Mag-log inLily is the picture-perfect wife ng kilalang businessman na si Giovanni Yuchengco. Ngunit ayaw ng pamilya ni Giovanni kay Lily dahil hindi nito kayang mabigyan ng anak ang lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat, nagdadalang-tao na si Lily, ngunit pinili niyang ilihim ito matapos niyang matuklasan ang pagtataksil at panlilinlang ni Giovanni. Kaya ang nais na lamang ni Lily ay makakuha ng compensation sa limang taong sinayang niya para sa lalaki at magpokus sa kanyang anak at career. Ngunit tila may ibang plano ang tadhana para sa kanya. Madalas magtagpo ang landas ni Lily at ng apo ng matandang kanyang niligtas, na pursigidong pilitin siyang pakasalan ito. Dagdag pa rito, tila ayaw ng tadhana na tuluyan siyang maglaho sa buhay ni Giovanni, na lalo pang nagpapalala sa masasamang plano ng ‘mistress’ at lihim na asawa nito laban sa kanya. In the end, what will happen to Lily? Sino ang magwawagi, at sino ang uuwing luhaan?
view moreMalawak ang ngiti at tila ba nakalutang sa ere si Lily nang makarating sa hospital upang magparehistro para sa prenatal care.
Ngunit mabilis na gumuho ang mundo nito sa sinabi ng nurse.
“Pasensya na ho, ma’am, pero hindi po kayo makakapag-file ng prenatal examination.”
“P-po? Bakit naman po hindi pwede?”
Tiningnan siya ng nurse na para bang nagtataka sa tanong nito. “Kasi ‘yung pangalan ng ‘asawa mo’ na nakasulat sa papel na binigay mo sa’min ay nakarehistro na kasama ang ibang babae sa hospital namin. Gusto mo ba i-double check natin kung tama ba ‘yung mga impormasyon na nasa marriage certificate at sa ID card ng asawa mo?”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lily sa narinig at agad nanlamig ang buong katawan niya, hindi alintana ang ginawang page-emphasize ng nurse nang banggitin ang asawa niya.
“I-imposible po na magkamali ako. Hindi ko na kailangan i-double check pa kasi limang taon na kaming kasal. Sigurado po ba kayo na nakarehistro na siya? Hindi po ba kayo nagkamali lang ng tingin?”
Maging sa sarili nitong tenga ay tunog desperada na siya, at hindi ‘yon maitatanggi ni Lily dahil ayon naman talaga ang nararamdaman niya ngayon.
Dahil ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng nurse. Ayaw niyang maniwala sa katotohanan.
Hindi maipinta ang expression sa mukha ng nurse matapos tingnan ang computer tapos ay bumaling uli kay Lily. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Lily dito dahil may kutob na siya na hindi niya magugustuhan ang susunod na sasabihin ng nurse.
“Hindi ho ako nagkamali ng tingin, ma’am. ‘Yung impormasyon sa marriage certificate at ID card na binigay mo ay nakarehistro na sa hospital namin,” sabi ng nurse. “Ayon dito sa system, mga dalawang linggo na ang nakalipas ng magparehistro siya kasama ang asawa niya para sa prenatal care at prenatal check up. Iba rin ho ang impormasyon ng asawa niya na nakalagay dito sa marriage certificate.”
Nanlumo ang buong pagkatao ni Lily. Gusto niya na lang umuwi at mahiga sa kama niya para matulog. Hinihiling na sana panaginip lang ang araw na ‘to at paggising niya’y ibang pangyayari ang harapin niya.
Dahil kung hindi ‘to isang panaginip, hindi niya alam ang gagawin.
She felt her stomach churn. Napapikit ito nang makaramdam ng onting hilo.
Kinalma niya ang sarili dahil ayaw niyang mas sumama ang pakiramdam niya. Ayaw niya ring magalit dahil hindi naman kasalanan ng nurse na ginagawa lang ang trabaho niya.
Pero hindi niya maalis sa isip niya na baka nagkamali lang talaga ito, o di kaya ang hospital ang siyang nagkamali at nalito lang sa mga impormasyon na nakarehistro.
‘Hindi ako magagawang lokohin ni Giovanni. Mahal niya ako. He won’t cheat on me,’ she thought to herself repeatedly like a mantra.
Ngunit kahit ilang beses niya pa ulitin sa isip niya ‘yon, hindi niya magawang makumbinsi ang sarili na maniwala.
Ang tanging dahilan kung bakit hindi niya magawang paniwalaan na kaya siyang lokohin ni Giovanni ay dahil alam niyang mahal na mahal siya ng lalake. Niligawan siya nito ng ilang taon kahit na ilang beses niya ‘tong ni-reject at tinulak palayo.
Kaya bakit siya lolokohin niyo ngayong mag-asawa na sila? At araw-araw pa rin naman pinaparamdam ni Giovanni sa kanya na mahal siya nito?
Ilang taon din silang sumubok na magkaanak. Tatlong taon. Marami na silang pinagdaanang problema at sakit, sandamakmak na injections at gamot na kailangan inumin for them to conceive.
And now they succeed. Buntis si Lily.
Matagal na nilang gustong magkaanak ngunit ilang beses na rin silang nabigo. That’s why now that they successfully conceived, gusto ni Lily na surpresahin ang asawa pagbalik nito galing sa business trip kaya hindi muna niya ipinaalam sa lalake.
Dalawang linggo ng wala si Giovanni para sa business trip na iyon at sa dalawang linggo na ‘yon, nag-iba ang pakiramdam ni Lily. Labis siyang kinabahan sa mga sintomas na nakikita niya kaya agad siyang bumili ng pregnancy kit. The joy she felt nang makita ang dalawang linya sa apat na pregnancy kit was unmatched.
But now that she’s about to get herself checked properly, there seems to be a misunderstanding ngayong prenatal check-up niya.
Pilit niyang dinidiin sa isip niya na misunderstanding lang lahat ng ‘to para lang hindi siya mag-breakdown sa gitna ng hospital na ito.
Matapos makipag-usap sa nurse, napagdesisyunan ni Lily na magpunta ng Local Civil Registry Offices at Philippine Statistic Authority para i-check ang marriage certificate niya. Hindi niya lubos maisip kung may problema ba rito o di kaya sa mga impormasyon na nakasulat kaya gusto niyang i-double check.
But just as she stepped out of the elevator, dalawang pamilyar na figure ang nakita niyang naglalakad papunta sa direksyon niya. She frantically hid behind a pillar at saka pinanuod ang pigura ng kanyang asawa na naglalakad kasama ng isang mas batang babae, isang braso nito’y nakapaikot sa bewang ng babae habang ang malaki niyong kamay ay marahan na hinahaplos ang puson nito.
Babae na kilalang-kilala niya.
Si Charmaine Alveria, anak ng business partner ni Giovanni. Kakatungtong lang nito ng twenty-years old ngayong taon.
And she’s ten years younger than Giovanni Yuchengco, Lily’s supposedly husband who’s currently draped around her so intimately.
Parang wala lang naman kay Charmaine ‘yon at tila gustong-gusto pa nga. Ang ginawa pa nga nito ay kumapit sa braso ni Giovanni at hinila palapit sa kanya, not minding how they looked so intimately close to each other in a public place.
“Tingin mo sino mas magandang kamukha ng baby? Ikaw o ako?” tanong ni Charmaine kay Giovanni.
He smiled fondly at her, looking so indulgent at the younger girl. “Mas magandang ikaw ang maging kamukha ng anak natin, so they will be extremely lovely and loveable.”
Charmaine giggled.
Nang makalagpas sila sa pinagtataguan ni Lily, halos matumba ito sa sahig sa panlalambot ng tuhod dahil sa narinig.
Kailanman ay hindi niya naisip na kaya siyang lokohin ni Giovanni, na kaya siyang pagtaksilan nito.
Naniwala siya sa lalaki— pinagkatiwalaan niya si Giovanni nang lubusan, kaya nga bumigay siya sa panliligaw at pangungulit ng lalake. Dahil nakita niya naman na mahal na mahal din siya ni Giovanni.
Sa nakalipas na dalawang linggo na wala ang asawa niya dahil may business trip, walang araw na hindi ito nag-text o tumawag para kamustahin siya at ipaalala na miss na niya si Lily. Pero wala itong kaalam-alam na sa dalawang linggo na nasa business trip ito ay kasama pala nito ang mistress niya.
Hindi siya makapaniwala na nagawa ito ni Giovanni sa kanya. Na habang siya’y nagpaplano paanong surprise ang gagawin niya para ipaalam sa asawa na sa wakas ay magkakaanak na rin sila, may ibang babae na palang inaalagaan ito.
Lily could only laugh at the sheer absurdity and ridiculousness of it.
Matapos tumawag ni Lily sa moving company, nakita niya ang sandamakmak na text at missed calls galing kay Giovanni. Napairap na lang siya rito bago buksan ang conversation nila.Giovanni: Ate Alice told me that you're planning to go somewhere. Hindi ka mahilig gumala diba?Giovanni: I'm worried, Lily. Huwag ka muna umalis. Hintayin mo ako makauwi para masamahan kita.Inis na nag-type ng reply si Lily.Lily: Ayos lang ako, Gio. Don't worry too much.Lily: Kaya lang naman ako nasa hospital kasi naparami ng inom si Vivi matapos niya malaman na nag-cheat ang boyfriend niya. Sinamahan ko lang siya magpa-check up.Lily: Sasamahan ko lang si Vivi para maalis isip niya sa ex-boyfriend niya. Ayaw ko naman siyang iwan mag-isa at baka mag-inom uli.'Ang galing mo sa time management noh? Praktisado ka siguro ng ilang taon,' aniya Lily sa isip. 'May oras ka sakin at may oras ka rin kay Charmaine. Ni minsan hindi kita pinag-isipan ng masama. Ganon ka kagaling sa pagtatago ng panloloko mo, Gio.'Aga
Natauhan naman agad si Lily nang marinig ang tunog ng busina ng kotse. Dali-dali siyang tumayo nang maayos, tapos ay nagpasalamat sa lalaki.“T-thank you,” Lily said, looking a bit flustered.Sino ba namang hindi? Matangkad ang lalaking sumalo sa kanya. Maayos ang hairstyle na para bang ginamitan ng isang gel para lang ma-perfect ang pagka-slick nito. Halatang custom made ang suit na yumayakap sa manipis ngunit halatang matipunong katawan nito.He exudes the air of a powerful man that clearly held a high position. Sa pagtayo pa lang nito’y naguumapaw na ang authority and confidence.“No need to thank me,” sabi ng lalake, his voice deep and husky, and the way he pronounces the words were quite different yet pleasant to the ears.Bago pa makasagot si Lily, may boses na nanggaling sa likuran nito.“Excuse me ho, Mr. Silvestre, dumating na po ang kotse niyo. Kailangan na po natin umalis para hindi tayo ma-late sa flight niyo,” sambit ng isang lalaki na naka formal ding ayos pero iba sa su
Naaalala pa ni Lily kung kelan nag-umpisa ang lahat.Matapos niyang makapagtapos ng college, agad siyang nag-apply sa drug research and development job sa Yuchengco’s Group. Doon sila unang nagkita ni Giovanni.And he claimed that it was love at first sight in his case.Magmula noon, hindi na siya tinantanan ni Giovanni. Walang araw na hindi siya nito kinakausap at kinukulit, na para bang hindi makukumpleto ang araw nito kapag hindi siya nabigyan ng atensyon ni Lily.Simula pa lang, pinaalam na ni Giovanni ang intensyon niyang pakasalan si Lily sa oras na sagutin siya nito. Agad din namang sinabi ni Lily sa kanya na ayaw niya magpakasal. Aniya wala pa ‘yon sa isip niya at ang focus niya ay i-pursue ang career na gusto niya.But Giovanni wasn’t deterred. He told Lily that he’d wait for her until she’s ready to commit and settle with him.It took him more than a year to make a crack on Lily’s stoic heart. Sobra-sobra ang effort na ginawa nito para ipakita at iparamdam kay Lily na mahal
Sinundan ni Lily ang dalawa. Naghintay siya sa labas ng room hanggang sa matapos sila sa prenatal check-up. Pasimple siyang sumunod papuntang parking lot at dali-dali siyang pumara ng taxi nang sumakay ang dalawa sa kotse ni Giovanni at umalis.“Manong, pasundan ho ang kotse na ‘yon,” aniya Lily at itinuro ang kotse ni Giovanni.Kumunot ang noo ni Lily nang huminto sila sa tapat ng isang kilalang club sa district na ‘yon. Inabutan niya ng isang libo ang driver at hindi na hinintay ang sukli. Sinundan niya ang asawa at ang kabit nito sa loob ng club.Her heart clenched tightly when she saw them entering a private room. Nakaawang ng kaunti ang pinto dahil hindi nasara ni Giovanni nang mabuti nung pumasok sila, kaya sumandal si Lily malapit dito upang marinig ang usapan sa loob. Nilabas niya ang cellphone para magkunwaring nakatambay lang sa labas.Rinig na rinig niya ang tawanan at usapan ng mga tao sa loob, nangingibabaw ang boses ng kaibigan ni Giovanni na kilalang-kilala ni Lily.“Gr












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.