Share

Falling for you
Falling for you
Author: littlexclara

Chapter 1

"Maaga kabang uuwi mamayang gabi?" Tanong ko sa aking asawa habang inaayos ko ang kaniyang neck tie.

"Bakit mo natanong?" tanong niya. Madalas kasi ay hindi ko na itinatanong dahil late na s'yang umuwi.

"Wala lang, gusto sana kitang ipagluto ng dinner," sambit ko. Hindi talaga ako marunong magluto at alam niya iyon, ngunit sisikapin kong ipagluto siya bilang pasa-salamat.

Huling buwan na 'to ng pagsasama namin at mag-a-annulment na kami ng kasal. Kinailangan niya lang naman magpakasal sa 'kin para makuha niya ang kaniyang mana sa kanilang pamilya. Wala talaga sa plano ko ang magpakasal dahil ni wala naman akong naging boyfriend.

I start doing modeling in a well known modeling agency when I was 15 years old at habang nagta-tagal ay mas lalo akong nagiging kilala hindi lang sa ating bansa kung 'di pati na rin sa ibang bansa.

Pero nung may napa-sikat na bago at mas batang modelo ang agency ko 3 years ago, when I was 23 turning to 24 years old hindi na nila ako binigyan pa ng projects, hanggang sa karamihan sa mga aking taga suporta ay nawala kaya't nag terminate na ng kontrata ang agency sa akin.

At that time I started running out of money that's why I don't have a choice but to sell my house and cars. Isang kotse lang ang natira sa akin at ginamit kong pang-gastos ang perang nakuha ko sa pag benta ko sa aking bahay para bumili ng isang condo unit.

Although galing ako sa mayamang pamilya, hindi ako nag abalang humingi ng tulong pinansyal o sabihin kung ano ang kalagayan ko sa aking mga magulang, dahil simula nung umalis ako ng bahay at mas piniling mag model kaysa sa gusto nilang ako'y makapagtapos ng doctor ay parang ipinamukha nila sa akin na wala na akong pamilyang babalikan pa.

Until I meet Lance Rivera in a cafe shop. Sinabi niya ay matagal na niya akong hinahangaan at nalaman niya sa mga natitira kong taga-suporta kung ano ang nagiging kalagayan ko nung oras na iyon.

Inalok niya ako ng isang kasunduan kung saan ikakasal kami at magiging asawa ko lamang sya sa loob ng dalawang taon upang makuha niya ang mana niya mula sa kanilang pamilya.

Pagkatapos ng dalawang taon ay makakatanggap ako ng 10million at maiiwan sa akin ang titulo ng bahay at lupang tinitirhan namin ni Lance, kaya't hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanggap ko na ang kaniyang alok.

Sa loob ng mahigit isang taong pagkatapos naming ikasal ay wala naman masyadong nag-bago sa kilos niya, we're just minding our own businesses besides hindi ko naman siya naka-kasama buong maghapon dahil gabi lang siya umuuwi galing opisina then maaga rin siyang aalis.

Pero tutal ilang araw na lang ay pipirma na kami ng annulment paper. Gusto ko siyang asikasuhin at ipag-luto bilang pasasalamat sa kaniyang pagtulong sa 'kin noong nawalan ako ng trabaho.

"How about... ipagdala nalang kita ng lunch sa office mo mamaya," sambit ko rito.

"Huwag na, may pupuntahan kaming client ni Cindy ngayon at sa restaurant nalang kami kakain." Muntik ko nang makalimutan na araw araw pala silang magkasama ng girlfriend niyang si Cindy

"Okay," wika ko kasabay ng pag alis nito.

Sa pag lipas ng oras ay paulit-ulit na lamang ang ginagawa ko rito sa loob ng bahay, mag aayos ng mga gamit dito sa sala tapos maglalakad ulit ng pabalik-balik habang nakatuon ang paningin ko sa 'king telepono

I don't have a friend to chat or call, that's why I prefer going to bar because most of the people there wants to talk to me, drink with me.

Maya-maya pa habang pumipili ako ng isusuot kong damit papuntang bar ay tumunog ang aking telepono hudyat na may nag message sa akin, at pagka-tingin ko rito ay napag-alaman ko na ang nakaba-batang kapatid ko na babae ang nagpadala sa 'kin ng mensahe.

[Ate Shainahiah si Dianna ito, ate matagal na kitang hindi nakikita at hindi ka rin nag re-reply sa mga message ko, kumusta ka na?] Nakasulat sa unang mensahe nya.

[Ate Shai 17th birthday ko nga pala ngayon, sana ngayon magkita ulit tayo 11 years kanang hindi umuuwi miss na kita, mag reply ka please...] Nakasulat sa kaniyang mensahe. I really miss her either at gusto ko na siyang makita, pero malabo namang magkita kami dahil naka-bantay sila Mom sa kaniya.

[Ate Shai may isesend akong address ng isang park, hihintayin kita doon sana pumunta ka.] Message niya pa at may isinend nga siyang address ng park. Tinignan ko iyon at napagtanto kong malapit lang ito rito.

Nagdadalawang isip ako kung pupunta 'ba ako o hindi, tutal aalis din naman ako p'wede naman siguro akong dumaan at pagmasdan nalang siya mula sa malayo, baka mapapagalitan siya kapag nalaman nila mom na nakipag-kita ito sa akin kaya mas mabuti nang hindi niya ako makita.

Pagkatapos kong mag palit ng damit at mag ayos, isinukbit ko na ang sling bag ko sa aking balikat at mabilis kong ipinaandar ang kotse upang maka-alis na ako ng bahay.

Nang makarating na ako sa park na sinasabi niya ay bumaba ako sa kotse at nakita ko siyang nakaupo sa isang bench chair habang naghihintay, pumwesto ako sa may mga halaman hindi kalayuan sa kinau-upuan nito at doon ko siya pinagmasdan.

Makalipas nag ilang minuto, aalis na sana ako ng may nakabanggaan akong isang lalaki. Biglang tumibok ng napakabilis ang aking puso ng maamoy ko ang pamilyar nitong pabango.

"You okay? How you doing, Ahiah?" Pangkumusta niya. Pagkaharap ko ay napagtanto kong siya pala ang sikat na engineer na si Levi Gracia, my elder brother.

Mabilis akong naglakad upang lampasan ito, ngunit sumunod siya at hinigit ako sa braso upang iharap sa kaniya.

"You don't want to meet her?" tanong niya, wala na akong magawa kung hindi ang sagutin siya dahil hawak niya ang aking braso kaya hindi ako makaalis.

"No."

"What are you so afraid of?"

"Can you just let me go?" Pagpupumiglas ko.

"Give me one reason to let you go."

"Wanna know my reason? Okay, I'll tell you. I'm no longer your sister Mr. Levi Garcia. So, please let me go." Lakas loob kong tinanggal ang pagkakahawak nito sa aking braso at sumakay na ako sa aking kotse upang umalis.

A weeks later...

the day after tomorrow will be the last day of me being a married woman. Finally, I can continue my career, I can do whatever I want.

Paniguradong hindi na ako tatanggapin ng agency'ng minsan ko ng pinasukan. Puwede akong mag apply sa ibang company pero hindi magiging madali iyon kumpara sa dating sila ang lumalapit sa akin.

Lance said that I can start looking for a job, pero hindi niya man lang inisip na paano ako matatanggap sa mga modeling agencies or magazines company kung kasal ako. Base sa experience ko mga single ang tinatanggap nila, it means walang boyfriend at higit sa lahat asawa.

Hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa tumataas ang posisyon niya sa kanilang kumpanya.

"Next! Ms Shainahiah Garcia?" Tawag sa akin ng Secretary ng pinag-aplayan kong magazines company. Naghahanap kasi sila ng mga model's for their magazines cover.

"Yes?"

"Come with me," wika niya at sumunod ako rito papuntang interview hall.

"Have a sit, Ms Garcia," sabi ng isang interviewer. Apat silang nakaupo sa harapan ko sa pagitan ng medyo may kahabaang lamesa. Tatlong lalaki at isang babae.

"Introduction yourself," wika ng isang lalaking nasa 40's siguro ang edad.

"Good morning Ma'am and Sir, I'm Shainahiah Garcia, 26 years old, 5'8 height and I have 7 years experience in modeling," pagpa-pakilala ko

"That's it?"

"Yeah? May nakalintaan po ba akong information?"

"Okay na 'yon." binuksan niya ang iniabot na portfolio ng secretarya na naglalaman ng bio-data ko at iba pang requirements for the interview.

"A former super model of SMAgency, Miss Shainahiah Garcia or also known has Shai Garcia. You're so famous in modeling before. I bet a lot of company wants to work with you, how come you're here for an interview?" tanong nito at ipinasa niya ang portfolio ko sa katabi niyang medyo kasing edad ko lang.

"I didn't expect that 3 years ago was the last day I walked in a stage as a model, but now I wanna start my career and-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil pinahinto ako nung isang interviewer na ka mukhang edad ko lamang.

"Enough! let me ask you. You're once become a super model right? So you probably know the rule in modeling," medyo may pagka sarkastiko niyang sabi.

"Yes," sagot ko.

"Then get out, we're not hiring a married model. Trisha, call the next applicant," mahinahon pero sarkastiko niyang sabi.

"But Mr. President, she's the last one." So siya pala ang president ng kumpanyang ito.

"Just give me a chance. I can explain about the marriage." Pakikiusap ko at sumandal naman ang presidente ng kumpanya sa kaniyang upuan habang pinaglalaruan nito ang kaniyang ballpen.

"Explain then."

"My husband is already filed an annulment and 2 days from now we will sign the annulment paper, then we're done and also we don't have kids," wika ko. Tumayo ito mula sa kaniyang kinau-upuan upang umalis na rito sa loob ng interview hall.

"I hope you give me a chance," pahabol ko pang sabi.

"You may go now, just wait for my messege," wika at medyo nawala na ang pagka sarkastiko nito.

Umalis ito kasama ang isa pang lalaking interviewer kanina na medyo kasing edad niya lang din, samantalang napangiti naman ako habang inaayos ko ang dala kong gamit.

"Goodluck Ms Garcia," wika naman nung interviewer na may edad na bago siya umalis at kasunod naman nito ang secretary na si Trisha.

"You're lucky Ms Garcia sa dalawang daan na aplikanteng pumunta rito ikaw ang nag-iisang napili ni Sir. The magazine kasi was his project given by his father, the Chairman, kaya sigurado akong mag me-message na 'yon sayo mamayang gabi. By the way goodluck nalang sayo, Miss Garcia."

Bigla tuloy akong kinabahan sa sinabi ni Trisha tapos may pa goodluck pa yung dalawa, hindi naman halimaw yung boss nila para i-goodluck ako na para bang nanglalapa ng tao itong si President.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status