung hindi ay mas magiging actibo ang mga reporter.

Baka kung ano-ano pang issues ang maimbento nila dahil pupuntahan ko sila Shainahiah.

Papasok na sana ako ng entrance ng mall ngunit napatigil ako at napalingon sa mga reporter na mabilis lumapit sa isang itim na kotse humito sa may 'di kalayuan rito sa entrance.

Mariin kong pinakatitigan ang kotse dahil mukhang pamilyar ito at napag-tanto kong kotse pala iyon ng nakatatanda kong pinsan na si Xander.

Magtataka na sana ako kung bakit siya nandito pero naalala kong isa pala s'ya sa mga investor rito sa mall.

Good timing makakaalis sila Julianna rito ng hindi namamalayan ng mga media.

Pagpasok ko ng entrance ay kaagad nahagilap ng mga mata ko sila Trisha sa may gilid malapit sa exit.

"Tara na, habang hindi nakatuon ang pansin nila sa inyo." Ika ko pagkalapit ko rito.

Karga-karga ko si Julianna hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Samahan mo si Shainahiah, ako nang bahala kay Julianna," sabi ko kay Trisha.

Tumango ito at pumasok na silang dalawa sa kotse.

"Kuya, bakit mo ako sinundo kaagad?" Wika ni Julianna nang buksan ko ang pintuan ng passenger seat at ibinaba ko siya roon at isineat belt.

"Dahil magulo ka." Panloloko ko rito habang ipinapaandar ang sasakyan.

"Behave lang kaya ako, upakan kita d'yan eh." Aniya at pinakita niya pa sa akin ang nakayukom nitong kamay.

"Kaya mo 'ba? Ang liit-liit lang n'yang kamay mo." Ika ko.

"Oo kaya ko, papatulong ako kay kuya T saka kay kuya Lin," mayabang nitong sabi.

"Hindi ka tutulungan ni T 'tsaka ni kuya Xander dahil busy ang mga yon sa trabaho, gugulpihin na kita Julianna at uupakan pa kita hanggang sa mahospital ka," pananakot ko sa kaniya.

"At least alam ko yung secret niyo ni ate Trisha." Nakangisi nitong sabi.

Mabilis akong lumingon rito at ibinalik ulit ang tuon ko sa daan. "Anong secret?"

"Na nag kiss kayo lagi, pag pumupunta ako sa room ni ate Trisha nakikita ko kayo nag kiss tapos nakakalimutan niyo pa minsan isara yung door."

Shit! we're dead...

***

Gabi na at nasa bahay pa rin ni Shainahiah si Trisha nag message ako sa kaniya at sinubukan ko na rin tumawag dito ngunit hindi ito sumasagot.

Ilang sandali pa ay bahagyang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at sumilip dito si Julianna. "Kuya Khael kailan uuwi si ate Trisha? Gabi na eh makikitulog pa ako sa kwarto niya at tsaka nasa kaniya pa yung mga binili nilang toys ni ate Shai," aniya.

"Hindi ko alam, matulog ka na sa kwarto mo." Ika ko ngunit pumasok na ito ng tuluyan sa loob ng kuwarto ko at nahiga ito sa tabi ko.

"Dito nalang ako matutulog." Wika niya at yumakap pa siya sa aking braso.

Hinayaan ko nalamang itong, madalas ay dito rin naman natutulog ito.

"Kuya Khael?" Tawag niya.

"Hmm?"

"Bakit ang laki ng braso mo saka ang muscle pa samantalang yung akin ang fluffy-fluffy." Tanong niya at bahagya niya pang kinurot kurot ang braso.

"Nag g-gym kasi ako," maiksi kong sagot.

"Pwede rin ako mag gym?"

"Pwede kapag malaki ka na." Ika ko, tumango ito at isinubsob niya ang kaniyang mukha sa braso ko at mariin nitong ipinikit ang kaniyang mga mata.

Nang makatulog na ito ay bumangon ako para patayin ang ilaw at itinirang bukas ang lamp shade sa may table katabi ng kama.

Lumabas ako ng kwarto ko at mukhang tulog na silang lahat dahil madilim na sa paligid at tanging mga maliliit na ilaw nalamang ang bukas, paglabas ko ng mansion ng walang suot na damit pang itaas ay sumalubong sa aking ang malamig na ihip ng hangin.

Sumandal ako sa pader malapit sa pintuan ng bahay at napamulsa sa aking suot na pajama.

Ilang minuto pa ang makalipas ay dahan-dahan bumukas ang gate, madilim ang paligid kaya hindi ako nito masyadong naaninag at nang makalapit ito sa pintuan ng mansion ay para itong na estatwa nang makita akong nakatayo sa gilid nito.

Ipinalupot ko ang aking mga braso sa kaniyang baywang dahilan para magdikit ang aming katawan at isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg.

Nalanghap ko ang naghahalong mala rosas n'yang amoy at... Alak?

"Did you drink?" Tanong ko.

Tumango ito. "Konti lang naman."

Bahagya kong inangat ang aking mukha at pinaulanan ko ito ng maliliit na halik sa kaniyang leeg.

"You smell so good Trish," pabulong kong sabi.

Tumigil ako sa pag halik rito at mabilis ko itong binuhat papasok sa loob ng mansion

Bahagya kong sinipa pasara ang pintuan at pagkarating sa sala ay inipag ko ito sofa.

Itinabing ko ang mga gamit nitong dala at pumaibabaw ako sa kaniya, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking katawan ng mag dikit ang aming mga labi.

Labis ang aking pagkasabik nang tumugon ito sa aking mga halik at ramdam ko ang mainit nitong mga palad na dumadausdos sa aking makisig na katawan.

"Khael..." Tawag nito sa aking pangalan nang tuluyang nagtungo ang aking kaliwang palad sa kaniyang dibdib na natatakpan ng suot nitong damit.

Bumaba ang aking halik patungo sa kaniyang balat at habang dahan-dahan kong tinatanggal sa pagkaka butones ng kaniyang kulay rosas na long sleeve polo.

"Khael, baka may makakita sa atin." Aniya.

"Tulog na silang lahat." Ika ko habang patuloy lang sa paghalik sa kaniya.

"Wait lang, ano kasi..." Bahagya akong tinulak nito palayo sa kaniya kaya napatigil ako at napatitig ng daretyo sa kaniyang mga mata.

"Ano?" Tanong ko.

"Kasi... B-baka may magising at makita tayo rito," nauutal nitong sabi at hatang kinakabahan.

Tumayo ako, "Then, let's go to your room." Ika ko at aktong bubuhatin ko ito papunta sa kaniyang kwarto ngunit mabilis s'yang umiwas sa akin.

"Khael, matulog nalang kaya tayo,kasi may work kapa bukas, diba?" She's really making it hard to me.

Naupo ako sa tabi nito at napasandal nalang ako sa sofa.

"Kasi ano pa? Dali na sabihin mo na, marami naman akong sagot sa mga palusot mo," malamig kong sabi.

"Khael," tawag niya sa akin ngunit hindi ako sumagot rito at nanatili lang akong naka upo habang nakatitig sa mataas na kisame ng bahay.

"Khael, nagtatampo ka 'ba? Sorry na." Malambing nitong sabi at yumakap pa ito sa aking kaliwang braso.

Makalipas ang ilang minuto ay nanatili kami sa gano'ng posisyon ngunit hindi pa rin ako umiimik kahit na panay ang paghingi ng tawad nito sa akin.

"Sorry na nga di 'ba, kausapin mo naman ako." Tinanggal ko ang mga braso nitong nakapalupot sa akin, tumayo na ako at tunalikuran ko ito upang bumalik sa aking kwarto.

"You don't have to be sorry, umakyat kana sa kuwarto mo alam kong pagod ka sa trabaho kaya magpahinga ka na," malamig kong sabi na tila wala ni katiting na emosyong bumabalot sa aking pananalita.

Bumalik ako sa aking kwarto nang hindi ito nililingon. Lumapit ako kay Julianna na mahimbing na ang tulog at marahan ko itong binuhat at ibinalik sa kaniyang kwarto, pagkatapos ay nahiga na ako sa aking kama at binuksan ang ko ang telebisyon upang mabilis akong makatulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status