Share

chapter 2

Zhykher pov.......

Kasama ko si mang Jose na pumunta ng palengke para tingnan ang area. Ang kompanya namin ang napili ni Mayor Robert Sanchez na mag-renovate sa naturang palengke sa bayan ng San Martin dito sa Zambales kung saan narito rin ang Isla ng aking Lolo na si Don Mariano Cruz ang ama ng aking ina.

Nagtataka ba kayo kung bakit Cruz ang aking apilyedo? Kinamumuhian ko ang aking amang si Mhelchur Torio dahil inabandona niya kami at nagpakasarap sa kandungan ng kanyang kabit. Tatlo kaming magkakapatid dalawang lalaki at isang babae ang bunso namin. Lumaki kami sa aking Lolo at Lola habang si mommy at nagtatrabaho sa Singapore bilang isang doctor. Nang makuha ni mommy ang pagsawalang bisa ng kanilang kasal ay nag-asawa na rin siya sa Singapore. Isang may-ari ng hospital at mejo may edad na rin. Mabait ito at nakikita naming Mahal na Mahal nito ang aming ina. Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae. At dahil wala silang anak na lalaki kami ni Zion ang itinuring niyang anak na lalaki. Siya ang tumulong sa akin hanggang matapos ko ang aking pag-aaral bilang kidney doctor.

Kaya mas nanaisin ko pang ipako ang aking apilyedo sa Cruz kaysa ipako sa Torio.

Nakuha ng isang magandang dilag na tindera ng isda ang aking attention. Napaka ganda at natural ang kanyang kagandahan. Narinig kong nilalait siya ng mga kapwa niya tindera dahil sa kanyang pagiging single mom. Napaka tanga ng lalaking nang-iwan sa kanya. Paano na kayang layuan at hindi panagutan ang isang dyosa.

Pero believe ako sa diskarte niya at sa pagsagot niya sa kapwa tinderang walang ibang magawa sa sarili kundi laitin at kutsain ang dalaga. Kaya inutusan ko si mang Jose na pakyawin ang kanyang isda. Marami naman kaming tauhan sa bahay ni Lolo Mariano kaya pwedi na namin iyang iulam. Gusto ko lang na tulungan ang magandang dilag at ng makauwi na ito ng maaga para makaiwas sa mga chismosang tindera. Ang tanong paano naman niya iiwasan ang susunod na mga araw.

Nai-submit na ang notice na isasara muna ang palengke habang ire-renovate ito. Maraming tindera ang maaapektuhan pero para rin naman sa kanilang ikakabuti ang ginagawa ni Mayor Robert Sanchez.

Manong Jose umuwi na tayo baka naghihintay na si Lolo at Lola pa sa tanghalian.

“Sige hijo mas mabuting maagang umuwi na tayo para mailuto na rin ang mga isdang pinamili mo. Natatawa ako sa dalagang iyon may pagkapilyang manalita. Pero alam kong may mabuting puso ito. Minsan talaga ang panginoon maraming pagsubok na ibinibigay sa mga mababait dahil mas lalo itong mananalig sa kanya. Mas lalong kumakapit sa panginoon at hindi agad sumusuko. Yung mga masasamang tao kunting problema lang di man lang iniisip ang diyos at agad-agad naglalasing, nagda-drugs at nagpapakamatay.”

May punto po kayo mang Jose lahat po ng inyong sinasabi ay totoo. Kung sino ang mahirap siya pa ang mas matatag. Teka po kilala mo ba ang  babaeng yon?

“Hindi ko alam kung saan nakatira ang batang iyon. Pero mga isang taon na ay madalas ko silang nakikita dito na nagdadala ng isda sa palengke at ngayon nga ay napag-alaman kong may pwesto siya doon. Siguro bagong lipat lang din sila dito baka nagmula sila sa karatig baryo dito sa ating lugar San Martin.”

Lolo mano po!

“Kaawaan ka ng diyos apo ko.

Puntahan mo na ang iyong Lola sa kusina mukhang nagluluto ng kakanin para sa'yo.”

Sige po Lolo punta lang ako kay Lola.

Lola mano po!

“Kaawaan ka ng diyos apo...mabuti at nariyan kana nagluto ako ng puto at suman kaya kumain kana.”

Salamat po Lola the best po talaga kayo. Lola marami po akong pinamiling isda ipaluto mo nalang sa mga kasambahay at para pwedi nating itanghalian.

“Naku bata ka pwedi naman tayong magpakuha ng isda sa palaisdaan ng Lolo mo bakit nagsayang ka pa ng pera para bumili ng isda.”

Okay lang po Lola ang mas mahalaga ay nakatulong ako sa aking kapwa. Hindi naman po yan masasayang dahil makakain din naman natin yan.

Lola pagkain ko nito mag-iikot ako sa tabi ng dagat huh. Hindi naman po mainit dahil may mga ulap, mukhang uulan yata mamayang gabi.

“Sige basta mag-iingat ka at huwag kang magtagal dahil sabay-sabay tayong mananghalian.”

Opo!...

Ayon nga pagkatapos ko ngang kumain ay pumunta agad ako sa dalampasigan. Napakaganda talaga ng lugar na ito isang  matatawag na stress reliever. Isang nature made na bato na sobrang ganda ang pagkahulma nito. At napapalibutan ito ng puting buhangin.

Teka bakit may parang nagsisigaw at umiiyak? Tanghaling tapat na di kaya may isang serinang magpapakita sa'kin ngayon. Baliw kana Zyk at nagpapaniwala kana sa mga shokoy at serina.....kontra ng kabila kong isipan.

Pinakinggan ko ng maigi kong tama ba ang naririnig ko. Dahan-dahan akong sumilip sa may batuhan. Laking gulat ko dahil ang nakita ko ngayon ay ang babaeng nagtitinda ng isda sa palengke. Ibig sabihin malapit lang dito ang bahay nila sa bahay ng aking Lolo Mariano.

“Ate Leah, kung nasaan ka man ngayon ipagdasal mo ako sa panginoon na bigyan ako ng lakas para lumaban. At gabayan ako sa bawat pagsubok na darating sa buhay ko. Kakayanin ko po ang lahat kahit mahirap. Bantayan mo si Baby Zaile habang wala ako sa tabi niya.”

Namatayan pala siya ng kapatid at baby Zaile ito siguro ang kanyang anak na inabandona ng ama. What a beautiful name. Ipinapangako ko sa aking sarili na hinding-hindi ko aabandunahin ang anak ko dahil naranasan ko kung gaano kasakit magkaroon ng sirang pamilya.

Tumayo na ito at naghubad ng kanyang suot na blouse “F'ck!” hindi ko napaghandaan kaya nakapagmura ako. Sana nga lang ay hindi niya narinig ang boses ko. Agad akong umatras para makalayo sa kanyang kinaruruonan. Habang naglalakad ako apaalis ay biglang may bumato sa aking ulo.

Oh f*ck! What the hell are you doing?

Ouchh it's hurt woman, f*ck there's a blood. Ang sakit ng ulo ko at nagkasugat pa.

“Hoy kurimaw huwag na huwag mo akong murahin dahil sa umpisa pa lang ikaw na itong may kasalanan. Napakamanyak mo at nagawa mo pang mambuso. Mamang shokoy sa syudad ka mambuso huwag dito sa lugar namin dahil bukol at taga ng itak ang aabutin mo.”

Aba siya pa itong may kasalanan pero siya pa itong napaka tapang. Nakita kong nagmamadali na itong naglakad paalis.

Hoy babae saan ka papunta?

Ngunit hindi na ito lumingon halos lakad takbo na ang ginawa nito. Pambihira namang buhay oh, hindi man lang ako naisipang gamotin. Malamang natakot sa hitsura mo shokoy....kontra ng isip ko.

Tang*na tinawag pa akong shokoy, sa kagwapohan kong ito pagkamalan pa akong shokoy.

See you some other time babe. Malapit ka lang pala sa territory namin, ibig sabihin mapapadalas ang ating pagkikita.

Mukhang interesting ang pananatili ko sa lugar na ito.

Umuwi na ako sa bahay at pinagamot ang aking sugat. Maliit lang naman ito pero sa ulo tumama kaya dumugo talaga.

“Sino ba kasi ang nambato sa'yo apo at nagkasugat pa talaga iyang ulo mo?...tanong ni Lola sa akin.

May narinig kasi akong umiiyak doon sa dalampasigan Lola. Lahat ng hinanakit niya ay isinisigaw niya kaya napasilip ako. Hindi ko naman akalain na maghuhubad siya kaya bigla akong napamura. Akala siguro niya binusuhan ko siya kaya niya ako binato at tumama sa aking ulo.

“Maganda ba ang dilag na iyon apo?”

Opo! Maganda mo siya mahaba ang buhok parang model ng shampoo. Matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mukha at may malalim na biloy sa kanang pisngi. Maganda rin po ang mata at matangkad.

“Naku apo mukhang na love at first sight ka. Tinanong ko lang kung maganda ba siya pero memoryado mo na kaagad ang kabuo-an niya. Mukhang nakahanap kana ng taong ihaharap mo sa dambana ng diyos.”

Ikaw talaga Lola, tinatanong mo kasi ako kaya sinabi ko na baka kasi makilala mo kung sino siya.

“Tama ka apo kilala ko ang dalagang sinasabi mo. Isa siyang tindera ng isda sa palengke. May dalawang  kapatid na pinapaaral isa sa college at isa sa high school. Na stroke ang kanyang mekanikong ama kaya hindi na ito makapagtrabaho. At may sanggol pang binubuhay. Hanga ako sa dalagang iyon apo dahil kahit gaano kahirap ang buhay hindi mo siya makikitaan ng kalungkutan. Palaging masaya ito na nagtatawag ng mga kustomer sa palengke.

Tama ka Lola sa nakikita ko kaninang umaga sa palengke nakikitaan ko siya ng katapangan. Pero nang makita ko siya kaninang tanghali nakita ko rin ang kanyang kahinaan. Kaya niyang itago ang kanyang emotions sa harap ng karamihan. Pero kapag siya nalang mag-isa saka niya pinapakawalan ang totoo niyang nararamdaman. Totoo ang sinasabi ni mang Jose na mas matatag ang emotion ng mga mahihirap kaysa mga mayayaman.

"Oh apo bakit natulala ka diyan? Talagang mabighani ka sa taglay na kagandahan ni Lessery.”

Naputol ang aking pagmumuni-moni sa sinabi ni Lola.

Ano po uli ang pangalan niya Lola?

“Ang buong pangalan niya ay Lessery Sarreal.”

What a nice name.... I murmured.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status