Bella's POV
Dalawang araw na ang nakakalipas ng nakipaghiwalay ako kay Adrian. Simula no'n ay palagi akong nakakatanggap ng mga messages galing sa kanya, puro pananakot ang mga ito. Hindi na lang ako nagrereply sa kanya, gusto ko mang i-block na lang ang number niya pero hindi ko ginawa. Kung sakaling may gawin ulit siyang masama sa akin ay pwede ko iyong gawing ebidensya. Mabuti na lang at hindi na pumunta si Adrian sa bahay. Halata rin sa Tita ko na parang balisa ito. Mukhang natatakot siya na malaman ni Tito Nathan ang pagsusugal niya. Ang malala pa roon ay malaki ang utang niya kay Adrian. Nag-umpisa lang ito sa 20,000 hanggang sa lumaki na ito. Napansin ko rin nitong mga nakaraang araw ay parang biglang bumait si Tita Eliza sa akin. Siguro ay dahil sa nalaman niyang muntik na akong magahasa ni Adrian. May duty ako ngayon sa The Shire at schedule ko mamaya para sumayaw kaya maaga akong nag-ayos para maaga rin akong makaalis. Kailangan ko pang make-up-an ang sarili ko. Pagkatapos kong sumayaw mamaya ay magiging waitress na naman ako. Kailangan kong magdoble kayod dahil malaki-laki pa ang kailangan kong bayaran kay Adrian. "Anak, ako na ang maghuhugas ng mga pinagkainan natin. Mukhang uulan ngayong gabi. Pumasok ka na sa trabaho mo." Ani Tito Nathan. "Ako na po, Tito. Maaga pa naman, at tsaka mabilis lang naman maghugas nito." Nakangiting wika ko. "Bella, hayaan mo na 'yan d'yan. Si Eloiza na ang maghuhugas." Sabat ni Tita Eliza. Nagulat naman ako sa sinabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Nakaupo ito sa sala at nanonood na ng paborito niyang palabas sa TV. Himala at pinaghugas niya ang unica hija niya. "What? Ako ang maghuhugas? No way!" Ma-arteng pagtutol ni Eloiza. Mula pagkabata ay spoiled ito kay Tita kaya hindi ito sanay sa gawaing bahay. Tamad din ito. Kahit na utusan siya na maglinis ng kwarto niya ay hindi niya ginagawa. Kahit nga assignments niya noon ay ako pa ang gumagawa. Kahit ilang beses na pinagsasabihan ni Tito si Eloiza ay hindi naman ito nakikinig sa kanya. Sadyang matigas ang ulo nito katulad ng Nanay niya. She's a spoiled brat, poor version nga lang dahil hindi naman kami mayaman. "Bilis na, Eloiza!" Pagalit na sabi ni Tita. Nagkatinginan naman kami ni Tito Nathan. Nagkibit balikat ito sa akin at napapailing. Tumayo si Eloiza at nagdadabog na naglakad patungo sa kusina. "Bakit kasi hindi na lang ikaw ang naghugas nito?" Inis na sabi nito sa akin. "Eloiza! Ngayon ka lang maghuhugas ng plato. Huwag ka ng magreklamo." Pagalit na sabi ni Tito. Wala ng nagawa si Eloiza kung hindi ang hugasan ang mga pinagkainan namin. Sumenyas naman si Tito sa akin na umalis na ako kaya ngumiti ako sa kanya. Humalik ako sa pisnge niya. "Mag-ingat ka, Bella." "Opo, Tito. Alis na po ako. Matulog ka ng maaga." Bilin ko sa kanya bago umalis. Nang makarating na ako sa club ay dumeritso na ako sa dressing room naming mga dancers Naabutan ko roon si Adrianna na naglilinis ng table. "Hello, Addy." "Mi Bella! Ang aga mo naman yata?" Aniya. "Parang uulan kasi, tsaka, kailangan ko pang magmake-up." Sagot ko sa kanya. "Oh, right! Schedule mo pala ngayon." "Oo, tsaka after kong sumayaw mamaya ay magwe-waitress din ako." Saad ko. "Kailangan mo ring magpahinga, Girl. Baka mahimatay ka na naman sa sobrang pagod mo." Ani Adrianna. Napabuntong-hininga ako. Kailangan kong makaipon kaagad ng pangbayad kay Adrian para mabawasan na ang problema ko. Ngumiti ako kay Adrianna, "kaya ko 'to! Sana makarami tayo ng tip mamaya." "Sana nga, Belle," aniya at ngumiti rin sa akin, "nga pala, nakausap ko kanina si Michelle. Malapit na ang anniversary ng The Shire. Magsasayaw daw tayong lahat sa iisang stage ng sabay." Oo nga, ilang linggo na lang at anniversary na ng club. "First time 'yan a." Sagot ko sa kanya habang inaayos ang mga make-up na gagamitin ko mamaya. "Hindi pa raw sure. Pag-uusapan pa raw nila." Aniya. Nang umalis si Adrianna ay naiwan ako sa dressing room namin. Pumili ako ng susuotin ko mamaya. Napili ko ang pulang set ng undergarments at pulang maskara para itago ang mukha ko. Nang pumatak na ang alas nuebe ay nag-umpisa na akong magmake-up, dapat ay tapos na akong mag-ayos bago mag alas onse ng gabi. Nang nasa likod na ako ng stage ay hinubad ko na ang suot kong silk robe. Sinenyasan ako ni Michelle na lalabas na ako ng stage. Tumango naman ako sa kanya. Nang narinig ko ang musika ay naglakad na ako papunta sa stage. As usual ay punong-puno na naman ng tao ang club. Halos lalaki ang narito. Nag-umpisa na akong sumayaw. Bumaba ako sa stage at lumapit sa ibang mesa. Kapag lumalapit sila sa akin ay mabilis akong umaalis. "Hey, Babe." Ani ng isang lalaki. Regular customer ito dito. Palagi ko siyang nakikita ritong malapit sa stage. May nakita rin akong mga pulitiko na narito. Nang matapos akong sumayaw ay bumalik ako kaagad sa dressing room namin at nagbihis ng uniform namin bilang waitress. "Table 25." Kinuha ko ang tray at nagtungo sa table 25. "Here's your order, Sir." Ani ko at bahagyang ngumiti. Nilapag ko sa mesa nila ang mga ni order nilang inumin. Bago ako umalis ay may inipit na 1,000 peperbills ang isang lalaking nasa table na ito sa nakatuck-in kong palda. Nagpasalamat naman ako at umalis na. Natigilan ako ng may makita akong pamilyar na itsura, si Damian. May kasama itong magandang babae sa isang table. Nagtatawanan sila at mukhang close sila dahil nakaakbay ito sa babae. May iba pa silang kasamang mga lalaki. Nag-iwas ako ng tingin at mabilis na naglakad. Hindi ko napansin na may makakasalubong pala ako kaya nabangga ko ito. "Sorry, Sir!" Hingi ko ng paumanhin sa kanya. "It's fine." Tipid na sagot nito at umalis na. Sinundan ko naman ito ng tingin kung saan siya pupunta. Ganoon na lang ang pagkagulat ko ng umupo ito sa kung saan nakaupo si Damian. Napatingin si Damian sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin at naglakad. Pagkarating ko sa bar counter ay napasapo ako sa kanang bahagi ng dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. "Okay ka lang ba, Belle?" Tanong ni Kathnisse sa akin. Isa rin siyang dancer. "Oo, Kath." Nakangiting sagot ko sa kanya. "Table 50, 2nd floor." Ani ng bartender. Kinuha ni Kath ang order at umalis na para ihatid ang order sa table 50. May kinuha naman akong ibang order, nakakarami na rin ako ng tip ngayong shift. "Table 28." Kinuha ko iyon at nagtungo sa table 28. Nang papalapit na ako ay doon ko lang naalala na ito pala ang table kung nasaan si Damian. Napatingin ito sa akin, tipid naman akong ngumiti sa kanya at nag-iwas ng tingin. "Thank you, Sir! Enjoy your night!" Ani ko at umalis na kaagad. Nasa labas ako ngayon ng club at nagpapahinga. May 30-minute break ako. "Bella." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Napatayo ako ng makilala ko ito. "Attorney.." "Dito ka pala nagtatrabaho." Aniya. Tumango ako sa kanya. "Paano ka nakapunta rito?" Nasa likod na kasi ito ng club. Kapag break ko ay dito ako palaging nagpapahinga or minsan ay sa dressing room namin. "I saw you walking here kaya sinundan kita." Aniya at umupo sa bakanteng upuan. "Ngayon lang kita nakita rito sa club." Wika ko. "Yes. I rarely go to this kind of place." Sagot nito sa akin. Tumango ako sa kanya at tumingin sa langit. Napakapayapa nito. Nikayap ko ang sarili ko. "How are you?" Nilingon ko siya, "okay naman po ako, Attorney." Tipid akong ngumiti sa kanya. "Here we go again. Nakalimutan mo na ba ang pangalan ko?" Natatawang saad nito. "Damian.." "Right." Mahina itong tumawa. "Baka hinahanap ka na ng kasama mo sa loob." Baka hinahanap na rin siya ng kasama niyang babae kanina. "They won't mind. Until what time ang trabaho mo?" Seryosong sabi nito. "Until 3 in the morning." Sagot ko sa kanya. Tumango-tango naman ito sa akin. Natahimik ito at napatitig sa akin. Nailang naman ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "B-bakit?" "That dancer earlier...was it you---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. "Hindi ko siya kilala," mabilis na sagot ko, "interesado ka ba sa kanya?" Nagulat man ay hindi ko iyon pinahalata. Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Paano niya nasabing ako 'yon? Nakatakip naman ang buong mukha ko kanina. Tumahimik ito at seryosong tumitig sa akin. Para akong napapaso sa pagtitig niya sa akin kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. "B-balik na ako. Tapos na ang break ko." Ani ko at tumayo na. Tumango naman ito sa akin at sumabay na sa akin papasok ng club. Mabilis akong nagtungo sa bar counter at kinuha ang tray na may laman ng mga inumin. Napabuga ako ng hangin. Hindi pwedeng malaman niya na ako ang dancer kanina. Hanggang sa matapos ang shift ko ay iniwasan ko ang table kung nasaan si Damian. Kapag may siniserve ako malapit sa table nila ay nakikita kong napapatingin si Damian sa akin. Hindi ko maintindihan pero nararamdaman ko ang mga titig niya sa akin kaya napapalingon ako sa gawi niya.Bella's POV It's almost 8:00 PM na ng matapos akong magluto. Anniversary namin ngayon ni Damian at dito lang kami sa bahay magce-celebrate. Hinihintay nalang namin siyang makauwi ng mga bata. Happy 15th Year Anniversary. I love you! Napangiti ako sa nakasulat sa cake na ni bake ko. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Napakabilis ng panahon. I am married to Damian for 15 years already! We have a big family. May apat kaming anak, 2 boys and 2 girls. Ni hindi ko naramdaman na nagbago ang pakikitungo ni Damian sa akin sa loob ng ilang taon. He is a perfect husband and a father. Lahat ay ginagawa niya para sa amin. Our relationship is not perfect, we had arguments pero naaayos namin ito palagi. Small arguments lang naman. Walang involve na third party or what. It's just that, minsan ay puro trabaho nalang siya at minsan ay nakakalimutan niya na kami. He explains naman na it is for our future and I understand it. "Mommy, dumating na si Daddy!" Excited na turan ni Courtney. Na
Bella's POV Habang nakapikit ang mga mata ko ay nararamdaman ko ang maliliit na halik na binibigay sa akin ni Damian. Napangiti ako ng maramdaman kong pumatong ito sa akin. "Anong oras na, Atorney?" Tanong ko sa kanya nang maramdaman kong pinagparte nito ang legs ko. "6 in the morning, Muffin." Sagot nito at bumaba ang halik sa dibdib ko. Napasinghap ako at napahawak sa ulo niya. "May hearing ka pa nang 8:00 A.M. M-mali-late ka na, Damian." Sabi ko at napasulyap sa kanya na nandoon pa rin sa dibdib ko nakatuon. I bit my lower lip. Ganito palagi ang paraan ng panggigising sa akin ni Damian. Mahigit walong taon na ang nakakalipas at mas lalo pang naging sweet sa akin si Damian. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo. I can't deny that he loves me so much. 6 years na kaming kasal pero walang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Damian. Mas lalo pa naming minahal ang isa't-isa. Mas lalo rin itong naging responsable at protective. "Judge Belen is sick
Bella's POV "Here's my beautiful, Muffin," ani Damian nang makalapit ito sa akin at hinapit ako sa bewang at hinalikan sa labi, "are you ready?" Nakangiting tanong niya. "Hey, Handsome," I giggled, "yes, I'm ready." May halong kabang sagot ko. "Let's go." Aya niya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming lumabas ng condo. Magkahawak kamay kami habang naglalakad. Naghahalo ang nararamdaman ko ngayon. Excited ako na kinakabahan. I will meet my family later. Hindi sinabi ni Damian sa kanila ni Tito na buhay ako. Ang akala lang nila ni Tito ay simpleng dinner lang at kamustahan ang magaganap sa bahay nila ni Damian. "Nasa kotse na ba si Papa?" Tanong ko kay Damian nang nasa loob na kami ng elevator. "Yes, Muffin. He's with Manong Juan and his Nurse. Gusto ko sana siyang isama para makita niya ang condo natin pero sa susunod na araw nalang daw at pagod ito." Sagot ni Damian sa akin. Madali na talagang mapagod si Papa. Naka wheelchair na rin siya. Paminsan-minsan ay nag
Bella's POV Napangiti ako ng makita kong titig na titig sa akin si Damian habang nakaupo ako sa lap niya. Sobrang saya ko dahil naaalala ko na siya. Hindi na siya isang estranghero para sa akin. Pinisil ko ng mahina ang pisngi niya. "Baka matunaw ako sa titig mo." Biro ko. Kaagad siyang napangiti at niyakap ako ng mahigpit. Hinaplos ko naman ang buhok niya. "Ang akala ko ay matatagalan pa bago mo ako maalala. Akala ko ay pahihirapan mo pa ako." Aniya habang nakabaon ang mukha sa leeg ko. Ramdam ko ang pagsinghot niya sa leeg ko. I smiled. Alam kong nahihirapan siya noong mga araw na magkasama kami sa probinsya. Sino ba naman ang hindi? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan at masasaktan din ako kapag dumating ang araw na hindi ako maaalala ni Damian. "Babawi nalang ako sa 'yo, Damian. Ipagluluto kita ng masarap." Ani ko. Narinig ko itong umingos at inangat ang mukha niya para magkaharap kami. "Hindi lang pagluluto mo ang kailangan ko, Muffin. Marami tayong dap
"Damian!" Malakas na sigaw ko. Umiiyak ako habang tumatakbo. Hinahanap ko si Damian pero hindi ko siya makita. Punong-puno ng luha ang pisngi ko. "Damian? Please, nasaan ka?" Napapaos na sigaw ko. "Anak? Anak?"Napamulat ako ng mga mata ko. Panaginip lang pala. "Damian?" Kaagad na sambit ko. Nasisilaw ako sa ilaw pero pinipilit kong hinahanap si Damian. "Anak, wala si Damian dito." Rinig kong sagot ni Papa. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat ulit. Nakita ko si Papa na nakaupo sa wheelchair. Nag-aalala itong nakatingin sa akin habang hawak ang kamay ko. "Anak? Kamusta ka na? May masakit ba sa 'yo?" Napailing ako. "S-si Damian, Pa?" Naiiyak na tanong ko. God! I need to see Damian. Kailangan ko siyang makita ngayon din. I want to hug him tight and tell him that I love him so much. I want to tell him na naaalala ko na siya. Naaalala ko na ang lahat. "Anak, bakit mo hinahanap si Damian? And why are you crying?" "P-papa," kinagat ko ang pang-ibabang la
Ysa's POV Nang magising ako ay dumiretso ako sa banyo para maghilamos at para makapagbihis na rin. Pagkatapos ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Wala kaming kasambahay ngayon at naka day-off kaya hindi muna ako pupunta sa rancho para maasikaso ko rin si Papa. Habang hinihintay kong maluto ang sinaing ko ay hinuhugasan ko ang mga gulay na lulutin ko mamayang lunch namin. "Good morning." Narinig kong bati sa akin ni Damian. Nilingon ko naman siya, "good morning din. Maupo ka na muna r'yan." Ani ko at bumalik sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay nasa tabi ko na si Damian at tinitingnan kung ano ang ginagawa ko. "Para sa lunch ba 'yan?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "oo. Bigla kong namiss ang sinigang." Sagot ko sa kanya. "Namimiss ko na rin ang sinigang mo." Aniya. Hindi ko matandaan na nagluto ako ng sinigang na nandito siya. Maybe nagluluto rin ako nito noon bago ako ma-aksidenti? "Napaglutu-an na ba kita nito noon?" Tanong ko sa kanya. "Yeah, noong