Share

Kabanata Fourteen

Lumipas ang mga araw ngunit wala pa rin akong naririnig kay Amang Raul dahilan para mapabuntong-hininga ako nang malalim.

“Mukhang nagkamali ata ako sa pagkakakilala kay Don Raul.” At muli akong napabuntong-hininga nang malalim.

“Mukhang ang lalim ng iyong iniisip, binibini,” saad ni Lita na biglang sumulpot sa aking tabi.

“Well, I won’t deny it, Lita,” ani ko at napangalumbaba sa aking pagkakaupo sa ilalim ng malaking puno ng acacia.

Napakamot ng ulo si Lita sa labis na pagkalito. “Kahit anong gawin ko, binibini, hindi ko talaga labis na maunawaan ang inyong sinasabi.” Wika ni Lita na bakas pa rin ang pagkalito sa kan’yang mukha.

Napatayo ako sa aking pagkakaupo at pinagpagpag ang suot kong saya. Nakaramdam na ako ng panlalagkit ng katawan kung kaya napag-isipan kong maligo.

“Lita, gusto kong maligo,” wika ko kay Lita at nagsimulang maglakad pabalik sa mansyon ngunit sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status