Share

Chapter 5

KINABUKASAN nagising ako sa ingay mula sa pintuan ng aking kwarto dahil may kung sinong kumakatok ng malakas roon, nakatulugan ko yung TV kagabi kaya bukas pa ito hanggang ngayon at wala namang papasok rito sa kwarto ko upang patayin ito dahil naka lock ang aking pinto.

Bumangon ako at pinatay ang TV at saka hinablot ko ang aking puting v neck t-shirt na nakapatong lang sa aking single couch at isinuot ito bago lumabas ng kwarto.

Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin si Terrence at mukhang aalis na ito para pumasok ng opisina.

"Kanina pa ako katok ng katok rito, ba't ba naka lock ang pintuan mo?" Naiinis nitong tanong.

"Baka gapangin ako," simple kong sabi, medyo inaantok pa ako keaga-aga istorbo 'to.

"Loko walang gagapang sayo rito." Aniya at iniabot nito sa akin ang isang envelop ng invitation. "Ikaw na munang mag attend d'yan, busy ako ngayon."

Kinuha ko iyon at bumalik sa loob ng aking kuwarto at inilapag ang invitation sa aking coffee table.

"Ako ng bahala at tsaka hindi pala ako papasok ngayong araw, tinatamad ako." Ika ko rito at sabay kaming bumaba papuntang dinning area.

Kumakain na sila at naka-ayos na ang mga ito para pumasok sa opisina maliban sa aming dalawa ni Julianna na naka pantulog at magulo ang buhok, halatang antok na antok pa.

"Hindi ka papasok ng opisina, Khael?" Tanong sa akin ni dad.

"No dad, tinatamad ho ako," simple kong sagot.

Tumango naman ito.

Naupo ako sa bakanteng upuan sa harapan ni Trisha at tinitigan ko ito ng masama.

Nabaling ang tingin niya sa akin pero mabilis rin itong umiwas at napa titig nalamang ito sa kaniyang pagkain.

"Trisha anak, kumusta naman ang trabaho mo?" Pangungumusta ni mom sa kaniya.

"Okay naman po tita," sagot niya.

"Diba graduation na ng kapatid mo sa susunod na linggo? Wala ka bang balak umuwi sa inyo nak? Pwede kitang ipahatid sa driver."

"Hindi ko 'pa po alam kung makakauwi ako sa probinsya, baka po kasi maging busy kami sa trabaho lalo na't uumpisahan na yung photoshoot ng bagong model next week."

"Nag recruit kayo ng bagong model for the magazine?" Biglang tanong ni dad.

"Yes po tito," sagot naman ni Trisha rito.

"Bakit hindi ko alam ang tungkol dito, Terrence, bakit kumuha pa kayo ng bagong model? P'wede naman si Elijah Lee ng SMAgency, she's a top one global model, a super model, son." Medyo may magpa disappoint sa tono ng pananalita nito.

"Dad ang dami na ng kinover na magazine ni Eli sa atin, our new model is more professional than her," ani Terrence.

"How could a begginer would be professional than Eli, Terrence?"

"Bacause she's Shainahiah Garcia, the former super model of SMAgency who entered modeling at the age of 15 and a license interior designer, also the daughter of the chairman of EXGC Empire, Dad."

"Ryan's daughter, okay just focus on your work."

"I will Dad." Sagot naman ni Terrence at tumayo ito sa kaniyang upuan. "Excuse me, papasok na ako ng opisina." Aniya at umalis na ito.

Sunundan ko lang ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng mansion at muling nabaling ang tingin ko kila Dad.

Bkit ang daming alam ni Terrence kay Shainahiah, pina investigate niya ba yon?

Katahimikan ang bumalot sa paligid habang kumakain kami, gusto ko ng katahimikan pero ngayong ganito ang nangyayari ay parang ang awkward lang tignan.

"Julianna may pasok ka sa school ngayon?" Pangbabasag ko sa katahimikan.

"Wala kuya, kasi saturday ngayon pero kay teacher Thea meron, may piano lesson kami mamaya sa house niya with my school mates na want din matuto mag play ng piano."

"Anong oras yung piano lesson niyo?"

"After lunch palang naman."

"Okay, ako nang maghahatid sayo para makilala ko si teacher Thea mo, maganda ba siya?" Bahagya akong napatingin kay Trisha na pasimpleng nakatitig ng masama sa akin.

"Hmm oo mahaba yung hair niya saka medyo morena at saka sabi niya nung nag introduce siya twenty four na siya." Napangisi ako, I actually like morena girls at medyo mestisa naman si Trisha.

"Type 'yon ni kuya yung long hair na morena, pakilala mo ako ah."

"Sure." Sagot ni Julianna at bumalik na ito sa pag kain.

Makalipas ang ilang oras ay kumain nalang kami sa labas ni Julianna at dumeretyo na kami sa bahay ng kaniyang teacher.

"Mag behave ka, susunduin kita mamaya 4 o'clock pagkatapos ng class niyo." Wika ko kay Julianna habang papalapit na sa gate ang teacher niya para pagbuksan kami.

"Akala ko bang papakilala kita."

"Wag na, kalimutan mo na 'yon." Ika ko at pagkarating ng teacher niya ay sabay silang pumasok sa kaniyang bahay kaya sumakay na ako sa kotse at umuwi ng mansion.

Pagkauwi ko ay bukas lahat ng pinto at bintana ng mansion dahil naglilinis sina manang, medyo nauhaw ako kaya dumeretyo ako sa kusina at sa hindi inaasahan ay naroon si Trisha at nagtitimpla ng juice at gumagawa ng sandwich para sa mga naglilinis ng mansion.

Saturday ngayon kaya half day lang sya, hindi ko nalang ito pinansin at nagtungo nalang ako sa refrigerator para kumuha ng maiinom na tubig.

"Nandiyan ka pala, ginulat mo naman ako akala ko kung sino." Aniya at gulat itong lumingon sa akin.

Samantalang kumuha lang ako ng baso at isinalin ko doon ang malamig ng tubig at tsaka ininom, pagkatapos ay kumuha na rin ako ng isang piraso ng mansanas at naglakad paalis.

Makalipas ang ilang minuto habang nanonood ako ng movie rito sa kwarto ko ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok rito si Trisha na may dalang mga chips.

"Mag isang nag mu-movie marathon?" Tanong niya at naupo ito sa kama katabi ko.

"Hindi ka 'ba marunong kumatok sa pintuan?"

"Pag 'ba kumatok ako papapasukin mo ako?" Tanong niya, hindi ko naman ito sinagot at itinuon ko lang ang aking pansin sa pinapanood na pelikula.

"Wag kanang mag-tampo hindi naman bagay sayo," halos pabulong nitong sabi sa kaniyang sarili.

"What did you say?" Malamig na tono kong tanong kahit na narinig ko naman.

At sa isang iglap ay bigla ako nitong sinunggaban ng halik, pilit kong nilalabanan ang sarili kong hindi tumugon rito ngunit nabigo ako.

Inihiga ko siya at bahagya ko itong dinaganan, bumaba ang aking halik sa kaniyang leeg patungo sa kaniyang dib-dib, ilang segundo pa ay tumigil muna ako sa paghalik sa kaniya at mabilis kong inialis ang aking pang itaas na damit.

Yumakap ito sa akin at napahawak siya sa aking buhok, ramdam ko ang pang-gigigil niya dahil panay ang sabunot nito sa akin at mas hinihigpitan niya ang pagkayakap dahilan para dumiin ang paghalik ko rito.

"Oh my gosh! Nakaistorbo yata ako sa inyo anak," biglang sigaw ni mom.

Tumalikod ito at tinakpan ang kaniyang mga mata.

Mabilis kaming humiwalay ni Trisha sa isa't isa at inayos ang aming mga sarili, hindi namin namalayang pumasok pala ito ng kwarto dahil may kalakasan yung volume nang pinapanood naming movie.

"Ma, pwede kanang humarap." Ika ko at humarap naman ito ngunit hindi siya makatitig ng daretyo sa amin at gano'n din si Trisha.

"May itatanong lang sana ako sayo anak, pero mamaya nalang," aniya.

"A-ano ba iyon Ma?" Hindi ko maiwasang mautal rito, sa lahat ba naman ng pwedeng makakakita sa amin bakit si Mom pa.

"Wala-wala mamaya ko nalang itatanong, sige ipagpatuloy niyo na yang ginagawa niyo, mana ka talaga sa Dad mo." Sabi nito bago siya tuluyang lumabas ng aking kwarto, hindi ko alam kung masaya ba siya or what.

Nagkatitigan kami ni Trisha pero mabilis rin kaming ang iwas ng tingin sa isa't isa, halatang naiilang ito sa nangyari dahil pumula ang kaniyang pisngi at tenga.

Shainahiah Garcia POV

Dumaan ako sa mansion nila Julianna ngayong gabi para ihatid yung mga stuff toy ni Julianna na naiwan ni Trisha kagabi sa bahay.

"Sandali lang po, tatawagin ko lang po si ate Trisha." Wika ng isang dalagang palabas na sana ng gate nila.

Ilang sandali pa ay lumabas na ito mula sa loob ng bahay kasama si Trisha.

"Shai buti nalang dumating ka, nalala mo 'ba yung kinuwento ko sayo tungkol sa amin ni Khael, alam na nila tita," pabulong nitong sabi. "Tara pumasok ka muna, kanina pa ako kinakabahan hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila Khael at nang parents niya sa loob."

"Nako nahihiya ako, ihahatid ko lang itong mga stuff toy ni Julianna then aalis na rin ako," wika ko. Nasa loob ang parents nila Terrence masyado namang awkward na maging malapit ako sa kanila samantalang bago palang naman ako sa kumpanya.

Although naging business partner sila dad at Mr. Ramirez before noong bata palang ako at madalas din niya akong nakikitang pagala-gala a kumpanya noon ay hindi ko pa rin maiiwasang mailang dahil matagal-tagal na rin iyon, maybe 20 years na yata ang nakalipas noong matapos ang kontrata nila sa kumpanya ni dad.

"Hinihintay ka ni Julianna sa loob." Aniya at isinama niya ako papasok ng mansion.

Natanaw kong nakaupo sa may sala sila Mr and Mrs Ramirez kasama si Khael.

"Sino iyang bisita mo hija?" Tanong ni Mrs Ramirez nang papalapit kami sakanila.

"Si Shainahiah po tita, kaibigan ko." Aniya.

"Good evening Mr and Mrs Ramirez, I'm Shainahiah Garcia po." Pagpapakilala ko at tumango naman ang mga ito.

"Oh you're the new model of our company, It so nice to see you Shainahiah I heard a lot of things about you, take a sit hija," naka ngiting sabi ni Mrs Ramirez.

Magkatabi kaming umupo sa sofa ni Trisha, bahagya kaming nagkatitigan at nabaling naman ang tingin namin kay Khael na kanina pa tahimik.

"Kumusta hija, mabuti at napadalaw ka," pangungumusta ni Mr Ramirez.

"Okay naman po, ihahatid ko lang po sana itong mga laruan ni Julianna eh nakakahiya nga po at pinilit pa akong papasukin ni Trisha."

"Nako 'wag kang mahiya, tignan mo mga ityura niyan may kasalanan pa iyang dalawang 'yan eh." Tunuro ni Mrs Ramirez ang halos magkatabi na si Trisha at Khael.

"Hindi ba't kaibigan ka ni Trisha, alam mo ba ang namamagitan sa kanila hija?" Aniya pa.

"O-opo pero hindi po masyado, naikwento lang po sa akin ni Trisha." Ika ko at bumaling muli ang tingin niya sa dalawa.

"Tignan nyo na, alam na ng kaibigan niyo pero kami hindi pa," medyo mataas na tono nitong sabi sa dalawa.

"Pagpasensyahan mo na sila hija," nabaling ang tingin ko kay Mr ramirez ng magsalita ito, "O sya maiwan ko na kayo d'yan." Aniya pa bago ito umalis.

Ilang sandali pa ay biglang sumulpot sa tabi ko si Julianna, hindi ko alam kung saan ito dumaan or kanina pa sya rito.

"Hi ate Shai, ano pong ginagawa niyo rito?" Tanong at naupo ito sa tabi ko.

"Dinala ko itong mga stuff toy mo, si ate Trisha mo kasi naiwan niya sa house ko." Ika ko at ibinigay ko sa kaniya ang mga naka paper bag na stuff toy na binili namin kahapon.

"Ate, pinapagalitan sina ate Trisha at kuya Khael kaya sad tuloy sila."

"Hindi naman sila pinapagalitan, tinatanong lang sila ng mommy mo." Sabi ko at tumingin kaming pareho sa gawi nina Trisha.

Napasinghap si Mrs Ramirez at tumingin ulit sakanilang dalawa. "Kailan pa nagsimula yang relasyon niyo?" Tanong nito.

"2 years ago, anubayan Mom okay ka naman kanina sa amin ni Trisha ah," sagot ni Khael sa kaniyang ina.

"Okay naman ako at ng dad mo sa inyo lalo na't matagal na nating nakakasama rito si Trisha pero ang ayaw ko ay bakit kailangan niyo pang itago sa amin at tsaka about dun sa nakita ko kanina between you two, anak lalaki ka, paano kung mabuntis mo si Trisha ng hindi kayo kasal at hindi iyon magugustuhan ng pamilya niya," mahinahong sabi ni Mrs Ramirez kay Khael.

"Then I'll marry her, hindi naman problema 'yon ma, can we stop this argument mag-aattend pa ako ng bidding mamayang eight o'clock and I'll take Trisha with me."

"Just make sure na malalaman na ng pamilya na ni Trisha ang tungkol sa inyong dalawa."

"Sasamahan ko siya next week pauwi ng probinsya."

"Good, may 2 hours nalang before eight mag ayos na kayo," wika niya sa dalawa.

Muntik ko ng makalimutan yung bidding, invited din pala ako ron.

"Mrs Ramirez mauna na rin po ako mag-aattend din po kasi ako sa bidding." Tumayo ako at nagpaalam rito.

"Tita Teresa nalang ang itawag mo, sige mamaya na pa naman iyon, Trish ihatid mo muna si Shainahiah sa labas, mag ingat ka sa byahe hija." Aniya.

Kumaway sa akin si Julianna at ganon din ako, sinamahan naman ako ni Trisha hanggang sa makarating kami sa harapan ng kotse ko.

"Paano mauna na ako, kita nalang tayo sa event mamaya."

"Sige 'wag kang magpapa-late." Aniya bago ako sumakay ng sasakyan.

Kumaway ito sa akin at pinaandar ko na ang makina ng kotse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status