Share

Falling to the Virgin Single Mom
Falling to the Virgin Single Mom
Author: Ayesha Nieves

Chapter 1

Bili na po kayo ma'am/sir fresh na fresh at maganda po ang ating mga isda kasing ganda ng inyong masiyahin na tindira.

“Hoy Lessery hindi ka naman fresh dahil may anak kana. Ganda lang ang meron ka pero hindi parin maitatago na isa kang digrasyada.”

Manang Rosing, hindi ko naman po sinabing fresh at maganda po ako. Masiyahin lang naman po ang sinabi ko tungkol sa sarili ko. Kahit po may anak ako, hindi naman po ako namamalimos sa inyo ng pampabili ng gatas. Sariling pagod at pawis ko po ang aking pinambubuhay sa aking munting anghel.

“Ate huwag mo ng patulan matanda na yan eh.”

Yon na nga Leandro eh, matanda na si manang Rosing at dapat naging magandang ihimplo sa mga kabataan. Pero tingnan mo naman kung makapanghusga ng kapwa akala mo napaka perpekto na niyang tao.

Manang nagtatrabaho po ako ng marangal para sa pamilya ko at anak ko. Hindi po ako namamalimos kanino man para po may makain at may maipakain ako sa pamilya ko. Kanya-kanya po tayo ng diskarte sa pagtitinda para makabinta at kumita. Pero hindi naman po siguro tama na pati privacy ng isang tao ay kasama nyo rin na ilalako sa mga mamimili.

“Tama may punto si Lessery, kaya ikaw Rosing bawas-bawasan mo na ang pagiging marites mo.”

“Miss magkano lahat ng panindang isda mo. Papakyawin ko na lahat yan.”

Ho??? Hindi po ba kayo nagbibiro sir? “Sige na isupot mo na lahat para mabayaran ko na kaagad.” Naku salamat po sir! hulog po kayo ng puno makakauwi kami ng maaga ngayon.

“Bakit hulog ng puno? Di ba dapat hulog ng langit ang kasabihan.”

Naku sir, masyado pong mataas ang hulog ng langit kapag nabagsak kayo siguradong sa totoong langit na ang tungo ninyo. Kaysa hulog ng puno pwedi pang mag 50/50 ang buhay ninyo.

“Hahaha nakakatuwa ka hija, nakakawala ka ng stress.”

“Ang landi talaga pati matanda hindi pinapalampas. Kaya nainis ako sa babaeng yan eh wala tayong sapat na benta dahil sa kalandian niya sa kanya lahat napunta ang mga kustomer.”

Huwag nyo na pong pansinin sir, talagang bitter lang ang mga life nila. Pasyensya na po kayo dahil nadamay kayo sa pagiging marites nila.

“Okay lang hija, huwag mo akong intindihin. Ikaw ang magpakatatag dahil palagi mo silang makikita at makakasama araw-araw. Oh magkano na lahat Ng isda?”

Ah eh...3,600 pesos po eh!

“Oh heto ang bayad ko huwag mo ng bilangin keep the change hija.”

Maraming maraming salamat po sir, naway pagpalain kayo ng diyos.

Leandro, paki tulungan mo si sir na ihatid ito sa sasakyan niya. Magliligpit lang si ate at ng makauwi na tayo huh.

“Sige ate ihahatid ko si sir, babalik kaagad ako.”

“May silbi talaga ang kalandian mo anoh. Pati hitsura mo gimagamit mong puhunan para magkapera.”

Aleng Rosing, alam nyo ba kung saan ako dapat ngayon? Hindi dapat dito eh kasama ninyong mga matatanda. Dapat nasa paaralan ako, dapat nag-aaral ako kasama ang mga kasing-edad ko. May pangarap din akong nais marating, kaya naging malabo manang eh. Na stroke ang tatay ko, may dalawang kapatid akong pinapaaral, at may anak akong nangangailangan ng gatas.

Minsan gusto ko ng sumuko kasi tao lang ako may pakiramdam, may puso na nasasaktan rin sa mga masasamang salita ninyo. Kung susuko ako dahil sa mga paninira ninyo at dahil sa mga masasakit ninyong salita. Sinong bubuhay sa pamilya ko? nahihirapan ng gumalaw ang tatay ko, sinong magiging katuwang ng nanay ko? Sinong magbibigay ng pambaon ng mga kapatid ko? Ni peso ba araw-araw magbibigay kayo kung hindi ako didiskarte sa buhay?

Please manang tama na dahil kung pati kayo dadagdag sa mga suliranin ko baka mas mahihirapan akong bumangon. Huwag nyo naman akong husgahan dahil sa naririnig at nakikita nyo. Hindi nyo alam ang pagkatao ko....hindi ko na mapigilang huwag humagulgol dahil sobra na sila.

Leandro dalhin mo na yan para makauwi na tayo. Bibili tayo ng bigas at monggo para may mailuto tayong sabaw na may malunggay.

“Ate wala na pong gatas si Zaile.”

Sige ibibili na rin natin siya ng gatas pati gamot ni tatay.

Pagkatapos naming mamili ay umuwi kaagad kami ni Leandro. Nakakawala talaga ng pagod si Zaile. Ngiti pa lang niya pangpawi na ng pagod.

Nanay, tatay nandito na kami....

“Oh anak maaga yata kayo ngayon.”

Mano po nay, Mano po tay, oo nga po napaaga kami ngayon kasi may isa pong kustomer na pumakyaw sa paninda namin. Ayan bumili kami ng bigas, monggo, gatas ni Zaile at gamot ni tatay.

“Maraming salamat anak, napaka buti mo nawa'y bigyan ka ng sapat na lakas ng panginoon.”

Si nanay talaga nag-iinarte mukhang may balak yatang mag-artista.

“Sira, walang audition sa mga matatanda.”

Maliligo muna ako nay, bago ko kargahin si baby Zaile ang lagkit ko na kasi. Mahirap na baka magkasakit pa si Baby.

“Sige anak ihahanda ko lang ang pagkain ninyo. Leandro maligo ka na rin anak”...sigaw ni nanay sa aking kapatid.

Dali-dali na akong naligo para makalaro ko si Baby Zaile. Masarap talagang umuwi ng bahay na may madatnan kang cute na batang bubungad sa'yo. Isang matamis na ngiti niya lang nakakawala na ng pagod mula sa magulo at toxic na mundo.

Hindi ko maiwasang huwag malungkot dahil sa mga taong walang ibang nagawa sabuhay kundi ang husgahan ako. Gusto ko lang naman na mamuhay ng marangal para sa pamilya ko. Minsan gusto ko na talagang sumuko pero mas matimbang ang pamilya ko. Kung wala ako paano naman sila. Noong nakaraang taon na stroke si tatay pagkatapos mamatay ni ate Leah.

Si ate Leah ang nagpapaaral sa amin siya ang katuwang ni nanay sa pagtitinda ng isda. Habang si tatay naman ay isang mekaniko sa talyer sa bayan. Ang lupit ng tadhana dahil namatay si ate Leah at na stroke si tatay. Idagdag pa ang sanggol na kailangan naming alagaan. Isa mang pagkakamali ang batang ito pero para sa akin siya ang nagbigay muli ng liwanag sa makulimlim naming buhay. Dahil sa kanya heto kami at nagsusumikap at patuloy na lumalaban para kahit papaano maitawid ang kahirapan.

Ate Leah, kung nasaan ka man ngayon ipagdasal mo ako sa panginoon na bigyan ako ng lakas para lumaban. At gabayan ako sa bawat pagsubok na darating sa buhay ko. Kakayanin ko po ang lahat kahit mahirap. Bantayan mo si Baby Zaile habang wala ako sa tabi niya.

Hindi ko na talaga mapigilang huwag sumigaw at humagulgol ng iyak dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Kailangan kong ilabas lahat ng hinanakit na nasa kalooban ko. Ayaw kong makita nila nanay at tatay na malulungkot at nahihirapan ako. Gusto kong malaman nila na kaya ko silang alagaan.

Pagkatapos kong magdrama nagbihis na ako. Siguro wala namang tao dito para makakita sa'kin kapag naghuhubad ako.

Hinubad ko na ang aking t-shirt na may biglang....

“What a f*ck!”

Kinuha ko kaagad ang aking tuyong damit. Sino kaya yon?...tanong ko sa aking sarili. Talagang malinaw na tao yong nagmumura eh. Dali-dali kong isinuot ang aking damit pero hindi ko na pinalitan ang aking among pants dahil bigla akong kinabahan.

Dahan-dahan akong sumilip sa likod ng batong aking kinaruruonan. Tao nga at ito'y paalis na. Sa aking inis ay kumuha ako ng katamtamang bato. Binato ko ang lalaking naglalakad paalis.

“Oh f*ck! What the hell are you doing?

Ouchh it's hurt woman, f*ck there's a blood.”

Hoy kurimaw huwag na huwag mo akong murahin dahil sa umpisa pa lang ikaw na itong may kasalanan. Napakamanyak mo at nagawa mo pang mambuso. Mamang shokoy sa syudad ka mambuso huwag dito sa lugar namin dahil bukol at taga ng itak ang aabutin mo.

Naglakad na ako ng mabilis, halos lakad takbo na ang ginawa ko. Naku mahabaging maykapal ang laki pa naman ng katawan. Nagkasugat siya sa ulo hindi kaya ididimanda ako bukas. Haissttt Lessery ang tanga mo talaga, paano kung pagbayarin ako lintik namang buhay oh makakaltasan pa ang ipon ko. May sinabi yung mama pero hindi ko na pinakinggan pa.

“Oh anak anong nangyari sa'yo at hingal na hingal ka?”

Naku po nay may nakita akong shokoy sa dagat. Akala ko tatangayin na niya ako.

“Ate, bakit hindi ka sumama, eh di sana prinsesa ka na ngayon. Kapag bumalik yon bukas ate sumama kana para kahit papaano maranasan mong maging prinsesa. Hayaan mo ate, aalagaan namin ng mabuti ang anak mo.”

Nay, oh si Leandro nang-iinis na naman.

“Naku tama na ang asaran halina kayo at tayo ay mananghalian na.”

Hmmm ang bango ng ulam natin ah, mapaparami ako ng kain ngayon. Monggo na may dryfish at malunggay.

Tatay kain po kayo ng marami huh para gumaling kaagad kayo.

“Ikaw ang kumain ng marami anak dahil alam naming pagod ang katawan mo buong araw. Ayaw namin ng nanay mo na magkasakit ka.”

Asusss si tatay nag-e-emote na naman. Alam mo namang masikip lang ang bituka ko tay. Kayo ang magpalakas dahil tatakbo pa kayo tuwing umaga kasama si baby Zaile.

“Mama!”...natigilan kami dahil sa binigkas ni baby Zaile. Marunong ka nang bumigkas ng mama anak?

“Mama!”

Wow! Ang galing naman ng baby namin.

“Isa at kalahating taon na kasi yan anak kaya nagsisimula ng bumigkas.”

Lerian, kamusta naman ang pag-aaral mo?...tanong ko sa aming pinaka bunso.

“Okay naman po ate, maganda po ang nakuha kong score sa exam namin last week.” Mabuti naman kung ganun mas lalong pag-igihan ang pag-aaral at huwag ninyong sayangin ang panahon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status