“MALAYO pa ba?” tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad at unti-unti nang nakakaramdam ng pagod ang aking mga binti dahil sa layo ng aming nilalakad.
“Malapit na,” maikling tugon ni Joaquin.
“Kanina po ba sinasabi ‘yan pero hindi pa rin tayo nakakarating sa paroroonan natin,” pagod na angal ko.
“Konting tiis na lang, malapit na talaga tayo,” wika ni Joaquin.
“Sana nga malapit na dahil hindi ko na talaga ka—”
Naputol ang aking pag-angal ng biglang sumigaw si Joaquin.
“Narito na tayo!” masaya niyang sigaw.
“Sa wakas, nakarating din,” nakahinga kong sabi.
Matapos ang hindi ko malamang oras ay sa wakas nakarating— Hindi ko na nagawang ituloy ang aking sasabihin nang makita ko ang nasa aking harapan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko napakagandang talon sa aking harapan.
“Napakaganda,” sabay
NANUMBALIK ang aking malay nang makaramdam ako ng isang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Idinilat ko ang aking mga mata ngunit bahagya itong nanlalabo kaya mangilang ulit ko iyon ipinikit-dilat para maka-adjust sa paligid.“Helen, ayos ka lang ba? Kumusta na pakiramdam mo? May masakit ba sa ‘yo?” Sunod-sunod na tanong ni Joaquin sa akin.Kinusot ko ang aking mata para luminaw ang aking paningin hanggang sa tuluyan ko nang makita si Joaquin at inalalayan niya akong makaupo. Iginala ko ang aking mga mata at nakita ko ang talon na nasa aming harapan naroon din ang mga mayayabong na mga puno na nakita ko kanina.“What the hell did happened?” mahina kong tanong sa aking sarili.“Helen? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Joaquin sa akin.“Ilang oras ako nawalan ng malay?” mabilis kong tanong sa kanya.“Wala pa kalahating oras na nawalan ka ng malay,” sa
BUMAGAL ang oras nang sandaling dumapi ang mga labi ni Joaquin sa aking mga labi. Sa bawat pagkain niya sa aking mga labi ay siya ring pagkain ng aking bibig sa kanyang mga labi at habang lumalalim ang mga halik namin ay kusa na ring gumalaw ang ibang parte ng aming mga katawan. Ang aking mga kamay na dahan-dahan na hinihimas ang matikas na pangangakatawan hanggang sa inilingkis ko ang mga iyon sa kanyang leeg. Hinila niya ako papalapit sa kanya dahilan para dumikit ang aming mga katawan at maramdaman namin ang init na inilalabas ng aming mga katawan dahil sa aming maigting na paghahalikan. Kapwa habol ang aming paghinga nang pakawalan niya ang aking mga labi.“Mahal kita, Helen,” aniya na punong-puno ng emosyon.“Mahal din kita, Joaquin,” tugon ko at muli niya akong hinalikan nang mariin habang dinadala niya ako papasok sa k’weba na nasa likod ng talon.Pumunta kami sa tila batuhan na naroon na animo’y na may altar at doon na
“ANO ba ang pag-uusapan natin?” tanong ko nang tumigil si Mateo sa paghila sa akin.Humarap si Mateo sa akin na may hindi maipintang pagmumukha or rather, nag-aalala?“Wala ka pa rin bang naaalala, Helena?” tanong niya sa akin na labis ang pagkasiphayo.“Ano bang kong alalahanin, Mateo? Hindi ba't ang lahay ng mga alaala na iyon puno lang ng kasinungalingan para saan pa na alalahanin ko ang mga bagay na iyon?” wala sa mood kong sabi.Hinawakan niya ako sa magkabila kong mga balikat. “Alalahanin mo, Helena. Pilitin mong alalahanin ang lahat,” aniya na kinakain ng labis na pagkasiphayo.“Wala ng saysay ang mga alaala kung puro lang naman kasinungalingan, Mateo, kaya p'wede ba ‘wag mo ng ipilit na ipaalala ang mga ‘yon sa akin. Narito ang katotohanan sa ating harapan. Ang lahat na nangyayari ang buong tunay. Ang pagtatraydor ni Don Raul ang malaking katotohanan na kailangan natin harapi
LAHAT ay abala at masayang naghahanda sa malaking salo-salo na pinagplanuhan lahat ng mga mamamayan ng Brgy. Pinagsanjan bilang pasasalamat nila sa amin sa paggaling nila sa epidemyang kumalat sa kanilang nayon.“Maraming salamat, Binibining Helena. Hindi niyo po alam kung gaano kami labis na nagpapasalamat dahil sa malaking tulong na inyong ginawa sa lahat ng taga-rito sa nayon ng Pinagsanjan,” wika ni Mang Waldo.“Naku, wala po iyon sa akin hindi niyo na po kailangan gawin ito. Ang nais ko lamang po ay matulungan kayo dahil iyon lang po ang aking makakaya,” saad ko na medyo nahihiya. “Maliit na bagay lamang po ‘yon.” Dagdag ko.Hinawakan ni Aling Siony ang aking kamay dahilan para magtagpo ang aming mga mata.“Hindi iyon maliit lang na bagay sa amin, Binibining Helena. Iniligtas mo kami sa bingit ng kamatayan at ang manatiling buhay hanggang sa puntong ito ay malaking pasasalamat na namin iyon dahil ito la
BUONG gabi ay napuno ng kasiyahan at masasayang tawanan hanggang sa isa-isa nang namaalam ang mga tao at umuwi sa kani-kanilang mga bahay dala na rin ng pagod sa paghahanda ng isinagawang pagpapasalamat at selebrasyon ng gabing iyon.“Binabati ko kayong muli, Helena at Joaquin. Wala kaming nais na hiling kun'di ang masaya niyong pagsasama,” masayang saad ni Aling Hilda.“Maraming salamat po, Aling Hilda. Sa inyong lahat na naghanda para mangyari ang supresang ito para sa akin. Labis po akonh nagpapasalamat sa kabaitang ibinibigay niyo sa amin,” pagpapasalamat kong sabi.“Wala iyon, Binibini— teka, hindi na nararapat sa ‘yo ang tawaging binibini ‘pagkat ngayon ay may asawa ka na,” bulalas ni Aling Hilda.“Ngunit labis naman kung siya'y tatawagin nating ginang sa napakabata niya pang edad,” wika ni Aling Siony.“Naku, ‘wag niyo po alalahanin kung anong dapat i
NAGDAAN ang mga araw na naging mapayapa ang paninirahan namin sa Brgy. Pinagsanjan matapos na umalis sina Don Emilio at Mateo para bumalik sa bayan ng Amadeo. Tumanggi pang sumama si Mateo at gusto magpaiwan ngunit hindi ito pinahintulutan ni Don Emilio sa kadahilanang kailangan siya nito sa pamamahala ng mga Guardia Civil at pagmamanman sa mga ito at baka mayroong pang traydor sa kanilang mga tauhan. Kaya labag man sa kalooban ni Mateo ay sumama siya kay Don Emilio pabalik ng Amadeo. Habang kami nina Joaquin, Doña Celestina, Nina at Lita ay namuhay ng normal at simple sa maliit na tahanan nina Lola Nilda at Mang Prospero ay napagdesisyunan ni Joaquin na magtayo rin ng sariling bahay para sa amin nina Doña Celestina.“Hindi mo naman kailangan gawin ito Joaquin kasya naman tayo sa bahay namin,” dinig kong wika ni Mang Prospero na tinutulungan si Joaquin sa pagbiyak ng mga kawayan sa maliliit na piraso para gawing dingding ng kabahayan.“M
ANG MGA pagtutulungan ng mga ilang kalalakihan kay Joaquin sa pagtatayo ng aming munting tahanan ay napuno ng tawanan na may kasamang masasayang biruan na hindi mawawala lalo na ang palaging pulutan ay si Mang Prospero na wala rin sawang kaka-walkout.“Nakakatuwa naman silang pagmasdan,” wika ni Nina na biglang sumulpot sa aking tabi.Napalingon ako sa kanya na may ngiti sa aking labi. “Sinabi mo pa,” pagsang-ayon kong sabi.“Gan’yan na gan’yan si Kuya Joaquin sa mga taong bayan sa ating lugar, noon magpahanggang ngayon ay wala siyang pinagbago. Ang mga taos-puso niyang mga ngiti at ang busilak niyang puso ay kailanman ay hindi mawawala,” wika ni Nina habang pinagmamasdan namin ang kanyang kapatid sa aming kinauupuan sa lilim ng malaking puno ng narra.“Napakabuting tao ng Kuya mo, Nina,” paglalahad ko.Narinig ko ang malalim niyang paghinga. “Kaya nagtataka ako kung ba
“Helena! Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Teresa sa akin at napatingin din ito kay Nina at maging kay Doña Celestina. “Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit gan’yang ang inyong mga mukha at hindi maipinta? Hindi ba kayo natutuwa para kay Tiyo Raul?” nagtatakang tanong niya sa akin.Wala ni isang umimik sa aming tatlo at nanatiling tigalgal sa aming pagkakabigla. Isang tinig ang pumukaw sa aking huwisyo nang sandaling iyon.“Anong nangyayari dito?” tanong ni Joaquin nang siya'y makalapit sa aming kinaroroonan.Napatingin ako sa kanya na may labis na kaba at takot na bumabalot sa aking katawan. Gustong hilingin na sana hindi totoo ang lahat ng aming narinig ngunit hindi, iyon ang katotohanan na hindi ko alam kung anong mangyayari sa aming lahat. Ang magdadala ng matinding kaguluhan muli sa aming payapang pamumuhay rito. Natatakot ako.“Joaquin…” sabay na tawag namin ni Teresa kay Joaqui