Share

chapter 3

Panibagong umaga panibagong hamon ng buhay naimbag nga bigat sarreal pamilya.

"Huwag ka ngang maingay ate natutulog pa si Zaile eh."....si Leandro

Naku kapatid gisingin mo na yan, kagabi pa yan tulog hindi pa ba yan gutom.

"Naku ate nagpapataba at nagpapalakas ng mga kasu-kasuan yan kaya mahimbing ang tulog."...si Lerian

Leandro bilisan mo na baka maubos na nilang pakyawin ang mga isda at wala na tayong maibibinta.

Nanay, tatay aalis na po kami ingat po kayo dito.

"Anak kayo ang mag-iingat huh, hayaan mo na silang pumutak huwag mo nalang patulan huh."...si tatay

Sige po tay!

"Heto na yung baon nyong agahan, huwag nyong kalimutan kumain. At ikaw Leandro anak bago pumasok sa eskwela kumain ka muna."

"Syempre po inay kakain po ako, kapag hindi kumain si ate po nangungurot ng singit."

Uy grabeh ka naman brother, hindi na ako nangungurot ngayon malaki kana eh. Takot ko lang baka madali ng kurot ko ang patutoy at itlog mo.

"Bunganga mo talaga teh nahawa na sa puwet ng manok."

Tayo na nga, makikipag-debate kana naman sa'kin eh. Sa school mo gamitin yan, huwag sa akin.

"Ate, papakyawin kaya ulit ni manong ang paninda mo ngayon?"

Sinwerte lang tayo kahapon, huwag kang mamihasa dahil hindi araw-araw ang swerte.

Nakuha na namin ang magandang isda na ititinda namin kaya agad namin isinakay sa mini truck papuntang palengke. Kapag umaga talaga ay napaka presko ng simoy ng hangin. Kay sarap sa pakiramdam, kung sana ay hindi kami sinubok ng tadhana malamang kasing sarap ngayon ang aking nadarama.

Pero salamat panginoon dahil buo kaming pamilya at sabay-sabay na lumalaban sa mga pagsubok na iyong ibinibigay. Nawa'y patatagin nyo pa kami at ng makamtan namin ang tagumpay ng bukas.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa palengke. Naibaba na ang aming paninda at dadalhin nalang namin sa aming pwesto. Biglang nagkakagulo ang kapwa ko tindera dahil may notice daw na dumating. Ang sabi huling araw na raw namin ngayon dahil bukas sisimulan ng gibain ang palengke. Pagagandahin daw Ito ni Mayor Robert Sanchez. Kailangan pa daw naming maghintay Ng apat oh limang buwan bago ito makompleto.

Jusko mahabaging panginoon saan kami kukuha ng pangkabuhayan para sa araw-araw naming pangangailangan. Ang sabi sa notice temporary daw muna kaming magtitinda ng mga isda sa bakanting lote.

"Ate lahat nagkakagulo dahil sa notice na dumating. Paano tayo ngayon? Napakalayo naman ng bakanting lote na sinasabi nila. Kailangan pa natin na bumili ng material para sa ating pwesto.

Ate baka pweding huminto nalang muna ako sa aking pag-aaral para nakatulong ako sa'yo."

Yan ang huwag na huwag mong gawin Leandro. Hanggat kaya ko igagapang kita para makapagtapos ka sa kolehiyo. Dalawang taon nalang Leandro magiging engineer kana. Huwag mong hingin ang pabor na yan dahil hinding hindi kita papayagan....maawatannak kadi?

"Maawatakon ading!"

Mas mabuti na ang malinaw, sige mag-agahan kana at ikaw ay papasok pa sa eskwela.

Habang may buhay may pag-asa halina kayo mga suki. Nandito na ating magagandang isda na kasing ganda ng bukang liwayway. Fresh na fresh na mga isda na kasing presko ng aking gising at kasing presko ng simoy ng hangin sa umaga.

Bumili na kayo mga suki, huwag ninyong hayaang kumakalam ang inyong mga sikmura dahil hindi malunok ang kanin na walang ulam. Dinggin ang hinaing ng inyong mga bulate to satisfied your cravings here's my fresh fishes. Ay sorry mga inang at ako'y napa-english. Nahawa lang ako sa kagandahan ng aking mga paninda kaya ang aking mood ay napa-english na rin.

"Tumigil ka nga sa kakaputak mo diyan Lessery. Para kang manok na hindi mapaitlog sa kaingayan mo."

Aleng Rosing, okay lang maging puwet ng manok ang bunganga dahil sa kustomer naman ako naka-focus ng putak. Di katulad ng ibang puwet ng manok diyan. Sa kapwa pumuputak kaya paninda itim na ang tatak.

"Ako ba pinaparinggan mo?"

Bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit.

"Hija, pabili nga ako ng limang kilong pusit, at dalawang kilong shrimp."

Naku ma'am maraming salamat po at kayo po ay hulog ng puno.

"Puno?"

Opo, Puno po! Puno nang grasya.

"Ikaw talaga ineng napakapilya mo."

Hindi naman po masyado ma'am, pampa-goodvibes lang po sa mga nalulumbay na kaluluwa. Yung iba kasi malungkot dahil kinulang sa tulog. Kinulang sa almusal, kinulang sa kape.

"Keep it up hija, always positive mindset in life. Heto na ang bayad ko and keep the change."

Thank you ma'am hulog ka talaga ng puno.

"Ate alis na ako, ikaw na ang bahala dito." Sige kuya Leandro ikaw na rin ang bahala sa pag-aaral mo.

"Nakakabaliw talaga ang walang jowa di ba ate?"

Nakakamatay ang may jowa Leandro kaya umiwas ka.

Lagpas tanghali na maubos ko ang aking paninda. Siguro matatagalan pa sa school sa Leandro ngayon kaya ako nalang ang uuwi mag-isa. Pagkababa ko ng traysikel iniwan ko na sa tindahan ni nanay Lorna ang mga balde ng isda.

"Oh Lessery kumusta ka ineng?"

Mabuti naman po kaya lang simula bukas wala na kaming pwesto sa palengke dahil sinasara na ni Mayor Robert Sanchez. Pagagandahin niya raw ito at kailangan pa Ng apat o limang buwan bago ma kompleto ang renovation.

"Naku masamang balita nga yan. Saan naman daw kayo pweding pumwesto?"

Sa may bakanteng lote daw po pero medyo malayo sa kalsada eh. Uuwi na po ako nay Lorna baka nagugutom na ang anak ko.

"Sige maiingat Ka!"

Kailangan ko pang lakarin ang isang kilometro. Pero okay lang dahil wala naman ako mabigat na bitbit. Pakanta-kanta pa ako habang naglalakad hindi naman ako asintunado. Kaya kampante ako kahit may makarinig dahil palagi akong nakalublob sa dagat habang nagbu-vocal praktis charizz...

Feeling ko nga kasama ko ang mga serina sa pagbu-vocal ko. Huwag lang naman sanang shokoy baka ako'y hilahin patungong engkantadia.

"Hi babe!"

Ay shokoy nga!....napatalon pa ako sa gulat ng biglang may nagsasalita sa likuran ko. Paglingon ko napatakip ako sa aking bibig. Siya yung binato ko kahapon na dumugo ang ulo. Speechless na ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Natakot rin ako baka pagbayarin ako o ipakulong. Jusko huwag naman sana, grabeh naman ang imahinasyon ko sa kulong hindi ko naman siya pinatay....kontra ng kabilang utak ko.

"Done eye raping me woman?"

Santisima mahabaging San Martin. Grabeh ka naman sa eye raping na sinasabi mo. Ikaw nga na nambuso kahapon sobra pa sa eye raping ang ginawa mo....bigla kong naibulalas ng magbalik ako sa wisyo.

"You're unbelievable!"

Ikaw ang unbelievable, nanakot ka pa bigla. Mabuti nalang puro sakit sa bulsa ang meron ako at wala akong sakit sa puso. Kung na dido ako paano nalang ang pamilya at anak ko.

"Hindi ko naman akalain na natatangay kana pala sa daloy ng kinakanta mo." Hoy mamang shokoy, ikaw ba kapag kumanta nagpadala ka lang sa daloy ng gaya-gaya? Saklap naman po nun.

"Miss una sa lahat may pangalan ako at hindi shokoy ang pangalan ko. Sa tingin mo b,a ganito ang mukha ng shokoy? "

Siguro oo pero puting shokoy po! Sabi kasi nila itim daw ang kulay ng shokoy. Pero hindi po ako sigurado kasi unang pagkakataon ko pang nakakita ng shokoy eh at ikaw po yon.

"Aba ang lakas ng loob mong tawagin akong shokoy ah."

Nang akmang hahawakan na niya ako ay bigla akong tumakbo. Naku mahirap na baka adik yon dahil hindi ko pa siya nakikita dito dati.

"Tatakbuhan mo na naman ako? May utang ka pa sa'kin kahapon, dinagdagan mo pa ngayon."....sigaw ni mamang shokoy.

Huwag po kayong magpapautang sa mga taong hindi marunong magbayad dahil pasasakitin lang po nila ang ulo nyo. Paalam po at mag-iingat po kayo. Naku! Kailangan ko talagang iwasan ang taong iyon. Dilikado ako dahil naniningil daw ng utang eh. Nanganganib ang ipon ko nito....parang baliw kong kausap saaking sarili.

Pero sa totoo lang napaka gwapo niya bagay siyang maging hari sa engkantadia. Bakit kaya napadpad na ito ang estrangherong yon. Saan kaya siya nakituloy at napapadalas ang pagkikita namin. Jusko! hindi kaya siya isang espiya at may balak na ipa-kidnapped ako....baliw na nga siguro ako dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko. Ang hirap palang malipasan ng gutom.

Inay, itay,baby Zaile naandito na ako. " oh anak mabuti naman at nakauwi kana. sige na maligo kana at para makapananghalian kana. Baby Zaile, kumusta po ikaw sa piling ni Lola at Lolo mo?

"Mama! Mama!"

Ligo muna si mama bago tayo maglalaro. Naku tumatalon-talon pa sa kona niya. Sa poso nalang ako maliligo ngayon, ipagpaliban ko muna ang rehearsal sa vocal baka kasi nandoon na naman si mamang shokoy. Turista yata yon dito sa lugar namin. Paano ko kaya iwasan ang shokoy na yon? Bigla-bigla nalang sumusulpot eh parang kabote. Bahala na ang bukas, makikipag-marathon nalang ako kung sakali.

“Lessery anak bilisan mo na, sino bang kausap mo diyan?”

Andiyan na po nay, kinakausap ko lang po ang sarili ko para hindi boring ang life....baliw kong sagot sa nanay ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status