TAMA ba ang naririnig ko? Hindi ba ako nabibingi? Totoo ba ang sinasabi niya?
“Paanong—”
“Akala mo ba hindi ko mapapansin ang mga pagbabago sa mga ikinikilos mo?” tanong niya.
Hindi ako makasalita ng maayos pilit kong kinukolekta ang aking sarili sa mga nangyayari.
“Matagal ko ng kilala si Helena mula pa pagkabata ay kilala ko na siya kaya alam ko ang bawat kilos, pananalita, hilig at maging ang kanyang pag-uugali kaya sa tingin mo hindi ko mapapansin ang mga pagkakaiba ng kilos niya noon at nang makilala kita?” tanong ni Joaquin sa akin.
“Kung matagal mo ng alam na hindi ako si Helena, bakit wala kang sinabi? Bakit wala kang ginawa para komprontahin ako?” tanong ko sa kanya nang maikumpas ko na ang aking sarili.
“Dahil hindi ako sigurado noong una, akala ko ay nagbago ang iyong ikinikilos dahil sa pagpunta mo ng Maynila ngunit habang tumatagal unti-unti kong napapatunayan na hindi
Biglang bumigat ang aking dibdib nang marinig ko ang kanyang sagot. Tama nga ako. Ang sakit dahil sa sandaling sinambit niya ang aking pangalan ay natangay at napapaniwala ako na ako nga talaga ang babaeng mahal niya at hindi si Helena. Ang tanga ko pata umasa ako na ako ang mamahalin niya. Si Helena pa rin pala talaga ang babaeng mahal niya at hin—“Natatakot na baka ang tanging tao na nagbigay ng kulay sa aking buhay, ng tuwa at tumanggap ng aking nararamdaman ay tuluyan mawala.” Hinawakan niya ang aking kamay. “Natatakot ako, Helen na maging ikaw na tumanggap sa lahat ng aking nararamdaman ay mawala sa akin.”Kumabog nang napakalakas ng aking puso matapos kong marinig ang kanyang sinabi ngunit mabilis kong binawi ang aking mga kamay sa kanyang pagkakahawak at ikinumpas ang aking sarili.“Tama na, Joaquin! Huwag mo akong lituhin ng mga salita mo dahil maliban sa pinapaasa mo ako ay sinasaktan mo ako lalo. Kaya kung p'wede la
MATAPOS ang maingat at mainit pagpapalitan namin ng mga halik ay nabalot kami ng labis na katahimikan na sobrang nakakailang sa pakiramdam. Pakiramdam ko ay nabudol ako ni Joaquin kani-kanina lang at binasag ang malaking shield na bumabalot sa akin para hindi ako madala sa kanyang mga salita pero heto ako ngayon sa kanyang mga bisig nakakulong dala ng karupukan ko sa kanya. Kailangan may magsalita sa aming dalawa ng mawala ang nakaka-awkward na feeling na ito mas lalo ako kinakain ng pagkailang habang tumatagal. Naghintay pa ako nang ilang segundo ngunit mukha walang balak si Joaquin na basagin ang katahimikang pumapaligid sa amin kung kaya wala akong nagawa kun’di ang basagin iyon at bigyan din ng kasagutan ang bumabagabag sa aking isipan.“Matagal mo na bang alam ang lahat, Joaquin?” panimula kong tanong sa kanya.“Oo,” maikli niyang tugon na siyang ikinabalikwas ko at mapatingin sa kanya.“Ano? Matagal mo ng alam pero nanat
Nanlaki ang aking mga mata sa kanyang tanong sa akin. “Saan mo natutunan ang salitang iyan? Sa kanya rin ba?” namumula kong tanong sa labis na hiya at inis sa kanyang tanong sa akin.“Sabi na nga ba! Masamang tao ‘yang Trey na ‘yan! Ka-doktor-doktor tinuturuan ka ng mga maling asal! Huwag na huwag ka ng lalapit sa lalaki na ‘yan, Joaquin! Sinasabi ko sa ‘yo ‘yan kung ayaw mong maging isang tulad ng manlolokong doktor na ‘yan!” gigil na gigil kong sabi sa kanya.Tinignan niya lang ako at walang salitang lumalabas sa kanyang bibig,“Anong tinitingin-tingin mo riyan? Hindi ka ba sasagot?” gigil kong tanong sa kanya.Habang naghihintay kung anong kanyang sasabihin ay bigla na lang umangat ang gilid ng kanyang labi at hindi niya na napigilan ang kanyang sarili at tuluyan na siya nagpakawala ng sunod-sunod na pagtawa.“Anong nakakatawa sa sinasabi ko? Bakit ka tumatawa?&r
LUMIPAS ang mga araw, habang narito si Don Emilio sa Brgy. Pinagsanjan ay ibinigay niya lahat ng mga pangangailangan ng mga taong narito lalo na ang gamot para sa mga tinamaan ng cholera. Labis akong nagpapasalamat dahil sa kanya ay natugunan ang pangangailangan ng mga tao at wala na ni isa sa mga mamamayan ang nanganib ang buhay. Sa mga nagdaan ding mga araw na iyon ay hindi nawala ang mga tingin ni Joaquin sa akin simula ang araw na nangyari sa amin sa ilog ng Pagsanjan.“Maraming salamat, Binibining Helena. Malaki po ang inyong naitulong sa amin lalo na pagligtas ng mga buhay ng mahal namin sa buhay. Labis kaming nagpapasalamat,” wika ni Mang Waldo.“Wala po iyon. Hindi niyo po kailangan na magpasalamat sa akin ginawa ko lang po ang alam kong makakatulong sainyo,” mapagkumbaba kong sabi. “Kahit na may ilang buhay ay hindi ko nagawang maisagip,” mahina at malungkot kong saad.“Hindi niyo po kasalanan ang lahat ng
“MALAYO pa ba?” tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad at unti-unti nang nakakaramdam ng pagod ang aking mga binti dahil sa layo ng aming nilalakad.“Malapit na,” maikling tugon ni Joaquin.“Kanina po ba sinasabi ‘yan pero hindi pa rin tayo nakakarating sa paroroonan natin,” pagod na angal ko.“Konting tiis na lang, malapit na talaga tayo,” wika ni Joaquin.“Sana nga malapit na dahil hindi ko na talaga ka—”Naputol ang aking pag-angal ng biglang sumigaw si Joaquin.“Narito na tayo!” masaya niyang sigaw.“Sa wakas, nakarating din,” nakahinga kong sabi.Matapos ang hindi ko malamang oras ay sa wakas nakarating— Hindi ko na nagawang ituloy ang aking sasabihin nang makita ko ang nasa aking harapan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko napakagandang talon sa aking harapan.“Napakaganda,” sabay
NANUMBALIK ang aking malay nang makaramdam ako ng isang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Idinilat ko ang aking mga mata ngunit bahagya itong nanlalabo kaya mangilang ulit ko iyon ipinikit-dilat para maka-adjust sa paligid.“Helen, ayos ka lang ba? Kumusta na pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo?” Sunod-sunod na tanong ni Joaquin sa akin.Kinusot ko ang aking mata para luminaw ang aking paningin hanggang sa tuluyan ko nang makita si Joaquin at inalalayan niya akong makaupo. Iginala ko ang aking mga mata at nakita ko ang talon na nasa aming harapan naroon din ang mga mayayabong na mga puno na nakita ko kanina.“What the hell did happened?” mahina kong tanong sa aking sarili.“Helen? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Joaquin sa akin.“Ilang oras ako nawalan ng malay?” mabilis kong tanong sa kanya.“Wala pa kalahating oras na nawalan ka ng malay,” sa
BUMAGAL ang oras nang sandaling dumapi ang mga labi ni Joaquin sa aking mga labi. Sa bawat pagkain niya sa aking mga labi ay siya ring pagkain ng aking bibig sa kanyang mga labi at habang lumalalim ang mga halik namin ay kusa na ring gumalaw ang ibang parte ng aming mga katawan. Ang aking mga kamay na dahan-dahan na hinihimas ang matikas na pangangakatawan hanggang sa inilingkis ko ang mga iyon sa kanyang leeg. Hinila niya ako papalapit sa kanya dahilan para dumikit ang aming mga katawan at maramdaman namin ang init na inilalabas ng aming mga katawan dahil sa aming maigting na paghahalikan. Kapwa habol ang aming paghinga nang pakawalan niya ang aking mga labi.“Mahal kita, Helen,” aniya na punong-puno ng emosyon.“Mahal din kita, Joaquin,” tugon ko at muli niya akong hinalikan nang mariin habang dinadala niya ako papasok sa k’weba na nasa likod ng talon.Pumunta kami sa tila batuhan na naroon na animo’y na may altar at doon na
“ANO ba ang pag-uusapan natin?” tanong ko nang tumigil si Mateo sa paghila sa akin.Humarap si Mateo sa akin na may hindi maipintang pagmumukha or rather, nag-aalala?“Wala ka pa rin bang naaalala, Helena?” tanong niya sa akin na labis ang pagkasiphayo.“Ano bang kong alalahanin, Mateo? Hindi ba't ang lahay ng mga alaala na iyon puno lang ng kasinungalingan para saan pa na alalahanin ko ang mga bagay na iyon?” wala sa mood kong sabi.Hinawakan niya ako sa magkabila kong mga balikat. “Alalahanin mo, Helena. Pilitin mong alalahanin ang lahat,” aniya na kinakain ng labis na pagkasiphayo.“Wala ng saysay ang mga alaala kung puro lang naman kasinungalingan, Mateo, kaya p'wede ba ‘wag mo ng ipilit na ipaalala ang mga ‘yon sa akin. Narito ang katotohanan sa ating harapan. Ang lahat na nangyayari ang buong tunay. Ang pagtatraydor ni Don Raul ang malaking katotohanan na kailangan natin harapi